Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Orly Mercado (DWFM – All Ready)

ORLY: Secretary Harry, good morning.

SEC. ROQUE: Good morning Ka Orly. Good morning sa mga nanunuod at nakikinig po sa atin ngayon.

ORLY: Okay, kausap ko kanina si Leo ng SWS at sinasabi nga merong—mas maraming mga Pilipino ang naniniwalang mas mahirap sila ngayon, pero hindi naman ganoon kalaking numero. But ano ba ang reaksyon ng Malacañang dito?

SEC. ROQUE: Well, siyempre po nakakabahala pa rin iyan. Bagama’t gaya ng sinabi po ni Leo hindi masyadong malaki naman iyong pag-angat. Kung ikokonsidera pa natin iyong margin of error na 3% at saka iyong inflation ng mga 3% din, talagang halos wala naman talagang additional iyan kung tutuusin.

Pero ganunpaman ay tinatanggap na hamon po ng ating Presidente na talagang makarating sa ating mga kababayan iyong gains na meron tayo dahil mas malakas na pag-unlad ng ating ekonomiya ‘no.

Pero bukod pa diyan, Ka Orly, eh iyong perception ng food-poor ay bumaba naman po iyan; so iyan ay mabuting balita naman, na walang kaduda-duda kung bumaba iyon ng kaunti rin. At siyempre po iyong in terms of iyong perception of hunger, dito sa administrasyon na ito at doon sa nakalipas na administrasyon, mas mababa pa rin iyong average ng perception of hunger ngayon kaysa sa nakalipas na admininistrasyon.

Ganunpaman eh gagawin po ang lahat ‘no para makarating nga sa nakakarami sa atin iyong mas mataas na pag-unlad natin. Iyong build, build, build, isang pamamaraan iyan. Tapos mga panukalang batas po na na-certify na urgent ni Presidente; iyong libreng pagkain para sa mga grade school at kindergarten at tayo po ang naghain niyan sa Mababang Kapulungan; at saka siyempre iyong paggamit po sa edukasyon para po maging susi sa pag-unlad ay naisabatas na ‘no iyong libreng tuition nga sa state universities and colleges. At nandiyan na rin iyong libreng irigasyon na maisasabatas na, araw na lang po ang bininilang; at iyong siyempre po iyong paggamit din ng pantaunang budget, na ang dati ang problema ay under spending.

Ang mabuting balita po ngayon ay mukhang wala na tayong under spending, nagastos na po ang ating budget for 2017. At kapag ginastos naman po ang budget, eh magkakaroon po iyan stimulus effect ‘no para lumago pa ang ekonomiya – mas maraming pong pagkain maihahanda sa hapag kainan sa ating mga kababayan.

ORLY: Secretary Harry, ano pa ang reaksyon po ng Malacañang dito sa—eto nakansela naman, buti at nakansela iyong transport strike ng grupong Piston?

SEC. ROQUE: Well, sa amin po ay talaga namang wala na tayong alternatibo, kinakailangan magkaroon na tayo ng modernong mass transport system, ke MRT, ke jeepney, ke bus, eh lahat po iyan ay dapat magkaroon na ng modernization.

Ang sa amin lang po eh kung pupuwede namang makipag-usap wag na pong mag tigil pasada dahil ang naa-aberya lang diyan ay iyong mga mananakay, hindi naman iyong naman iyong gobyerno ang talagang ma-aberya diyan ‘no.

At bagama’t nais na ma-implement ng Presidente sa Enero iyan, eh ang katotohanan naman ang sabi ng DOTr hindi naman mangyayari iyan, dahil kinakailangan ng panahon ang implementasyon na ito.

So hinay-hinay lang po, hindi kinakailangan magkaroon pa ng kahit anong sigalot at makakarating din po tayo sa ninanais ng lahat na magkaraoon ng mas mabuting mga sasakyan para sa mga mananakay.

ORLY: Sa isa pang mga iba pang mga isyu. Kumusta na ba ang budget, umuusad ba, merong mga nagsasabi diyan baka hindi maipasa baka mangyari we will have to just automatically reenacted the past budget. Ano ba ang balita?

SEC. ROQUE: Eh kampante po kami hindi mangyayari iyan. Dahil sa kasaysayan naman ng ating Kongreso ‘no eh mabibilang mo sa kamay mo iyong pagkakataon na nagkaroon tayo ng reenacted budget, kung meron ‘no.

Sa tingin ko po magkakasundo rin ang ating kongresista at mga Senador at pare-pareho naman ang ating pakay, maituloy iyong build, build, build nang sa ganoon ay magkaroon ng mas maraming trabaho at mas mabuting buhay ang ating mga kababayan.

ORLY: Meron po bang reaksyon ang Malacañang sa ngayon eh meron ng sunud-sunod na pag-atake ang mga puwersa ng NPA sa Armed Forces at sa mga police outpost?

SEC. ROQUE: Well, nakakalungkot po iyan, dahil iyon nga iyong nangyari, dahil tinigil na natin ang usaping kapayapaan. Dahil habang tayo ay makikipag-usap naman ng kapayapaan, hindi naman tumigil po, hindi naman humupa ang pag-atake ng NPA.

So sa akin po iyan po ay old news, dahil hindi naman talaga sila tumigil ‘no whether or not meron tayong peace talks.

ORLY: Sa kasalukuyan ay—itong linggong ito, by the way ay magdedesiyon na raw ba nag Pangulo kung i-extend o hindi ang martial law sa Mindanao?

SEC. ROQUE: Eh, kailangan po ‘no, kasi kinakailangan ng consent ng Kongreso kapag magkakaroon ng extension at alam naman natin na magkakaroon na po ng Christmas recess ang Kongreso sa December 15 ‘no.

So kung magre-request po ang Presidente ng extension, kinakailangan po maparating na itong liggong ito o sa susunod na lingo.

ORLY: What is it, I don’t know. I know you cannot second guess your principal, pero ano ba ang masasabi mo. What are the possibilities?

SEC. ROQUE: Ang sabi po ng mga tao on the ground eh, parang ang sabi po ni General Del Rosario ‘no na iyong rebuilding daw po ng Marawi ay mahirap magawa kung walang martial law. Kasi sino nga naman ang papasok doon na mga kontratista kung sila ay natatakot ‘no. So iyan po ay isang input na importante, ito iyong input from the ground doon po sa mga involved sa Bangon Marawi.

ORLY: Thank you very much, Harry. Maraming salamat for answering our call.

SEC. ROQUE: Maraming salamat po at magandang umaga po.

###

Resource