Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Maeanne Los Baños (DWFM – Punto Asintado)

MAEANNE: Sir, magandang umaga.

SEC. ROQUE: Magandang umaga po.

MAEANNE: Mukhang nag-init na naman ata si Pangulong Duterte dito naman kay UN Human Rights Spokesman Rupert Colville. Bakit nga ho ba, itong nakikipagsalpukan yata ang Pangulo?

SEC. ROQUE: Hindi po siya nakikipagsalpukan. Matagal na niya pong sinasabi na siya ay mananagot lamang sa taumbayang Pilipino, sa mga Pilipino at hindi sa mga dayuhan.

MAEANNE: Sir, ang sinasabi ng CHR ngayon, parang may mandato daw itong UN Human Rights, itong sila Agnes Callamard na talagang punahin iyong Pilipinas, iyong sitwasyon ng human rights sa ating bansa. Do you agree with that?

SEC. ROQUE: Mali po ang ginawa ni Agnes Callamard noong siya ay nagpunta ng Pilipinas na walang imbitasyon. Ang mandato po ng special rapporteur ay magpunta sa mga imbestigasyon, pero kinakailangan talaga, imbitado siya. Kapag hindi siya imbitado, nanghihimasok siya. Iyan nga ang ginawa niya. Siya ay nagpunta rito na hindi naman imbitado, nagdala pa ng doktor na ang sabi ang droga ay hindi masama sa kalusugan. Iyan po ang ikinagagalit ng Presidente. Kaya nga siya nagdeklara ng giyera laban sa droga dahil pinapatay ang buhay ng tao ng mga droga, tapos sasabihin ng doktor na kasa-kasama ni Callamard ay hindi ito masama sa kalusugan.

So sa akin, lumagay sa tama. Kung gusto niyang tratuhin siyang tama, lumagay ka sa tama ‘no. Alam mo ang masakit na ginawa niya, nagne-negotiate na iyong Pilipinas at saka Human Rights Council sa pagbisita niya, biglang sinorpresa niya ang lahat at sumulpot siya dito at kung anu-ano ang mga pinagsasabi. So, she gets what she deserves. And you don’t pitch, you don’t provoke sovereign who is in power, elected by 16 million people.

MAEANNE: Okay, magandang puntong iyon, sir. Iyong sinabi ninyo, Secretary, na dapat pala … kinikilala naman natin iyong role ng isang katulad ni Agnes Callamard pero dapat pala siya ay iniimbita. Hindi siya puwedeng basta pupunta.

SEC. ROQUE: Ay naku, cardinal po iyan. Huwag siyang mambola dahil ako, alam na alam ko ang karapatang pantao. Mali po iyong ginawa niya. At saka alam mo, kabastusan talaga kasi nagne-negotiate na. Buti sana kung hindi siya ini-entertain, eh nagne-negotiate na ay sinorpresa pa, so parang mali talaga, mali talaga. At saka, alam mo talaga, kaya tuloy ang feeling ni Presidente, kasabwat siya ng oposisyon. Kasi nga talagang kung siya ay may good faith, ba’t hindi niya inantay iyong negosasyon. Naalala ninyo, nag-uusap na sila roon kung ano ang magiging parameter sa imbestigasyon, tapos bigla na lang siyang dumating.

MAEANNE: Ang sinasabi naman ni UN Human Rights Spokesperson, ang sinasabi naman ni Rupert Colville ay ini-intimidate daw ng Pangulo si Callamard, sir?

SEC. ROQUE: Paano siya mai-intimidate eh ni wala siya sa Pilipinas. Ang mensahe: Huwag kang pupunta sa Pilipinas Agnes Callamard at lalayo ka sa Presidente ng Pilipinas.

MAEANNE: Okay, sir, kayo po ay na-appoint bilang Human Rights Adviser. Ano po ang magiging, kumbaga, sakop ng inyong trabaho, sir?

SEC. ROQUE: Well, ako po ay tagapag-advice lamang ng Presidente sa mga human rights issue. Pero ang advice ko dito kay Callamard ay talaga pong mali ang ginawa ni Agnes Callamard. Iyan po ay salungat sa polisiya ng UN Human Rights Council. At hindi naman parang hukuman iyan at talagang imbestigador iyong mga special rapporteur; wala pong ganyang mandato sila. Kaya kinakailangan nila, dahil nirerespeto pa rin ng UN system ang soberenya, kinakailangan pumayag muna iyong bansa na magpa-imbestiga.

Nangyari naman iyan minsan, si Philip Alston hinayaan naman nating pumasok sa Pilipinas para gumawa ng imbestigasyon. Pero talagang wala pong good faith ang ginawa ni Agnes Callamard.
MAEANNE: But, sir, tama ba trabaho niya rin na … sakop talaga ng trabaho niya na pumuna, magbigay ng statement kung feeling niya hindi maganda iyong nangyayari sa human rights situation sa isang bansa and it depends on us kung tatanggapin natin or not?

SEC. ROQUE: Tama po iyan, pero dapat nag-imbestiga muna siya. Pumupuna siya, aminado siya hindi pa siya nakakaimbestiga. Anong klaseng pagpuna iyan?

MAEANNE: Puwede ho ba natin siyang ireklamo, sir?

SEC. ROQUE: Well, isa pong option iyan ‘no dahil dalawang … it’s two sides of a coin – puwede siyang magreklamo, puwede ring magreklamo ang isang sitting head of state. At sa UN system, kapag nagrelamo ang isang sitting head of state ay mabigat din iyan. Ayaw na namin sanang ikunsidera iyan dahil alam ko naman may karera din itong si Agnes Callamard. Alam ko kakilala kong personal iyan. Siya ay batang akademiko, gumagawa ng pangalan para sa sarili niya pero hindi natin hahayaan na gumawa siya ng pangalan para sa sarili niya at the expense of President Duterte. Hindi puwede.

MAEANNE: Teka, malamang alam naman niya, sir, itong sinasabi ninyo na dapat iniimbita siya, bakit siya biglang pumunta dito? Do you see malice in that, sir?

SEC. ROQUE: Ewan ko nga po. Talagang nahibang ho siguro, at saka hindi ko talaga naintindihan dahil alam naman niya ang rules. At saka iyon nga po eh, nagne-negotiate ang kaniyang pagdating. So hindi ko maintindihan, bakit bigla na lang siyang dumating.

MAEANNE: Sir, nakita ng Pangulo iyong pangangailangan sa isang Presidential Human Rights Adviser gaya ninyo. So what does that mean, sir, na talagang siniseryoso niya itong mga reports na ito, itong mga reklamo ng diumano’y mga pag-abuso sa human rights? Ganoon ba iyon, sir?

SEC. ROQUE: Ang problema po kasi, iyong Commission on Human Rights na inaasahan nating itaguyod ang kaparapatan pantao, iniimbestiga lang diumano iyong mga ginagawang pag-abuso ng mga kasundaluhan. Eh paano naman iyong ginawa ng mga Maute, at iyan ang aking pinag-aaralan ngayon talaga. Paano naman iyong International Humanitarian Law, iyong batas na umiiral kapag may labanan na nagpapataw ng parusa sa lahat ng mandirigma kapag sila inabuso ang karapatang pantao ng lahat. Sa akin, basa siguro ‘no dahil ang CHR ay talagang namumulitika eh subukan natin na talagang itaguyod ang karapatang pantao na walang bahid pulitika.

MAEANNE: So you’re filling the gap na tingin ninyo hindi napi-fill in ng CHR, sir, na pagkukulang nila?

SEC. ROQUE: Tama po iyon, tama po iyon. At maraming salamat po, I have to go now.

MAEANNE: Okay, sir, marami pong salamat.

###

Resource