Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Henry Omaga Diaz (Omaga Diaz Report – DZMM)

HENRY: Magandang hapon po, Secretary.

SEC. ROQUE: Henry, magandang hapon. Magandang hapon sa iyong mga tagapakinig—

HENRY: Secretary Roque, magandang hapon po sa inyo.

SEC. ROQUE: Yes, magandang hapon po sa inyo.

HENRY: Hello.

SEC. ROQUE: Hello.

HENRY: Iyon.

SEC. ROQUE: Magandang hapon po sa inyo.

HENRY: Ay, Secretary Roque, kamusta? [laughs]. Long time no see.

SEC. ROQUE: Ah mabuti naman po. Oo, long time no see. Welcome back.

HENRY: Oo kasi napag-usapan namin ni Magdalo Party list Representative Garry Alejano, nandito po sa himpilan ano. Eh itong kasi—may mga panawagan halimbawa para doon sa eh revolutionary government, mismo ang Pangulo nabanggit na rin na minsan sa kaniyang mga talumpati eh mukhang mas pabor siya doon sa isang revolutionary government at sa katunayan nitong Tuesday ay maraming mga taga supporters ang magtitipon para ipanawagan kay Pangulo na ituloy na itong revolutionary government. Eh ano po ba talaga, Secretary. May balak ba talaga?

SEC. ROQUE: Ay wala pong balak ‘no. At saka ilalagay ko lang po sa konteksto.

HENRY: Go ahead, Secretary.

SEC. ROQUE: Hello. (garble).

HENRY: Medyo pakiulit lang po, napuputol eh iyong linya.

SEC. ROQUE: Iyan po ang problema eh, oo.

HENRY: Iyan, Sec., go ahead, go ahead.

SEC. ROQUE: Well ilalagay ko lang po sa konteksto ano. Hindi naman po sinabi ni Presidente na siguradong magdedeklara siya ng revolutionary government, ang sinabi lang niya kapag hindi tumigil iyong mga nagtatangka na patalsikin siya sa puwesto may posibilidad na siya ay magdeklara ng revolutionary government ‘no. So ang tingin ko po ang sinabi ni Pangulo ang lahat dito ay—there’s a possibility pero hindi naman po niya sinasabi na talagang gagawin niya iyan.

HENRY: Okay marami kasing—well in fact mga official po ng gobyerno sa social media, mayroong opisyal ng gobyerno sa DILG. In fact nananawagan at nagpapaliwanag tungkol sa revolutionary government at maraming mga kilalang mga taga suporta ng Pangulo ang literally nagmamakaawa sa Pangulo na magdeklara na ng revolutionary government. So ito iyong pananaw ng iba at pangamba marahil ngayon, na baka ituloy nga dahil kung ang mga kilalang supporters ng Pangulo ay very vocal about doon sa revolutionary government. Eh baka nga may balak.

SEC. ROQUE: Well, Henry unang una taga pagsalita ako ng Pangulo ‘no. So hindi ko alam kung anong nasa isip ng mga nagsasabi na kinakailangan mag-revolutionary government. Pangalawa, eh sa akin walang—walang pangangailangan sa revolutionary government dahil wala namang kaduda-duda sa mandato ng ating Presidente siya po ay—dahil ang taong bayan siya ay Constitutional na leader natin. Bakit pa tayo magkakaroon ng revolutionary, Henry, eh samantalang walang duda

No items found.
ni Presidente. Ang revolutionary government po kapag iyan ay binuo at sinuportahan ng taong bayan, iyan ay legal, iyan po ay naging desisyon na ng ating Korte Suprema noong kinilala iyong gobyerno ni dating Cory Aquino.

Pero tandaan po natin iyong konteksto na nagkaroon ng revolutionary government si Cory Aquino, nagkaroon ng dayaan sa eleksiyon, so walang mandato nadeklara sa nanalo sa eleksiyon, si dating diktador na President Marcos. At dahil diyan, eh nag-alsa ang taumbayan at iniluklok sa puwesto, ang tingin nila na leader na binigyan ng mandato. Hindi po dapat mangyari ngayon ‘yan, dahil ang duda nga po mas marami pa dapat ang (audio interruption) na boto kay Presidente, napakalayo noong number two na kandidato sa kaniya – mahigit anim na milyon ang agwat niya doon sa pangalawang kandidato ‘no. So sa akin, walang dahilan sa isang revolutionary government at siyempre hindi lang walang dahilan, kung hindi walang basehan. Dahil legal na legal at sang-ayon sa Saligang Batas ang liderato ni Presidente Duterte.

HENRY: So kahit kayo Secretary, parang nababasa ko against kayo sa revolutionary government.

SEC. ROQUE: Eh bakit kasi magre-revolutionary government ang isang legitimate na presidente? Walang dahilan para mag-invoke ng extra-Constitutional power sa isang taon na talagang constitutional ang kaniyang liderato ‘no. So sa akin, again uulitin ko ang konteksto niyan (choppy line) tuluy-tuloy iyong mga nagtatangkang patalsikin siya, baka siya mapilitan. Pero sa ngayon po, walang ganiyang banta, walang dahilan para magkaroon ng revolutionary government.

HENRY: Ah, okay. Ito’y sa konteksto na kung… mayroong destabilization ika nga, kung mayroong mga tao na tuluy-tuloy na mag-a-attempt na palitan iyong kaniyang gobyerno. So sa ganoong senaryo, may possibility sinasabi ninyo…

SEC. ROQUE: Eh sa ganoon lang pong senaryo, na sa tingin ko ngayon ay hindi naman mangyayari.

HENRY: Okay. Kung mangyari… of course sinasabi, kahit ng AFP sinasabi ‘no na wala silang natatanggap na report na destabilization at anuman, eh pero may ilang ahensiya na nagsasabi na mayroon daw. Nagkakaroon ng ang conflict, pero iyon ang puwedeng maging dahilan, sinasabi ninyo Secretary, iyong destabilization na ‘yan, iyon ang puwedeng maging dahilan na mag-udyok sa Pangulo to declare a—hindi martial law ha, revolutionary government.

SEC. ROQUE: Well tama po ‘yan ‘no, again it’s the possibility remote as it may be ‘no. Kasi nga po walang dahilan, at pangalawa po ‘no iyong revolutionary government eh sang-ayon nga sa Korte Suprema mismo – basta suportado ng taumbayan ‘yan, eh pupuwedeng maging legal ‘yan. Pero paano naman magiging iligal ang liderato ni Presidente ngayon, eh samantalang siya’y hinalal. Noong panahon ni Cory, kinakailangan magkaroon ng revolutionary government dahil hindi siya nadeklara na nanalo siya – iyon po ang malaking pagkakaiba. Ang COMELEC hindi siya dineclare, ang Kongreso hindi siya dineclare, ang taumbayan ang nagdeklara, kaya revolutionary government.

So sa akin po talaga, parang hindi dapat pinag-uusapan ngayon ang revolutionary government outside of the context – na kapag talagang nagsabwatan ang mga dayuhan sa ilan sa mga taksil sa taumbayan at gumawa ng pamamaraan para patalsikin ang hinalal ng taumbayan na si Presidente Duterte, eh talaga namang ang taumbayan mismo ang magsasabi na magtatatag sila ng revolutionary government.

HENRY: ‘Yun ang nakakatakot (laughs). Okay, maraming, maraming salamat Secretary sa inyong panahon na binigay po sa amin. Thank you.

SEC. ROQUE: Salamat po at magandang hapon po.

HENRY: Si Secretary Harry Roque, ang bagong Tagapagsalita po ng Pangulong Duterte.

###

Resource