Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by David Oro & Dexter Ganibe (Dos Por Dos – DZMM)

DAVID:                                                                (Recording starts)… nandito po tayo sa DZMM, David and Dexter. Magandang gabi po.

SEC. ROQUE:                                   Ay, David at saka Dexter, nami-miss ko na asawa mo David ha.

DAVID:                                                                (Laughs) Salamat po, at… well, unang-una hingiin po namin ang inyong reaksiyon sapagka’t… iyong good news na ito, iyong pagbabayad po ng PAL, malaki-laking halaga po ito, Secretary. Bigyan ninyo nga kami ng update dito.

DEXTER:                                             Hindi na natin mapapaabot ito sa Lunes, kasi sabi ni Secretary Roque tuwing Lunes iyong Press Briefing niya eh good news lahat. Ito, Biyernes pa lang may good news na Secretary…

DAVID:                                                                Go ahead, Secretary.

SEC. ROQUE:                                   Well, oo nagagalak po kami na ang PAL po ay nagbayad na ng 6 billion ngayong araw na ito ‘no. Ito po ay (audio distorted)… sa lahat ng kaniyang mga liabilities sa ating gobyerno mula pa noong 1970. Siyempre nagagalak kami dahil 6 billion na naman ito na magagastos natin para sa mga pangangailangan ng ating mga sambayanan. At siyempre nagpapasalamat din po tayo sa PAL dahil pupuwede namang lumaban ang PAL at pupuwede na tumagal pa iyong proseso ng pangongolekta ng 6 billion, pero minabuti na po nilang magbayad at dahil dito po ay makikinabang na ang bayan kaagad dito sa 6 billion na ito.

DAVID:                                                                Uhum. And puwede na ho ba naming malaman kung mayroon po kayong mga—kung kayo po’y nasa kalagayan at may idea ho kayo na, ano-ano ho ba ang mga—nabanggit ninyo ho kasi eh, priority project and priority program po ng ating government. Mayroon ho ba tayong—bigyan ninyo nga kami ng konting hint, ano-ano ho bang mga priority ito na puwedeng mapuntahan ng pondong ito, Secretary Roque?

SEC. ROQUE:                                   Ay iyong 6 billion po ay mapupunta ‘yan sa libreng tuition sa lahat ng state universities and colleges. Mapupunta po ‘yan doon sa ating naapruba nang panukalang batas na libreng pagamot at libreng gamot, iyong universal health care ano. Mayroon din po tayong libreng tanghalian para sa mga kabataan na tayo rin ang nagsusulong niyan sa—nagsulong niyan sa Kongreso ano, at saka iyong libreng patubig na magiging batas na ngayon ‘no. So napakadami po nating mga benepisyo na binibigay sa ating taong-bayan, at siyempre kinakailangan din natin ng pondo para mapondohan nga ‘yang mga proyektong ‘yan. At itong 6 billion na ito, diyan po pupunta ‘yan ‘no – sa libreng tuition, sa libreng pakain sa mga kabataan, sa libreng patubig para sa mga magsasaka.

DAVID:                                                                Eh kamusta naman daw po iyong mga pasuweldo sa mga guro, sa mga karagdagang benepisyo sa mga sundalo, mga pulis at iba pa pong mga manggagawa po ng ating gobyerno, Secretary Roque?

SEC. ROQUE:                                   Well, nakasaad na po ‘no at nakapasok na sa 2018 budget iyong pinangako ni Presidente na dodoblehin ang base pay ng ating mga sundalo ‘no. At pagdating naman po sa mga guro, eh ang mga guro naman po ay kasama sila sa salary standardization ‘no. At in-assure naman kami ni Secretary Briones po na talaga pong ang suweldo naman po ng guro ay mas mataas pa po nga ngayon ‘no sa mga pribadong mga eskuwelahan. At ang problema ngayon, eh nauubos na nga iyong mga teachers sa mga pribadong eskuwelahan at lumilipat sa mga public schools.

DEXTER:                                             Sec., maiba tayo. Doon sa MCC score board. May statement ho kayo kanina, parang sinasabi ninyo hindi—parang hindi kinunsidera ng MCC iyong mga nagawa na ng administrasyon dahil parang nai-focus pa doon sa mga nakaraan itong—iyong ibang hindi tayo pumasa sa scoreboard?

SEC. ROQUE:                                   Oo, ang naging basehan po kasi ng MCC eh iyong mga perception surveys ‘no. At itong mga survey po naman ay ginanap noong 2016, alam naman natin na kakapasok lang ng gobyerno noong Hunyo a-trenta ‘no ng 2016. So kalahating taon pa lang naninilbihan ang administrasyong Duterte noong ginawa ang survey na iyan at siyempre bagama’t nakaanim na buwan sila eh iyon ay period ng transition ‘no. So sa akin, hindi nakapagtataka na iyong anti-corruption na priority ng Presidente na naging dahilan para sibakin niya sa puwesto iyong mga napaka-lalapit niyang mga kaibigan at mga leaders noong election, kasama na iyong hepe-hepe ng Mayor Rodrigo Roa Duterte movement for President at saka iyong kaniyang Spokesperson ‘no, diyan sa NIA ‘no. Eh hindi pa nakonsidera iyan noong mga tao na sumagot noong perception survey—

DEXTER:                                             So parang ang ibig—

SEC. ROQUE:                                   Inuulit ko po—

DEXTER:                                             Oo.

SEC. ROQUE:                                   Oo hindi po ito formal na pag-aaral na ginawa ng World Bank, hindi po ito qualitative kung hindi ito po ay perception survey. So hindi pa nakokonsidera iyong mga nagawa na ng ating Presidente lalong-lalo na iyong mga sumipang mga programa itong taon na 2017. Kasama na iyan iyong pagbubuo ng anti-graft commission at iyong pagse-sisante ng mga taong sa tingin ng Presidente ay hindi naging tapat sa tungkulin, hindi lang dalawang gabinete, mayroon ding mga Undersecretary at iyong latest nga po eh Undersecretary ng DBM na inuulit-ulit niya eh kasama rin niya sa kampanya.

DEXTER:                                             So eh parang sinasabi ninyo po parang hindi dapat i-credit sa kasalukuyang administrasyon iyong mga resulta noong nangyaring—dito sa MCC scoreboard for 2018?

SEC. ROQUE:                                   Siguro po ang sabihin na lang natin eh hindi iyan reflection sa paningin ng taong bayan sa administrasyon ni Presidente Duterte ‘no dahil hindi pa naman talaga nanungkulan sa pamahalaan si Presidente Duterte noong panahon na kinuha o ginawa iyang mga surveys na iyan. Pero kampante po kami na sa mga susunod na taon eh magbabago ang persepsiyon ‘no dahil talaga namang number one po sa agenda ng Presidente ang anti-corruption drive niya ‘no kasama na rin diyan iyong kaniyang war against drugs. So kampante po kami sa susunod na taon eh mababago ang perception at hindi pa po tapos ang lahat dahil naniniwala kami na itong mas mabuting relasyon sa panig ng Pilipinas at ng Amerika ‘no dahil nga sa panunungkulan ni President Trump at ni President Duterte ay pupuwede pang magresulta na makukuha pa rin natin iyang mga MCC grants na iyan.

DAVID:                                                                Eh ‘di maraming-maraming salamat po—

DEXTER:                                             Maraming salamat, Sec.

DAVID:                                                                Secretary Harry Roque sa inyong panahon at well from time to time siyempre makikipag-ugnayan pa kami sa inyo sa mga susunod na mga malalaking balita diyan sa—

DEXTER:                                             Malacañang—

DAVID:                                                                Malacañang na iko-cover din naman ni Dexter Ganibe.

DEXTER:                                             Maraming salamat, Sec.

SEC. ROQUE:                                   Okay, salamat, Dexter at David.

DAVID:                                                                Salamat po. (overlapping voices). Thank you. Salamat po.

                ###

Resource