Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Erwin Tulfo – Erwin Tulfo Live, Radyo Pilipinas

Event Radio Interview

SEC. ROQUE:  Magandang hapon Erwin, ating mga tagapakinig magandang hapon po.

ERWIN: Alright sir, mabilisan lang. Two questions. Una po, iyong… alam ko po pinaimbestigahan na ng Malacañang itong sinasabing EJK na naman na pinalabas ng Reuters. Pero kami ho talaga hindi namin nakikita na may EJK doon, dahil hindi po pinapakita iyong suspek, tanging mga pulis lang ang bumabaril. Ano po ang reaksiyon dito sir ng Pangulo?

SEC. ROQUE:  Well alam ninyo naman bilang isang abogado, siyempre hindi maaalis muna na may presumption of regularity—

ERWIN:   Correct…

SEC. ROQUE:  hanggang hindi malinaw na accurate iyang video na ‘yan, at maraming dahilan para magduda nga kung accurate ‘yan dahil pinutol-putol ‘no. Eh hanggang hindi napapatunayan otherwise, eh kinakailangan ang assumption—presumption pa rin na ginagawa lang ng mga pulis ang kanilang trabaho.

ERWIN:  Alright. Next topic sir, iyong tungkol naman doon sa tax reform bill, mukhang inaprubahan na po ng Senado – isa lang ang kumontra, as usual si Senadora Hontiveros. Ano po ang reaksiyon ninyo rito, Mr. Secretary?

SEC. ROQUE:  Well nagagalak naman po ang Presidente ‘no, dahil itong TRAIN (Tax Reform for Acceleration and Inclusion) po ay ang panggagalingan ng pondo para doon sa Build, Build, Build Program ng ating gobyerno ‘no. So ngayong napasa na po ‘yang TRAIN na ‘yan, eh kampante na ang Presidente na meron tayong pondo para sa Build, Build, Build. At kapag nagkaroon po ng Build, Build, Build… ngayon po eh 6.7 na ang ating economic growth, eh ‘pag natuloy pa po ‘yang Build, Build, Build na ‘yan eh baka lumampas pa tayo sa 7% na annual growth.

ERWIN:  Secretary Harry Roque, maraming salamat po sir. Magandang hapon. Mabuhay po kayo, Sec.

SEC. ROQUE:  Maraming salamat Erwin, at magandang hapon po.

 

###

Resource