Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Ted Failon (DZMM – Failon Ngayon)

FAILON: Attorney, good morning.

SEC. ROQUE: Good morning Manong Ted at good morning sa lahat ng nanonood at nakikinig po.

FAILON: Opo. And really ha, we appreciate yung pagiging bukas ngayon lagi po ng Spokesperson ng Malacañang kasi po sabi ko nga ito ang magandang pagkakataon talaga na…tama po kayo ‘no, iyong tulay po ng Pangulo sa bayan sa pamamagitan po ninyo, ng inyong tanggapan, ay napaka-importante sa araw-araw pong ugnayan ng media at ng Malacanang. So we really appreciate this time po, Attorney Harry.

SEC. ROQUE: Opo. Asahan ninyo po na bukas ang aking linya, paumanhin lang nga po dahil talagang madami din pong tumatawag so pa isa-isa lang po ang sagot.

FAILON: I understand, I understand. Okay. Sir, alam ko po na alam ninyo ‘no ito hong pagbagsak ng atin pong ranking sa ‘Ease In Doing Business’ po ‘no. As you know, malaki po ang ibinagsak natin. Sir, ito ho ba ay concern ngayon ng ating Presidente?

SEC. ROQUE:Well siyempre po ‘no. Nag gagawa ng lahat ng pamamaraan ang ating gobyerno ‘no para maibalik iyong posisyon natin doon sa dati dahil importante talaga na tayo po ay makakuha ng mas marami pang mga namumuhunan ‘no. Pero gayunpaman, dalawang bagay na not counted ‘no.

Unang una, bagamat bumagsak po tayo ng 14 notch points diyan sa ranking na iyan, tumaas po iyong ating absolute score ng kahit papaano ‘no. Ang ibig sabihin lang po niyan nagkaroon po rin tayo ng improvement kung ikokompara noong isang taon, kaya nga lang iyong ating mga karatig bansa ay mas mabilis iyong kanilang pag improve ‘no.

Pangalawa po, iyong pag-aaral din po ay base lamang sa isang siyudad at ito po iyong siyudad natin pareho, siyudad ng Quezon City ‘no. So ganyan po iyong methodology nila, hindi na sila lumalabas ng isang siyudad lamang po.

At bagamat ganyan nga po ang naging rating ‘no, napakadami naman pong mga reporma na nasimulan ‘no. Kaya lang po iyong mga reporma: unang una, hindi po kinokonsidera ng World Bank kapag hindi pa po nararamdaman ng 50% ng population ‘no. So hindi pa po kasama sa kanilang ratings kumbaga ‘no.

At pangalawa, patuloy po iyong mga reporma na pinatutupad ng gobyerno nandiyan na po yung computerization ng pagtatayo ng ating mga negosyo; nandiyan na po iyong mga panukalang batas na nakabinbin ngayon sa Kongreso, lalong lalo na iyong amendment sa Corporation Code na for the first time eh magkakaroon tayo ng ‘single person incorporation,’ kasi ngayon kinakailangan lima po; at nandiyan din iyong panukalang batas na para lalo pang mabawasan iyong red tape ‘no, nagpi-fix tayo ng actual time frame ‘no – tatlong araw ‘no sa lahat ng opisina ng gobyerno sa pag-i-issue ng mga permit na kinakailangan ng mga namumuhunan.

FAILON: Okay. Really ho ‘no, habang ito ho kasing mga panukalang ito napa-importante but as you know, Attorney, sa bandang huli po eh kahit na may batas ‘no eh kapag po hindi din curbed ang corruption, laging may dahilan po iyong concerned government agency.

And you mentioned dito ho sa survey na ito ng World Bank ang kanila pong tinest (test) ay ang Quezon City. ‘Ika ninyo hindi ito reflective sa buong bansa; but as we also know, ang Quezon City po ay lumalabas nga na Capital natin at kumbaga kung ipinapangalandakan ng Quezon City na sila po isa po sa the best cities in the country, mukhang hindi ho maganda po maganda ang survey na ito.

So ang akin pong tanong ho, Attorney Harry: Alam ba talaga ni Presidente ho kaya kung gaano kahirap kumuha ng mga permit sa Quezon City?

SEC. ROQUE:Well, alam ninyo po kung titingnan ninyo iyong pag-aaral ng World Bank, dito sa Pilipinas ang pinakamadali mamuhunan hindi po sa Quezon City ‘no – nagkaroon din sila ng data – kung hindi sa Davao City. So talaga nung binabasa ko iyong data, unfortunately iyong pag-aaral eh talagang ginawa sa Quezon City; pero alam din nung nag-aaral na ang pinakamabilis ang proseso sa Davao, iyong home town ni Presidente.

Kaya nga po kampante naman tayo ‘no na dahil kinilala naman ang Davao City as kumbaga the best place to start a business in the Philippines, eh siguro iyong mga sistema na in place sa Davao City pag ipina-implement natin sa buong bayan eh magre-resulta sa overall improvement in ‘Ease of Doing Business’ sa ating bayan.

FAILON: Opo, yes, sir. Iyun nga po ano ho but… kaya po ang aking tanong po direkta kung alam ho ni Presidente. Kasi alam ninyo ho, Attorney Harry, nung naupo po ang ating Presidente isa nga po sa akin pong inaasam-asam ano ho bilang isang mamamayan ay iyong model ng kanyang lungsod eh ma-adopt ng lahat ng bayan, lahat ng lungsod sa buong Pilipinas lalo na dito po sa Metro Manila. But apparently nga po after more than a year, eh hindi po nangyayari ito.

So ano ho kaya ang konkretong aksiyon dito ho ng ating Presidente para masigurado po natin na ma-adopt po iyong kanilang konsepto doon at proseso at sistema dito po sa ating lungsod, sa Quezon City example?

SEC. ROQUE: Tama ka, Manong Ted. Siguro nga ang vision ng Presidente ay i-implement on a national basis iyung mga reporma na inintroduce niya sa Davao City ‘no. And this will definitely happen ‘no pagdating sa ‘Ease in Doing Business’ and sa mga ito kopyahin ninyo na lang kung ano iyong best practice. At ang sabi naman talaga ng World Bank eh iyong Davao ang pinakamadaling mag-start ng negosyo, gawin na lang ng lahat ng mga pamahalaang lokal iyong nangyari na sa Davao.

Pero ganunpaman ‘no, hindi lang naman iyong mga sistema sa Davao ang isisiwalat natin sa ibang LGUs ‘no. Alam din ng gobyerno na talagang malawakang reporma ay nakakabit iyung mga panukalang batas. Tama ka ‘no, talagang ang problema minsan ay sa implementasyon ‘no. Pero kung wala kang polisiya eh mas mahirap mag-implementa ‘no kung gagamitan mo lang ng executive order ‘no. Kaya naman nagagalak naman ako na nangako naman po ang liderato ng parehong kamara ng Kongreso na bibigyan nila ng prayoridad lalung-lalo na iyong pag-amyenda ng Corporation Code at saka iyong batas na magpapababa pa ng red tape sa ating gobyerno.

FAILON: Sige po. So moving forward, sir, mayroon na ho bang ano … ito ho ba ay nasa agenda po ng Cabinet para pag-usapan? Like, I don’t know, ano ho, hindi ko ho alam kung ano ho ang magiging diskarte ho dito ng ating Pangulo. But ako po, isa po sa aking nai-imagine lamang ay iyong to call the attention of all of these LGUs. Kasi, sir, you know, between us Attorney Harry – wala namang nakikinig sa atin, tayo lang dalawa ang nag-uusap ngayon – I’m sure naririnig mo rin iyong mga usap-usapan kung gaano nga kahirap at saka iyong lagayan sa City Hall.

SEC. ROQUE: Well, ang aking masasabi lang po, sa susunod na Cabinet meeting ay December 6 ‘no, at sisiguraduhin ko po na itong bagong resulta ng pagsisiyasat na ito ay makarating doon sa agenda ng Cabinet meeting.

FAILON: Opo. Yes, sir, please. Please kasi po I’m sure itong mga nakikinig ngayon sa atin na mga negosyante ay nakaka-relate nga sa ating pinag-uusapan. Hindi lang po sa Quezon City, sir, sa Metro Manila ho ay may mga notorious na mga lungsod na talaga namang pahirapan ang pagkuha po ng napakasimpleng mayor’s permit o building permit.

All right. So, Attorney Harry, iyon pong internet speed naman, opo. If you recall, noong kauupo pa lang po ng Presidente, binantaan niya na ho itong mga telcos na ito ‘di ba to improve their service or else ay he will invite new foreign players sa atin pong telecom, hindi ho ba?

SEC. ROQUE: Oho, tama po iyan.

FAILON: So, sir, I’m sure you are also aware na hindi ho ba na mayroon pong dapat na San Miguel Corporation na telcong papasok, hindi ho natuloy kasi nga po nagkaproblema somewhere, and then in-acquire po ng dalawang telco, itong sinasabi na frequency na dapat pong gagamitin ng San Miguel. Ang problema ho, nangako sila, ito pong aking hawak ngayon na mga materyales ay Mayo a-30 2016 pa ho iyong petsa, eh ngayon po ay November 3 na ng 2017. Iyong pangako po nila na gaganda ang serbisyo after acquiring the frequency, hindi po nangyayari, Attorney.

SEC. ROQUE: Well, tama po iyan dahil alam naman po natin ang nangyari ‘no, hindi po natuloy iyong third operator at nabenta rin doon sa duopoly. Alam ko po iyong naging pangako ni Presidente. Paninindigan po ni Presidente iyan. Ang karapatan po sa telekomunikasyon, sa internet at sa telepono ay hindi na po iyan pribilehiyo; iyan po ay isang karapatang pantao na, kinikilala na po iyan. Lalung-lalo na sa internet, hindi lang po access ang pinag-uusapan, kundi iyong bilis at kung napansin ninyo, noong mga nakaraang araw ay meron na pong mga namumuhunan na winelcome (welcomed) ng ating Presidente sa Palasyo kasama na itong si Mr. Mann?

At sa tingin ko, papunta na tayo doon sa direksyon na binantaan na ni Presidente ang mga telecom players na pagbutihin ang serbisyo, mukhang hindi pa rin nabibigay ang gustong serbisyo ng Presidente, at patuloy na po tayo doon sa paghanap ng siguro po ay solusyon dito sa napakasamang serbisyo ng mga telecos sa ating bayan. At kung kinakailangan nga ay nandiyan na ang posibilidad na mas marami pang papapasukin dito sa industriya na ito.

FAILON: Attorney, hindi ko alam kung mayroon na kayong access po sa ating Presidente sa usapin po ng kaniyang … alam ninyo ho iyon, iyong siya ho ba ay nag-i-internet din? Siya ba ay nagwa-WiFi din? At siya po ba ay napuputulan din po ng telepono habang may kausap? Attorney, sorry ha, kasi ito ho ang aking prinsipyo eh: Para mo maramdaman iyong nararamdaman ng pangkaraniwang Pilipino, dapat pagdaanan mo eh. Kung ikaw ay … ‘di ba sa usapin po ng commute, pagku-commute, hindi ka man sumasakay ng bus o jeepney, pero kung ikaw ay nakakasabay nila sa kalsada, nakikita mo iyong kanilang hirap kahit papaano mararamdaman mo eh. Dito rin po sa telco, ‘di ba tayo po ay nag-i-interview, mamaya mapuputol ka na. Ito ho ba ay nangyayari kaya sa Presidente?

SEC. ROQUE: Well, unang-una po ‘no, si Presidente po talaga ay walang hawak na telepono. Dumadaan po iyan via Secretary Bong Go o hindi naman kaya sa kaniyang mga aide. Pero ganunpaman, bagama’t hindi niya hawak ang telepono, alam ko po napuputulan din siya kasi iyan ay karanasan nating lahat. At ngayon po habang kausap kita, ako po ay naka-bathrobe, nasa labas ako ng bahay dahil walang signal doon sa loob ng bahay ko ‘no. At kanina nga po sabi ko sa misis ko siguro ho dapat alam din ng mga presidente ng telco dahil tila Presidential Spokesperson hindi ako makasagot sa mga text, walang signal sa aking bahay ‘no, ganiyan din po iyong problema ko noong ako po ay kongresista pa ‘no. Iyong isang telecom humihingi ng renewal, ang sabi ko bakit namin kayo bibigyan ng renewal eh sa Kongreso mismo walang signal.

Matindi po talaga ang problema. At ang tingin ko naman po, ang Presidenete bagama’t siya ay napakapasensyoso ay he is the man of his words at saka gagamitin niya ang political will niya para mapaunlad itong estado ng ating telecommunications sa ating bayan.

Uulitin ko po, naka-bathrobe po ako, nasa garahe ako dahil walang signal sa sarili kong bahay.

FAILON: Yes, sir, and you are just living near ABS-CBN, right?

SEC. ROQUE: Opo, Quezon City po ako; hindi po ako nasa probinsiya. Nakakalungkot po talaga ang estado ng telecommunications natin. Tingin ko naman po, tinatawagan ang kumpaniya, alam naman nila iyan dahil ang dami ko na pong reklamo sa kanila. Noong ako ay nasa Kongreso pa, reklamo na ako nang reklamo. Isang taon at kalahati na po mula noong ako ay umupo ako sa Kongreso at nagreklamo, wala pa rin pong naging solusyon dito sa ganitong napakasamang serbisyo.

FAILON: Okay, sige po. So asahan na lang po namin itong konkretong aksiyon ng Presidente sa usapin po ng telecoms, lalo na doon sa kanyang pangako na pag-upong-pag-upo niya na “kapag hindi kayo nag-improve, bubuksan ko ito sa ibang mga players para magkaroon ng magandang serbisyo sa pangalan po ng public service telecom. Ahhh, Atty, baka ho kayo masyado nang pagka-usyosohan ng inyong kapitbahay kung kayo ho ay naka-bathing suit pa sa inyong garahe.

Last na lang ito Atty., wala ho bang posisyon pa ang Presidente doon sa open pit mining ban na balak i-lift? Wala pa hong order si Ginoong Cimatu pero doon ho yata ang pagpupunta nito ho, iyong direksyon po, iyong lifting ng open pit mining na una naman hong sinuportahan ng ating Pangulo na ipagbawal na ho ang bago ‘no, bagong mga permit para po sa open pit mining, sir?

SEC. ROQUE: Well, ang katotohanan niyan ay ni-review ko talaga ang mga naging deklarasyon ng Presidente laban sa mga bagong open pit mining. At sa ngayon po ‘no, sinisiguro ko sa inyo na wala pang bagong pananalita ang Presidente tungkol dito. Siya ay tutol pa rin sa mga bagong open pit mining.

FAILON: Okay, sige po. So, Attorney Harry, again, thank you very much po. At sana po ito na ho ang simula ng ating ugnayan para po ang damdamin ng taumbayan po ay maipaabot po namin sa inyo, at kayo din po ay maging tulay namin mismo po kay Pangulong Duterte dito po sa sentimiyento natin.

SEC. ROQUE: Well, Ka Ted, ang sabi ko nga ‘no kahapon noong aking first press briefing, tinanggap po natin itong trabahong ito dahil naniniwala tayo na ang taumbayan ay may karapatang magkaroon ng impormasyon sa mga bagay-bagay na nakakaapekto sa kanila. Maraming salamat po at aasahan ninyo po ang ating pagtutulungan.

FAILON: Opo. Salamat, Attorney, and you can now go back to the shower.

SEC. ROQUE: Maraming salamat.

##

Resource