Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Orly Mercado (DWFM – All Ready)

Event Radio Interview

ORLY: Secretary Harry, good morning.

SEC. ROQUE: Magandang umaga Ka Orly at magandang umaga sa mga nakikinig at nanood.

ORLY: Issue ba talaga itong sinasabi ng mga grupo na nagno-noise barrage na ang kanilang demonstrasyon ay para tutulan ang plano ng Pangulo na magtayo ng revolutionary government?

SEC. ROQUE: Kahapon po ay nagbitiw na naman ng salita ang Presidente. Pinasasantabi po niya itong revolutionary government, ang sabi talaga niya ay posibleng lang magkaroon ng revolutionary government kung talagang malala iyong pagtangka na tanggalin siya sa puwesto. Pero ngayon pong walang ganyang pagtangka, sabi ni Presidente, wala po iyan, hindi po mangyayari iyan at malayong-malayo po iyan at malayong-malayo po iyan sa plano niya.

ORLY: So is this a straw man that’s being set up to be knocked down. Ano ba ang—there is no reason bakit nagkakaroon ng ano… our people just trying to make this an issue?

SEC. ROQUE: Eh kasi po ewan ko ba, may mga ilan pong mga supporter na nais magkaroon ng revolutionary government para daw mapabilis ang pagbabago ‘no. Pero sinabi na nga ni Presidente, bagama’t mga supporters niya ay hindi kinakailangan ng revolutionary government dahil hindi naman magiging banta kung siya ay tanggalin sa puwesto. At hindi lang naman mga kaalyado ni Presidente ang nagsasabi niyan, pati iyong mga oposisyon, eh puwede rin sigurong nangangarap sila na magkaroon ng revolutionary government dahil para mawalan ng isyu ang oposisyon ngayon. Pansinin n’yo po, walang isyu laban kay Presidente ngayon.

ORLY: So this is all part of ano—Anyway, kung hindi naman, kusang mamamatay na rin iyan as an issue…

SEC. ROQUE: Opo, dahil ang sabi nila ang revolutionary government daw itatayo sa a-30 ng Nobyembre, eh parang bukas na ho yata iyon, eh di malalaman natin kung merong revolutionary government o wala bukas. Sa tingin ko po talaga, wala po talaga.

ORLY: Anyway, there are many other things that are important. What is critical to the presidency now na talagang pinagtutuunan ng pansin?

SEC. ROQUE: Well, mamaya po patungo si Presidente doon sa Sual, Pangasinan para pauwiin iyong mga Vietnamese na nahuli natin na nangingisda. Ito po ay sang-ayon naman sa pangako ni Presidente noong siya ay bumisita sa Vietnam.

Alam ninyo iyong mga mangingisda for illegal fishing sang-ayon po sa UN Convention on the Law of the Sea, hindi talaga dapat sila kinukulong ‘no at sila naman ay dapat pinapalaya at kinukuha lang dapat iyong mga bangka. So, mamaya po iyan patunay na na good faith ang ating bayan ay palalabasin na iyong mga Vietnamese.

At bukas patungo naman ng Sulu ang ating Presidente, eh related pa rin po ito sa BBL. Talagang napakalaki po ng prayoridad at importansiya na nilagay ng ating Pangulo dito sa BBL bilang pamamaraan para makamit ang mas matagalang kapayapaan diyan sa Mindanao.

ORLY: Kumusta ang posibilidad na magkaroon ng special session? Merong mga senador na nagsasabing mukhang malabo dahil wala pang committee report, wala pa silang pag-uumpisahang pagdedebatehan. Pero what do you think, in terms of practical scheduling. Is that possible before the Christmas break?

SEC. ROQUE: Well, kahapon po narinig ko si Congressman Jun. Siya po iyong head ng committee na nagdidinig nitong BBL. At ang sabi niya hindi na kinakailangang mag-special session dahil they are on track. Ipapasa daw po ng Kamara ang BBL mga Marso sa susunod na taon.

ORLY: I see, so there will be enough time. Pero matagal na ring pinagdebatehan iyan kung tutuusin. That has been discussed at that has been challenged also. Considering the serious issues that have been raised that are mostly constitutional, ano po ang tingin ninyo ang pag-asa ito ay maipasa?

SEC. ROQUE: Well, ito po ay isang bagong version ng BBL. At ang sabi ni Presidente this is all inclusive. Ang tutol nila dati iyong BBL noong panahon nung nakaraang administrasyon ay para lamang sa MILF, kaya hindi katanggap-tanggap sa MNLF, hindi katanggap-tanggap sa Lumad. Pero ngayon po, kasama sa proseso ang MILF, MNLF at mga Lumad at iyan nga po ang dahilan kung bakit papunta bukas si Presidente bukas sa Jolo, Sulu.

ORLY: Okay. Thank you very much, Secretary Harry. Maraming salamat sa iyong pagpapaliwanag ng posisyon ng ating Pangulo nauukol sa mga isyung ito.

SEC. ROQUE: Magandang umaga Ka Orly at maraming salamat po.

###

Resource