Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Jojo Robles, Conrad Banaland Rj Nieto (Karambola – DWIZ)

Q:                                                           Secretary, good morning sa iyo at welcome sa Karambola.

SEC. ROQUE:                                   Good morning kapit bahay, Thinking Pinoy at si Cong. Jonathan, magandang umagasa inyo.

Q:                                                           Teka si Conrad, si Pareng Conrad—

SEC. ROQUE:                                   Ay si Pareng Conrad, kasamahang Conrad, magandang umaga po.

Q:                                                           Good morning, Secretary. Masarap bang maging—

Q:                                                           Puwede ka na bang tawaging, Secretary?

Q:                                                           Puwede na iyon.

SEC. ROQUE:                                   [laughs]. Ngayon puwede na po ‘no dahil ang aking ginagawa lang naman ay nagbi-briefing.

Q:                                                           Ang galing ninyo kahapon, sir. Ang galing ninyo kahapon.

SEC. ROQUE:                                   Salamat po. Salamat po.

Q:                                                           Kahapon sabi ko, ‘Ay wala akong ganoong patience. Buti sa ano—

Q:                                                           Medyo pasensiyoso ngayon.Magbabago ba ang direksyon ng office ninyo dahil bago na ang Secretary?

SEC. ROQUE:                                   Well ang problema ko po hindi ko alam kung ano iyong naging patakaran bago ako dumating ‘no. So hindi ko po alam kung magkakaroon ng pagbabago ‘no.Pero ang in-assure kopo doon sa mga taga Office of the Spokesperson, wala muna pong aalis na posisyon dahil magpapasko, so kami po aymagsasama-sama hangga’t maaari ‘no. So kungmagpapasok po ako ng tao siguro ko po ipapasok ito pong(unclear) iyong mga naroroon na. Kasi nakikita ko iyong gawain ng mga staff ng Presidential Spokesperson at saka ng PCOO, talagang napakatindi po noong ginagawa nila, iyong mga briefers nila, ang tingin ko napakahirap ng kumuha ng mga bagong indibiduwal para gawin iyan.

So sa akin, I think the system can stay po. Magdadala lang ako ng kaunting mga bagong mga mukha para naman po masabi ko din na mayroon tayong mga tao na makikipag-ugnayan sa atin.

Q:                                                           Sir, may sinabi po kayo na kukuha daw kayo ng isang Deputy Spokesperson na estudyante ninyo daw at nagre-review pa ng law at may itsura. Tama po ba iyon sir?

SEC. ROQUE:                                   Well ang importante kasi… bagama’t nandiyan si Asec. Mocha at nandiyan din si Thinking Pinoy, ang tingin ko mas marami pa rin dapat ang nakikipag-communicate doon sa mga millennial dahil sa iyan ang pinakaimportante ‘no na segment ng ating populasyon ‘no. So iyong lang po ang aking iniisip mas magandang tulay sa mga kabataan ngayon ng kabataan din. So iyon po ay isa sa aking mga plano.

Q:                                                           Sir, kung—puwede po bang request? Puwede ba si Piolo, si John Loyd o kaya si James Reid?

SEC. ROQUE:                                   Iyan ang problema kapag kinuha ko iyon mai-insecure naman ako ng husto.

Q:                                                           (overlapping voices). [laughs]. Baka maiba-maiba ang diskusiyondoon.

SEC. ROQUE:                                   …Spokesperson.

Q:                                                           Pero isang magandang iniisip po ninyo, Mr. Secretary iyong tungkol doon sa pagpunta sa mga probinsiya, doon kayo magbi-briefing at lahat. Kasi ang nawawala sa ngayon sa tingin ko, eh iyong nakikita ng tao na may nangyayari pala aside from the drug war, etcetera?

SEC. ROQUE:                                   Opo, ang reyalidad po kasi talaga parang ang pakiramdam ng mga provincial media/press eh hindi sila napagbibigyan dahil lahat talaga ng kausap ng Spokespersoneh iyong mga nasa Malacañang Press Corps ‘no.

So ako naman po minabutiko na na dahil na doon sa mga probinsiya at sa mga provincial press corps iyong Office of the Spokesperson dahil lahat sana dapat naririnig din ng Spokesperson. Ang gawain ko po hindi lang Tagapagsalita, tagapakinig din po ‘no doon sa mga hinaing ng mga kababayan natin.

So iikot po tayo,kada Wednesday po pupunta tayo ng Marawi para sabihin sa ating taongbayan kung ano talagang nangyari doon sa pagbangon ng Marawi, at tuwing Biyernes naman eh pupunta tayo sa isang lugar sa probinsiya.

Q:                                                           Opo sir, kahit umpisahan ninyo sir sana ngtipong kausapin ninyo muna iyong Cagayan De Oro press, tapos Davao tapos, tapos Cebu, tapos iyong iba pang mga probinsiya.

Q:                                                           May federation kasi na—iyon nga iyong nawala eh, Federation of Provincial Press—

Q:                                                           Ay may ganoon pala—

Q:                                                           Mayroon, mayroon. Matagal na iyan. Mabuti at bubuhayinni Secretary Harry iyong mga ganoon na press groups.

Q:                                                           Sir, nabanggit ninyo po iyong balak ninyo—pinag-uusapan pa daw kung magkakaroon kayo ng advisory role pagdating sa human rights sa Palasyo. Ang tanong ko lang sir: Ano po ba iyong mga gusto ninyong mgamodification sa approach natin sa war on drugs at sa human rights kung sakali man na maitalaga kayo sa posisyon na iyon?

SEC. ROQUE:                                   Well actually hindi ko pa po alam kung anong magiging desisyon ng Palasyo sa advisory role ‘no. Pero ang sa akin po, paulit-ulit kong sinasabi na nagdeklara ang Presidente ng pagkapatay kay Kian na suportado niya ang pulis kapag legal ang engagement, eh iyan po ay patunay na hindi po nagkakaibaang posisyon ng Presidente doon sa kung anong sinasabi ng karapatang pantao.

Hindi po pinagbabawal naman na pumatay ang kapulisan dahil po mayroong banta sa buhay ng pulis. Eh dapat naman pong maprotektahan niya kayong sarili ‘no. Pero dahil ganiyan nga po ang naging pronouncement ngating Presidente, sinasabi k0 po na hindi talaga lumalabag sakarapatang pantao ang Presidente patunay na pupuwede tayong magwagi dito sa war on drugs na hindi rin lumalabag sa karapatang pantao.

Q:                                                           Nabanggit niPangulong Duterte, Mr. Secretary. Sabi ninyo may dalawa lang na habilin sa inyo ang Pangulo—

SEC. ROQUE:                                   Opo.

Q:                                                           Paki—kung puwede paki-expound lang po iyon.

SEC. ROQUE:                                   Simplelang po iyon. Ang sabi niya lahat ng tao sa gobyerno nanumpana gawin ang tama para sa taong bayan; kaya ang sabi niya, dito lang tayo sa katotohanan, huwag kang magsinungaling. So do what is right and do not lie. Iyon lang po ang kaniyang marching order.

Q:                                                           Kung saka-sakali po malagay kayo sa sitwasyon na you will have to at least…sa personal ninyong paninindigan eh labag sa kalooban ninyo iyong pagsabi noong mga posisyon ng gobyerno. Papaano ninyo po iha-handle iyong ganoong sitwasyon?

SEC. ROQUE:                                   Well tanggapko na po na—noong tinanggap ko na itong posisyon na ito eh nawala na iyong aking mga personal na paninindigan at least as far as iyong mga pronouncement natin sa publiko ay concerned. Siyempre hindi ko naman matatanggalna ako pa rin ito ‘no at mayroon pa rin akong mga personal na paninindigan pero kung ito po ay salungat sa posisyon ng Presidente eh sa akin na lang po iyon. Ang aking mga public pronouncement will be iyong mga pronouncement ng ating Presidente.

Q:                                                           Eh sir ito po, isa sa mga pinakamalaki sigurong problema ng communication strategy ng Palasyo eh iyong pagkakagulo-gulo noong data pagdating po sa war on drugs. At sabi po ninyo kakausapin ninyo ang Philippine National Police para i-sort out iyong data na iyon. So papaano ninyo po ba uumpisahan iyon sir? Parang medyo mahirap eh.

SEC. ROQUE:                                   Well…matagal na po kasi itong usapin ng National Human Rights Data Center ‘no. Kailan ba sinimulan iyan? Parang mga pitong taon na ang nakalipas eh talagang minungkahi na magkaroon tayo ng isang National Human Rights Monitoring Center kaya lang hindi nagkasundo kung sino talaga iyong magiging national monitoring center ‘no. May mga nagsabi noon at naalala ko si Leila De Lima ayawding pumayag na hindi siya dahil panahon pa ng CHR iyon, ang gusto niya CHR. Ang sabi naman ng marami eh kahit na sabihindindependiyente ang CHR eh may pulitika rin diyan at ako ang sinuportahan ko iyong UP Law Center ang maging Human Rights Monitoring Center—

Q:                                                           Puwede naman po, opo.

SEC. ROQUE:                                   Kasi kung wala tayong objectiveat neutral na monitoring center ‘no para magtalaga noong mga numero, hindi natin mabibigyan ng solusyon ‘no. So ngayon ang gulo-gulo talaga ‘no dahil pati iyong mga hukuman wala silang mga data kung ilan na iyong mga nakabinbin sa hukuman, ilan na na-desisyunan pagdating diyan sa mga patayan na iyan at pati doon sa mga National Prosecution Office, wala rin silang pigura ‘no.

So sa akin, ayusin muna natin siguro simula dito sa PNP kasi mayroon silang record kung ilan talaga ang namamatay sa police operation ‘no. Siguro aayusin natin ang depinisyon at matapos maayos ang depinisiyonkakalapinna natin iyong numero ‘no.

Pero imumungkahiko pa rin ‘no kung kanino man na magtalaga talaga ng National Human Rights Monitoring Center. At uulitin koang paninindigan ko ay dapat siguro isang pamantasan iyan na walang pula na namumulitika.

Q:                                                          So iyon napakaimportante po iyon sapagka’t ang pagkaintindi ng marami eh over the past one and half years mga 14 to 15,000 ang police operations ang namamatay out of those operations eh 1,000—

SEC. ROQUE:                                   Opo. Opo.

Q:                                                           Eh ‘di ibig sabihin noon eh maling mali iyong mga sinasabi noong napakaanong kritiko ni Presidente na ito ang mga gawain na nangyari dito sa mga police operations?

SEC. ROQUE:                                   Ang spread nga po ata is between 1,000 sinasabi ng kapulisan, hanggang 4,000sinasabi ng human rights groups ‘no. Pero kung titignan mo talaga hindi mo alam kung anong basehan. So—

Q:                                                           Sir, may 13,000 pa sabi ng Rappler.

SEC. ROQUE:                                   [laughs].

Q:                                                           ‘Di ba dumami,nag-ano—murder by extrapolation—

Q:                                                           17 lang iyon eh—

SEC. ROQUE:                                   Well ako naman po ang aking pigura, eh iyong mga pigurang nakalap po doon sa budget hearing ng Kongreso ‘no. So sa akin naman eh siguro may mga basehan naman iyong sinasabi ng mga iba’t-ibang grupo sa Kongreso dahil sa budget hearing hindi lang naman taong gobyerno ang nagsasalita, pati iyong kritiko ‘no, inaanyayahan din para makatulong sa pagtatanong sa mga ahensiya ng gobyerno.

Q:                                                           Secretary may isa pang nagiging—isa pang nagiging malaking problema ay iyong perception o kaya ginagawang importance ng international news media. Paano natin aayusin ang ating importance o kaya iyong pagbabago na iyon?

SEC. ROQUE:                                   Well alam ninyo ang miscommunication eh iyong para bagangbinansagan si Presidente Duterte na killer. Eh kinukumpara pa nga ng ilan kay Hitler ‘no. So nagsimula na po ako ng proseso ng pagkakaroon ng dayalogo sa international news agencies at nagsimula na po ako sa Canadian Broadcasting Corporation at sinabi ko na iyon nga po binalik ko iyong usapin ng Kian at iyong opisyal na pronouncement ni Presidente pagdating sa patayan dito sa war on drugs. Sagot lang niya ang kapulisan kung legal ang engagement ‘no.

At ang hamon ko naman sa mga human rights group. Alam mo kahit saan tayo makarating sa mundong ito, there is such a thing as presumption of regularity in the discharge of function. Ibig sabihin ‘pagsinabi ng pulis na nanlaban, maybe to fit theassumption na nagsasabi ng totoong kapulisan dahil mayroon silang sinumpaang katungkulan na hindi lalabag sa Saligang Batas at sa mga batas. Pero hindi naman ibig sabihin na nakaukit sa bato iyong ganiyang presumption. Pupuwedeng ma-overcome. Paano? Eh ‘di magpakita ka ng ebidensiya na hindi talaga nanlaban iyong tao at kapag may ebidensiya mawawala na iyong presumption na iyan. Pero nandiyan pa rin iyong whoever must allege must prove.

Kaya ang hamon ko sa mga human rights advocates, hindi sapat na magdadadakdak. Kinakailangan kumuha ng abogado, kalapin ang ebidensiya at kung mayroon talaga sapat na ebidensiya, isampa sa hukuman dahil iyan naman ang ginawa ni PAOPersida Acosta ‘no doon sa kaso ni Kian at saka noong kaso noong isa pang binatilyo ‘no. Hindi siya nagngangangawa‘no, kumalap siya ng ebidensiya, forensics evidence, hindi lang testimonial evidence at noong nakumpleto niya ang ebidensiya nawala iyong presumption of regularity. Hindi po natin pupuwedeng tanggalin ang presumption of regularity dahil sa buong mundo po, lahat ng bansa may ganiyang presumption.

Q:                                                           Secretary, kasi po ang naobserbahankoparang naging one issue administration ito eh, itong EJK and killings.

Q:                                                           Dito na—dito na naka-connect—

Q:                                                           Kaya nangyari iyan kasi ang Malacañang noon reactive lang. Nagre-react lang doon sa isyung ibabato—

Q:                                                           Ng media—

Q:                                                           Ng media sa kanila na alam naman natin inspired by some agenda. Hindi po ba?

SEC. ROQUE:                                   Well kaya nga po sa aking schedule ‘no, dati po walang Monday briefing. Kaya iniisip kong magkaroon ng Monday briefings na puro good news ‘no. Kasi napakaraming—

Q:                                                           Not that necessarily good news,basta you said—

Q:                                                           Othernews lang, kahit bad news—

Q:                                                           You set na issues na gusto ninyong ilabas—

Q:                                                           Oo.

SEC. ROQUE:                                   Tama po.

Q:                                                           Hindi iyong kayo ang magre-react lamang doon sa—eh siyempre isusubo sa inyo na issue diyan iyong gusto nilang—

Q:                                                           At saka sir—

Q:                                                           At saka sa agenda.

Q:                                                           Saka sir ito po request ko lang, magbaon na po talaga kayo ng hollow block sir.

SEC. ROQUE:                                   [laughs].

Q:                                                           Hindi serious—

SEC. ROQUE:                                   Sinimulan ko na po ang government procurement—

Q:                                                           Seriously as Secretary ‘no. Ako mayroon akong suggestion. I know it’s going to be—it’s going to inconvenience you, pero alam naman natin ang kalakaran sa media, the weekends, which traditionally slow news days ‘no. Eh diyan nase-set minsan iyong agenda ng—

Q:                                                           For the week.

Q:                                                           For the week. Ngayon if you don’t mind my suggesting, iyong sinasabi ninyong Monday briefing one day late na iyan, if it’s not too much of an inconvenience bakit hindi kayo magtawag ng Sunday briefing? I think that would be a lot better as far as the media and setting—

Q:                                                           (overlapping voices).

Q:                                                           Hindi puwede iyong agenda, magsisimba ba si Pia? Huwag ganoon, huwag mong istorbohin si Pia.

SEC. ROQUE:                                   May kasunduan naman po kami ni Secretary Andanar na siya po ang tatayong Tagapagsalita kapag weekend at saka siya po iyong hahawak noong Mindanao Hour tuwing Biyernes ‘no. So ang aking schedule po ay magkakaroon ako ng karagdagang briefing sa Lunes.

Ang regular briefing po ay Tuesday and Thursday, tuwing Miyerkules doon po ako sa Marawi at tuwing Biyernes nasa probinsiya po ako.

Q:                                                           Ayon. Ang isa pang suggestion ng mga kasama natin, Mr. Secretary, ay together with the Secretary Cayetano, siguro baka puwedeng mag-set ng briefing with the accredited embassies and consulates here in the Philippines. Kasi nanggagaling iyong news sa kanila, sa kanilang mga bayan, dito sa mga nandiditong resident ambassadors or consuls.

SEC. ROQUE:                                   Of course, of course po ‘no. At ako naman po bukod sa aking tanggapan, sa lahat ‘no. At pag-uusapan po namin ni Secretary Alan iyong sinabi ninyo nga, iminungkahi na briefing para sa mga iba’t ibang mga delegasyon dito sa ating bayan. Tama po iyan.

Pero ako po, isa po iyan sa akin prayoridad ‘no na ipadala ang tamang komunikasyon doon sa miyembro ng ating foreign media at dahil ang aking linya naman po talaga eh international law ‘no, tingin ko po eh sapat naman iyong aking relasyon sa mga embahada at mga konsulado para iparating ang tamang impormasyon sa kanila.

Q:                                                           Eh sir ano po ito, eh suggestion lang naman at personal opinion. Feeling ko, sir, kung iyong ginawa ninyo kahapon eh ulit-ulit ninyong gagawin, feeling ko maganda ang mangyayari sa Office of the Presidential Spokesperson. Eh kaya lang alam ko naman na sobrang grueling noong schedule ninyo. So kahit wala po akong moral ascendancy na magsabi, ingatan ninyo sir iyong kalusugan ninyo ha.

SEC. ROQUE:                                   Ah opo, opo. Ako po ay nagda-diet na at nag-e-exercise ‘no talagang kinakailangan mas mahaba ang buhay natin kaysa sa mga walanghiya sa lipunan.

Q:                                                           [laughs]. Kasi sir ako Machiavellian naman ako eh, so sa akin lang kahit healthy ka lang din 2022, bahala na pagkayanin. Pero kailangan ka namin hanggang 2022, sir. [laughs]

SEC. ROQUE:                                   Opo.

Q:                                                           Ako mayroon akong tanong, nabanggit mo kanina iyong mga presumption of ano legality, etcetera—

SEC. ROQUE:                                   Regularity po, opo.

Q:                                                           Regularity. Eh iyong mga kaibigan nating abogado na katulad mo eh nag—tumayo na naman diyan sa issue on EJK. Eh ginagamit na naman iyong old figure na ngayon eh umabot na sa 14,000 killed nitong grupong ‘Manlaban.’ Mayroon po ba kayong mensahe para dito sa mga kumpanyero ninyo?

SEC. ROQUE:                                   Well unang una po, I welcome this development. Kasi nga po kinakailangan ebidensiya, hindi lang ngawa nang ngawa. Dahil kita ninyo naman ang Presidente, bigyan mo ng ebidensiya ang Presidente bilang isang dating fiscal at isang abogado ‘no, hindi naman niya kukunsitihin ang patayan, ang isang murder. Dahil siya mismo noong siya ay fiscal, eh siya ay naglitissa mga kasong murder. Ang masama kasi ginawang pulitika ng ating mga kalaban iyong usaping human rights.

At dahil sinusuka ng taong bayan iyong mga kalaban ng administrasyon na iyon, pati tuloy human rights sinusuka na. Ang sabi ko nga kung talagang sila ay seryoso sa pagsusulong ng karapatang pantao eh dapat unang una ididiborsyo nila doon sa mga kalaban ng ating administrasyon.

At pangalawa, doon lang tayo tumutok sa ebidensiya. So itong bagong grupo na nabuo ‘no, kung talagang sila ay mangangalap ng ebidensiya at ginagamit ang—gagamitin nila ang sistema ‘no para magkaroon ng katarungan. We welcome that. Dahil malinaw na malinaw po ang posisyon ng Presidente ‘no, ang kaniyang pananalita, ang polisiya, ang kaniyang pagkatao bilang isang fiscal, hindi po siya nagkukunsinte ng murder.

Q:                                                           Sir, ito po medyo off topic lang. ‘Di po ba human rights lawyer kayo sir so—‘di ba iyong Commission on Human Rights nagfo-focus sa mga human rights violations na committed government agents ‘di ba?

So tanong ko lang sir, sarili ninyo lang legal opinion, pupuwede po bang mag-report ng human rights violation iyong asawa ni Ronnie Dayan dahil ninakaw iyong asawa niya ni Leila De Lima?

SEC. ROQUE:                                   Well sa akin po siyempre po iyan ay isang kriminal na bagay ‘no. At ang aking suhestiyondoon sa asawa ni Ronnie Dayan, magsampa po kayo ng kaso ‘no. Dahil pinapatawan po ng parusa iyong mga ganiyan ‘no iyong pagsasapina tinatawag, iyan po ay hindi lang paglabag ng ating batas, paglabag mismo iyan ng batas ng Diyos ‘no dahil nasa sampung kautusan po iyan. Pero iyong tanong ninyo po na iyong human rights ay para sa state agents. Mali po iyan.

Q:                                                           Hindi, ganoon?

SEC. ROQUE:                                   Hindi lang po sa state agents ang pupuwedeng lumabag ng karapatang pantao, mayroon na po tayong tinatawag na International Humanitarian Law, pati po iyong mga kalaban ng gobyerno, ito puwedeng lumabag sa karapatang pantao at hindi lang po iyan dahil nagkaroon na po ng expansion ang depinisyon ng human rights, lahat na po ngayon pati ang mga pribadong mga korporasyon ay pupuwede ng lumabag ng karapatang pantao.

Sa ating batas na Civil Code ang ordinaryong tao pupuwedeng lumabag sa karapatang pantao ng iba at dahil dito pupuwedeng pagbayarin ng danyos ‘no. So iyan po iyong pagkakamali ng posisyon ng CHR na tanging paglabag lang ng state agent ang kanilang dapat sakupin—

Q:                                                           Iyan ang linya nila eh.

SEC. ROQUE:                                   At pangalawa po, iyong sinasabi ko po kanina na huwag ngawa nang ngawa, iyan po ay equally applicable sa CHR. Hindi ko po sinasabi na CHR ang lumitis ng mga kasong naimbetigahan nila, dahil mayroon naman tayong mga fiscal na ang trabaho eh litisin ang kasong ito.

Pero sa kanilang pag-iimbestiga, dapat inaayos nila ang pag-iimbestiga nila at nagsasampa sila ng mga reklamo. Dahil iyong reklamong iyon ay patunay na hindi lang sila naninira sa administrasyon at tuloy-tuloy ang kanilang pagdi-discharge ng kanilang katungkulan. Kasi habang hindi po ginagawa iyan ng CHR eh tama po iyong pula sa kanila na naninira lang sa administrasyon.

Q:                                                           Iyon ang nagiging problema nga ho ng CHR. Pero puwede bang—another off topic, Mr. Secretary. Kayo dapat ang sinabi doon ni Speaker Alvarez na magpre-prepare ng impeachment of… Articles of Impeachment kay Chairman Bautista. Iyon ba ay nagawa ninyo bago kayo ninumbrahanni President Duterte?

SEC. ROQUE:                                   Ah nagawa ko po at in-acknowledge naman ng receipt ni Congressman Umali, iyong Chairman ng Committee on Justice. Pero hindi na nga kinailangan na i-transmit iyan sa Senado dahil tuluyan ng nagbitiw sa puwesto si Chairman Bautista at ngayon po eh nagtalaga na nga ang—nagbotohan ng mga Commissioners ng Comelec na ang acting Chairman ay si Commissioner Lim.

Q:                                                           Iyon ba iyon, public document na ba iyang Articles of the Impeachment na iyan, Mr. Secretary?

SEC. ROQUE:                                   Opo, opo. Iyan po ay part of the records of the House.

Q:                                                           Baka puwedeng makuha sa House, okay.

SEC. ROQUE:                                   Opo, opo. Nandiyan po iyan.

Q:                                                           So ngayon sir na kumbaga bagong salta lang kayo diyan sa Office of the Presidential Spokesperson. Ano po ba iyong mga pinakamalalaking challenges mo ngayon na habang—ewan ko nag-o-organize pa lang yata kayo ng sarili ninyong staff siguro eh ‘di ba?

SEC. ROQUE:                                   Well unang una, wala pa po akong opisina.

Q:                                                           [laughs].

SEC. ROQUE:                                   So hindi ko po alam kung saan ako tatambay doon sa Malacañang ‘no. Noong unang araw ko po eh dahil wala naman akong opisina doon na lang po ako sa isang kainan na harap ng Malacañang tumambay—

Q:                                                           Sir, i-rent ko na lang kayo ng ano sir, sir i-book ko na lang kayo ng kuwarto sa Novotel. Gusto ninyo? [laughs]

SEC. ROQUE:                                   Malayo po kasi sa Malacañang ang Novotel, iyan ang problema ‘no. Ay naku ayaw kong makapunta sa Novotel. [laughs]

Q:                                                           Nakuha ninyo rin ha. [laughs]

SEC. ROQUE:                                   Pero iyan po iyong mga paghahamon ‘no. Ako po iyong Secretary na wala man lang opisina. At wala naman problema po sa staff work kasi nakadali po noong mga iniwang—iyong mga tao ni Secretary Abella at mga tao ni Secretary Martin Andanar. Hands off po ako sa kanila, napakapropesyonal po at talagang maasahan.

Q:                                                           Ako may tanong sir eh. I don’t know kasi hindi pa nagtatanong ng mga kasamahan ko. Ano na ba? Tutuldukanna natin iyong problema noong party-list ninyo, nagngangangaw-ngaw na naman iyong kasamahan ninyo doon eh.

SEC. ROQUE:                                   Hindi po, tuloy-tuloy iyong aking reklamo ‘no at iyong aking dasalna dapat patalsikin siya dahil hindi siya karapat-dapat na manatili sa Kongreso. So ang aking pakiusap po sa aking mga kasama, bigyan ninyo naman ako ng katarungan ‘no dahil ni minsan hindi ko naman talaga brinaso ang kahit sino. Hinayaan kongumusad ang proseso. Pero halos isang taon na ang nakakalipas ‘no at form and substance pa lang ang naaprubahan. So sa akin naman eh fair is fair ‘no. Kung sa tingin nila na walang basehan ang aking reklamo, basurahin nila ‘no; pero kung sa tingin nila na tama naman iyong aking pinagsasabi doon, iyong aking reklamo, eh sipain sa Kongreso.

Q:                                                           Sir, ano po, interesting iyong sinabi po ni Senator Koko Pimentel, ewan ko kahapon ba iyon o makalawa na baka hindi na daw kailangan ng confirmation komo ang Executive Secretary at saka ikaw at saka isa pang posisyon, eh full—kumpletong diskresyon lang daw ng Presidente. So magiging—

SEC. ROQUE:                                   Sang-ayon po ako diyan ‘no. Sang-ayon po ako diyan, kaya lang hindi ko alam kung iyong opinyon ni SP ay opinyon ng buong Commission on Appointment. May mga pagkakataon kasi nakarating na sa Supreme Court na nag-demand iyong Commission on Appointment na ipadala ang papeles ng isang taong gobyerno sa CA, ang kaso pong iyan ay iyong kay dating CHR Chairman Bautista ‘no.

At nakarating pa iyan sa Korte Suprema dahil nagpilit ang CA na dapat sumalang sa confirmation process itong si dating Chairman Bautista. At sinabi naman ng Supreme Court na hindi kasama doon sa mga opisyales na kinakailangang ng confirmation iyong Chairman or Commissioner… ng Chairman ng CHR. So sa akin naman po, iyan din ang aking pananaw pero kinakailangan po siguro magkaroon ng official na posisyon ng CA.

Q:                                                           Eh sir kunwari po hindi nga talaga kailangan na i-confirm kayo. Feeling ko medyo curious iyong—interesting iyong situation kasi matatandaan po ninyo si Foreign Affair Secretary Cayetano noong bandang Mayo, hinihintay muna iyong confirmation bago siya nag-resign sa Senado. So kung wala kayong confirmation, ano iyon Congressman pa din kayo sir hanggang 2019 ganoon ba?

SEC. ROQUE:                                   Well ang sa akin naman po kung sasabihin nila na talagang hindi kailangan ng confirmation, eh tuluyan na po tayong magre-resign ‘no. Kaya lang po dalawa na po iyan eh, si Secretary Villar at si Secretary Alan Cayetano—

Q:                                                           Si Mark Villar ganiyan din ang ginawa eh.

SEC. ROQUE:                                   Oo. Ang importante naman eh huwag kang magkakaroon ng dalawang suweldo so…iyon iyong pinagbabawal ‘no. At basta hindi ka pumasok doon sa isang posisyon completely tapos—bagama’t hindi kayo nagdi-discharge ng function, ang nangyayari naninilbihan akong walang suweldo, bahala ka sa buhay mo ‘no.

Pero sa akin po, kukuha lang ako ng pormal na opinyon na hindi ako kinakailangan ng confirmation at tuloy-tuloy na po tayo.

Q:                                                           So kunwari sir ano—ito off topic lang na mabilis, mga on a lighter note lang. Kunwari sir nakumpleto na noong asawa ni Ronnie Dayan iyong lahat noong mga pinagbalatan ng nilagangsaba. Pupuwede na po kayang gamitin iyon na prima facie evidence para magsampa ng kaso laban kay De Lima?

SEC. ROQUE:                                   Well sa akin po at sa lalong mabilis na panahon dapat magsampa ng kaso iyong misis ni Ronnie Dayan dahil hindi ho dapat nakikipagrelasyon sa isang lalaki na may asawa.

Q:                                                           Isa na lang ang tanong ko bago natin—pakawalan na natin si Secretary. Masarap bang maging rock star, Secretary?

Q:                                                           Sir, 11,000 ang nanonood sa iyo sa Facebook live mo kanina kinabog mo kami ni Mocha. [laughs]

SEC. ROQUE:                                   Well hindi ko po nararamdaman ang pagiging rock star sa totoo lang po ‘no dahil unang una wala naman pong opisina kung saan ako ay makakakita ng kahit na anong telebisyon at kahit anong Facebook ‘no. So sa akin po ginagawa ko lang iyong aking katungkulan, bahala na po ang Panginoon at bahala na po ang taong bayan. Pero sa mga sumusuporta, maraming-maraming salamat po; at iyong mga kritiko ko na walang tigil ang pagbabato ng bato, hayaan ninyo po hinahanda ko na ang hollow blocks.

Q:                                                           For what it is worth sir, I think you’re doing a good job right now. And I feel na the people will support you, will back you kahit na magkaroon kayo ng kinks along the way. Basta ituloy ninyo lang po iyong ginagawa ninyo. Kasi feeling ko iyong press briefing ninyo yesterday was a breath of fresh air na feeling ng taong bayan—

SEC. ROQUE:                                   Ay naku maraming salamat po. Oo maraming salamat at saka—

Q:                                                           Nakakapagsalita sila sa pamamagitan mo.

SEC. ROQUE:                                   Maraming salamat po.

Q:                                                           Salamat.

SEC. ROQUE:                                   Eh sa akin naman po ganiyan ang lahat ng press briefing natin ‘no, dahil iyon naman po ang tingin kong dapat naging anyo ni press briefing. Kinakailangan talaga magbigay ng impormasyon, hindi lang nagbabasa ‘no. So hangga’t kaya ko pong bigyan ng kasagutan at hanggang ako ay naniniwala na ang alam ko ang posisyon ni Presidente, ibigay naman po natin ng impormasyon ang ating taong bayan.

Q:                                                           Pero sir kahit isang hollow block magbalibag naman kayo sir para ano langpakagat lang ganoon. [laughs]

SEC. ROQUE:                                   Pero dapat pipiliin din ang target (overlapping voices).

Q:                                                           Kasi ako po, si Piana lang po. Si PiaRanada sir.

SEC. ROQUE:                                   Iyong ilang mga kasama ko sa Kongreso ngawa nang ngawa ay naku pasensiya na kayo, hindi ko kayo pasisikatin, hindi ko kayo sasagutin.

Q:                                                           Salamat. [laughs] Eh maraming-maraming salamat sa iyo, Mr. Secretary.

SEC. ROQUE:                                   Salamat po.

Q:                                                           Good morning.

SEC. ROQUE:                                   Maraming salamat, magandang umaga po.

###

Resource