Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Orly Trinidad & Rowena Salvacion (Bangon Na Bayan – DZBB)

ORLY: Okay, nagbabalik si Atty. Harry Roque, Presidential Spokesperson mga Kapuso. Atty. Roque magandang hapon po sa inyo. Si Orly po ito at saka si Weng sa DZBB, Attorney…

SEC. ROQUE: Orly at Weng magandang hapon. Happy New Year sa inyo.

ORLY: Happy New Year po.

WENG: Happy New Year.

SEC. ROQUE: At Happy New Year po sa lahat ng nakikinig at nanonood sa atin. Happy New Year sa buong Pilipinas.

ORLY: Mukhang matagal-tagal ko ring hindi nakausap si Atty. Roque.

WENG: Oo, nakaka-miss din ang boses ni sir eh…

ORLY: Oo… mula noong naging Spokesperson yata kayo, ngayon lang namin kayo nakausap po ni Weng. Kamusta naman po ang inyong sa tingin ay 2018 sa pagiging Spokesperson, Atty. Roque?

SEC. ROQUE: Well sa tingin ko po, tuluy-tuloy naman ang pag-unlad ng ating bansa ‘no. Noong isang taon ay record ang ating paglago ng ating ekonomiya ‘no, tapos noong tinanong ang taumbayan kung sila’y umaasa na mas bubuti iyong bagong taon, halos lahat ng Pilipino eh mataas ang pag-asa na magkakaroon sila ng mas mabuting buhay nitong darating na taon ‘no. At tingin ko naman may basehan ‘yan ‘no, dahil nakita naman natin ang ating Presidente hindi teka-teka, may political will at talagang ginagawa ang lahat para magkaroon ng mas komportableng buhay ang lahat ng Pilipino.

ORLY: Oho… Sa tingin ninyo ba sa 2018, mababago po iyong impression ng—hindi lamang po mga kababayan natin, kundi maging ng mga mamamayan sa ibang bansa patungkol sa illegal drugs operations ng Duterte administration? Kasi ‘di ba, kung hindi maiwawaksi parang kaakibat niyan ay iyong sinasabing injustice… extra-judicial killings na noong mga unang buwan eh… hanggang ngayon eh iyon ang parang… ‘ika nga’y ginagawa, pinipili na maging lamat sa kampanya against illegal drugs ng Duterte administration Atty. Harry.

SEC. ROQUE: Alam mo ang sabi ng Presidente, ang kaniyang tinitingnan, ang kaniyang kinakailangan mapansin talaga eh iyong mga Pilipino – dahil ang nagbigay sa kaniya ng mandato ay mga Pilipino at wala siyang pakialam kung anong sabihin ng mga dayuhan ‘no. At tingin ko naman dito sa latest SWS survey ‘no, na tumaas pa lalo ang trust rating ‘no, approval rating ng taumbayan kay Presidente ng sampung puntos ‘no. Hindi po biro-biro ‘yan sampung puntos na ‘yan ‘no, ‘yan po’y nagpapatunay na ang Pilipino ay suportado ang ating Pangulo hindi lang dito sa kaniyang giyera laban sa droga, kundi iyong iba pang polisiya niya gaya noong independent foreign policy at saka siyempre sa ekonomiya ‘no. So sa atin, well… hayaan mong magngangangawa ‘yang mga dayuhan na ‘yan, basta ang sinisilbihan natin iyong sambayanang Pilipino ay sumusuporta sa Pangulo – eh tagumpay na po tayo.

ORLY: Oo parang… correct me if I’m wrong, pero mayroon din kasing ilan ngang impression Atty. Roque, basta’t involved sa drugs… ‘pag ikaw ay nahuli, parang lahat ng karapatan ibigay sa iyo. Pero iyong mga sinira mong pamilya, sinira mong buhay parang kalimutan na, kasi eh dapat eh pulis ang bahala sa’yo – parang iyon ang ano eh, iyon ang nagiging mensahe rin sa ilan sa ating mga kababayan lalo na iyong mga biktima ng mga drug addict, Atty. Roque.

SEC. ROQUE: Tama po ‘yan, kaya nga po naniniwala ako na patuloy ang suporta ng ating mga Pilipinong kababayan, eh dahil alam nila na lahat ng komunidad natin ay mas mapayapa ngayon at bumaba ang kriminalidad at bumaba talaga ang droga sa ating mga komunidad. At nagpapasalamat sa tingin ko ang taumbayan kay Presidente Duterte, dahil hindi naman nila akalain na talagang magtatagumpay itong giyera laban sa droga. So ang mga maingay ay iyong mga dayuhan na hindi naman nakikinabang doon sa kapayapaan na nasa ating komunidad na.

ORLY: Speaking of mga dayuhan, may pinag-usapan kami ni Weng eh. Mayroon palang bagong award ang Pangulong Duterte (laughs) na “Person of the Year”. Kaya lang doon sa negatibong aspeto when it comes to organized crime group yata o sympathizer, tama ba iyon Atty. Roque?

SEC. ROQUE: Well unang-una, sino ba sila? Ni hindi ko sila naririnig ‘no… Ako’y Presidente ng Asian Society International Law, kasapi ako ng mga kung anu-anong mga international bodies, International President pa… ni minsan hindi ko narinig kung sino ‘yang mga taong ‘yan ‘no. So unang-una, bakit natin papansinin ang ‘di natin kakilala kung sino – nagpapapansin lang siguro ‘yan sa pamamagitan ng pagbibintang kay Presidente, dahil alam nila na baka magkomento. So sa akin bago ako magkomento sa kanila, magkaroon muna sila ng ‘K’… walang mga ‘K’ ‘yan, so walang komento.

WENG: Sir, obviously iyong survey na napakataas ‘no, na kumpiyansa ng taumbayan kay Presidente, nagpalakas ito ng tinatawag na political capital ng Pangulo. Mas magiging matapang ba ang Duterte administration doon sa pag-i-implement noong sinasabing unpopular decision pero necessary para sa reporma na kailangang ipatupad ng administrasyon?

SEC. ROQUE: Alam mo ang Presidente, nakikinig din naman doon sa public opinion ‘no. At kaya nga naniniwala rin siya sa karapatan ng malayang pamamahayag ‘no. So noong nagkaroon nga ng isang survey na nagsasabi na nababahala din ang ating taumbayan sa war against drug na pinamumunuan ng PNP, eh tinalaga niya iyong PDEA para mamuno ‘no. At hanggang ngayon, ang PDEA pa rin ang mayroong pamumunong papel – kumbaga ‘no, lead agency siya dito sa war against drugs. Dahil alam naman niya na bagama’t ito’y isang giyera, kinakailangan mabawasan din iyong collateral damage ‘no. So sa tingin ko po, patuloy ang ating laban sa droga, at sinabi ko na po minsan dahil tayo po ay isa’t kalahating taon nang lumalaban sa giyerang ito, eh siguro naman marami na tayong natutunan ‘no, at gagamitin na natin iyong mga eksperiyensiya natin para mabawasan ang collateral damage.

WENG: May napapag-usapan ba sa Malacañang sir na, kung mayroon mang mga polisiya na dapat i-calibrate para mabalanse iyong sentimyento ng taumbayan at iyong hangarin ng Pangulo na maipatupad iyong mga ‘bitter pill’ sa lipunan natin? kung mayroon man na napapag-usapan, ano po iyon?

SEC. ROQUE: Alam mo naman kasi si Presidente, halos tatlumpung taong naging Mayor ‘yan, hindi na kailangan ‘yang sabihan ‘no. Siya mismo, eh alam niya ang pulso ng bayan – kaya naman pagdating sa survey, eh talagang ang taumbayan nag-a-approve sa kaniyang mga ginagawa ‘no. So isang ehemplo na ‘yan, iyong laban sa droga ‘no na pinigil niya iyong… kumbaga, iyong namumuong takot sa sambayanan na baka mamaya eh sobra-sobra na ang mga namamatay dito ‘no, at ibinalik niya sa PDEA, hindi naman niya binago ‘yan. Bagama’t sinabi niya na puwede na ring makialam muli ang mga kapulisan, kasi mukhang hindi kakayanin ng PDEA dahil kakaunti lamang ang personnel ng PDEA.

Pagdating doon sa laban sa korapsyon, nakita ninyo naman po… actually dapat mayroon akong a-anunsiyo na sisibakin na naman. Ako na po ang—

WENG: Oh, sino ‘yan?

SEC. ROQUE: Ako na po nagdesisiyon na a-tres na ng Enero, dahil ang gusto nga niya, “A-uno i-announce mo,” sibak na naman… Eh sabi ko, “Huwag naman po Mr. President. Pabayaan muna natin mag-Happy New Year iyong sisibakin. Pagdating ng January 3, saka na natin sisibakin.”

ORLY: Taga-PCSO ba ‘yan?

WENG: Ano na lang sir, patikim na lang…

SEC. ROQUE: (Laughs) Bahala na kayo mag-isip (laughs)…

WENG: Is it under the Office of the President or…

SEC. ROQUE: Ah ‘no, ito po laban ng Presidente hindi lang sa droga kundi laban doon sa mga corrupt at mga tiwali sa gobyerno. Sunud-sunod po ‘yan ‘no…

WENG: Isang tao lang ito?

SEC. ROQUE: Eh alam ninyo naman noong nakalipas na buwan, ilan na iyon ‘no – mayroong isa, mayroong PCUP, mayroong Sueño… mayroong Laviña ‘no… Eh iyon nga po eh, isa sa dapat na i-anunsiyo ko eh panibagong sibak… sabi ko saka na muna.

ORLY: Hmm. So tama, January—masyadong maaga, January 3 na para naman…

SEC. ROQUE: January 3 para naman… para naman siya’y maka-media noche… para magagaling na Happy New Year… Oo, tapos—

ORLY: Oo, para maganda bagong taon… Anong departamento ba ‘yan para mahakot niya iyong gamit niya? Anong departamento?

SEC. ROQUE: Akala mo masasabi ko ha… (laughs)…

WENG: Pero isang lang po ito? Isang tao lang…

SEC. ROQUE: Isang tao na naman po ang sisibakin ni Presidente.

SEC. ROQUE: Top level ba ‘to?

SEC. ROQUE: Ay siyempre, wala namang low level na sinisibak si Presidente.

WENG: Aba’y malay mo naman kung… Usec., Usec… iyong mga ganoong klaseng level. Hindi?

SEC. ROQUE: Ay naku, hindi target ng Presidente… gusto niya talaga ang mga matataas para magsilbing ehemplo. Walang maliit na isda, puro big fish ang ginagamit niyang ehemplo, oo…

ORLY: Pasensiya na kayo, kasi hanggang ngayon eh nasa isipan ko pa iyong party ng ano eh… nasa Shangri-La kaya laging nasa PCSO ang sagot ko ngayon eh…

SEC. ROQUE: (Laughs)…

ORLY: ‘Yan po ba’y Presidente, Chairman o bagong Board of Director?

SEC. ROQUE: Sa a-tres po malalaman ninyo.

WENG: ‘Yan… ‘Yan ba iyong ia-anunsiyo mo sa briefing mismo ng 11 A.M.?

SEC. ROQUE: Sa atin pang-kauna-unahang press briefing ng taong 2018. Para naman eh masipagan at ma-excite iyong ating mga kasama sa Malacañang Press Corps.

WENG: So talagang doon mo officially na ia-announce ‘yan, sir?

SEC. ROQUE: Doon po natin a-announce ‘yan.

WENG: Kasama na iyong kapalit?

SEC. ROQUE: Ah, hindi po siguro…

WENG: Ah, too early to tell kung sinong kapalit…

ORLY: OIC muna ang itatalaga ano.

WENG: Oo. Anyway, sir kumusta muna iyong kapalit dapat ni Terry Ridon? Na-contact ninyo na po?

SEC. ROQUE: Naku ang dami ngayong gustong maging kapalit ni Terry Ridon (laughs).

WENG: Nag-a-apply? Nag-a-apply?

SEC. ROQUE: Ang dami po ‘no, at maraming kuwalipikado. Kasi noong narinig nila na galing sa hirap, may puso sa hirap, may kakayanan… eh bagama’t mayroon nang naisip na tao si Presidente na hindi niya naalala iyong pangalan noong pagkakataon na iyon sa Davao, eh marami ring mga nag-a-apply ngayon ‘no na talagang magagaling ‘no. So tingin ko po ay hindi naman po tayo nagkukulang sa mga talento, at talagang may prinsipyo, may paninindigan, mga tao na uupo sa importanteng posisyon ng PCUP.

ORLY: Oo. Sana lang talaga’y maging… ‘ika nga’y akma sa gusto ng Pangulo iyong kaniyang maa-appoint…

SEC. ROQUE: Kaya lang iyong mga papalit eh wala nang junket at kinakailangan hindi ginagawang negosyo ang gobyerno dahil kung gusto nilang magpayaman, doon na lang sila sa pribadong sektor.

ORLY: Iyon din ang napapansin namin ni Weng, kasi ‘pag ang Pangulo nag—kahit naman siguro sinong Pangulo, ‘pag mayroong ia-assign ‘yan, gusto niya iyong simple lang, iyong… huwag mo naman akong talunin sa pagiging magarbo… oo, huwag mo akong lampasan sa bilang ng mga bodyguard. Eh mukhang iyong iba yata talaga pagka sinabing samahan mo ako rito, ang dating ay mukhang ayos…

WENG: Kasama iyong perks…

ORLY: Oo, kasama… Siguro dapat yata ‘pag sinabing… oh halimbawa pipiliin eh si Weng, Attorney ‘no, o Weng pasusumpain ka… isusumpa ka sa ano—ah hindi, pasusumpain ka sa Malacañang, siguro may briefing muna ‘no para sabihin kung ano talaga iyong dapat niyang gawin at huwag niyang gawin bilang miyembro ng Gabinete ng Pangulong Duterte.

WENG: Oo. Pero sir, doon sa mga nagsisipag-apply na kapalit ni Ridon, wala pang napipisil ang Presidente doon o iyong selection committee ng Malacañang?

SEC. ROQUE: Well alam ninyo naman mayroon siyang napusuan, pero wala pa po ‘atang balita doon ‘no.

WENG: Oo, wala pa kayong contact?

SEC. ROQUE: So, tingnan muna natin. Ay hindi naman po sa walang contact ‘no, pero hindi ko pa lang po alam kasi sunud-sunod na aberya ang nangyari eh. Inanunsiyo po ng Presidente iyon sa Christmas party ng Davao Press Corps at a-veinte tres (23) po iyon ‘no. Tapos po sunud-sunod na, at dumating na po iyong bagyong… si Vinta ‘no mga a-veinte kuwatro ‘no hanggang… tapos nagkaroon ng sunog sa Davao. So tingin ko, na-ano lang… naging pre-occupied iyong ating Presidente doon sa sunud-sunod na aberyang nangyari doon mismo sa Davao City ‘no.

ORLY: Okay. Pero parang gusto niyang sabihin kung saan involved iyong kaniyang ahensiya eh. Ah… puwede ninyo bang mabanggit sa amin… (laughs)

SEC. ROQUE: Eh ‘di kapag binanggit ko, alam ninyo na kung sino (laughs)…

ORLY: Hindi… huwag diretsa. Kung halimbawa eh—

SEC. ROQUE: Babayaan ko na munang mag-Happy New Year iyong tao, okay. At pagdating na sa a-tres ng Enero.

ORLY: Okay, sige. Tutal eh, dalawang araw na lang. Sige…

WENG: Sir may mga questions lang ako. Iyong si Cong. Lagman nag-petition sa Supreme Court ‘di ba? Nag-file siya ng petition questioning iyong legality noong martial law extension ng 1 year. Ano po ang take doon ng Malacañang?

SEC. ROQUE: Walang kasawa-sawa naman ‘tong si Cong. Lagman na mag-question sa Supreme Court, eh palagi namang nababasura iyong kaniyang petition. So siyempre, hayaan mo siya… eh talagang gusto niya na palaging nababasura iyong kaniyang petition, eh sino kami para pigilin siya? Kaligayahan niya ‘ata iyon… so hayaan mo siya.

WENG: Ang tawag ho doon masohista (laughs). Masohista daw… oo.

SEC. ROQUE: Kung iyon ang kaligayahan niya, pabayaan mo siya, oo…

ORLY: Ah si Secretary Duque, ay binanggit ang Executive Order No. 28 sa mababang turnout or bilang ng mga biktima ngayon pong… ito, itong nakaraang Pasko at Bagong Taon. Ito ho ba’y nabigyan na ho ba, na-brief na ho ba ang Pangulo na konti lang po ang mga biktima ngayon… mga natitira… iyong iba disgrasya, iyong iba talagang matitigas ang ulo.

SEC. ROQUE: To be more exact, 68% decrease in injuries ‘no and casualties ‘no. Tingin ko po, ito talaga’y dahil pinatupad iyong kaniyang Executive Order na sa designated common areas lang po puwedeng makapagpaputok ‘no. At alam mo sa kauna-unahang pagkakataon doon sa pinagtitirhan ko ‘no, dati talaga grabe ang putukan namin, ngayon tahimik kami, pero kaming magkakapit-bahay maligaya pa rin kasi lumabas kami, nag-torotot kami, nag-sparkler kami at nadiskubre namin… uy, hindi naman pala kailangan maputukan ng… mawalan ng daliri o mabulag para tayo’y maging maligaya.

ORLY: Lalo ka na saka si Mayra, ayaw niyang masyadong maingay sa putukan ‘di ba?

SEC. ROQUE: (Laughs) Actually tuwang-tuwa iyong aking misis na si Mayra dahil sabi niya, “‘Pag ikaw nagpaputok, pi-picture-an kita at ipo-post ko sa Facebook.” Kaya wala tayong paputok… (laughs)

WENG: Ipapadala kay Digong lagot ka… (laughs)

SEC. ROQUE: Isusumbong kita sa amo mo… (laughs)

ORLY: Iyong unang lumabag ng EO 28…

SEC. ROQUE: Pero sa kauna-unahang pagkakataon po, napruwebahan namin na maski walang paputok, eh napakasaya naman po ng ating selebrasyon, hindi lang sa aming pamilya kundi doon sa aming mga kapit-bahay din.

WENG: In short, puwede naman pala… marami lang talagang matigas ang ulo.

SEC. ROQUE: Puwede naman pala…

WENG: At kailangan lang, may political will iyong nagpapatupad.

SEC. ROQUE: Puwede lang—at saka dahil mayroong designated area, napakaganda palang manood ka ng mga bonggang fireworks doon sa designated areas. Kasi kung saan kami malapit, eh mayroon talagang isang malaking designated area, napakaganda palang panoorin.

ORLY: Oo, parang ano ‘no… parang nanonood ka ng Independence Day fireworks sa ano, sa Estados Unidos. Oo, nasa iisang lugar lang kayo. Alright, nakausap ninyo ba—kailan ninyo pala huling nakausap ang Pangulong Duterte, Atty. Roque?

SEC. ROQUE: Alam ninyo po dapat nagkita kami doon sa Marawi ‘no, eh hindi po naka-landing ang ating Presidente sa Marawi…

ORLY: Masama panahon talaga eh…

SEC. ROQUE: Oo, pero nag-usap po kami kahapon… kahapon po nag-usap at pinarating niya sa akin iyong mga mensahe na iyon nga po ‘no, iyong masisibak na naman at saka…well actually mayroon pa rin siyang binabanggit din na uulitin ko naman at nasabi rin niya minsan na sa lahat po ng ating mga kababayan, huwag ninyo pong papansinin ang kahit sinong kamag-anak niya na nagsasabi na pupuwede kayong tulungan sa kahit anong bagay na related sa gobyerno ‘no. So itinawag po ‘yan dahil naririnig na naman niya na maraming mga report na ‘di umano ilan sa kaniyang mga kamag-anak ay nanghihimasok sa mga proyekto ‘no. So ‘ayun para wala nang away noong Pasko, eh pinasabi niya sa akin “Ulitin mo ‘yan, at sinabi ko na ‘yan sa Cabinet meeting, pero warning-an mo lahat na walang authority ang kahit sinong kamag-anak ko…” – anak, asawa, kapatid, pinsan, tiya, tiyo…

ORLY: Iyong pinsan yata, marami akong naririnig puro pinsan.

SEC. ROQUE: Na ano ‘no, walang otoridad ‘yan na pumasok sa kahit anong transaksiyon sa gobyerno sa ngalan ng ating Pangulo. So ngayon po inuulit ko na ‘yan, although uulitin ko uli ‘yan sa January 3.

ORLY: Totoo ba na mayroon siyang… hindi naman inaway, pero pinagalitan na kamag-anak dahil nga sa umuugong na ginagamit iyong pagiging Duterte?

SEC. ROQUE: Well alam ninyo po kasi… iyon nga eh, hindi kami nagkita ni Presidente noong twenty… kailan ba iyong Marawi natin? 23 yata ‘no, oo 23 ‘no… hindi kami natuloy, tapos nag-usap na lang sa telepono ‘no. Pero hindi ko po alam kung ano talaga nangyari sa Davao, pero mayroon sigurong nangyari – kasi out of the blues, eh talagang pina-order niya na sa susunod mong press conference eh warning-an mo ang publiko uli, huwag maniwala sa mga kamag-anak na nagsasabing—

ORLY: Oo, natabunan na because of… doon sa fire doon sa NCCC saka iyong resignation ni Pulong.

SEC. ROQUE: Opo…

WENG: Speaking of Pulong sir pala, paano po iyon… iba-iba kasi iyong thought doon na sino iyong tatanggap, sino iyong mag-i-implement?

ORLY: Malinaw sana… (overlapping voices)

SEC. ROQUE: Oo malinaw po ‘yan sa…

ORLY: 7160 ba iyon, Local Government Code?

SEC. ROQUE: Oo, Local Government Code… kailangan tanggapin po ‘yan ng Presidente.

ORLY: Mayor, City Mayor, Governor and Vice Governor…

SEC. ROQUE: Mayroon pong 15 working days para umaksiyon doon sa kaniyang resignation. Kung walang aksiyon na ginawa ang Presidente, hindi siya accepted. So, 15 working days…

WENG: Okay. So, is the President inclined to officially accept it o hayaan na lang mag-lapse ito?

SEC. ROQUE: Ang sabi niya, siya na raw magsasabi sa taumbayan.

WENG: Ah… pero hindi pa po niya—

SEC. ROQUE: Ito sinabi niya sa akin ‘no, kung anong kaniyang gagawin. Pero sabi niya, “Ako na magsasabi.”

WENG: Ba’t ayaw mo ibulong sa amin?

SEC. ROQUE: So pilitin ninyo ‘ko, kilitiin mo ‘ko. Kulitin ninyo ako (laughs)…

ORLY: Sige na… Attorney please… Attorney please…

SEC. ROQUE: (Laughs) pag kilitiin mo ako, baka ako kumanta… (laughs)

WENG: Hindi sir… so ibig sabihin iyon—sir, ibig sabihin po noon tatanggapin ng Presidente iyong resignation ni Pulong?

SEC. ROQUE: Hindi po, wala akong sinasabi. Presidente po mag-aanunsiyo mismo kung anong desisyon.

ORLY: Ahh it would show though, tatanggap naman niya siguro ‘di ba?

WENG: Siya na nagsabi kay Pulong ‘di ba, na…

SEC. ROQUE: (Laughs) Ewan ko po… Kayo po nagsasabi niya talaga…

WENG: Nakakaloko si sir oh… nasa Malacañang ka na, tikom na bibig mo…

SEC. ROQUE: (Laughs) parang nasa owls ‘no, mas madaling makiliti. Eh kasi hindi kita nakikita sa Malacañang, eh iyon ang problema (laughs).

ORLY: So ganoon na nga—

SEC. ROQUE: Lumipat ka na doon para makiliti mo ako, oh ‘di ba…

WENG: Patay tayo diyan…

ORLY: So ganoon na nga, tinanggap na nga Attorney ‘no, tinanggap na?

SEC. ROQUE: Wala po, wala pa po… Bahala po siyang mag-anunsiyo sa pagpasok ng bagong taon.

ORLY: Oo, alright. Kasi kaya ko tatanong kung kailan niya—

SEC. ROQUE: Bitin na bitin na kayo ‘no…

WENG: Oo nga, nakakadalawa ka na ha…

ORLY: Nakakadalawa ka na… Nag-iisip kami ni Weng, paano ka namin mahuhuli eh. Pero anyway, mamaya darating ‘yan. Kaya ko ho natanong sa inyo kanina kung kailan kayo huling nag-usap, may nabanggit din ba ang Pangulo sa inyo na, “Pakisabi sa media ito ang New Year’s Resolution ko – hindi na ako magmumura…” (laughs)

SEC. ROQUE: Ay, imposible po iyon… (laughs) Hindi po siya si Presidente Duterte kung wala iyon. Ibang tao na po siya ‘pag wala iyon. Trademark po niya iyon, ayaw ko rin iyon (laughs).

ORLY: Pero mayroon din siyang mga ganiyan, may mga gusto rin siyang gawing… every start of the year.

SEC. ROQUE: Well alam ninyo nga, nalulungkot nga ako na hindi kami nagkita noong dapat kami’y magkita ‘no dahil marami talaga akong itatanong sa kaniya. Pero alam mo everytime may pagkakataon na magkita kami, me listahan ako ng mga bagay na kailangan linawin sa kaniya—

ORLY: Oo, pati iyong pagpapa-picture noong apo niya na ano… na naka—nagiging viral ngayon.

SEC. ROQUE: Eh wala naman po iyon eh, pareho lang kami ng sinabi doon na kahit sino naman eh… bayaan ninyo na, apo naman niya ‘no. Hindi na nga niya hinayaang bayaran ng taumbayan iyong pamumuhay ng buong pamilya niya sa Malacañang – ay puwede naman iyon ‘no. Doon na nga lang sila sa Davao naninirahan, eh—

ORLY: Ako nga noong nag—

SEC. ROQUE: Bakit pa natin ipagkakait iyong picture-picture lang ‘no.

ORLY: Oo nga eh. Ako nga noong nag-trunks ako 10 years old, hindi naman nagalit iyong lola ko… Okay. Attorney, wala ka talagang aaminin?

SEC. ROQUE: Wala (laughs)…

WENG: Nakakainis… (laughs).

ORLY: Patapos na tayo, wala ka talagang…

SEC. ROQUE: Enjoy na enjoy ako sa usapan natin…

WENG: Oo nga, kasi nabibitin mo kasi kami eh…

ORLY: Oo nga. Ito na lang… babae o lalaki iyong masisibak?

SEC. ROQUE: (Laughs) ‘Yan po ang tanong ko (laughs)…

ORLY: Hindi mo alam ang gender? (laughs)

WENG: Hindi nga sir, totoo… Hindi ito na lang, iyong tanggapan niya, recently na naging controversial?

SEC. ROQUE: Ay siyempre may kontrobersiya talaga palagi.

WENG: ‘Yan… kasi huwag kayong magpa-party ng 6 million pesos ang gastos…

SEC. ROQUE: Aba ewan ko kung ‘yan iyon… labas na po ako diyan, eh ‘di alam mo na kung anong opisina iyon. Oh ‘di ba… so hindi ko po binibigyan ng kompirmasyon kung dahil ito sa party.

ORLY: Dalawang lalaki, isang babae – o isang babae saka dalawang lalaki… (laughs).

SEC. ROQUE: Kayo talaga oh… Happy New Year na nga, at walang katapusan ang ating kuwentuhan dito. Pero sa lahat, Happy New Year po sa inyo.

ORLY: Happy New Year po. Thank you, sir.

WENG: Thank you po. Mga Kapuso, si Presidential Spokesperson… Spokesman Harry Roque.

###

 

Resource