Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Orly Mercado (All Ready – DWFM)

ORLY:                                                  Secretary Harry, good morning.

SEC. ROQUE:                                   Good morning Ka Orly.

ORLY:                                                  Ay kumusta ang biyahe mo ng MRT at saka LRT?

SEC. ROQUE:                                   Alam n’yo po, malamig naman siya, mabilis, kaya lang talagang masikip dahil kulang po ang bagon, pero ginagawa naman po ng gobyerno ang lahat. Eh kinansel na po iyong kontrata ng BURI, gobyerno na po ngayon ang nagpapatakbo at pilit po tayong kukuha ng maintenance contractor na magbibigay ng sapat na bagon.

Ang problema po talaga kaya nagiging masikip, dahil tulad nung bagong, dahil 27 ang dapat na overhaul na bagon ng BURI, pero dadalawa lang po ang nade-deliver niya. So talagang kulang.

Pero dahil tinanggal na ang BURI at naghahanap ibang kapalit ay naniniwala kami na mabibigay iyong mga karagdagang bagon na kinailangan ng mga mananakay.

ORLY:                                                  Iyang problemang iyan, talagang very complex at saka malalim din ang pinaghuhugutan niyan. Talagang wala namang quick fix iyang problemang iyan pero at the same time, napaka—meron pa ngang bumabatikos sa inyo sinasabi, ‘Eh bakit sumasakay siya ng hindi rush hour para… hindi natikman iyong ano.’

SEC. ROQUE:                                   Eh sa tingin ko po ay talo diyan, pag sumakay tayo ng rush hour, sasabihin masyado tayong nanggugulo. Hindi na nga po tayo rush hour sumakay, marami pa ring nagsabi na nagulo sila. So talagang no win situation po iyan, pero ang kinakailangan naman, dahil ito po talagang isyu ng MRT ito po siguro iyong pinakamaraming beses na naitanong na sa aking mga press briefing.

Kaya nga once and for all nagdesisyon tayo, tingnan natin kung ano talaga ang kalagayan at Ka Orly ayaw ko namang na magalit sa akin iyong publiko pero sa totoo lang po, hindi naman po naging ganoon kasama iyong experience. In fact ang matagal talaga iyong pagpipila lang, kasi mga 15 to 20 minutes ako pumila, hindi na rush hour. So kapag rush hour iyan, siguro aabot iyan ng 30 to 45 minutes na pagpipila ‘no na… kaya naman mahaba ang pilahan dahil kulang ang bagon, bakit? Kasi po iyong nakaraang pagbibinigay ng kontrata sa isang kumpanya na wala pa lang kakayahan na magpatakbo ng mga bagon na ito.

ORLY:                                                  Okay. Ano naman ang comment sa number one news story ngayon, itong resignation ni Undersecretary Cesar Chavez?

SEC. ROQUE:                                   Eh ako po ay wala pa po akong talagang opisyal na natatanggap diyan na kumpirmasyon na siya ay nag-resign na. Eh iyan po ang number one rule po natin sa Palasyo, wala na munang pong komento hanggang wala pa pong opisyal na pagtanggap at wala pa pong opisyal ba aksyon ang ating mga namumuno. Ito naman po ay addressed ata sa DOTr ‘no. So ngayong araw po ay imo-monitor ko kung ano ang magiging desisyon at sasabihin ni Secretary Tugade.

ORLY:                                                  Eh may mga trabaho talagang ano, sabi mo nga no win situation eh. Talagang kahit na anong upo mo, kahit anong gawin mo, damn if you do, damn if you don’t. Pero somebody has to take charge, you know, there’s somebody else to do the job and talagang—Di ba iyon ang nature ng public service, kung tutuusin.

SEC. ROQUE:                                   Tama po iyan at malalaman naman po natin ‘no, dahil alam ko po iyan na biglang nawala si Usec. Chavez, kasi nga dapat kasama ko siya doon sa MRT, kasama kong sumasakay. Eh maganda sana kung nabigyan ako ng briefing doon sa mga issues. Pero nabigay naman po sa akin iyong kanyang power point na ginamit diumano doon sa press conference nung araw na iyon at nakita ko naman po, nabasa ko naman po iyon habang nasa MRT. Pero—sa akin po nanghihinayang ako, kasi talagang alam na alam ni [Under] Secretary Chavez ang problema at ginagawa naman niya ang lahat. Bagama’t talaga namang desisyon po ni [Under] Secretary Chavez iyan na nagpapatunay na talagang meron pa rin talagang mga tao na sabihin na natin na talagang tumutupad sa kanilang katungkulan at talaga namang – ayaw ko sanang gamitin iyong salita, dahil hindi ko pa nga nako-kumpirma ano. Pero kung totoo po ito eh hanga din po ako sa kanya – hanga rin po tayo.

ORLY:                                                  Ano naman ang comment ninyo Secretary sa pagbabalik ng balita, ibabalik ang Philippine National Police sa kampanya ng gobyerno kontra illegal na droga na ngayon ay nasa pangangasiwa ng PDEA?

SEC. ROQUE:                                   Alam n’yo po kagabi, nakikipagpulong ang mga biktima ng Maguindanao Massacre kay Presidente at tinapat po nila na iyong mga pumatay sa kanilang mga mahal sa buhay ay diumano binigyan ng shabu bago nga ginawa iyong karumal-dumal na pagpatay na iyan ‘no, sang-ayon iyan sa isang testigo.

Ngayon, doon ko po tinanong si Presidente, talaga bang balik na tayo sa PDEA [PNP]. Ang sabi niya eh, pinag-aaralan pa rin pala niya. Bagama’t ako po mismo nagdeklara na sa Palasyo na nagsalita na ang Presidente na ibabalik sa PDEA [PNP]… na ilalabas na iyong papel.

Pero ang sabi niya kagabi lang eh pinag-aaralan pa rin niya ng mabuti kung ibabalik na sa PNP. Dahil iyong isang kaso sa Taguig na isang teller ata na karumal-dumal pinatay nung isang adik ay—iyan ang nag-udyok sa kanya na pag-aralan kung talagang kinakailangan na ibalik na sa PNP; kasi alam ngan iya eh napakalaki ng kakulangan sa personnel ng PDEA.

ORLY:                                                  So wala pang opisyal na pinipirmahan at ito ay parang ano muna, parang initial statement lang ng Pangulo.

SEC. ROQUE:                                   Wala pa po. Kasi as of last night nga ‘no—narinig ko rin po iyong earlier interview niya sa television na parang halos done deal na. Pero kagabi po binanggit niya is pinag-aaralan pa rin niya ng masusi ‘no iyong paglipat.

ORLY:                                                  Well, thank you very much, Secretary Harry. Maraming salamat sa iyong pagsagot sa aming tawag. At baka makasabay namin uli kayo sa MRT3.

SEC. ROQUE:                                 Alam ninyo po, talaga naman ako ay nag-i-MRT lalung-lalo na galing airport papunta dati ng Kongreso ‘no, hindi naman natin pinapalaki iyong isyu. At kahapon naman ay medyo nagalit nga ako sa staff ko, kasi ang plano ko naman talaga walang koordinasyon dapat. Eh kasi kung may koordinasyon na iyan, balewala naman iyong pagsakay ko ‘no kung hindi talaga ma-sisimulate iyong actual condition ‘no. So—kaya lang before I knew it, alam na nga ng taga-MRT at sabi na nga si USec. Chavez ang sasalubong sa akin at may takdang panahon. Pero ang ginawa ko kahapon, hindi rin ako pumunta sa takdang lugar kung saan kami magkikita, pumasok ako ng ibang pasukan ng makita ko talaga iyong proseso na dinadaanan ng ating mga kababayan ‘no.

So ako po ay kinakailangan namang gawin iyon, para malaman ko kung ano ang problema, hindi naman po ganoon kasama ang ating MRT. Bagama’t pupuwede pang pagbutihan. At ang sa akin po iyong mga na-inconvenience, paghingi ng paumanhin. Pero tingin ko po tama pa rin ang ginawa ko dahil dapat malaman ng taong gobyerno kung ano ang nangyayari sa mga taumbayan. Maraming salamat po.

ORLY:                                                  Secretary Harry Roque, maraming salamat; ang ating Presidential Spokesman.

# # # # # #

source: PCOO-NIB (News Information Bureau)

Resource