Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Angelo Palmones and Milky Rigonan (DZRH – Damdaming Bayan)

ANGELO: Sec., magandang umaga po.

SEC. ROQUE: Magandang umaga po.

ANGELO: Sec, liwanagin ko lang ha. Iyon pong posisyon na inihayag ninyo kahapon tungkol sa open pit mining, is the same position of the President?

SEC. ROQUE: Opo, wala pa pong nagbabagong posisyon ng Presidente diyan ano. Tutol pa rin po siya sa mga bagong open pit mine.

ANGELO: Tutol pa rin ang Pangulo sa mga bagong open pit mining?

SEC. ROQUE: Opo.

ANGELO: Kasi nga po itong posisyon na ito ay paninindigan din po ni Secretary Roy Cimatu at saka ang sinasabi nga po ay rekomendasyon noong ka-konseho. So mananatili ang posisyon, may ban muna sa open pit mining.

SEC. ROQUE: Sa ngayon wala pong nagbabago.

ANGELO: Okay, loud and clear. Paano po kung sabihin nung mga nagmimina, ito ho kasi maghahatid ng negosyo.

MILKY: At utos po ng DOF, mga ganoon, Secretary Roque?

SEC. ROQUE: Well, alam ninyo ang Presidente hindi naman tutol sa mining per se. Doon sila siguro medyo nagkakaiba ng posisyon na… ni dating Kalihim Gina Lopez ‘no. So nakikita niya na talagang importante talaga iyong pagmimina para sa ating ekonomiya. Pero ibang klaseng pagmimina na—meron namang mga alternatibo at ang nais niya iyong mga matataas na mga standards na ginagamit katulad ng Australia at Canada, iyon din ang gamitin dito sa Pilipinas, una ano.

At pangalawa, nais niyang mapataas iyong value added na tinatawag. Ayaw niya na ine-export natin kaagad iyong raw materials natin, bilang mineral products. Gusto niya i-proseso na rin dito sa Pilipinas bago ibenta sa ibang bansa ng sa gayon tayo naman ang pakinabang doon value added cash.

ANGELO: Hindi kasi ginawa na iyon ng Indonesia hindi ba, ginawa na iyan ng mga kalapit bansa natin. Kaya lang po ang sinasabi kasi nila, malaki ang investment na kinakailangan natin para doon sa extraction ng mineral ore.

SEC. ROQUE: Opo.

ANGELO: So sino ho ang mag-i-invest?

SEC. ROQUE: Well, marami naman pong gusto na mga negosyanteng mga minero diyan. So kaya nga po pupunta ang Presidente isa sa mga araw na ito, pupunta rin ng Australia para mag-imbita ng mga mamumuhunan na galing sa Australia dito sa pagmimina ‘no. Basta ang punto po ni Presidente kinakailangan, hindi naman completely na masisira at kinakailangan responsableng pagmimina at pangalawa kinakailangan Pilipino ang makinabang.

ANGELO: Ayon at saka tataas ang value, kasi iyong lupa, lupa iyong ine-export natin, di ba?

SEC. ROQUE: Tama po, tama po.

ANGELO: Iyon naman talaga ang tamang direksyon. Teka muna, may draft na po ba iyong sabi din ho ng Pangulo na ang NPA eh ituturing ng mga terorista?

SEC. ROQUE: Wala pa po sa ngayon, pero iyan ay naging deklarasyon ni Presidente sa Davao nung nakalipas na weekend. At ang sinasabi ko nga po, ito ay hindi naman bagong balita, dahil ang Estados Unidos at saka iyong European Union Council ay matagal na pong nadeklara ang NPA bilang isang terrorist group.

ANGELO: Ibabalik lang iyon.

SEC. ROQUE: Well, hindi po ibabalik, kung hindi sumasang-ayon na ang ating gobyerno na talagang terrorist group at NPA gaya ng sinabi.

MILKY: Kasi matagal iyong deklarasyon na iyan.

SEC. ROQUE: Oo, sa Estados Unidos at saka sa Europa.

ANGELO: Hindi kaya ano, kapag brinand natin silang terrorist ay lalo lang silang magkaroon ng lakas ng loob na kumuha ng suporta doon sa mga terrorist organization, “Oh ito ah, talagang branded na kaming terrorist.”

SEC. ROQUE: Well, ang problema po kasi talaga iyong pagba-brand ng terrorist ay siguro iyon ang pahayag na parang hindi na umaasa pa ang Pangulo na magkakaroon ng usaping pangkapayaan sa panig ng NPA sa ngayon, dahil nga po, habang nakikipag-usap ng kapayapaan walang hupa naman po iyong pag-aatake sa ating mga kasundaluhan.

ANGELO: Can we run after them internationally?

SEC. ROQUE: Ay opo, kasi po meron tayong tinatawag na war crimes at iyong tinatawag po nating ‘Additional of Protocol II to the Geneva Convention’ at iyong ating tinatawag na ‘International Humanitarian Law’ ay pinapatawan ng parusa iyong mga tuma-target ng civilian at gumagawa na iba pang ipinagbabawal na mga gawain sa panahon ng digmaan na ginagawa diumano ng NPA gaya ng kidnapping for ransom at saka iyong kung papataw ng parusa na walang paglilitis sa hukuman, iyong mga NPA court na tinatawag.

ANGELO: Hypothetical lang. So puwedeng habulin ngayon ng international crime ang grupo ni Joma?

SEC. ROQUE: Puwede po, ‘no. In fact pupuwedeng litisin iyan sa Pilipinas o puwedeng litisan sa International Criminal Court or puwedeng litisin kahit saan pong hukuman sa buong daigdig. Dahil ang war crimes po na ginagawa, iyong tinatawag na international armed conflict ay tinuturing na isang international crime.

ANGELO: So iyon ay isa sa mga… itong magiging formal declaration ito ng Pangulo.

SEC. ROQUE: Opo.

MILKY: Pero automatic, Secretary Roque, na once na ma-brand sila as terrorist group ay tapos na iyong peacetalks between government and the NPA-NDF?

SEC. ROQUE: Well, sa akin po, hindi naman siguro completely tapos na; pero sa ngayon po ay suspendido na po iyan.

ANGELO: Sec, iyon palang mga mediamen sa Cebu tuwang-tuwa po sa inyo, dahil ngayon lang daw sila nagkaroon ng pagkakataon na ang isang Presidential Spokesman ay nakakausap nila.

SEC. ROQUE: Ay wala pong problema sa atin.

MILKY: Madaling tawagan.

SEC. ROQUE: Babalik tayo diyan sa Cebu.

ANGELO: Anyway inaantabayanan ka nila. Maraming salamat ha.

SEC. ROQUE: Maraming salamat.

####

Resource