Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Noli De Castro – Kabayan, DZMM

Event Radio Interview

NOLI DE CASTRO: Secretary, magandang umaga po.

SEC. ROQUE: Magandang umaga, Kabayan. Magandang umaga sa mga nanonood at nakikinig po sa atin.

DE CASTRO: Ang tawag na ho sa inyo ngayon ay ‘mahal na Harry.’ [laughs]

SEC. ROQUE: [laughs] Harry Potter na lang po.

DE CASTRO: Secretary, eh ipaliwanag nga ninyo itong ‘rev. gov.’ Eh maraming gusto, eh marami din naman ho ang nangangamba, itong tungkol sa revolutionary government. Ano ba talaga ang sinasabi ho ng Pangulo?

SEC. ROQUE: Well, malinaw po ang mga binabanggit ni Pangulo ‘no. Ang revolutionary government ay isang opsyon po kapag naghihingalo na ang gobyerno ‘no dahil sa mga pagtangka na siya ay tatanggalin sa puwesto ‘no—

DE CASTRO: Okay.

SEC. ROQUE: So hindi po niya sinasabi iyan na gagawin niya kung wala namang dahilan ‘no. So ang mga balita-balita nga daw ho ay dapat daw kahapon magkakaroon ng rev. gov., kaya nga po ang sabi ko rin kahapon—

DE CASTRO: Parang in-a-announce kahapon?

SEC. ROQUE: Opo.

DE CASTRO: Okay.

SEC. ROQUE: Ang sabi ko po eh ngayong tapos na ang a-trenta ng Nobyembre eh sana naman eh matigil na iyang usaping rev. gov., dahil kung iyon na nga ang sabi nila ‘no kinakailangan daw magkakaroon daw ng deklarasyon ng a-trenta ng November, hindi nangyari. So tapos na po iyan. Hindi na po iyan isyu. Ang sabi ng Presidente, kung hindi naman naghihingalo ang gobyerno, hindi kakailanganing ang rev. gov.

DE CASTRO: ‘Pag sinabi pong naghihingalo. Anong ibig sabihin noon, Secretary?

SEC. ROQUE: Well ang konteksto po ng sinabi niya iyan, eh iyong mga pagtatangka na sapilitan siyang patalsikin sa puwesto ng mga hindi makahintay ng 2022 na susunod na halalan para sa Presidente ‘no. Pero ngayon naman po eh, Kabayan ‘no—

DE CASTRO: Opo.

SEC. ROQUE: Ang Presidente naman ay constitutional na Presidente, limang milyon iyong agwat niya sa pangalawang pinakamataas na kandidato para sa Presidente. Ang popularity niya napakataas, otsenta porsiyento baka tumaas pa pagdating nitong Disyembre ‘no.

So wala pong dahilan para magkaroon ng rev. gov., dahil ang rev. gov. ang nagdedeklara lang niyan iyong mga walang mandato galing sa taong bayan.

DE CASTRO: Opo. ‘Di ba lagi namang sinasabi niya na kung gusto ninyo akong paalisin, eh ‘di aalis ako?

SEC. ROQUE: Tama po iyan. Ang huling pronouncement niya eh matapos lang iyong pag-a-amiyenda ng Saligang Batas, eh pupuwede naman siyang bumaba na ‘no. Dahil ang nais lang niyang makita iyong pagbabago ng form of government, magkaroon ng federalismo para makinabang naman iyong mga probinsiya doon sa kaban ng taong bayan. At pangalawa, iyong mga probisyon ng Saligang Batas para mapaigting pa iyong kampanya laban sa korapsyon.

DE CASTRO: ‘Pag binanggit ho ninyo na ‘kapag nagiginip ng ang ating pamahalaan’ ibig sabihin ho niyan kapag nagkakagulo na?

SEC. ROQUE: Eh siyempre po kinakailangan—ang sabi niya ‘pag naghihingalo’…

DE CASTRO: Oo naghihingalo, oo naghihingalo.

SEC. ROQUE: So ibig sabihin hindi lang nagkakagulo ‘no kung hindi parang matatanggal na siya sa puwesto; at mukhang napakalayo pong mangyari ngayon iyan.

DE CASTRO: Eh pero kapag nangyari ho iyon eh magulo? Hindi po ba?

SEC. ROQUE: Eh siyempre po ‘no, siyempre po dahil kapag ikaw ay magpapatanggal ng isang duly constituted constitutional government, eh talaga pong gulo iyan. Kaya nga po ang panawagan namin, mayroon pa pong 2022 antayin na lang po natin ang eleksiyon dahil isang taon at kalahati pa lang naman nakaupo ang ating Presidente. Hayaan natin na manilbihan at respetuhin natin ang mandato ng taong bayan na ibinigay kay Presidente Duterte.

DE CASTRO: Oo mayroon pang isang controversial na pinalalaki ho ngayon, iyong ‘shoot to kill’ sa mga miyembro ng NPA?

SEC. ROQUE: Eh ano ba naman ho ang bago diyan? Eh ‘di ba ho krimen naman ang rebelyon.

DE CASTRO: ‘Di armed group ang NPA?

SEC. ROQUE: Opo ‘no at saka mayroon po tayong batas na umiiral kapag mayroong labanan, iyan po iyong tinatawag na international humanitarian law, galing po iyan doon sa tinatawag na second additional protocol to the Geneva Convention. Eh talaga naman pong kapag mayroon digmaan, kapag mayroong labanan, lahat ng mga kasapi sa digmaan eh pupuwedeng barilin ‘pag nakita ng kasapi sa digmaan ‘no.

So wala pong bago diyan, alangan namang sambahin natin iyong isang armadong NPA ‘no at sabihing mahal ka namin eh samantalang siya ay in the process na nag-aalsa at gumagamit ng dahas para matalsik ang ating gobyerno.

DE CASTRO: So linawin ho natin iyong ‘shoot to kill’. Iyong ‘shoot to kill’ kapag may labanan lang between NPA at saka AFP or PNP?

SEC. ROQUE: Iyan po iyong sinabi ng Presidente ‘no. Iyong mga armadong mga NPA ‘no.

DE CASTRO: Ah okay.

SEC. ROQUE: So hindi po lahat ng tao eh babarilin. Siyempre iyong mga kasapi lamang sa nagaganap na rebelyon sa ating bayan eh sang-ayon po sa batas, international humanitarian law eh talaga namang sila ay valid military target.

DE CASTRO: Opo, mayroon ding mga lumalabas na mga balita – para malinawan ho natin kung ito ay fake news o talagang news – na dineklara na raw ni Presidente na terorista ang NPA? Ang Communist Party of the Philippines, CPP-NDF?

SEC. ROQUE: Nagsabi na po ang Presidente na in the process of drafting iyong proklamasyon na iyan ‘no, na magiging terorista ang NPA.

Pero alam ninyo po, hindi po iyan fake news, talagang mangyayari po iyan eventually ‘no. Pero iyan po ay old news, dahil ang NPA naman eh matagal ng na-classify as terrorist group ng State Department ng America at saka ng Europe.

DE CASTRO: Hanggang ngayon hindi pa binabago iyon ‘di ba?

SEC. ROQUE: Opo.

DE CASTRO: Okay.

SEC. ROQUE: Sa Amerika at sa Europa matagal na po silang classified as terrorist.

DE CASTRO: Pero kung Europa ay kasama bakit ho sa Netherlands nandoon pa rin si Joma?

SEC. ROQUE: Well ang pagkakaintindi ko po eh nagkaroon siya ng asylum—

DE CASTRO: Ah okay.

SEC. ROQUE: At saka noong minsan naman eh tinangka rin siyang litisin ‘no para sa murder, hindi lang naging successful ‘no.

DE CASTRO: Opo.

SEC. ROQUE: Pero doon po kasi sa Netherlands eh siguro walang ebidensiya na siya nag-aalsa doon ‘no dahil wala naman siyang hawak na baril sa Europa. So habang hindi siya humahawak ng baril sa Europa eh hindi naman siya maaresto.

DE CASTRO: Ewan ko kung ito ay balita talaga o fake news. Kasi lumabas sa mga pahayagan ngayong umaga na ang mga—na ang National Democratic Front ay nagsabi daw po nanawagan ng frequent attacks sa mga… well of course, siguro sa ating pamahalaan po dahilan dito nga sa nangyayari ngayon sa mga pahayag ng Pangulong Duterte?

SEC. ROQUE: Well unang una iyan po ay malungkot pero iyan po ang consequence na wala na po tayong peace talks ngayon—

DE CASTRO: Oo nga, oo.

SEC. ROQUE: Eh ang problema naman kasi, Kabayan, maski tayo ay nakikipag-usap ng kapayapaan, hindi naman humupa ang atake ng NPA sa ating kasundaluhan. So hindi po iyan fake news, old news na iyan dahil hindi naman talaga sila tumigil na targetin ang ating mga sundalo at ating mga civilian with or without peace talks kaya nga po napika na ang Presidente at sinabi itigil na nga iyang usaping kapayapaan dahil hindi naman nagkakaroon ng kapayapaan.

DE CASTRO: At isa pa, ikukumpirma din ho namin para hindi mapagkamalang fake news. Eh totoo ho ba na pinaaaresto ulit ni Presidente iyong mga miyembro ng CPP-NDF na pinalaya niyang una nung magsimula ang peace talk?

SEC. ROQUE: Well totoo po iyan; hindi po iyan fake news, pero nagkaroon po ng clarification ang Presidente noong makalawa. Ang sabi niya, hindi naman niya siguro ipapaaresto na iyong mga kasing edad na niya na 70 plus on humanitarian ground.

DE CASTRO: [laughs] Okay.

SEC. ROQUE: So totoo po iyan nagkaroon tayo ng JASIG, nagkaroon tayo ng mga passes para sila ay makalaya, para sila po ay makasapi doon sa naganap na peace talks ‘no. Pero ngayong wala ng peace talks, revoked na po iyan at kinakailangang arestuhin silang lahat. Pero nilinaw po ng Presidente bagama’t siya ay suko na at talagang hindi niya nakikita ang sinseridad ng NPA sa usaping kapayapaan, on humanitarian ground hindi na niya ipapaaresto iyong mga 70 plus, mga ka-edad niya.

DE CASTRO: Pero ano ito? 21 na consultant ng NDF?

SEC. ROQUE: Opo, opo. Totoo po iyan ‘no. At lahat naman po iyan ay napalaya dahil nagsimula doon nga naganap na peace talk.

DE CASTRO: Nagsimula ang peace talk, opo, opo.

SEC. ROQUE: Lahat po sila mayroong warrant of arrest. So siyempre po pupuwede na naman silang maaresto muli.

DE CASTRO: Okay. Maraming salamat po, Secretary, at magandang umaga.

SEC. ROQUE: Magandang umaga po, Kabayan.

###

source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)

Resource