Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Orly Mercado (DWFM – All Ready)

ORLY: Secretary Harry, good morning.

SEC. ROQUE: Magandang umaga, Ka Orly. At magandang umaga sa mga nanunuod at nakikinig sa atin ngayon.

ORLY: Okay, pakipaliwanag na lang sa amin ang nangyaring reaksyon ng ating Pangulo dito sa report na merong mga tropa ng Philippine Army ang natambangan ng New People’s Army sa Samar?

SEC. ROQUE: Well, siyempre po galit na galit po ang ating Presidente. Kinondena niya iyong pagtataksil na iyan, dahil sang-ayon naman sa batas na umiiral, kapag may labanan ay hindi naman dapat tina-target iyong mga nagkakawang gawa ‘no. At sinabi sa akin kahapon ni Presidente dito sa Naval, Biliran na ito ang dahilan talaga kung bakit pinutol na niya ang lahat ng usaping kapayapaan. Dahil talagang… mala-traydor itong mga NPA na pinagsasamantalahan pa iyong pagdurusa ng ating mga kababayan para isulong iyong mga kanilang—hindi mo maintindihan kung anong kausa iyan.

ORLY: Talagang meron namang mga pagdating ng medical assistance at saka iyong mga ospital, iyong mga ano. Hindi ba iyan eh off limits naman sa labanan?

SEC. ROQUE: Tama po iyan. In fact doon sa International Humanitarian Law, Iyong mga humanitarian purpose po hindi dapat tina-target at iyong ginawa po ng NPA iyan po ay kinokonsidera na isang war crime or in violation of additional protocol 2.

ORLY: In any event, wala nang ceasefire at saka bagsak ang peace talks itong kapaskuhan. We are hoping that despite of that eh wala naman sanang magkaroon ng engkuwentro. Lalo na iyan ang trabaho ng rehabilitation at saka relief ay ongoing pa dahil meron pang isang bagyong darating eh.

SEC. ROQUE: Iyon nga po ang malungkot ‘no, narito pa po kami sa Tacloban, hindi po kami nakauwi kagabi galing Biliran dahil sa masama na iyong ihip ng hangin para sa helicopter at kami ay nag-by land.

Malungkot nga iyong mga taga-Biliran dahil habang sila ay hindi pa masyadong nakakabangon muli dito sa Urduja at may paparating na namang bagyo at panahon pa ng Pasko.

ORLY: Okay, by the way sa araw na ito nakahandang pirmahan ng Pangulo ang tax reform bill?

SEC. ROQUE: Opo, iyong tax reform bill at saka iyong budget for 2018.

ORLY: Ah iyong budget – GAA.

SEC. ROQUE: 11:00 o’clock meron tayong press briefing, meron pong ilang line items dito ang ating Presidente sa kaparehong GAA at saka tax reform bill.

ORLY: Okay, so papunta na rin kayo sa Maynila. By the way ano bang—bago ba itong posisyon ng ating Pangulo tungkol sa same sex marriage, is this a change of position or has it evolved into something?

SEC. ROQUE: Alam n’yo po medyo bago ang posisyon ng ating Presidente. Dati kasi wala siyang tutol sa civil union, pero ayaw niya iyong same sex marriage. Pero nung araw ng Sabado ata iyon, sa Davao eh malinaw na sinabi na sumang-ayon din siya sa same sex marriage.

At sa akin tama naman iyong posisyon na iyan, dahil po ay talagang karapatang pangtao ‘no na piliin kung sino ang gusto mong mahalin at pakasalan.

ORLY: And ito ba ay mangangahulugang magkakaroon ng pagbabago sa ating batas, kasi it has to. Sabi nga ng Presidente we have to amend the law.

SEC. ROQUE: Alam n’yo po si Speaker Alvarez matagal ko nang alam na siya ay sang-ayon sa same sex marriage. Kaya nga lang, ironically ito pong si Congresswoman Geraldine ang nagsasabi na baka hindi pa raw panahon kaya ang isinusulong niya ay same sex union lamang. Pero ngayong nagsalita na nag Presidente, siyempre si Speaker Alvarez bilang namumuno sa Kamara siguro isusulong na niya iyong kanyang panukalang batas na tuluyan ng same sex marriage at hindi lamang civil union.

ORLY: Well, mabigat na isyu ito. This is also a very emotional issue. Pero napapansin ko sa buong mundo napakaraming mga bansa na ang iyon na ang direksyon ng kanilang mga batas.

SEC. ROQUE: Tama po, ang mayorya na ngayon ng mga bansa ay pinapayagan na ang same sex union at ito nga po ay dahil doon sa karapatang pantao na tinatawag nating right of privacy, iyong mga bagay na napaka-personal na hindi pupuwedeng himasukan ng gobyerno at kasama na nga diyan iyong isyu na kung sino ang pakakasalan ng isang tao.

ORLY: At iyong isang importante yata dito ay iyong kanilang—you know, kapag tumatanda na, you know, you care for the aging… decisions that have to be made regarding their health and their finances, hindi ba ganoon iyon?

SEC. ROQUE: Tama po iyon. Pero iyan po sana ay iko-cover ng civil union law. Pero ngayon po dahil same sex marriage na tayo, talagang kung ano ang meron sa mga lalaki at babae eh kung puwede nilang ibigay iyong ganyang mga karapatan sa mga parehong kasarinlan.

ORLY: Okay. Bubuo ba siya ng isang komisyon tungkol dito sa LGBT community rights?

SEC. ROQUE: Gusto niya, dahil gusto niyang mapatindi pa iyong representasyon ng mga LGBT sa pamumuno sa ating gobyerno.

ORLY: Okay. Maraming salamat ha, Secretary Harry Roque. Thank you very much for answering our call.

SEC. ROQUE: Ay maraming salamat Ka Orly at pasensiya na po pagka umingay na iyong eroplano.

##

 

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)

Resource