Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by JV Arcena (DWFM – Perfect Morning)

JV ARCENA: Good morning po, Sec., live po tayo sa Radyo Singko si JV Arcena po ito.

SEC. ROQUE: Good morning, JV at good morning sa lahat ng mga nakikinig at nanonood sa iyo ngayon.

ARCENA: Pasensiya na ho, alam kong nasa misa ho kayo. At kayo po ay naabala ho namin ulit. Balikan—Attorney, kamusta ho ang inyo pong unang Linggo sa trabaho?

SEC. ROQUE: Well, alam mo nawala na iyong mga alinlangan ko na tama ba itong ginagawa ko na iniwan ko iyong aking upuan sa Kongreso—

ARCENA: Oo.

SEC. ROQUE: Dahil unang-una eh na-realize ko na talagang mas malaking impact ang pupuwede nating magawa sa ating taong bayan sa pamamagitan noong mikropono sa Malacañang. So panatag ang loob ko na tama ang desisyon ko at tuloy-tuloy po ang ating paninilbihan.

ARCENA: Diretso na ho tayo. Ngayon po ay ‘Heal Our Land,’ rally or protest ng mga anti-Duterte groups. Ano po ang… may mensahe po ba kayo sa kanila o ano ho ba ang masasabi ninyo dito sa protesta na ito?

SEC. ROQUE: Well nag-issue na po ako ng statement, eh kaisa po natin sila ‘no sa pagdarasal ng para sa healing sa ating bayan ‘no. Naniniwala po kami na talagang importante ito sa ating bayan at malinis naman po at malinaw ang ating posisyon pagdating sa patayan. Labag po iyon sa batas, ang Presidente na dating fiscal, labag po iyan sa ating revise Penal Code. Ang Presidente po ang nagpakulong ng mga pumatay noong nakalipas, nag-order na ipakulong ang mga pumatay kay Kian. So ang amin po ay talaga naman pong kaisa kami ‘no na para sa pagtaguyod ng rule of law, ng karapatang mabuhay at kaisa rin kami sa importansiya ng pananalangin para sa ating bayan.

ARCENA: Hindi ho ba ninyo ito nakikitang show of course ng mga anti-groups?

SEC. ROQUE: Hindi po eh, in fact kung wala lang akong flight sa Cebu mamaya para makipagpulong sa Cebu, ang provincial press corps eh, ako po ay sasali rin sa kanila ‘no. Pero unfortunately the schedule will not permit po.

ARCENA: Itong nakalipas na Linggo, Secretary may grupo ho na itinayo, ito pong inilunsad na manlaban for—sa EJK. Partikular ho nilang sinasabi, nakausap po natin si Attorney Colmenares kanina, ang sinasabi ho niya categorically, sinabi niya na states-sponsored ang EJK?

SEC. ROQUE: Well, hindi ko po maintindihan kung saan nanggagaling iyan kasi wala pong ebidensiya bagama’t ako po talagang sinabi ko, “I welcome the creation if this group” kasi ang problema natin iyong ibang group ngawa lang nang ngawa ‘no. Kinakailangan kasi kumalap ng ebidensiya, dahil unless mayroong ebidensiya na talagang lumabag sa batas ang kapulisan ay kaisa tayo sa daigdig na ito na tinatawag na presumption of regularity in the discharge of functions ‘no, kahit saan po iyang bansa dito ‘no. And the only way na ma-o-overcome natin iyang presumption na ganiyan eh kapag mayroong ebidensiya. So ako po talaga—I mean sa atin pong mga group—

ARCENA: Nawala si Secretary. Nawala si Secretary balikan natin. Mia—

SEC. ROQUE: Eh kami ngayon ang naglilitis sa mga kaso ‘no. Eh sana ganiyan po ang gawin ng ating mga abogado ngayon sa ating bayan.

ARCENA: May mga nagsabi dismayado ho raw sila dahil itong grupo—may kagrupo ho dito sa ‘Manlaban sa EJK’ nagsabi na magiging—I mean, it’s a big thing—or malaking ipaliwanag—ipagpapaliwanag mo raw, Secretary dahil kayo raw po ay isinusulong ang human rights pero kasama ngayon sa administrasyon na ito na kanilang kinokontra?

SEC. ROQUE: Well wala po akong dapat ipaliwanag, hintayin ninyo na lang po ang ating mga gagawin sa mga susunod na araw.

ARCENA: Sec., reaksiyon lang ho doon sa sinasabing miscalculation daw po ito pong pagpapatayo ng Mega Rehab?

SEC. ROQUE: Sang-ayon din po kami diyan ‘no dahil ang problema lang naman diyan, hindi naman gobyerno ang nagpatayo niyan eh, mayroon kasi talagang nagmabuting loob na Tsino at sabi niya, ‘Magpapatayo ako ng Mega Center’ eh hindi naman natin mahindi-an dahil siya naman na talaga ang may karapatan para magdesisyon kung paano gagastusin ang pera niya ‘no, pero kaisa po kami ni General Santiago doon sa kaniyang rekomendasyon na kung pera ng taong bayan ang gagamitin eh dapat huwag ninyong dibdibin ang pag-giit ‘no ___. Alam mo JV matagal na rin ako na gumagalaw na isang NGO na ang mandato tatlumpung taon na po ‘no I plan rehab, talaga pong ang aming mga modelo ay napakaliliit ng mga centers, under tent po ang aming centers bagama’t mayroon na po kaming mga 60 centers sa buong Metro Manila ‘no. Pero ang aming karanasan po sa nakalipas na trenta años ay talaga pong epektibo kapag maliit dahil kinakailangan ng indibidwal na atensiyon lalong lalo na ng mga kabataan.

ARCENA: May plano ho ba kayo sir na—ano bang plano dito sa Mega Rehab? May mga panukala na ipatigil na lang daw muna kaysa ituloy iyong operasyon na ito.

SEC. ROQUE: Ng ano po, operasyon ng?

ARCENA: Ng Mega Rehab dahil hindi pa rin daw ayos ang maintenance?

SEC. ROQUE: Oo, well nag-o-operate po iyan on the—on the limited capacity, I understand mga 400 client po mayroon sila diyan ‘no. Siguro iyong kabuuan ng concrete ay pupuwede nating magawan ng ibang silbi ‘no dahil iyan naman po ay nasa loob ng kampo. So puwede po iyang maging tuluyang ng sundalo, pupuwede po iyang maging opisina pero kung hindi po talaga magagamit iyan ng libo-libong mga rehab client eh hindi naman po mauubusan ng gamit iyan.

ARCENA: Sec., ito naman po ibang isyu, iyong tungkol po sa MCC, medyo mababa lang po iyong rating natin doon sa Millennium Challenge Corporation?

SEC. ROQUE: Well iyan po ay base po sa survey na kinonduct ng 2015. Eh alam naman po natin na—siguro po tama pa iyang survey na iyan dahil noong eleksiyon ay talaga namang binatikos din ni Presidente Duterte iyong isa ng korapsyon doon sa nakalipas na administrasyon—

ARCENA: Oo.

SEC. ROQUE: In fact hanggang ngayon ‘no patuloy pa rin iyong masamang epekto ng korapsyon, wala pa rin tayong licensed plate ‘no, palpak pa rin ang LRT. Pero ang lilinawin ko po, iyan po ay base lang sa survey, 2016 kalahati po ng taon nandiyan ang ating Presidente Duterte, mayroong kalahating taon po iyon na transition pa lamang. Hindi po ako naniniwala na ang perception na lumala ang korapsyon kay Presidente, I’m sure ito pong taon na ito 2017 eh makikita ninyo, mababaliktad ang survey sa susunod na taon dahil ito lang po ang Presidente na sinisante ang kaniyang napakalalapit na mga alyado ‘no, iyong Presidente na Mayor Rody Duterte For President Movement, iyong kaniyang Spokesman noong eleksiyon sinesante, hindi dahil sila ay napatunayan na corrupt kung hindi mayroong contention na corrupt ‘no. So ang Presidente zero tolerance sa corruption, perception pa lang na corrupt ka, sipa ka na ‘no. Eh noong Biyernes nga lang eh ‘no kamuntik na nga daw niyang tadyakan sa mukha iyong isang Usec., noong nalaman niyang mayroong nagrereklamo na corrupt ‘no, ito iyong Usec. ng DBM at ito ay aktibo rin sa kampaniyang iyan noong huling eleksiyon ‘no. So ganiyan po, zero tolerance ang ating Presidente. Malinis na malinis po ang paninindigan ni Presidente pagdating sa pagpapatupad ng ating Anti-Graft And Corruption Practices Law.

ARCENA: And then po ang MCC po ay sumusukat ng paglaban sa katiwalian ng isang bansa, tama po sir ‘di ba, ang paglaban at ang pagpapatupad ng batas pero naniniwala kayo iyong MCC o iyong resulta ng kanilang survey ngayon ay repleksiyon lamang ng mga nakaraang—ng mga nagawa noong nakaraang administrasyon?

SEC. ROQUE: Opo kasi 2016 po iyan bagong bago naman si Presidente Duterte noong Hunyo a-trenta ano tapos kasama pa doon iyong Pasko na halos walang nangyayari ‘no, so limang buwan ang pinag-uusapan natin siguro naman we are entitled to transition period ng limang buwan.

ARCENA: Ibang topic daw po iyong tungkol ho doon sa isang journalist na—I mean si Thinking Pinoy, banggitin na natin iyong kaniya hong mensahe na parang inciting violence against one of the members ng MPC?

SEC. ROQUE: Well nanawagan na po ako, nanawagan na po ako sa DDS na talagang respetuhin ang mga lehitimong mga mamamahayag natin at kasama po sa aking katungkulan bilang taga ‘pagsalita iyong interesting ang mensahe, kung gaano ka-importante ang malayang pamamahayag sa isang demokrasya. So asahan ninyo po na sa mga dadating pang araw na ako ang Spokesperson eh patuloy din naman po—tuloy-tuloy iyong ating proseso ng pagdi-disseminate ng importansiya ng isang malayang mamamahayag.

ARCENA: Kasi ang pagkakaalala talaga namin, I mean kampante naman po ang mga mamamahayag sa iyo, Secretary dahil kayo po ay naging abogado po ng mga biktima ng Maguindanao massacre, kayo rin po ay nag-abogado doon sa mga kinasuhan ng libel noong Arroyo administration. So kumbaga may balanse na at least may dating taga pagtanggol ng media na nandiyan sa Malacañang so iyong panawagan ho ninyo, I mean kasi kung—natatandaan simula po ng nakaupo ang Pangulong Duterte ang media ho talaga iyong lagi hong binabanatan, lagi hong—alam ninyo iyon iyong binabatikos ng mga DDS, laging binabatikos o pinupuna ng Duterte—ng mga supporters?

SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po, ako naman ay naging professor ng batas ng labing limang taon ‘no. Hayaan ninyo po gagamitin po natin itong plataporma natin ngayon para mapaintindi sa taongbayan kung ano talaga ang papel ng media, papel ng media, hindi tagabigay ng Hallelujah, ang papel talaga ng media eh para bantayan nang sa ganoon ang gobyerno naman ay manilbihan ng todo.

ARCENA: Kayo mismo sir, eh kayo ho ba ay handa rin po na mapuna ng media?

SEC. ROQUE: Naku hindi naman tumigil iyan ‘no—

ARCENA: [laughs].

SEC. ROQUE: Tingnan mo nga kakaupo ko pa lang eh ‘no ang bumabanat na sa akin iyong mga kasama ko sa Kongreso at mga mamamahayag na galing doon sa House na press corps kung saan ako nanggaling. Eh sa akin, tanggapin lahat iyan ‘no para lang hindi mabuang ako, hindi ko na lang binabasa ‘no. So ganoon naman po iyon ‘no. Me kalayaan ang malayang pamamahayag, may kalayaan din ako kung anong babasahin ko.

ARCENA: Okay po. Sir, panghuling mensahe na lang po bago tayo magtapos.

SEC. ROQUE: Well ako po ay nagpapasalamat sa pagkakataon na ibinigay sa akin ni Presidente na maging tulay sa panig ng Malacañang at ng sambayanan at sa aking bagong hamon po bilang tagapagsalita. Asahan ninyo po na gagawin natin ang ating katungkulan sa konteksto na importante ang karapatan ng malayang pamamahayag, importante ang karapatang mabuhay. At ang importante siguro ay magkaroon ng klaripikasyon kung ano talaga ang posisyon ng Presidente na dati piskal, isang abogado, isang tao na naninindigan na kinakailangan lahat ng bagay-bagay na nangyayari sa insitutsyon ay sang-ayon sa Saligang batas at sang-ayon sa ating mga batas.

ARCENA: Itanong ko lang itong panghuli, Attorney, ihabol ko. Noong nakaraang Linggo binanggit ng Pangulo na parang iniendorso kayo for Senator. Ito ho bang pagtalaga sa iyo bilang Spokesperson ay parte ng bigger plan para ho sa inyong—

SEC. ROQUE: Naku sa totoo lang JV, kilala mo naman ako ‘no talagang nawindang ako noong binigay sa akin itong pagkakataon na ito. At dahil nga dito sa mga pangyayari noong mga nakalipas na araw. Ngayon ako ay papunta sa simbahan lalo pang lumakas ang aking pananampalataya at ang aking motto ngayon ay “Thine will done” (Thy Will, Not Mine Will be Done) I will go where the law is best fitted me ‘no. So ganiyan na lang po ang aking paninindigan.

ARCENA: Okay po. Maraming salamat po, Secretary Harry Roque sa inyo pong panahon sa amin at sa inyong paglalaan ng time sa amin. Mabuhay po kayo.

SEC. ROQUE: Salamat, JV at mabuhay ka po.

###

Resource