Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Daniel Razon / Get it Straight / UNTV

DANIEL: Pero welcome back, at least hindi ka na suplado ngayon.

SEC. ROQUE: Ay nako, hindi naman ako talaga suplado, kunwari lang.

DANIEL: Ang hirap-hirap mong imbitahan.
.
SEC. ROQUE: Hindi nakalimutan mo lang ako.

DANIEL: Ang una, hanggang kelan ka ba magiging Spokesperson, kelan ka magre-resign?

SEC. ROQUE: Well, kapag hindi na makaya. At ang aking buhay dito sa Palasyo, pang-araw-araw lamang. I cannot think beyond tomorrow, kung meron pang bukas, kasi alam mo naman dito sa Palasyo.

Unang-una sa trabaho ko, you’re one mistake away, isang pagkakamali, sibak ka diyan. Pangalawa, talagang hindi ko akalain ganito namang nakakapagod.

DANIEL: Pero di ba, marami ka nang pagkakamali?

SEC. ROQUE: Ay meron naman dalawa lang, [laughs] ang nabibilang ko dalawa lamang.

DANIEL: Pero hindi ka pa nasisibak.

SEC. ROQUE: Hindi naman, hindi naman. Kasi ako naman talagang tao lang, kung talagang nagkamali, sabihin ko, oops nagkamali ako, paumanhin, pero patuloy pa rin.

DANIEL: The reason why I am asking is because alam ko tatakbo kang senador.

SEC. ROQUE: Naku, hindi pa ho. Mahirap nga, kung anuman ang plano ko bago ako maging tagapagsalita, lahat iyong nabago. Kasi nga napakahirap nitong trabaho ko, Kuya. Talaga namang… unang-una, hindi ka maka-plano, kasi nga balita, so kinakailangan—

DANIEL: Hindi ba that’s part of the plan, the reason why you became a Spokesperson, why you were taken as a Spokesperson, para i-ready ka sa magiging senador.

SEC. ROQUE: Well, ewan ko kung ganoon ang plano ni Presidente.

DANIEL: But you didn’t talk about it?

SEC. ROQUE: Hindi naman po, talagang ang sabi niya lang sa akin is kinakailangan ko ng isang tao na makakapaghiwatig ng aking mensahe. At sa tingin ko sa mga deklarasyon ko daw sa publiko ay pareho naman kami ng pag-iisip.

Pero sa totoo lang talaga, napakatindi nitong trabahong ito, hindi ko akalain na ganito ito. It’s physically taxing, it’s mentally stressful at talagang hindi ka makapagplano beyond kung ano ang mangyayari bukas.

DANIEL: Pero paanong pareho kayo ng takbo ng isip. Noong isang araw—ito kagaya nito, kay Ranada. Ang sabi mo, hindi dapat ano iyan, hanggang hindi pa nare-resolve iyong sa isyu sa Rappler, dahil meron pa silang apela, puwede pa silang magpatuloy.

SEC. ROQUE: Pareho po kami ng posisyon ni Presidente.

DANIEL: Bakit hindi raw pinayagan nung—hindi pinapasok kahapon.

SEC. ROQUE: Okay, sa iyo. Noong lumabas iyong desisyon sa SEC, marami sa Palasyo na gusto nang paalisin si Pia Ranada. Dahil sabi nila foreigner iyan, doon siya sa FOCAP. Alam mo ba kung sino ang nagsabing huwag muna? Si Presidente. Alam mo kasi iyang Pia Ranada na iyan, tinuturing niya na parang apo. Kaya noong nag-Christmas party iyong Malacanang Press Corps sa Malacanang mismo, kinailangang sabihan pa ako na paghiwalayin na iyong dalawa, dahil na-monopolize niya iyong oras ni Presidente, si Pia Ranada.

Magkasama kasi iyan eleksyon pa, kaya ang turing niya talaga – kahit anong sabihin at isulat ni Pia Ranada – parang sariling apo. Pero talagang ang feeling ni Presidente ay talagang pinagtaksilan siya, hindi doon sa balita na fake news talaga na sinabi niya na si Bong Go daw naghimasok.

Pero kasi matapos lumabas ang katotohanan sa Senado, na iyan nga ay fake news, dahil sinabi na ni dating FOIC Mercado na hindi naghimasok si SAP Go ay nagpipilit pa rin itong si Pia Ranada na iyong mga dokumento raw ay nagpapatunay na naghimasok.

Malinaw na iyong dokumento, pinadala ng PMS sa DND, kasi ganoon ang ginagawa namin, mga tao sa Malacañang, wala naman kaming sariling portfolio. Siyempre kapag may reklamo ipapadala doon sa line department.

DANIEL: So in other words, ang nagpigil talaga, na hindi nagpapasok sa NEB itong isyu na ito, si Presidente talaga?

SEC. ROQUE: Well unang-una, kaya matapos ang desisyon ng SEC lumabas, hindi pa rin pinaalis si Pia Ranada ni Presidente. Pero si Presidente rin ang naging dahilan kung bakit ngayon, hindi na po puwedeng pumasok si Pia Ranada.

DANIEL: So, it is the instruction of the President, talaga.

SEC. ROQUE: It is at talagang—alam mo as a journalist, hindi lang naman puro karapatan iyan. May responsibilidad iyan. Kapag nawala iyong tiwala ng iyong news source sa iyo, hindi ka na kakausapin at iyan ang nangyari kay Pia Ranada.

So natapon ang sabaw, nawalan ng tiwala, bahala ka sa buhay mo ano. Puwede kang mag-cover ng Malacanang, hindi namin pinipigil, magsulat ka ng kahit anong bulok na isusulat mo tungkol sa administrasyon, kalayaan mo iyan, hindi ka nga lang makakapasok at hindi ka makakalapit sa akin at hindi na kita kakausapin. Tinapon ang sabaw.

DANIEL: So, ibig sabihin, iyong talaga ay desisyon na talagang parang—kasi sinasabi na parang nasi-single out siya, talagang sininggle-out na siya.

SEC. ROQUE: Talagang siningle-out kasi nga lumabas na ang katotohanan nagpilit pa rin na hindi daw fake news iyong kanyang isinulat. Malinaw na malinaw na ano. Pati ang Senado nag-conclude na, na walang katotohanan iyong paratang na nakialam si Bong Go.

Kahit sino po hindi pupuwedeng magkaroon ng konklusyon na naghimasok si Bong Go, dahil sinabi na niya FOIC Mercado – hindi nakialam. Hindi ko naman maintindihan itong Pia Ranada na ito, may sariling mundo.

DANIEL: So ibig sabihin niyan, si Pia Ranada ay talagang kahit na ma-resolve pa iyang isyu sa SEC or whatever, hindi na iyon ang dahilan, talagang iba-bar ka na dito.

SEC. ROQUE: Ayaw ni Presidente sa kanya. At kapag ang news source ayaw na sa iyo, wala kanbg magagawa. Hindi ibig sabihin na sinusupil namin ang kalayaan niyadahil lahat naman ng press briefing ko, lahat ng affairs ng Presidente na open to the media ay mapapanuod sa PTV 4 at saka sa Facebook ng RTVM. So doon siya mag-cover, wala nga lang siyang access sa Presidente, kasalanan niya iyon.

DANIEL: Ibig sabihin ay hindi talaga siya papayagan, anywhere in Malacanang?

SEC. ROQUE: Ayaw na ni Presidente sa kanya, full stop.

DANIEL: So, even in the gate of Malacanang, hindi na puwede.

SEC. ROQUE: Puwede siyang pumunta sa gate, kung gusto niya, ano ang mangyari sa kanya sa gate, di magpakainit siya doon. Kalayaan niya iyon, kung gusto niyang magpasunog sa ilalim ng araw, bahala siya.

DANIEL: Pero doon ngayon papasok ang isyu na parang sinisikil iyong mamamahayag.

SEC. ROQUE: Hindi nga. Alam mo iyong panunupil ng pamamahayag, meron ba kaming ipinigil na isulat siya, meron ba kaming sinensor? Kung totoo iyan, di wala nang na-publish ang Rappler. Lahat ng gusto ng Rappler i-publish i-publish nila, kasi tanggap na namin walang mabuting sasabihin ang Rappler.

Bakit? Kasi nga nabuking namin, mahilig pala sa kwarta iyong kanyang amo. Tapos sinabi ng SEC bawal iyan. Ay noong sinabi ng SEC bawal iyang fund raising mo, ang sinabi sinusupil ang karapatan ko. Nasaan ang panunupil doon. Sino ba ang nagsabi sa kanya mag-fund raising siya sa dayuhan, na siya ay isang mass media company.

At kuya ha, doon sa SEC, siya mismo ang umamin, ako ay mass media company. Bakit hindi siya sumunod sa Saligang Batas? Akala ba nila palibhasa peryordista sila, hindi na sila kailangang sumunod sa Saligang Batas.

Hindi ba, bilang isang mamamahayag, kaya nga sila nagbabantay sa gobyerno, para siguraduhin na walang nagba-violate ng batas, pero sila mismo nagba-violate ng batas.

DANIEL: So, what you’re saying is all the information’s, ano iyong kailangan ninyo, hindi naman ipagkakait sa inyo iyan. Lahat nung mga kung anuman iyong… halimbawa, press conference, iyan naman ay nakikita naman sa PTV 4, puwede n’yo namang ilabas iyan, hindi naman kayo pinipigilan diyan di ba?

SEC. ROQUE: Wala kaming gagawin para—magpatuloy na magsulat si Pia Ranada kung gusto niya, wag lang siyang lumapit sa Presidente at nabubuwisit ang Presidente sa kanya.

DANIEL: I see. So in other words, ang Rappler ngayon whether Pia Ranada or Maria Ressa o kahit na sino, basta’t taga-Rappler barred na sa Malacanang.

SEC. ROQUE: Hindi na po pupuwede. Kasi ang tingin ng Presidente, wala na siyang tiwala sa Rappler. Kahit anong isulat ng Rappler, kahit anong katotohanan, eh fake news pa rin ang inilalabas. Karapatan ng Presidente iyon kung sino ang gusto niyang kausapin.

DANIEL: But just the same, kung gusto ninyong magsulat, hindi namin kayo pipigilan.

SEC. ROQUE: Oo, magsulat sila ng magsulat. Kaya naman naninawala ang Presidente na kahit anong pagsusulat nila ay wa-effect naman sa taumbayan. Kung pinaniniwalaan ang Rappler bakit all time high ang acceptance sa rating ni Presidente in the past 28 years. Kahit ano isulat ninyo ng isulat. Kayo lang ang nawawalan ng kredibilidad dahil ang taumbayan hindi naman nagpapabola.

DANIEL: Meron bang aksyon laban naman sa kanila?

SEC. ROQUE: Wala. Hindi naniniwala ang Presidente diyan sa demandahan na iyan. Sa trenta anyos na nasa pulitika ang Presidente… hayaan ang taumbayan maghusga, iyan ang kanyang paninindigan. Kaya naman kahit na anong paninira nila, on top pa rin si Presidente.

DANIEL: So aside from Rappler, meron pa bang iba? Ang mga taga-Inquirer, kumusta naman?

SEC. ROQUE: Hindi naman namin pinabawalan ang Inquirer. Bakit? Hindi naman kasi pinagpilitan ng Inquirer na iyong kanilang fake news, totoong news. Hindi gaya ni Pia Ranada, ano.

In fairness, ako biniktima ako ng fake news, iyong sinabi ko daw na hindi pupuwedeng mag-scientific exploration ang mga Pilipino sa Philippine Rise. Fake news iyon, kasi televised iyong aking press conference, pinakita ko iyong footage, wala akong ganoong sinabi.

In fairness, ang Philippine Daily Inquirer, ipinablish iyong letter to the editor ko. Ako sumulat din ako sa Rappler, kasi iyong panahon na iyon, wala si Pia. Kasi hindi naman palaging nandiyan si Pia, gaya ng gaya lang iyan sa sinusulat ng iba. So sinulat niya uli iyon na nag-fake news na sinabi ko daw about Philippine Rise. Nagpadala rin ako ng letter to the editor, wala naman, hindi naman nila pinablish.

So parang wala talaga silang konsepto ng responsibilidad, ang gusto lang nila, kami lang ang puwedeng magsabi ng katotohanan at wala kaming pakialam kung ano talaga ang pangyayari.

DANIEL: Pero ito ngayong mga isyu na nangyayari diyan sa Malacañang, isa sa mga nagiging usapin palagi ay—kasi kagaya noon, pumunta kayong lahat sa hearing. Ano ba iyon, utos ba iyon?

SEC. ROQUE: Walang utos diyan. Iyan ay pakita na kami ay nagkakaisa at pakita na walang tinatago ang Malacanang. Ako wala akong choice kung pumunta kay SAP Go. Bakit? Ilan lang naman kami sa Palasyong mga Secretaryo. In fact, ang palagi kong kasama talaga – si SAP Go. Alangan naman iyong aking pinakamalapit sa Gabinete, tinatawag ng Senado, hindi ko susuportahan.

Ang pagpunta ko roon ay pahiwatig, naniniwala ako, may integridad si SAP Go, kaya naninindigan ako katabi ni SAP Go.

DANIEL: Pero magkabati na ba kayo ni Mocha talaga?

SEC. ROQUE: Ay hindi ko po alam. [laughs] Kasi ikaw naman Kuya, nung inaaway nila ako palagi mong gine-guest sila rito. [laughs] Akala mo hindi ko nakita iyon ha. [laughs]

DANIEL: Pero pinaimbitahan din kita—kasama ka sa pinapaimbitahan ko, hindi ka lang available that time.

SEC. ROQUE: Paano ba naman ako magiging available, maging tagapagsalita ka ba naman ng Presidente.

DANIEL: Iyon lang, talagang medyo talagang busy lang. Pero—so hanggang ngayon, meron pa rin kayong pinkihan?

SEC. ROQUE: Well, ang tingin ko naman, wala. Dahil ako naman, ever since, hindi ako nagkaroon ng problema kay Mocha. Paminsan-minsan nagugulat ako sa sinasabi niya sa akin, pero all along sa mula’t-mula ako ay niniwala na talaga namang mabuting suportahan si Mocha dahil siya ay nagbagong-buhay at naninidigan ako na talagang iyong kanyang popularidad ay puwedeng gamitin para sa maayos na mga pamamaraan.

DANIEL: So wala naman ba talagang kaguluhan dito… sa loob ninyo?

SEC. ROQUE: Si Mocha at ako wala. Nagugulat nga lang ako minsan, akala ko magkaibigan kami, tapos meron siyang mga padaplis. Pero sa akin, wala iyon.

DANIEL: Did you talk to her about that?

SEC. ROQUE: I always talk to her at I consider her as a very good friend. Sa akin ay naku, hindi ko na iniintindi talaga kung sino ang pupula sa akin. Kasi nakita mo naman, hindi ibig sabihin na palibahasa tagapagsalita ako ni Presidente pinupuri ka palagi ng ka-DDS. Dahil nga iyong mga major bloggers ay hindi mo naman sila pupuwedeng ma-please all the time. So, ako tanggap ko na na sa trabahong ito, ang importante maiparating ang mensahe ng Presidente. Ang Presidente ay hindi nagkakaiba sa aking mga sinasabi at may tiwala sa akin ang Presidente, hanggang doon na lang.

Pero hindi talaga pupuwedeng bigyan ng kaligayahan ang lahat. You cannot please everyone.

DANIEL: Si Sasot nagkausap na ba kayo?

SEC. ROQUE: Na-interview naman ako ni Sasot. Bagama’t dito nga sa programa na aanghang ng mga binitawan niyang salita tungkol sa akin, akala mo hindi ko napanuod iyon. [laughs] But anyway, sabi ko akala ko kamukha ko si Kuyang Daniel, bakit ganoon, bakit wala ata akong depensa roon ha. [laughs]

DANIEL: Kaya nga pinapaimbita kita.

SEC. ROQUE: Hindi mo pa rin ako dinepensahan. [laughs]

DANIEL: [laughs] Nagtatanong lang naman ako o di ba. Pero ano ba ninyo, bakit ba nagkaroon kayo talaga ng matindi—kasi parang kumalas siya as DDS, hindi ba?

SEC. ROQUE: Hindi iyong mga panahon na iyon kasi nagalit sila doon sa deklarasyon ko na pinaninindigan ko iyong kalayaan ng malayang pamamahayag; at ganyan pa rin ang aking paninindigan. Pero ang aking panawagan sa mga kapatid sa media, meron din kayong responsibilidad at ‘wag namang ipe-fake news na nilalabag ang kalayaan, maski walang kinalaman sa kalayaan ang pinag-uusapan.

Doon sa Rappler ang pinag-uusapan doon – fund raising, iyong tinatawag na—iyong Philippine Depositary Receipt, na ayon sa SEC ito ay labag sa Saligang Batas. Paano magiging isyu ng kalayaan iyon? Ang isyu ng kalayaan pag merong salita, pag merong reporting na sinupil. Pag walang ganoon, hindi iyan isyu ng freedom of speech.

DANIEL: But sometimes kasi, you are begging the question. Dahil kagaya noon, alam mo naman kung magbitaw ka ng salita, talagang wala namang nababago doon sa Harry Roque. Na talagang sige, babanat dito—kagaya noon, tungkol doon sa… di ba naging isyu iyong tungkol diyan sa Philippine Rise, dahil nga doon sa pagko-cover.

SEC. ROQUE: Pinake news ako, kasi nga ang linaw-linaw naman noong tape, wala akong sinabi. Ang sinabi ko daw ay hindi raw pupuwedeng mag-conduct ng scientific research ang mga Pilipino sa Philippine Rise. Magpakamatay na lang ako. Labinlimang taon akong nagturo ng international law, alam ko naman kung ano ang ibig sabihin ng sovereign rights, iyan nga ay tanging… exclusive right to explore and exploit, saka exclusive right to conduct scientific research.

Nilinaw ko pa sa press conference ko. Ang tanong kasi, ‘bakit Tsina ang binigyan ng lisensiya?’ Kasi Tsina ang may capital. Tapos nilinaw ko, kapag Pilipino hindi kinakailangan ng lisensya dahil karapatan nila iyon. Ano ang lumabas na fake news, sabi ko daw hindi kaya ng Pilipino na mag-conduct ng scientific research. Ang layo naman noon, naka-tape na at lahat.

Ngayon, in fairness nga, ang Inquirer pinablish ang letter to the editor ko, pero walang erratum, okay na iyon, dahil binigyan ako ng equal space. Ang Rappler walang ginawa, sumulat ako walang ginawa.

DANIEL: Is that accurate, Secretary? Komo Pilipino ba hindi na kailangan talaga kumuha ng lisensiya?

SEC. ROQUE: Wala,wala talagang license doon, because that’s the right of every Filipino.

DANIEL: No, hindi ba kahit naman, halimbawa tayo nandito sa Pilipinas, may right ka na magtayo ng tindahan, kukuha pa rin ng permit.

SEC. ROQUE: Iba iyon, iba iyon.

DANIEL: Are yousaying na sa ganito, wala na talagang permit na kailangang kuhain at walang lisensiya?

SEC. ROQUE: Hindi. Ang pinag-uusapan kasi natin, iyong dayuhan na gustong mag-scientific research sa Pilipinas, iyon talaga kinakailangan payagan ng Pilipinas. Kasi iyong paggagawa ng scientific research ay para sa Pilipino lamang.

DANIEL: Yes. Pero hindi ba kailangan din tayong kumuha ng ano doon. Kahit Pilipino ka, kailangan mo pa ding kumuha ng lisensiya para makapaggawa ka ng research, kasi hindi naman basta anybody can just simply go there and make the research.

SEC. ROQUE: Hindi lisensiya iyon. Siguro mga administrative permits, pero hindi license iyon, dahil karapatan mo iyon. Para yang karapatan ng malayang pananalita dahil meron kang ganyang karapatan, may right kang mag-rally. Pero iyong rally permit, para lang sa time, place and manner. Pero iyong license mo para ikaw ay mag-rally, dahil iyan ay nakasaad sa Saligang Batas.

Ganundin iyong pagko-conduct ng scientific research sa area under our sovereign rights. Ang license mo ay dahil ikaw ay Pilipino, pero siyempre iyong mga permits, pupuwedeng i-regulate ng gobyerno.

DANIEL: But that time, meron na rin talagang ibang naggagawa ng research, di ba.

SEC. ROQUE: Ang dami na, halos mahigit nang—

DANIEL: But you were not informed about that.

SEC. ROQUE: Iyon nga, kasi nga ang tagal na nga kasing na-award sa atin iyang Philippine Rise na iyon, ang dami na pala, mahigit 30 na lang pala. At ang pinakamaraming binigyan ng lisensiya mga Amerikano, dadalawa lang sa Tsina. Pero sa mga Amerikano, parang kung hindi ako nagkakamali, parang 20 something.

DANIEL: So talagang the time that you made that statement, you are not aware na there are already, others are Filipinos, na naggagawa na noon, hindi ba nagpatuloy na. Kasi had it not been for that, hindi ka na sana napasok doon sa ganoong—

SEC. ROQUE: Hindi pero ang tanong kasi, bakit binigyan iyong China ng lisensiya. So ine-explain ko, kung bakit nabigyan ng lisensiya iyong China. So ang konteksyo noon is, bakit nagbibigay ng lisensiya sa mga dayuhan.

So, pero tama ka, kung sinabi nila sa akin na napakadami nang mga dayuhan at ang pinaka-kaunting nakuhang lisensiya ng Tsina, hindi na napahaba ang usapan.

DANIEL: Oo, pero ito ngayon, may bago na naman, nagwi-wishful thinking ka daw doon sa—hindi ba parang may pinuna si Senator Grace Poe with regard doon sa sabi mo na “papasalamatan pa natin ang…” Papano ba ang konteksto niyan?

SEC. ROQUE: Ang kontekto niyan kasi—

DANIEL: ‘Papasalamatan pa natin ang China niyan later on sa itinayo nilang structure dahil magiging atin iyan,’ iyong mga tipong ganon.

SEC. ROQUE: Dahil atin naman talaga iyon, pag umalis naman ang Tsina. Bakit? Nagkaroon na nga ng deklarasyon iyong arbitral tribunal na iyang tubig na iyan kung saan ginawa itong mga artificial islands ay sakop ng ating exclusive economic zone at dahil diyan ay tayo lang ang may karapatan na gumawa ng mga artificial islands. Ibig sabihin, atin talaga iyon.

Kaya lang mapapa-alis mo ba sila ngayon doon? Hindi. Kasi hindi naman natin sila kayang labanan, di natin sila pa-alisin dahil wala tayong sapat na kakayahan sa ating Hukbong Sandatahan.

Pero ang natutunan natin sa kasaysayan iyong mga makapangyarihan walang permanenteng kapangyarihan. Iyan ay lumilipas, at pag lumipas na iyan, atin iyong mga islang iyon, yun iyong sinabi ko. Thank you very much ginawa mo iyan, amin na ito, dahil talaga naman amin itong karagatan kung saan ninyo ginawa.

Walang masama doon. Sabi ko nga kay Senator Poe, libreng mangarap, kung gusto mong bumili ng pangarap, sige may pambili ka, ako wala.

DANIEL: Parang ibig mo lang sabihin dito, kung sakaling dumating na iyong panahon na kaya na namin kayong paalisin, dahil naglagay kay0 ng kung ano-ano diyan—

SEC. ROQUE: Amin, iyan hindi ba.

DANIEL: Pag nakaya na namin kayong paalisin diyan, maiiwan sa amin iyan dahil amin iyan.

SEC. ROQUE: Amin iyan. At saka alam mo sa ating law on property, ganoon talaga iyon. Kapag ikaw ay builder in bad faith and China was a builder in bad faith, dahil alam nila wala silang karapatan na gumawa ng isla roon, talagang mapapasa-atin iyan at hindi tayo kinakailangang magbayad sa kanila. Iyon yung sinasabi ko.

DANIEL: Yeah, but what’s the big fuss? Kagaya nito, nagkaroon ka na ba ng mga experiences na talagang a mountain is being made out of a mole hill?

SEC. ROQUE: Palagi. Kasi alam mo iyong oposisyon natin, hindi makapag-antay. Gusto talaga nilang pababain sa puwesto si Presidente, dahil alam nila iyong VP, si VP Leni kakampi nila. So nangangarap sila.

DANIEL: Hindi ka pa ba sanay sa ganoon?

SEC. ROQUE: Hindi nga. Pero ngayon kasi panahon ng Pebrero, kada mag-a-anibersaryo tayo ng People Power buhay pa rin ang pangarap nila. Sabi ko nga sa iyo libre mangarap. So hayaan mo silang mangarap na pagdating 25 ng Pebrero bababa si Presidente Duterte, pagdating ng 26, hello nandito pa rin si Presidente Duterte. Mangarap ka uli para sa susunod na taon, hindi ba.

DANIEL: [laughs] Hindi kagaya niyan, kasi iyong siopao, siomai mo kotrobersyal na naman. Parang munting mabanggit mo, iyong pagpapangalan ng mga Chinese doon sa mga species, tapos ano iyong ginawa mo?

SEC. ROQUE: Wala naman tayong magagawa. Talaga namang mahilig silang magbigay ng pangalan, hototay, tayo ba nagbigay niyan. Sila naman talaga. Pero ibig bang sabihin noon, sila lang ang merong pag-aari ng hototay; hindi naman totoo iyon. Kaya nga kahit anong pangalan ibigay ninyo diyan, wala kaming pakialam, gusto ko ngang pangalanan iyon – Hermiño Harry Roque feature o hindi ba? Mas maganda naman iyon kesa—[laughs] lagot nanaman ako. [laughs]

DANIEL: Pero ngayon dito kasi sa mga nangyayari sa atin, between China and the Philippines ang isa sa mga binabato kasi, as if parang tayo ay nagho-hold back na ilaban iyong ating—iyon ang nagiging stand ngayon, na para bang pinapabayaan lang natin ang China na gawin kung ano iyong stuff nila and tayo parang todo-pasa na lang.

SEC. ROQUE: Alam mo ang totohanan niyan, iyong panahon in Aquino diyan ginawa iyang mga islang iyan. Nawalan tayo ng teritoryo panahon ni Aquino. Pumasok is Presidente Duterte, meron ng mga islang ganyan, ano ang gagawin natin diyan, hindi naman nating puwedeng padalhan ng warships iyan paalisin ng China, kasi iyong dalawang frigates nga na inorder natin ngayon sa South Korea ay may kontrobersiya pa.

Other than that meron lang tayong isa, iyong Del Pilar, 1950 na bulok-bulok. Paano mo naman mapapaalis ang mga Tsino diyan. So, ang sabi namin nandiyan na iyong problemang iyan, hindi naman kami gumawa niyan. Wala namang talaga magde-deny na nagsimula ang mga Tsino na mag-reclaim at tinapos ang reclamation nung panahon ni Presidente Aquino.

Ngayong narito na kami ano ang gagawin namin, hindi namin matanggal iyang mga isla na iyon. So we will live with the isla. Pero ano ang ginawa ni Presidente? Kumuha ng pangako, wag kang maggagawa ng bagong isla. Wag kang mang-aagaw ng iba pang mga isla na hawak namin.

RAZON: Palakihin mo na lang iyong isla ngayon na mayroon ka.

SEC. ROQUE: Well, diyan ka na lang at huwag ka lang kukuha ng ibang mga teritoryo. But meanwhile, ipagpatuloy natin ang…

RAZON: But will they be true to that?

SEC. ROQUE: So far, they are holding true to their promise. At mag-iisa’t kalahating taon na si Presidente Duterte. At meanwhile, nakikinabang nga tayo dahil mas marami ngayong mga turista na mga Tsino na nagpupunta sa atin, mas maraming mga investments na papasok sa Pilipinas. Ibig sabihin, mayroon tayong pakinabang dahil nakipagkaibigan tayo. Samantala noong panahon ni Aquino, nakipag-away nang nakipag-away, nawalan tayo ng teritoryo, wala tayong nahita.

So bakit tayo makikipag-away?

RAZON: Hindi naman natin kaya.

SEC. ROQUE: Hindi naman natin kaya, at saka wala naman tayong nahihita kapag tayo’y nakipag-away at hindi naman tayo pupuwedeng makipaggiyera. Ang gusto ko nga, siguro iyong mga maiingay, “Sige, makipaggiyera na nga kayo nang mawala na kayo sa mundong ito.”

RAZON: Ipadala sa—

SEC. ROQUE: Sige, mag-hara kiri na kayo, para ninyo ng awa. Do us a favor. Sige, awayin ninyo ang China, mag-hara kiri kayo doon nang mawala na kayo sa mundong ito.

RAZON: Parang ang posisyon kasi talaga dito, we do it in a diplomatic manner by which—kasi parang wala naman tayong choice.

SEC. ROQUE: Hindi sa walang choice, pero may desisyon na. Kahit anong gawin ng Tsina, hindi nila mabubura iyong desisyong iyon.

RAZON: Exactly. But what I am saying, wala tayong—

SEC. ROQUE: So bakit ka pa makikipag-away.

RAZON: —wala tayong choice na mai-implement kasi iyon.

SEC. ROQUE: Ayaw ko kasing sabihing walang choice. Kasi minsan sinabi ko iyan, anong gusto ninyong gawin, sabi, “Ayan oh, wala silang ginagawa.”

Pero ang sinasabi ko nga, ano pa ang gagawin natin, nandiyan na iyong desisyon. Atin ang mga islang iyan dahil iyan ay nakatayo sa ating exclusive economic zone. Ano pa ang argument doon? Walang bisa iyong sinasabi ng Tsina na historic waters, 9-lines, 11-lines, paiba-iba sila minsan. So ayan, ano pa ang gusto ninyo? Wala ngang bisa, di walang saysay iyong inaangkin nila.

Meanwhile, anong gagawin natin? Makipaghidwaan o makipagkaibigan at nasa atin naman iyang ganyang desisyon na iyan pero makinabang tayo ngayon dahil mayroon surplus capital ang Tsina, at maraming mga Tsino na gusto namang makakita ng magagandang beaches at magagandang mga kababaihan—at saka siyempre, gusto nila akong makita… dahil kamukha kita. [laughs]

RAZON: Baka ma-misquote ka na naman doon sa makakita ng kababihan ha, baka sabihin binibenta mo na naman ang mga babae.

SEC. ROQUE: Ewan ko sa kanila. Bahala na nga sila, palibhasa pangit sila. [laughs]

RAZON: Pero ngayon ba, gaano ka-vast iyong nakikita nating benefits that we can get out of the existing or the present relationship that we have with China?

SEC. ROQUE: Ayun. Na-doble na natin iyong ating tourist arrivals dahil iyong doble, puro Tsino. At inaasahan natin iyong investments na talaga kapag pumasok na—alam mo ba, katiting lang ang nakukuha nating Chinese investments kung ikukumpara natin sa Malaysia at sa Thailand.

Pero ngayon na tayo ngayon ay best friends, asahan mo, naku, baka hindi natin magasta-gasta iyong mga investments na manggagaling sa Tsina. Ngayon pa nga lang, iyong ating riles papunta ng Bicol, Tsina ang magpupondo niyan. At napakadaming mga major infrastructure projects na sinagot na ng Tsina.

RAZON: I want to be clear on this: Iyong frigate problem natin na iyan kasi nag-originate, ‘di ba parang panahon ni Presidente Aquino ay mayroon na ito ‘di ba, nagawa na iyong lahat ng proseso. Kasi ang ano lang sa akin dito is iyong naging process ngayon dahil dinatnan na natin ito na, kumbaga, tapos na iyong ibang—

SEC. ROQUE: Tapos na ang bidding. Na-disqualify na nila iyong lowest bidder, pinili na nila ito. Ang palaging ini-insist ni Pia Rañada, ang na-bid lang daw ay iyong barko. Mali. Ang binili natin ay hindi barko. Ang binili natin ay frigate, military warship.

Anong ibig sabihin ng military warship? Binili natin iyong barko, iyong communication, iyong navigation at saka iyong combat system na kinakailangan ay mayroon ding integration. Isang produkto ang binili natin, hindi lamang barko.

Ang pinipilit ni Pia Rañada, kaya tuloy na fake news niya, ay hiwalay daw iyong bilihan doon sa combat system doon sa buong barko. Hindi po. Kasi kapag hindi gumana iyan, ang sisisihin natin ay iyong Hyundai. Kaya nga Hyundai pa rin ang pupuwedeng pumili kung ano iyong ilalagay sa barko kasi kapag hindi gumana iyan, sila ang mananagot. Pupuwede na tayo ay nag-big individually. Pero kapag hindi naman gumana iyan dahil hindi nga compatible sa isa’t isa, iyong inter-operability na tinatawag, sino ang sisisihin natin? Ang sarili lang natin. So ganoon ang dahilan.

RAZON: So ang problem lang dito is iyong frigate deal na iyan, iyong lahat ng process sa bidding, etc., was done during the past administration—

SEC. ROQUE: Correct.

RAZON: But the notice to proceed or iyong notice to… parang kasi ano na ito, implement ‘di ba—

SEC. ROQUE: Iyong notice of award at saka iyong kontrata, panahon na ni Duterte, ni Presidente Duterte.

Now, ang problema naman sa batas ay nakasaad iyong mga kadahilanan para hindi ka mag-issue ng notice of proceed. Ano iyan? Iyong hindi na kinakailangan iyong binibili. Hindi naman totoo iyon dahil mayroon nga tayong hidwaan. Sinasabi nila, wala tayong ginagawa, alangan namang hindi natin kunin iyong frigate eh kailangan na kailangan nga; O kaya nagkaroon ng sabwatan iyong mga bids and awards committee para i-award ito. Wala naman kaming nakitang sabwatan.

Although, iyong Aquino administration ang nag-disqualify sa lowest bidder talaga, iyong isang Indian company. Pero nakita naman namin na, at least, si Secretary Lorenzana has something about iyong… basta iyong maximum contract na capability ng kumpaniya ay parang tumanggap na sila ng apat atang frigate na order sa India so hindi sapat ang capital nila para pondohan itong proyektong ito. So na-disqualify iyong lowest bidder.

So since wala namang collusion at kinakailangan ng frigates talaga, sa batas, hindi ka pupuwedeng hindi mag-isyu ng notice of award dahil madedemanda ka naman.

RAZON: So you’re saying that the frigate deal, nagawa natin iyong due diligence dito lahat?

SEC. ROQUE: Wala naman kasing dahilan para hindi iisyu iyong notice of award. Kaya bagama’t ang nag-conduct ng bidding ay nakalipas na administrasyon, sila ang nagdeklara dito sa Hyundai na lowest, most responsive bidder, walang dahilan para hindi i-proceed ang notice of award at hindi pirmahan ang kontrata sa ilalim ni President Duterte.

RAZON: Kasi kagaya ng mga ina-argue ng mga nag-o-oppose nga dito, na sinasabi na hindi ang Navy ang pumili, etc., etc., may reasons na bakit sinasabi nila na hindi dapat ito talaga itinuloy. Iyon ba ay nakalkal ba natin iyon? Sino ba talaga ang pumili? Tama ba talaga ang pagkakapili dito?

Kasi parang iyong sinasabi po ninyo ngayon ay doon sa mga ibang mga aspects, lusot na, wala na tayong problema. That’s the reason we are obliged. Parang ganoon ang sinasabi ninyo na wala tayong paraan para pigilin pa ito, but to award. Or parang mayroon tayong lalabagin naman kung hindi natin ia-award, ito kailangan pa din naman natin.

SEC. ROQUE: Correct.

RAZON: But did we look at that aspect na sinasabi ng mga kumukontra na, iyon nga, hindi pinili ito ng Navy, hindi ito iyong kailangan talaga natin or things to that effect.

SEC. ROQUE: Well, alam mo kasi, noong nag-bidding tayo pagdating doon sa combat sytem, ang sabi ng Hyundai, dalawa ang puwede naming ibigay sa’yo: Isang Nike, isang Adidas. Now, ang tanong naman natin bilang isang bibili, wala kaming pakialam sa brand basta rubber shoes iyan. Pareho bang rubber shoes iyan? Oo, parehong rubber shoes.

So, in-award natin ang kontrata na ang sabi ng Hyundai, puwede kong ibigay ang Nike, puwede kong ibigay ang Adidas; kasi ang hinihingi natin ay rubber shoes. So ngayon, sabi natin, between Adidas and Nike, ikaw ang mamili kasi ikaw naman ang ibibigay mo sa amin ay hindi lang barko kung hindi barko na mayroong combat system na dapat gumagana at compatible doon sa navigation at communication system. So iyon po iyong sitwasyon. Pareho silang pre-qualified – Hanwha or Tacticos.

Pero eventually, dahil ang mananagot kung hindi compatible ang system – computer system kasi ito – kung hindi compatible ang computer system, ang mananagot ay iyong Hyundai, hinayaan natin silang pumili kung ano iyong compatible sa kanila. Siyempre Koreanong company sila, ano ang magiging compatible sa system nila: Isang Dutch product o isang Korean product? Siyempre iyong Korean product.

RAZON: But the thing there is, iyong pagkakagawa ng ating due diligence. Kasi parang ang isang pinu-point nga diyan, una ay mayroong problema iyong kumpaniya, na sinasabi nila na doon sa Korea, ito ay may—although, of course, ang katuwiran natin diyan ay hindi naman sinasabi diyan … or we have to know kung iyong extent ba ng decision na iyon ng korte sa kanila na hindi sila puwedeng makipag-deal sa other state ay nasasakop dito sa atin sa PIlipinas. But did we go over that?

SEC. ROQUE: Well, ang problema kasi, sa bidding ay may mga stages. Iyong sinasabi mong issue doon sa kaso nila ay iyon iyong post-qualification. Kapag kasi ikaw nadetermina na ikaw ang post-qualified, hindi ka na pupuwedeng bumalik at sabihing, ‘Ay mali kami. Dini-disqualify kita sa post-qualification.’ Dumaan na ito sa proseso.

RAZON: (UNCLEAR) kasi nakalagpas na.

SEC. ROQUE: Oo nga, tapos na kasi iyon. In fact, kaya ang tawag dito ay post qualification kasi na-bid na. Nabuksan na kung magkano ang bid. At ang lumabas nga doon, iyong natalong bidder ang lowest. Kaya lang na-disqualify sila kasi napakadami na nilang proyekto, wala na silang sapat na capital para gumawa ng dalawang frigates para sa atin kaya sila na-disqualify. Pero doon din sa tinatawag na post qualification, tiningnan din kung mayroong iba pang balakid para ma-award sa mga kumpaniya. At pinasa naman ng gobyerno ni Aquino iyon.

So ang sinasabi ko, kapag natapos na iyong post-qual stage, hindi ka na pupuwedeng bumalik doon kasi dineklara ka na, past fail lang iyan.

RAZON: So ibig sabihin, hindi na natin puwede iyon—

SEC. ROQUE: Kalkalin.

RAZON: Halimbawa, nakita natin, ‘Oh, teka muna, may problema pala itong company na ito kahit na pasado na sila sa pre-qual, post-qual,’ nakalagpas na stage na iyon. And then we found out, ito na ang bagong administrasyon, we found out, ‘Teka, may problema ito… Why award this dahil may kaso pala ito sa Korea.’

SEC. ROQUE: Ang punto is dapat kung may problema talaga, hindi sila pinasado doon sa post-qual, dapat sinabi fail at ang dapat na nangyari nagkaroon ng failure of bidding.

DANIEL: Paano kung hindi nga nila nakita iyon?

SEC. ROQUE: Well, hindi ko nga alam, kasalanan nila iyon. Pero pagdating naman ng Presidente—ng administrasyon ni Presidente Duterte tapos na iyong stage na iyon. Alam mo nandoon na tayo sa stage na nagkaroon na ng declaration kung sino iyong lowest most responsive bidding. At mayroon ng rekomendasyon na ibigay iyong kontrata dito sa Hyundai.

DANIEL: So we did not know that talaga?

SEC. ROQUE: Hindi at hindi na tayo pupuwedeng bumalik kasi ‘pagdating doon sa punto na mayroon ng recommendation, nakasaad sa batas malinaw, kung ano lang iyong mga basehan na hindi ka magpo-proceed sa notice of award. At hindi naman sakop iyon doon sa mga enumerated na mga pagkakataon na pupuwede ng mag-refuse kang mag-issue ng notice of award.

DANIEL: Kaya hindi ninyo na din binalikan iyon?

SEC. ROQUE: Hindi na pupuwedeng balikan kasi; pinasa na kasi ng Aquino administration.

DANIEL: Kaya kahit na may problema doon sa pagkakapasa noon dahil mayroon silang hindi nakalkal, hindi nila nalaman iyong kaso—

SEC. ROQUE: Hindi na puwedeng balikan iyon. Kaya nga ang sinasabi namin kung may palpak iyan, palpak ang Aquino administration. Alam mo pati iyong issue na dapat nga ba na tunay na ma-disqualify iyong lowest bidder kasi 700 million pesos more itong second bidder. Iyan at isyu na hindi na puwedeng balikan eh pagdating doon sa punto na mayroon ng recommendation na mag-issue ng notice of award.

DANIEL: So you are saying tied na ang kamay natin doon talaga?

SEC. ROQUE: Tali, kaya nga may mga ibang nagsasabi na midnight deal ito kasi alam naman natin na iyong bidding process ay halos sabay noong panahon ng election. Kaya lang ito hindi nasakop ng election ban, hindi daw kasi ito infrastructure projects. Iyong pinagbabawal ng Omnibus Election Code ay iyong pag-i-implement ng mga infrastructure project at hindi naman daw ito kalye kaya nagpatuloy.

DANIEL: Paano iyon, Secretary, kung halimbawa aside from this—halimbawa, may mga naiwan silang ibang mga ganoon na parang tipong midnight deal ano. Tapos nasa—naiwan sa present administration ngayon iyong pag-a-award and everything. We are saying na tali ang mga kamay natin sa lahat ng ganoon and we cannot do anything about it anymore?

SEC. ROQUE: Napakadami kasi niyan. Ako ipagtatapat ko sa iyo itong isang bagay na ito. Rini-retain ako ng Davao City government noong panahon ng eleksiyon para itigil iyong isang PPP project ng modernization ng Sasa Port sa Davao. Kasi tinutulan talaga iyan ng City Council ng Davao pero pinapatuloy ni Mar Roxas noon. Iyong facts niyan is 4 billion lang ang dapat na-cost ng modernization, pinipilit ni Mar Roxas noong mga panahon na iyon 18 billion. So alam ni Pangulong Duterte na fundraising iyan Liberal Party. So ang ginawa namin ginulo namin para hindi pumunta doon sa proseso at hindi matuloy iyong proseso na dumating doon sa recommendation na dapat mag-notice of award na.

So dahil nagkaso kami, napigil namin, hindi umusad, ni hindi nagkaroon ng call for proposals. Pero hindi naman lahat ng proyekto ay nabantayan. Ito nabantayan ito dahil biro mo magpa-fundraising doon mismo sa balwarte ng Presidente, Davao City.

Pero ito hindi na ito nabantayan. So ‘pagdating diyan dahil tumuloy at nagkaroon ng recommendation, nagkaroon ng declaration kung sinong lowest most responsive bidder, tali na ang kamay mo.

DANIEL: So we are saying mas marami pa ito

SEC. ROQUE: Posible, kasi ito ay pangalawang alam ko na na midnight deal.

DANIEL: So papaano iyon, mayroon bang isang grupo na nagre-review on this? And how vast can this go? Kasi kung parang ganoon na tali ang kamay natin na sinasabi ninyo, with all of these things na iniwan nila pagkatapos ikaw naman ang naka-commit, parang ikaw ngayon ang magiging culprit dahil parang ikaw ang nagpatuloy—

SEC. ROQUE: In fairness, kasi si Presidente nagkaroon ng desisyon: Wala akong intensiyon na ipakulong iyong aking sinundan na Presidente. In fact sa Dengvaxia ay sinasagot pa nga ng Presidente ay gagawin ko rin iyong ginawa nila. Pagdating doon sa Mamasapano, sasabihin ni Presidente, hindi naman magsa-succeed iyong prosecution na iyan.

So walang masamang tinik si Presidente, hindi kagaya noong mga nakalipas na presidente na pagpasok nila, talagang gusto nilang ipakulong. Pero ngayon sa mga pangyayari sana magbago isip ni Presidente, ipakulong na niya.

DANIEL: [laughs]

SEC. ROQUE: Wala namang kuwenta ‘di ba? [laughs]

DANIEL: Hindi pero ang—hindi ang aking point ngayon dito, Sec., is iyong maraming maaari pa na kasunod itong frigate na kapareho ng sitwasyon that you are saying, our hands are tied parang we can’t do anything about it but we just let it proceed if we think that it is really needed. Kasi ang problema whether it is faulty or somewhere along the way may problema, ay wala na tayong puwedeng gawin. Is that what you are saying?

SEC. ROQUE: Ang sinasabi ko, ang Presidente hindi bengador. So he gave the past administration the benefit of the doubt. He gave them the presumption of regularity. Ako mismo, ang personal na pananaw ko, dapat hindi. Kaya lang siyempre desisyon iyan ng Presidente. Hindi ko siya mapupulaan, kasi ang sabi nga niya, ‘bakit ba gusto niyang mamumulitika, hindi naman ako tatakbo na.’ So sa akin kahanga-hanga iyon. Pero kung ako siya, naku habulin na niya ng habulin.

DANIEL: Pero marami po iyan?

SEC. ROQUE: Tingin ko marami pa iyan.

DANIEL: Marami pa itong—

SEC. ROQUE: Iyong Wawa Port nga kung hindi ako nagdemanda,‘di natuloy iyan. Magkanong fundraising ang dapat nakuha nila diyan, 10 billion more than what was recommended. Saan gagamitin iyon? Obviously gagamitin mo iyon sa eleksiyon. Pero iyon naabatan namin sa pamamagitan ng pagdemanda.

DANIEL: Well before I go to a break. Kayo po ay tumutulong sa mga biktima ng Maguindanao massacre for the longest time since it started. And we have seen that, dahil kasama iyong ating team diyan sa mga… namatayan tayo diyan ng apat nabaon—doon sa Maguindanao massacre. And kayo noong panahon ng nakaraang mga administrasyon gigil na gigil kayo dito, talagang ang sigaw ninyo labas ang litid ninyo kapag sinasabi ninyo na napakabagal nitong nangyayari ditong proseso sa atin.

Kami na lang ho iyong natitirang nagka-count down dito sa UNTV ng tungkol dito sa ating hinahanap na katarungan para sa biktima ng Maguindanao. And you being there now as the Spokesperson of the President can do a lot of things to speed this up. I believe so because you can always like follow it up dahil nandoon naman kayo.

Ano ho iyon natulog na rin kayo? Before you answer that, we’ll pause for a break. Magbabalik po kami. [Applause]

(COMMERCIAL BREAK)

DANIEL: Ito ang programang bawal ang pikon. Kasama pa rin po natin si Secretary Harry Roque Jr., ang Presidential Spokesperson. Of course, kagaya ng tinatanong ko po ay noon ang ingay-ingay ninyo noong wala pa kayo sa Palasyo tungkol dito sa kaso sa Maguindanao massacre. Alam ninyo naman kung gaano kabagal umusad. Kayo ang nagsasabi noon at ilang guestings ninyo dito, galit na galit kayo dahil nababagalan kayo. Ngayon nandiyan na kayo, mabagal pa rin. Kasama kana rin bang natulog o—

SEC. ROQUE: Ay naku hindi po, in fact noong binalik tanawan na naman natin itong massacre na ito sa kauna-unahang pagkakataon nadala ko po sa Malacañang iyong mga biktima. At ito po iyong kauna-unahang pagkakataon na kasama iyong tatlong biktima na taga Dating Daan ay nakapagkaroon sila ng pagkakataon na ma-meet si Presidente, nakipagpulong sila, humingi sila ng tulong, binigyan sila ng tulong ni Presidente at nangako ang Presidente na gagawin niya ang lahat para mapabilis ito. Kung anong gagawin niya ay hayaan na natin kay Presidente iyon.

Pero malinaw po na sa katagal-tagal na nakabinbin itong kasong ito, ito iyong kauna-unahang pagkakataon na hinarap ng Presidente ang mga biktima at nagsabi, ‘Ito ang tulong at dahil ako ay dating fiscal, tingin ko may magagawa ako para mapabilis iyan, gagawin natin iyan.’

DANIEL: So ano ng inabante ngayon as compared sa dati?

SEC. ROQUE: Well talaga pong pinatawag ang Kalihim na si Vit Aguirre at ang buong prosecution panel. At nilinaw ni Presidente na kinakailangan sa lalong mabilis na panahon ay magkaroon ng resolution ito. At mayroon nga akong pangako na pupulungin sa Malacañang itong mga fiscal at gagawin po namin iyan at kahapon po nasabi ko na kay Secretary Aguirre na kinakailangan ipatawag na namin lahat ng mga fiscal dahil talagang naiinip na ang Presidente, dati kasing fiscal ang Presidente, alam niya kung anong dapat gawin. Pero mayroon din siyang mga hakbang na hayaan na lang natin siyang gawin iyong mga hakbang na iyon dahil siya lang ang makakagawa noon.

DANIEL: Pero anong magandang puwedeng ibalita sa ating mga—

SEC. ROQUE: Ang balita po, ang sabi ni Presidente hindi matatapos ang 2018 na wala po iyang partial conviction; ang sabi niya, gagawin natin ang lahat para magkaroon ng partial conviction or partial judgment.

Mababasahan ang ilan sa mga nasasakdal diyan Maguindanao massacre. Sana po ngayong taon na ito.

DANIEL: So within this year we’re expecting something to happen?

SEC. ROQUE: Opo iyon ang sabi ni Presidente, gawin ang lahat dahil hindi natin puwedeng palipasin itong 2018 na wala tayong kahit na anong napakita na asenso dito sa kasong ito.

DANIEL: Sino ba talaga ang nagrekomenda kay Erano Manalo na maging envoy ng Overseas Filipino Concern, ikaw daw?

SEC. ROQUE: Hindi, hindi ako nag-rekomenda, wala naman akong ganoong kapangyarihan. Pero kinalala lang ng Presidente na… madami kasi na miyembro si Mr. Manalo at gusto niyang ma-tap iyong network para tulungan ang mga Filipino sa iba’t ibang parte ng mundo. Hindi ko naman alam, tingin ko desisyon ng Presidente talaga iyon.

DANIEL: But that just the same. Papano natin ipapasok ngayon ito, if we use the network of a religious organization? Kasi dito pumapasok palagi iyong sinasabi na—hindi ba nagiging isyu nga iyong separation of church and state. Although, of course nadinig ko na na sinasabi mo na wala ngang isyu iyon.

But you are saying, you are going to make use of the network of a religious organization who touch the Filipino people abroad.

SEC. ROQUE: Ang pagkakaintindi ko naman kasi, hindi naman nila nire-require na iyong tulong nila ay para lang sa miyembro nila ano. Iyon ang pagkakaintindi ng Presidente, na hindi kinakailangang maging miyembro para magbigay ng tulong doon sa network na iyon.

DANIEL: Yes, but the network that you will be using, is the network of a religious organization, which will be incorporated with the government agenda.

SEC. ROQUE: Pero dalawa po iyong bagay na pinagbabawal ng Saligang Batas. Iyong pagpigil sa pananalampataya at iyong pag-endorso ng kahit na anong religious na organisasyon. Hindi po ine-endorso iyan, kumbaga sasakay at gagamitin ang network, pero hindi nage-endorso ang gobyerno kaya po walang paglabag doon sa tinatawag na separation of church and state.

DANIEL: So, will that not be used against other religious organizations. Kasi nakikita naman natin kasi siyempre iba-iba na ang pananampalataya, ito head over a religious organization.

SEC. ROQUE: I assure you as a Spokesman, hindi po kami manghihimasok, kung anuman ang gulo ninyo doon sa sect na iyan.

DANIEL: Well, not in particular with us. Kasi tingnan ninyo, halimbawa, may desisyon ang Canada doon sa refugee status ng isa sa mga member nila. And, iyong desisyon ng Canada, did you review that already?

SEC. ROQUE: Desisyon po ng Canada iyan, pagdating sa asylum hindi pupuwedeng paghimasukan iyan, dahil sang-ayon sa Geneva Convention on the right of asylum seekers talagang desisyon po iyan nung destination state.

DANIEL: And you said, that Mr. Manalo, will not get any single centavo from the government?

SEC. ROQUE: Wala po.

DANIEL: So papano ang appointment po iyan, ano ba talagang appointment sa kanya?

SEC. ROQUE: Appointment po siya as Special Envoy to Overseas Filipino Workers.

DANIEL: Ano po ba iyon, iyon po ba ay plantilla or something?

SEC. ROQUE: Wala pong plantilla iyan, it’s really more of an honorary appointment, dahil wala naman pong pera na manggagaling sa gobyerno.

DANIEL: So ano ang power mayroon sila?

SEC. ROQUE: Ang kapangyarihan lang po nila ay kapangyarihang tumulong. Iyon po ang inaasahan natin, tulong na walang bayad.

DANIEL: Papaanong tulong ho ang ibig sabihin?

SEC. ROQUE: Well, siguro po, kung iyong mga nangangailangang mga Filipino na kailangan ang saklolo, inaashan natin na iyong kanilang network ay magbibigay ng tulong kung hindi makakapagbigay ng tulong ng mas madalian ang gobyerno ng Pilipinas.

Next topic, ang dami pa nating pag-uusapan pa.

DANIEL: No, Sec, hindi sinasabi ko lang, kasi kung network ang pinag-uusapan, how about the other religious organizations na may network din?

SEC. ROQUE: Tingnan natin, baka naman pupuwede rin nating bigyan ng appointment na as Special Envoy, hindi ko naman sinasabing hindi pupuwede.

DANIEL: Halimbawa sabihin kasi, si Quiboloy also has his network, hindi ba? And all other—mas malaki ang network ng Catholic Church, hindi ba? Why not also assign, let’s say isang Obispo ng Katoliko and make use of the network of the Catholic Church?

SEC. ROQUE: Kasi naman ang Catholic Church ayaw naman talagang makipagtulungan kay Presidente.

DANIEL: Talaga bang hanggang ngayon ba may rift pa din between the –

SEC. ROQUE: Well, umaasa kami na dahil ngayon iyong ating CBCP Secretary General ay galing mismo sa Davao, mas mapapaliit iyong pagkakaiba ng estado at ng simbahan.

DANIEL: So ngayon, puwede nang mag-meet up?

SEC. ROQUE: Inaasahan po natin, inaasahan po natin.

DANIEL: With regard dito po sa ating sinusulong na federalism. Kayo ba personally, are you for…

SEC. ROQUE: Alam mo tagapagsalita na ako ng Presidente, so wala na akong personal na opinion at hindi dapat ako magkaroon na personal na opinion, dahil ako po, bibig ni Digong, hindi lang ako mahilig magmura, pero bibig iyan ni Digong.

So kung ano ang paniniwala ni Presidente, iyon po ang paniniwala ko, ipinangako po niya itong pederalismo at ako po kung tatanungin mo sa personal na aking karanasan, dapat bang mag-federalism? Opo sa Kongreso kasi meron akong hinain na batas, iyong tinatawag na BRAVE – Budget Reform for Village Empowerment – na binibigyan ng development funds ang mga local na pamahalaan, isang bilyon, probinsya 500 million, siyudad, 300 million, municipality, 5-7 million kada barangay. Ayaw ng aking kapwa kongresista, kasi naniniwala sila na tanging Kongresista ang nakakaalam ng pangangailangan ng mga distrito.

So talagang walang pag-asa sa ating 1987 Constitution na mabigyan ng mas malaking resources ang mga local na pamahalaan sa pamamagitan lang talaga ng pederalismo iyan, dahil talagang ang kongresista, ang Kongreso hindi papayag sang-ayon sa ating 1987 Constitution.

DANIEL: Hindi ba ma-abolish iyang Senado?

SEC. ROQUE: Well, pinag-uusapan po iyan. Pero kung gusto ilang mapatuloy ang Charter change, hindi nila ia-abolish ang Senado, kasi ngayon lumalabas na pati iyong Constitutional Commission ang paniwala, dapat separate voting.

DANIEL: Ano ba ang stand ngayon kagaya halimbawa diyan sa paghiwa-hiwalay na iyan. Kongkreto na ba iyong gusto ng President with the committee na doon sa draft ba na ginawa ng komite na naggagawa noong pagbabago sa Constitution, solved na ba ang Presidente? Did they sit on that already?

SEC. ROQUE: Well, alam ninyo kaya nga minadali na rin ni Presidente iyong Constitutional commission, kasi bagama’t akala niya na Kongreso na ang gagawa ng proposals, parang nalilito pa rin ang Kongreso kung ano talagang model ang susundin. So, kaya ngayon para makatulong, nandiyan na iyong Constitutional commission at nangako naman si dating Chief Justice Puno na it will be a truly Filipino Federal System that they will be proposing to Congress.

Now, having said that, talaga namang Kongreso ang magbabalangkas diyan, pero ninanais lang ni Presidente iyong mas maging mas madali itong trabaho ng pagpo-propose ng revisions at kaya naman siguro hindi naman mamasamain din ng Kongreso iyong magiging rekomendasyon ng Constitutional Commission.

DANIEL: Hindi pero sabi sa akin kasi ni CJ Puno the last time that we talked, sabi niya ready na iyong ano nila… For review na lang kumbaga ng Presidente. Hindi pa ba ito na-review ng Presidente o meron ba siyang ibang mga gusto pang i-input doon sa proposal na galing dito sa komite?

SEC. ROQUE: Alam mo bamaga’t kelan lang iyong announcement ni Presidente at iyong pagtatalaga ng Constitutional commission, totoo iyan, matagal nang buo iyang grupong iyan, matagal nang nagtatrabaho iyan. So inaasahan namin, fine tuning na lang iyong gagawin nila sa kanilang proposals nang sa gayon eh lalong mapadala iyong proseso pag sinumite na iyan sa Kongreso.

DANIEL: So ano ang specific na instruction ni Presidente sa kanila doon? Noong nabasa ng Presidente yung prinesent lang nila, meron bang gusto mismong baguhin ang Presidente o isama?

SEC. ROQUE: Wala naman po, kasi ang Presidente, sinasabi gusto niya strong President, pero gusto niya Federal system of government. So, talagang wala tayong modelong masusundan, kasi wala tayo noon, sariling atin talaga. Kaya nga hybrid ang gagawin ng Constitutional Commission na tingin ko nagkakaintindihan sila ni Chief Justice Puno pagdating dito. Pero wala talagang existing system na mahihiram tayo. Gagawa at gagawa tayo ng version para sa atin.

DANIEL: Pero nabasa na ng Presidente iyong lahat na iyon na ginawa nila CJ Puno?

SEC. ROQUE: Ang pagkakaalam ko meron silang kasunduan sa mga basic features, pero hinahayaan niyang i-finalize ng Constitutional commission bago siguro niya tingnan at i-endorso sa Kongreso.

DANIEL: Dito sa problema natin sa MRT, ano na ba talaga ang gagawing solusyon dito sa sumasakit na ulo natin?

SEC. ROQUE: Well, humihingi po kami ng paumanhin, pero kinailangan pong sisantehin muna natin iyong kinuha ng dating administrasyon na service provider na BURI. Kaya po tayo nagloko-loko diyan sa MRT na iyan ay pinalitan nila iyong dating service provider na talaga namang sila dapat ang nagme-maintain niyang system na iyan.

DANIEL: Hanggang ngayon wala pa.

SEC. ROQUE: Ngayon po gobyerno na ang nagpapatakbo niyan. Dahil iyong BURI hindi nag-deliver nung pangako nilang i-overhaul na mga coaches ng MRT. Dalawa lang ang naayos nila, samantalang parang mahigit 50 ang dapat nilang in-overhaul. So nandoon po tayo, ang panimula po talaga ng ating reporma diyan sa MRT, ay iyong pagsibak sa isang service provider na walang kakayahan na tanging Aquino administration lang ang makakapagsabi kung bakit nila ibinigay roon.

DANIEL: And we cannot overhaul iyong mga natitira pa na mga coaches hanggang hindi pa tayo nakakakuha ng talagang service provider natin, hindi ba na kapapalit lang nung BURI?

SEC. ROQUE: Well, lahat naman po ginagawa natin ngayon. Pero tama po kayo kinakailangan magkaroon tayo ng tamang service provider diyan—

DANIEL: Bakit ang tagal?

SEC. ROQUE: Kasi po kelan lang natin binalewala iyong kontrata na pinasok ni Presidente Aquino. Wag po rin natin kalimutan na itong linya ng MRT 3 na problematic, iyan po ay pribado, pag-aari po iyan ng isang pribadong consortium. So may question pa rin kung pupuwede nating i-expropriate iyan ng walang special law, kaya nga humihingi ng special law si Presidente iyong emergency powers. Siguro isa sa kadahilanan na iyon ay para makuha na ng gobyerno itong mga pribadong interes na ito.

Pero hindi ko sinasabi na iyon ang gagawin ng gobyerno. Ang sinasabi ko lang po, we are making do with what we can do, hindi po iyan hugas-kamay, pero ang katotohanan po, kung hindi po siguro pinalitan ng Aquino administration ang Sumitomo, hindi naman aabot sa ganitong problema ng MRT 3.

RAZON: All right. Mayroong gustong makisali sa atin. Tayo po ay napapanood din sa 1,360 satellite monitoring centers. Marami tayong mga amicus curae diyan na nag-aabang ng inyong guesting na kayo ay makadpensa laban sa inyong mga (LAUGHS) … kay Sassot at kay—

SEC. ROQUE: Friend ko na sila ngayon, ikaw talaga. Iniintriga mo na naman kami ha. (LAUGHS)

RAZON: Happy ako kapag friend-friend na kayo.

SEC. ROQUE: Nagka-interview kami ni Sass, at tingin ko naman—

RAZON: Right after na na-interview ko siya dito?

SEC. ROQUE: Hindi, matagal. Hindi right after.

RAZON: Hindi right after. Ngayon, hindi pa kayo nagkakausap ulit?

SEC. ROQUE: Hindi, nagka-interview na kami nang matagal. Halos dalawang oras iyong aming Facebook Live.

RAZON: Ni Sass.

SEC. ROQUE: Ni Sass, oo.

RAZON: After ng interview niya dito?

SEC. ROQUE: After ng interview niya rito.

RAZON: Talaga, so okay na kayo?

SEC. ROQUE: Okay na pero sabi niya, hindi mo talaga ako dinipensahan. (LAUGHS) Inintriga ka rin niya sa akin.

RAZON: Ito ngayon ang Bocaue, Bulacan. Tingnan natin kung didipensahan ka o papaano. Magandang araw po sa inyo. Ano po ang maipaglilingkod? Sino sila? At kasama natin si Spokesperson Harry Roque. Hello?

Q: Good morning po, Kuya Daniel.

RAZON: Good morning.

Q: At Secretary Harry Roque. Ako po si Ato Mendoza. Ang tanong ko po ay: Ano ang plano ng pamahalaan sa mga kababayan nating hindi makaalis ng bansa patungong Kuwait na hindi naman magtatrabaho bilang domestic helper na apektado ng deployment ban sa nasabing bansa po?

SEC. ROQUE: Well, salamat po sa tanong na iyan. Iyong kailan lang ay may mga kababayan tayo halos maiyak na kay Presidente dahil sila ay mga semi-skilled naman, hindi sila DH, at nais nilang tumuloy sa Kuwait. Pero ang importante po kasi ay magkaroon tayo ng kasunduan sa parte ng gobyerno ng Kuwait at ng Pilipinas na bibigyan naman nila ng pangangalaga ang ating mga kababayan doon.

RAZON: What’s taking it so long, na hindi pa naaayos?

SEC. ROQUE: Anim na taon na ngang nakabinbin iyan, ayaw talagang pumirma ng Kuwait.

RAZON: Hanggang ngayon ba ay hindi—

SEC. ROQUE: Hanggang ngayon hindi. Pero gumagawa naman tayo ng paraan. Nag-imbita ang Kuwait, hindi naman natin sinabing tinatanggihan natin iyong imbitasyon ng Kuwait, pero sinasabi natin na mas mabuti siguro na pagpunta doon ni Presidente ay mayroon na tayong kasunduan.

RAZON: What is in the agreement that they are opposing ba?

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam. Kasi iyong agreement na iyon ay nakasaad din iyon kung ano na ang nakasaad sa mga existing multilateral treaties na nagbibigay pansin at tinatanggap iyong mga karapatan ng mga migrant workers.

RAZON: But they don’t want to sign?

SEC. ROQUE: Ayaw nila kasi hindi rin sila party doon sa international convention under the ILO. Pero sa atin ngayon, sabi natin, kung hindi kayo magpartido doon sa ILO convention na iyon, magkaroon tayo ng bilateral. At iyon naman ang hinihingi lang natin sa mga kababayan na gustong pumunta sa Kuwait, isipin na lang natin na konting tiis na lang po ito. Pero ang ninanais naman ni Presidente ay wala ng Pilipino na tatratuhing parang hayop diyan sa Kuwait. Konting antay na lang po, konting sakripisyo po dahil makikinabang naman po ang napakadami nating mga kababayan.

RAZON: So papaano iyong mga sinasabi na mag-e-expire na iyong visa nila. Kasi mayroon silang mga visa na hinahabol na ayaw pa rin silang paalisin ‘di ba until these things are over. Hindi pa rin po sila papayagan talagang umalis?

SEC. ROQUE: Well, linawin ko lang po. Kasi iyong deployment ban, hindi magpa-process ang POEA. Pero lahat ng mga na-process, puwede naman silang umalis bago talaga mag-ban! Ang ban talaga, iyong mga bago. Malinaw naman po iyon. Kasi bago ka makaalis, dapat mayroon kang… ano ba iyon… overseas employment contract na dapat ipi-prisinta sa POEA at irerehistro sa POEA. Iyon po ang pinatigil dahil iyon ang pamamaraan natin na ma-control iyong paglabas ng ating mga kababayan.

RAZON: Pero iyong mga dati na … kasi sinabi na nga din ni Secretary Bello iyan, iyong mga datina, even iyong mga nandoon na gustong magbakasyon dito can still go back home and be able to fly?

SEC. ROQUE: Correct po. Wala pong problema iyan kasi ang importante, basta mayroon na kayong POEA na pinapakita na kontrata at lahat, tuloy pa rin po iyan. Ang pinigil lang ay iyong mga bago.

RAZON: So even… kahit anong puwesto, anong trabaho?

SEC. ROQUE: Basta bago po.

RAZON: Basta bago, huwag muna dahil—pero ano ba ang development doon sa agreement na iyon? May pag-asa ba tayo na masaynan (sign) iyon or did they even say kung ano iyong ayaw nila na puwede natin medyo i-adjust, baguhin?

SEC. ROQUE: Well, ang pagkakaintindi ko naman po, nag-uusap. Nag-uusap ngayon, at siyempre—

RAZON: Sinong kausap, Sec?

SEC. ROQUE: Nag-uusap po, sa panig ng ating Secretary of Foreign Affairs, Secretary of Labor at iyong kanilang mga counterparts sa Kuwait.

RAZON: And we are expecting that to have fruit soon?

SEC. ROQUE: Siyempre po iyan ang ating inaasahan.

RAZON: So medyo antabay pa. Mga gaano katagal pa iyon?

SEC. ROQUE: Gusto po kasi nilang bumisita si Presidente sa Marso, so tingnan natin. Pero ang pinahiwatig natin, mas mabuti na may kasunduan na ng tayo talaga ay wala nang sigalot kapag bumisita ang Presidente.

RAZON: Bago pumunta ang Presidente para—

SEC. ROQUE: Hindi pa po natin tinatanggap. Pero iyon ang sinasabi natin, siguro dahil naimbita naman ay mas mabuti kung tatanggapin ay mayroon nang ganyang kasunduan.

RAZON: Pero wala pang tinatanggap until—iyon ba ay kundisyon ba iyon na …

SEC. ROQUE: Hindi naman po kundisyon pero sabihin na lang nating “posturing”. (LAUGHS)

RAZON: Okay. Posturing para kung sakali tatanggapin namin ang imbitasyon, baka puwedeng bago naman tanggapin ay pirmahan ninyo na muna itong …

SEC. ROQUE: Papagalitan na tayo ni SFA dahil sinabi natin iyan. (LAUGHS)

RAZON: Central Signal Taguig City naman tayo. Maraming salamat po sa inyo diyan sa Bocaue, Bulacan. Magandang umaga po sa inyo diyan sa Signal Village sa Taguig, kasama natin si Spokesperson Harry Roque, ano po ang maipaglilingkod?

Q: Good morning po, Kuya Daniel. At ganoon din po kay Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque. Ako po si Rolando Sol Cruz(?) ng Central Signal, Taguig City. Ang akin pong tanong ay ito: Ano po ba ang update sa pag-iimbestiga po ng international criminal court sa drug war po ng Duterte administration? Iyon lamang po, maraming salamat.

RAZON: Nagbigay ba ng input tayo, information? ICC, drug war …

SEC. ROQUE: Well, mabuti naman na mayroon tayong konting alam diyan sa international criminal court na iyan. Wala pa po iyon. Ang tawag dito, preliminary examination pa lang. Magdiditermina pa lang ang prosecutor kung tutuloy siya sa preliminary investigation. Marami pong mga bansa na under preliminary examination, kasama na po iyong bansang Columbia. Sa kaso po ng Columbia, 13 years na, preliminary examination pa rin.

So kung sinasabi po ng mga kalaban ni Duterte na, ‘Lagot, makukulong na si Duterte,’ panaginip po nila iyon. Hayaan ninyo silang managinip… libreng managinip.

RAZON: But will we participate?

SEC. ROQUE: Ngayon wala pong participation kasi wala naman pong gagawin ang prosecutor kung hindi tingnan ang lahat na puwedeng makitang impormasyon. Wala po iyang subpoena, wala po iyang kakalaping ebidensiya. Preliminary examination lang po iyan.

RAZON: I see. So wala man lang kailangang ibigay sa… submit or whatever.

SEC. ROQUE: Wala pa po iyan. Hindi pa po kaso iyan.

RAZON: All right. Iyan po ang sagot ni Spox.

SEC. ROQUE: Salamat po sa inyong concern.

RAZON: Spox ha. Ikaw ba ang may pauso noon?

SEC. ROQUE: Ewan ko ba saan nanggaling iyan. Pero bagay. (LAUGHS) Gusto ko Spox ‘di ba.

RAZON: So kapag tumakbo ka, mayroong Spox ang …

SEC. ROQUE: Ikaw talaga, sinasabi ko nga sa’yo, araw-araw ang buhay ko.

RAZON: Ito muna, Maligaya sa Quezon City, Aaamin natin. Magandang umaga po. Ano po ang maipaglilingkod sa kanila. Kasama natin si Spox Harry Roque.

SEC. ROQUE: Sana po maging maligaya din kami.

Q: Good morning po, Kuya. Good morning din po sa inyo, Secretary Harry Roque.

SEC. ROQUE: Magandang umaga po.

Q: Ako po si Ronald Reyes. Ang tanong ko po ay: Gaano po kaseryoso ang ating Presidente na gawing probinsiya ng China ang Pilipinas? Iyon lang po.

SEC. ROQUE: Joke only po iyon. Kasi bago po sinabi iyon ni Presidente iyon, nagsalita siya siguro mga limang minutong seryosung-seryoso siya. At ang sabi niya, walang kaduda-duda, mayroon tayong titulo doon sa West Philippine Sea. Walang kaduda-duda doon sa karapatan natin sa Philippine Rise.

So nagsimula muna siya nang seryoso at sinabi niya: “Atin iyan. Kung kinakailangan magpapakamatay ako para diyan!” Pero meanwhile, dahil hindi naman kinakailangang magpakamatay, patuloy natin ang pagkakaibigan, at doon pumasok iyong joke na iyon, “gawin ninyo kaming probinsya.” So parang ini-emphasize lang niya na magkaibigan tayo, napakalapit natin, ituring natin na magkamag-anak tayo. Iyon ang ibig sabihin ni Presidente.

RAZON: It was spoken in jest.

SEC. ROQUE: Yes. Pero bago siya nagbiro, iyong konteksto, nagseryoso muna siya. Kaya nga iyong mga bumabatikos kay Presidente ay talagang naghahanap lang ng butas iyon. Kasi kung pinakinggan nila iyong speech, binasa nila iyong transcript, alam nila nagsimula ang Presidente, “atin iyan at magpapakamatay ako dahil diyan.” Buti na lang walang pumapansin doon sa mga kritikong iyon.

RAZON: Baka ang susunod na sasabihin, kailan ka magpapakamatay?

SEC. ROQUE: Unahin ko muna silang patayin. (LAUGHS) Naku, mamatay na rin ako. Talaga ang bibig naging bibig Digong na.

RAZON: Ito muna, Ampid(?) San Mateo, Rizal, magandang umaga po. Ano ang maipaglilingko sa kanila, kasama natin si Spokesperson Harry Roque?

SEC. ROQUE: Hello.

Q: Good morning po Kuya and Mr. Spokesperson Harry Roque. Regarding po sa anti-corruption campaign ni Presidente. Meron po bang sisibakin sa puwesto na opisyal ng government?

SEC. ROQUE: Sabi ko nga kay Presidente puwede ba magpahinga ka muna diyan, baka akalain ng tao hatchet man na nga ako. Baka mamaya, ito palaging sinasabi tatakbo ako, baka sa dami ng sinibak wala nang bomoto sa akin. [laughs] Baka wala nang matira sa gobyerno. Ano ba yan? Kasa sabi ko, mamahinga ka muna, mahal kong Pangulo, wag ka munang manibak diyan. Dahil wala na akong ginawa kung manibak ng manibak. Okay.

DANIEL: Hindi pero iyong dalawang kasisibak lang, hindi ba parang—

SEC. ROQUE: Oo nga, na-shock ako dun, talagang alam mo nagbago ang ano doon ha, nagbago ang ihip ng hangin doon. Una sabi nila, sige announce mo lang hindi na-renew. Mamaya-maya pina-anunsyo sa akin kung bakit sinibak, iyon pong kay La Viña, di lumabas pa ngayon lahat ng baho. Kung nanunuod si Pompee, naku, hindi kita kilala ano, ayaw kitang makilala pero talagang ang Presidente nagsabi, “sabihin mo ang dahilan kung bakit ko siya hindi ni-renew.”

So anong ginawa mo para sasabihin ng Presidente isiwalat mo, kung bakit ko siya hindi ni-renew. Merong mga sinasabing humihingi ng budget para sa isang media campaign.

DANIEL: Pero sabi naman hindi daw totoo iyon.

SEC. ROQUE: Well, Mr. La Vina hindi kita kakilala. Wala akong pagkukunan diyan kung hindi binigay sa akin ng Presidente. So ano ang ginawa mo para isiwalat pa ng Presidente iyong mga kadahilanan na iyan. Hindi ko po alam, bahala ka makipag-usap kay Presidente.

DANIEL: So talagang ibig sabihin, kaya siya—-talagang sinibak siya.

SEC. ROQUE: Sinibak.

DANIEL: At kaya sinibak, ay dahil talagang merong palagay ng Presidente—

SEC. ROQUE: Alam mo nagkaroon pala ng imbestigasyon na pormal. Iyong dating City Administrator niya sa Davao, si Atty. Quitain, at saka si Executive Secretary ay nag-imbestiga at nakita ko pa siya sa Presidential Guest House noong araw na na-imbestiga iyong dalawa. Doon ko siya kauna-unahang beses na na-meet doon sa lobby ng Presidential Guest house.

So hindi nagdesisyon ang Presidente na walang pormal na imbestigasyon, inantay muna ang pormal na imbestigasyon, nagkaroon ng verification at nagdesisyon ang Presidente. Pero alam mo hindi lang naman siya ang nagsasabi na hindi lang naman si Pompee La Viña ang unang-unang sinabing sinabak, tapos sinabi mo ang kadahilanan, at ang sinasabi, si Harry Roque ba iyan o Presidente ang nagsasalita.

Iyong mga sisibakin po at kapag sinabi ko kung ano ang dahilan na sinibak kayo, hindi ko po kayo kakilala. Sinasabi lang po sa akin ng Presidente ang mga kadahilanan. So, nothing personal po. I really don’t care about you. [laughs] Pero kapag Presidente na ang nagsabi na sabihin kung bakit kayo sinibak, wag po kayo magagalit sa akin, kausapin n’yo po ang Presidente.

DANIEL: So parang ang sinasabi mo ay hindi ko naman alam iyan, sinabi lang sa akin at pinaparating lang sa inyo na sinisibak ka because of this.

SEC. ROQUE: Tama po iyan. So ako po walang personal, kasi hindi ko naman sila kakilala. Sila malalapit sila kay Presidente; ako hindi ko sila kakilala. Si Pompee La Viña na meet ko lang nung nag-i-imbestiga pa lang si Atty. Quitain at saka Executive Secretary. So, ano ang interes ko para sabihin iyong mga bagay-bagay na iyan, kung hindi naman pinasabi lang sa akin ng Presidente.

DANIEL: So ang talagang root ay merong ginawa siyang fund raising?

SEC. ROQUE: At merong imbestigasyon na may mga bagay na naputanayan.

DANIEL: Ano iyong mga inimbestigahan?

SEC. ROQUE: Madaming dahilan iyan, iyong diumano humingi ng budget na 100 something million para sa isang media campaign niya; tapos humingi na naman para sa isang social media campaign; tapos meron atang pitong stock brokers na gustong ma-accredit na wala namang kwalipikasyon para ma-accredit; tapos iyong pagpaparatang ng bintang doon sa ilang mga opisyales ng SSS na matapos nagkaroon na ng imbestigasyon ay nagsasalita pa rin siya. So ilan iyon sa mga kadahilanan.

DANIEL: Iyong ano na iyon, siguro okay, pero itong sabihin natin talagang merong—iyon bang paghingi ng budget. Anong foul doon? Halimbawa, humingi ako ng budget para sa isang media campaign, what is wrong with that?

SEC. ROQUE: That is a conflict of interest, director ka. Bakit ka hihingi doon sa SSS ng budget para suportahan iyong sarili mong programa. That is conflict of interest. That’s a personal interest in the funds of the corporation that you are supposed to administer.

DANIEL: Which is iyon yung ide-deny niya.

SEC. ROQUE: Iyon yung dine-deny niya, pero nagkaroon ng imbestigasyon, napatunayan. Pero sa tingin ko ang pinaka-matindi diyan iyong pagrerekomenda ng mga stock brokerage firms na hindi naman kwalipikado.

DANIEL: Iyon talagang parang kumbaga ay merong isinusulong, may pinu-push na hindi qualified. Si Amading, ano ang nangyari?

SEC. ROQUE: Walang binanggit, hayaan na natin iyan, dahil wala namang utos sa aking banggitin ng kahit na ano tungkol kay Chairman Amado Valdez.

DANIEL: So, parang ano na lang iyon, iyon damay ba iyon?

SEC. ROQUE: Walang sinabi sa aking dahilan. So wala din akong masasabing dahilan.

DANIEL: Basta hindi lang ni-renew.

SEC. ROQUE: Basta hindi lang ni-renew.

DANIEL: Quiet lang ganoon. Is he not being asked to accept a new position o wala naman ganoon?

SEC. ROQUE: Wala naman po sa aking binanggit. I mean, ako naman, in that sense wala akong tinatago. Kung meron namang instruction, isisiwalat ko naman.

DANIEL: Okay, ito na lang, iyong kay– nahihiwagaan ako dito, kasi guest ko nung isang araw, si Usec. Martin Diño, ano iyon accommodation ba iyon, kasi parang isang posisyong walang laman dahil Barangay Affairs pero iyong lahat ng mga barangay affairs nasa ilalim ng mga Asec at wala naman sa kapangyarihan niya At naiiyak na sa akin dito iyong mama, dahil kinukulit ko, sabi ko, wala ka namang, para ka lang palang titulo, wala ka naman pala talagang—nasa ilalim mo ang kapangyarihan. Ano ba iyon?

SEC. ROQUE: Hindi ko alam iyan, kasi ang alam ko Barangay, iyan talaga ang pinaka-basic unit ng ating local na pamahalaan. So, sometimes ang Pangulo, itatalaga ka bahala ka gumawa ng sarili mong kumbaga framework of action. So kinakailangan buuin mo ang sarili mong job description, pero nandiyan iyang plantilla post na iyan, gawin mong katungkulan ang plantilla post na iyan.

Kasi ako naman itinalaga akong Spokesperson, pero hindi naman ibinigay sa akin ni Presidente kung ano ang katungkulan ko. Bukod sa pagsasalita, alam ko naman kasama iyan sa trabaho ko ano, pero hindi niya sinabi ito lang ang gagawin mo. For instance pag-a-appear sa mga programang ito, masasabi mo bang katungkulan ko ito.

So bahala ka nang gumawa kung ano ang dapat gawin, para magawa mo sa lalong pinakamabuting pamamaraan ang iyong katungkulan.

DANIEL: Pero hindi ka ba binibigyan ng linya ni ES Medialdea.

SEC. ROQUE: Hindi, ang akin lang naman—

DANIEL: Parang ito hanggang dito ka lang, Spox ha.

SEC. ROQUE: Well, alam mo, it helps na napakabuti ng samahan namin ni ES, napakabuti ang samahan namin ni SAP at napakabuti ng samahan namin ni Martin Andanar.

SEC. ROQUE: So siguro wala kaming problema pagdating sa turfing, basta ako I have a mission to send the message of the President wants to send to the public. And I will do it any which way. Kaya naman sa aking job description, lahat naman ng Gabinete nagko-cooperate sa akin basta tinanong ako ng media, huwag nilang masamain kapag tinawagan ko sila at tanungin ko kung ano ba itong isyu na ito na tinanong sa akin ng media dahil dapat kong sagutin. So, so far I’ve had wonderful working relationship with all the members of the Cabinet. Excellent.

DANIEL: Hindi ka ba magba-blog ng sarili mo ngayon? Wala ka bang plano na gumawa ng sarili mong blog?

SEC. ROQUE: Well hanggang Facebook live muna ako, saka na iyong blog. [laughs].

DANIEL: Paano iyong Facebook live mo, may schedule po ba iyon?

SEC. ROQUE: Mayroong schedule iyan parang every Wednesday yata. Mamaya magpe-facebook live kami!

DANIEL: So nakakapagpasok ng tanong sa iyo doon?

SEC. ROQUE: Oo, oo.

DANIEL: Sumasagot kayo doon sa mga—

SEC. ROQUE: Oo sumasagot naman ako. Although palagi akong napapahamak sa Facebook blog—live.

DANIEL: Bakit?

SEC. ROQUE: Lahat ng pahamak sa akin Facebook live iyan. Siguro kasi I’m—

DANIEL: Very candid.

SEC. ROQUE: I’m more candid in Facebook live. Kasi hindi naman ako in-interview ng media so kasi ang pagme-media, I know it’s a matter of right and responsibility, kapag Facebook live nag-iisa lang ako. Kaya [laughs]—

DANIEL: Parang doon ka na—

SEC. ROQUE: I’m more candid that’s why I get into trouble. [laughs].

DANIEL: Para medyo naka—

SEC. ROQUE: Pero mamaya sa Facebook live ko mag—

DANIEL: Anong oras iyon?

SEC. ROQUE: I think maya-maya lang.

DANIEL: Talaga?

SEC. ROQUE: In a few—kasi wala akong—Wednesday is—when I can really accept itong mga guesting. Normally—

DANIEL: So tatandaan ko na ngayon iyan.

SEC. ROQUE: Oo normally ayaw nila iyong mga networks na uma-accept ako before press briefing kasi naka-scoop kung sino iyong inaapiran ko. So ipagpaumanhin mo, talagang Monday, Tuesday, Thursday hindi ako uma-accept ng talk shows kasi nagrereklamo iyong Malacañang Press Corps. By the time makarating ako sa press briefing namin ng 11, nasabi ko na sa talk show. So tumatanggap lang ako Wednesdays ng mga studio invitations, Facebook live at iba-ibang mga interview at saka siyempre iyong mga courtesy call. So it’s really Wednesdays.

DANIEL:Okay. Pero kung sino iyong gusto ninyong papasukin sa Malacañang, iyon lang ang puwede?

SEC. ROQUE: Well iyong accredited kasi hindi naman karapatan iyong pagpasok ng Malacañang—

DANIEL: Kaya nga, kaya nga.

SEC. ROQUE: Ang pagpasok ng Malacañang, hindi po sakop iyon ng karapatan ng malayang pamamahayag. Buwesitin mo ang Presidente mo, outside the kulambo ka. Sorry ka na lang.

DANIEL: That’s one thing that we would like to clarify kasi para alam din nila na kung ikaw ngayon ay hindi nakursunadahan at ayaw na sa iyo, anytime you can be barred from entering Malacañang.

SEC. ROQUE: Hindi iyon, kapag nawalan ng tiwala sa iyo ang Presidente—

DANIEL: Exactly, exactly.

SEC. ROQUE: Oo pero hindi naman sa hindi kursunada, walang tiwala sa iyo kahit—Hindi kana kakausapin—

DANIEL: Siyempre kapag wala kang tiwala, hindi mo kursunada iyon. Wala kang tiwala.

SEC. ROQUE: Kaya nga ‘di ba sa media palaging sinasabi nila, ‘Salamat po sa tiwala,’ dahil importante iyan ke abogado ka, ke doktor ka, ke peryodista ka, importante yung tiwala.

DANIEL: And this might happened also doon sa mga iba na mawawalan ng tiwala ang Presidente.

SEC. ROQUE: So far naman isa lang talaga iyong purveyor of fake news, so isa pa lang nawawalan siya ng tiwala.

DANIEL: So ngayon lahat ng taga Rappler totally wala na?

SEC. ROQUE: Oo, so ngayon mag-cover kayo ng Malacañang, manood kayo ng PTV4 at ng Facebook live ng PTV4.

DANIEL: Bakit ba kasi binago pa iyong dati? Sabagay wala ka pa noon.

SEC. ROQUE: Ano ba iyong dati?

DANIEL: ‘Di ba dati kasi noon ang PTV lang dapat. Tapos kumuha na lang kayo sa PTV, wala ng ibang media outlet. ‘Di ba iyon iyong umpisang-umpisa?

SEC. ROQUE: Dati kasi natatakot sumagot iyong mga ibang Presidente, panahon nga ni Cory, bawal ang live questions, lahat submitted questions. Sabi lang sa akin iyon ha dahil estudyante pa ako noon, ikaw peryodista ka na noon. [laughs].

DANIEL: Hindi, panahon na ni Presidente Duterte. ‘Di ba panahon na ni Presidente Duterte, noong una PTV lang ang magko-cover tapos iyong mga ibang media entity.

SEC. ROQUE: Hindi, lahat sila allowed ever since. May panahon lang na noong siya ay matapos manalo pero hindi pa Presidente, ayaw niyang magpa-interview. Parang isang buwan iyon na matapos siyang manalo at bago maging Presidente, hindi siya nagpa-interview.

DANIEL: Ikaw sinong pinakaayaw mo sa media bukod sa akin? [laughs].

SEC. ROQUE: Hindi bakit naman ayaw kita, kamukha kita. Wala naman, alam mo si Pia mamimiss ko iyan. I will miss you, Pia.

DANIEL: Ikaw plastic ka naman.

SEC. ROQUE: Hindi plastic iyan ano ba naman—

DANIEL: Kanina lang sabi mo ayaw mo—

SEC. ROQUE: Ano ba naman ang tanong niyang hindi ko masasagot, excuse me.

DANIEL: Pero sabi mo kanina ayaw mo nga sa kaniya ‘di ba?

SEC. ROQUE: Hindi, hindi sa ayaw sa kaniya, ma-miss ko siya dahil she makes our press briefing sessions very interesting. I will miss her. Let see if I will entertain her text questions. [laughs].

DANIEL: Puwede ka namang i-text—

SEC. ROQUE: Wala. Alam mo kasi kami ang samahan naman namin diyan sa Malacañang, tingin ko naman napakatindi ng aming samahan diyan. Para kaming isang malaking pamilya rin, isang barkadahan. Pero talagang si Pia may sarili talagang kayod iyan—

DANIEL: May sariling mundo?

SEC. ROQUE: May sariling mundo talaga iyan. Pero I will still miss her and kung ako ang magdedesisyon, I would like her to stay pero that’s not my decision, we have to defer to the President’s decision.

DANIEL: Okay, bago ko po kayo pakawalan, nasa inyo po ang pagkakataon to address our audience at ang ating mga tagapanood. Pero bago iyan, Facebook reaction muna tayo. 1.4k ang naglike-like sa iyo, may nag-694 ang nag-love-love, may natawa na 140, may nag-wow na 21, may labing anim na nalungkot. Palagay ko taga Rappler iyong iba, may anim na nagalit baka isa na diyan si Pia Rañada [laughs].

SEC. ROQUE: Baka wala pa nga diyan si Pia dahil alam naman ni Pia wala kaming problema. Baka si Maria Ressa iyan.

DANIEL: [laughs].

SEC. ROQUE: At anim na beses siyang bumoto.

DANIEL: [laughs]. Anim na beses siyang bumoto.

SEC. ROQUE: [laughs].

DANIEL: Nasa inyo po ang pagkakataon para mangampanya—[laughs]. Mag-address sa ating mga kababayan.

SEC. ROQUE: Well alam ninyo po napakasaya naman nitong ating pagsasama, Kuya Daniel, nagpapasalamat ako sa iyo sa pagkakataong ito.

DANIEL: Welcome back.

SEC. ROQUE: At nagpapasalamat po kami sa ating mga kababayan sa suportang pinakita ninyo po kay Presidente Rodrigo Roa Duterte. Napakadami pong binabato sa kaniya pero sa kabila ng lahat ng mga bagay-bagay na iyan, pinakamataas ang tiwala na binigay ninyo sa kaniya sa nakalipas na dalawampu’t walong taon.

At ito naman po ay dahil siguro alam ninyo naman na tunay ang pagnanais ni Presidente na manilbihan sa taong bayan, siya po ang kauna-unahang Presidente na nagbigay ng libreng tuition sa State Universities and Colleges. Siya ang kauna-unahang Presidenteng nagbigay ng libreng irigasyon, siya ang kauna-unahang Presidente na magbibigay ng libreng tanghalian sa ating mga kabataan. Ang kauna-unahang Presidenteng magbibigay ng libreng gamot at pagamot sa ating mga taong bayan. Bagama’t lahat po iyan ay nangyari sa administrasyon ni Presidente Rodrigo Roa Duterte. Lahat po iyan ay panukalang batas ko rin sa Kongreso. So maraming salamat po. [Applause]. At asahan ninyo po ang patuloy na paninilbihan ng ating Pangulo at ng inyong abang lingkod. Mabuhay po kayong lahat.

DANIEL: Maraming salamat.

SEC. ROQUE: Salamat po.

DANIEL: Thank you so much. [Applause]. Parang ano…

SEC. ROQUE: Wala ha, hindi ko na alam Nangangampanya. [laughs].

DANIEL: Alright. Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque Jr. Dito lamang po sa programang bawal ang pikon. [Applause].

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)

Resource