Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Erwin Tulfo (Erwin Tulfo Live – Radyo Pilipinas)

SEC. ROQUE:                                   (Recording starts)… Mantakin ninyo ‘no, may isang antipatika na dayuhan, na bago ako mag-press briefing noong Tuesday ‘no, 11 o’clock kada Monday, Tuesday, Thursday ang aking press briefing, tumawag siya at 10:57… at ang gusto niya ay within the hour daw ako’y magbigay ng aking side ng gobyerno. Sabi ko, “Hindi pupuwede, regular press briefing ko ‘yan, mag-antay ka dahil next hour…” eh press briefing ko iyon ‘no, one hour ang aking press briefing ‘no. At ang sabi pa, “‘Pag hindi mo binigay ng isang oras,” ang sabi niya ay, “Sasabihin ko ayaw mo magkomento doon.

ERWIN:                                              Napakayabang naman…

SEC. ROQUE:                                   Iba ang ayaw sa magkomento, sa hindi kakayaning komento dahil magpe-press briefing. So sabi ko, hindi kita puwedeng bigyan ng mas malaking importansiya kaysa dito sa napakadaming media ng Pilipinas na regular na nagkakaroon ng aking press briefing. Antiparika talaga iyan!

ERWIN:                                              Napakayabang, Secretary…

SEC. ROQUE:                                   Tatlong beses niya na sinabi iyon…

ERWIN:                                              At alam mo ba Sec., ang pinapalabas nila ngayon Sec., nagpadala sila ng mga questionnaires pero hindi sinagot ng Palasyo. Sec., ‘yan ho ang pinapalabas nila…

SEC. ROQUE:                                   Pangalawa, kapalpakan pa ‘yan… kapalpakan pa ‘yan. Oh September 13 daw sila nagpadala, pinadala nila doon sa aking sinundan na si Usec. Abella, anong klaseng serbisyo ‘yan? Eh ako’y naging Spokesperson, November 27 ba’t hindi niya alam? Talagang bad journalism talaga ‘yan.

At pangatlo, ang pinakadahilan kung ba’t sabi kong bad journalism, iyong nirereklamo nilang police station diyan sa Payatas, eh nagkaroon ng order ng writ of amparo ang Korte Suprema. Kapag ika’y nabigyan ng writ of amparo, ibig sabihin dapat bigyan ng proteksiyon iyong mga nagrereklamo; pangalawa, binibigyan ng order iyong police station na imbestigahan at tingnan nga kung talagang mayroong banta sa buhay ng mga petitioners.

Alam mo ang kakaiba dito sa kasong ito, sa kauna-unahang pagkakataon ang gobyerno hindi nilabanan ang petition. Ibig sabihin, sang-ayon ang gobyerno na dapat maibestigahan nga nang malaman kung mayroong banta sa buhay noong mga nagrereklamo sa panig ng police station na isinulat ng Reuters ‘no. So sabi ko, “Eh bakit… anong klaseng journalism ‘yan?” Korte Suprema mismo nag-issue ng writ na ‘yan, bakit wala sa istorya? Tapos sasabihin nila—

ERWIN:                                              Kasi pala pinapalabas nila Sec., na kino-condone ng gobyerno… eh itong—kung may writ of amparo na ito, eh hindi kino-condone ng pamahalaan itong—

SEC. ROQUE:                                   Kaya nga po bad journalism… super bad journalism. Lousy journalism po dahil nandiyan ang desisyon ng Korte Suprema, nandiyan po iyong katotohanan na hindi nilabanan ng gobyerno ng Pilipinas iyong petition at sumang-ayon ang gobyerno. Talagang palpak po ‘yang babaeng ‘yan, kung sino man ‘yan… hindi po ‘yan papasa dito sa Pilipinas.

ERWIN:                                              Alright. Sec., kambiyo ho muna tayo… dito ho tayo sa bagyong Urduja. May mga balita po kasi, may natatanggap na may mga nagugutom daw dito sa Biliran Island, doon sa mga remote naman na mga villages dahil sira ang mga kalsada at sira iyong mga tulay, hindi makarating iyong mga relief ng gobyerno, ng DSWD. Papaano ito, Sec.?

SEC. ROQUE:                                   Ay naku, ang alam ko po talaga nag-order po ang Presidente ng Air Force na mag-airlift dahil po alam niyang matatagalan iyong paged-deliver sa mga remote na mga lugar ‘no. At ang nakumpirmahan ko naman, galing kay Mayor Grace Casil, iyong kaniyang lugar ‘no eh nakakuha siya ng tatlong helicopter sa… na nag-airlift ng mga emergency food packs ‘no. Mayroong 25,000 food packs na dineliver diyan, food ‘yan for 3 days, kada pamilya iyong isang food pack ‘no. So hindi naman po dapat magkaroon ng kakulangan ng pagkain diyan sa Biliran dahil in-order na ng Presidente ang Air Force na mag-airlift.

ERWIN:                                              Ayun… alright. Dito naman po sa bagyong Vinta, ito po’y talagang masinsin na binabantayan ngayon ng NDRRMC; maging ang Palasyo mino-monitor po ang mga pangyayari ngayon diyan sa may lugar pa naman ng Pangulo, sa Davao at CARAGA Region, Mr. Secretary.

SEC. ROQUE:                                   Well, nandiyan po si Davao ngayon po ang Pangulo at siya mismo ang namumuno ‘no sa relief and disaster preparedness ‘no. So huwag po kayong mag-alala, kung dati sagot na kayo ng Pangulo habang siya’y nasa Mindanao, ngayon po nandoon siya mismo sa eye of the storm. Sagot po tayo ng Presidente diyan.

ERWIN:                                              Alright. Secretary Harry Roque, maraming salamat po sir. Magandang hapon.

SEC. ROQUE:                                   Salamat Erwin, at kinakailangan siguro pag-aralin natin ‘yang Briton na journalist na ‘yan dito sa Pilipinas nang malaman niya kung anong tama at propesyunal na journalism. Bulok na journalism talaga ‘yan..

ERWIN:                                              Salamat po. Thank you po… Si Secretary Harry Roque…

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)

Resource