Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Orly Mercado (DWFM – All Ready)

ORLY: Secretary good morning.

SEC. ROQUE: Good morning Ka Orly, kasalukuyang tayo ay nasa Villamor, nag-aantay ng ating eroplano ‘no. Papunta po tayo ngayon ng Tacloban at ng Biliran, kasama ko si Secretary Tugade, Secretary Duque at saka iyong ating acting Secretary ng DSWD. Alas-dos po ang dating po ni Presidente doon po sa Biliran ’no.

ORLY: Kaya mauna na kayo roon.

SEC. ROQUE: Nadale ng bagyong Urduja.

ORLY: So sa kasalukuyan ay nakatutok ang buong gobyerno dito sa—it’s a relatively weak, pero you know, iyong ulan ang medyo may problema, hindi ba?

SEC. ROQUE: Opo. At ayon po sa PAGASA eh parang dalawang buwang ulan ang bumuhos ng isang araw dito sa lugar ng Biliran at Samar area kaya po medyo talagang matindi po iyong danyos na nangyari dito sa mga lugar na ito.

ORLY: Okay. Pag-usapan natin ang iba pang mga isyu. Isa sa mga dahilan kung bakit kami tumawag eh — alam mo naman itong mga hinihingi ng ano — nakausap na ho ba ng Malacañang itong si Efren Peñaflorida na sinasabing itatalaga sa Commission for Urban Poor?

SEC. ROQUE: Lilinawin ko lang po, Ka Orly. Noong Sabado po iyan nangyari dito po sa Davao, ito po ay party para sa Davao media. At ang sabi po ng Presidente ang nais niyang italaga bilang chairman ng CUP ay iyong galing sa mahirap, may puso para sa mahirap gaya iyong isang teacher na may kariton na nanalo ng CNN award. Hindi po pinangalan ni Presidente itong si Efren; pero alam po natin na si Efren iyon. At inutusan pa po niya Special Assistant to the Presidente Bong Go na hanapin nga po itong si Efren para i-alok iyong chairmanship ng CUP. Eh mula po nung Sabado, araw ng Linggo kahapon hindi ko po alam kung nakontak ni Special Assistant to the President Bong Go—

ORLY: Parang nakausap na yata.

SEC. ROQUE: Bagama’t ako po mismo ay nagbigay ng telepono. Pero ngayon po ay iyon nga po medyo ang prayoridad ngayon ay ang Biliran at Samar na sinalanta ng bagyo.

PRLY: Well, talagang there are important functions that have to be done at saka kumikilos na ang gobyerno. Pero hindi natin mai-alis itong maliliit na bagay, minsan nakakainis. Nagtataka nga ako, isyu ba itong nagpalitrato iyong apo ni Presidente, tapos ngayon ay medyo iyon ang pinadedebatehan doon sa social media. Ano ba ang reaksyon mo roon?

SEC. ROQUE: Well, nagsalita na po tayo diyan. Ang sabi ko po ang Presidente sa kanyang pamilya ay meron sanang karapatan na tumira sa Palasyo, kapag sila ay tumira sa Palasyo lahat ng gastos nila diyan ay sagot ng taumbayan. Hindi po ginawa iyan ng Presidente, siya lang po ang nakatira ngayon sa Bahay Pangarap. At huwag naman po nating ipagkait kung ang kanyang mga apo ay gustong mag-picture-picture diyan sa Malacañang.

ORLY: Oo, hindi naman nag-party naman doon, puro ano lang ito, iyon bang pre—merong uso bago mag-debut eh meron silang pictorial. Iyon lang naman yata ang ginawa doon eh, nagpalitrato lang.

SEC. ROQUE: Iyon lang po ang ginawa doon at in fact, alam n’yo po kasi, pag ako ay napipika na sa mundo, ang ginagawa ko umiikot ako ng Palasyo. Noong araw pong iyon, umikot ako ng Palasyo at napansin ko nga nasa pictorial, pero wala naman akong ibang inisip kasi parang tatlong tao lang silang naroroon ‘no, iyong apo ni Presidente at iyong photographer at meron pang isang tao na nag-a-assist. So it was no big deal po ano, nung napansin ko po iyon.

ORLY: Hindi ka ba nag-photo bomb?

SEC. ROQUE: Ay hindi na po. [laughs]

ORLY: [laughs] Mas maganda sana kung nag-photo bomb ka. Eh di mas maganda ang istorya.

SEC. ROQUE: Ako naman po ay nagtatago eh, nag-i-explore lang ako ng room by room dito sa Malacanang. At sabi ko, sige meron akong pinupuntiryang kuwarto nung araw na iyon, kaya hindi ko na masyadong napansin po iyon.

ORLY: Okay, saka na tayong mag-usap kung meron kang mga multong kinakausap diyan kapag nabubuwisit ka na riyan sa mga—[Laughs]

SEC. ROQUE: Iyon po ang aking bagong past time, exploring Malacañang.

ORLY: Sige, Harry. Thank you very much for answering our call. We appreciate it.

SEC. ROQUE: Sige po. At alas-dose po magkakaroon po tayo ng press briefing galing po sa Naval, Biliran.

ORLY: Bago iyan, kung hindi ka pa papanhik sa eroplano. Ano ba ang comment mo doon sa latest question. Kasi iyong aming question for today ay tungkol dito sa patuloy raw na pag-upgrade ng mga construction ng mga Tsino dito sa West Philippine Sea at saka sa South China Sea. Ano ba ang reaskyon ng Malacañang dito?

SEC. ROQUE: Well, nakarating po sa amin iyan pero wala pong kumpirmasyon iyong impormasyon na iyan dahil iyan po ay binigay ng isang mamamayan na sumakay ng isang commercial flight na gamit ang kanyang cellphone. Ni hindi po natin alam kung ano talaga iyong nakunan niya ng larawan diumano ‘no. Kung talagang iyan ay isang isla na disputed. Pero ganunpaman pinorward po natin ang information kay Secretary Lorenzana at kay Secretary Alan Peter Cayetano.

ORLY: Thank you very much, Secretary Harry Roque. Thank you for answering our call.

SEC. ROQUE: Maraming salamat po at magandang umaga po.

###

 

Resource