Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Willie Delgado and Jorge Bandola (Straight to the Point – RMN)

Q: Magandang umaga po, Presidential Communication Office Secretary Martin Andanar. Maraming salamat po sa pagtanggap ninyo ng tawag ng Straight to the Point. Good morning, sir.

SEC. ANDANAR: Magandang umaga Jorge at Willie, mabuhay kayong dalawa.

Q: Sir, kailan po ba tinanggap ng Pangulo at nakita n’yo po ba iyong kanyang facial reaction kung naging masaya siya o well, nagsabi siya na effective immediately. Pero paano ba nung natanggap niya iyong letter ni Bautista?

SEC. ANDANAR: Well, ang mahalaga ho dito siguro ay iyong naka-move on na po, naka move forward na po ang Comelec at si Chairman Andy Bautista ay naka move forward na rin siya dahil alam natin na ang dahilan ng kanyang resignation ay para maayos niya ang kanyang problema sa pamilya, sa kanyang buhay and we wish him well. Dahil alam naman natin na at the end of the day, what is important really is the family at iyong kanyang kinasangkutan na kontrobersiya ay hindi naman ganoon kasimple at hindi ganoon kadali.

So we wish him well and we also wish for Comelec to operate smoothly, move forward and we just waiting for the next Comelec Chairman kung sino po iyong mapupusuan ng ating Pangulo.

Q: Maganda iyong binabanggit ninyo, Secretary, move forward ‘no. Pero merong isang hindi na magmo-move forward po dito eh, iyong impeachment process laban ho kay Chairman Bautista.

SEC. ANDANAR: Oo. Well alam naman natin na ang Kongreso ay isang co-equal branch of government, mayroon sariling pagpasya at mayroong sariling pag-iisip. At tayo naman sa executive ay nirerespeto natin ang desisyon ng Lower House. So—

Q: Secretary, talaga ho bang kontento na kayo doon sa ganoong resignation letter lang, eh samantalang may mga tanong po iyong taumbayan. Papaano naman iyong mga kinasangkutan niyang isyu tungkol doon sa nakaraang eleksyon. Hindi na po ba kayo maghahabol doon sa mga sagot na iyon?

SEC. ANDANAR: Of course, the President has already accepted resignation of the former chairman. At alam naman natin na iyong mga kaso din naman ni Senator Bong Bong Marcos at… iyong kaso laban kay Vice President Leni Robredo eh that is already at the stage of the Presidential Electoral Tribunal at ayaw nilang makialam sa PET.

So as far as the President is concerned, tinanggap niya na ho iyong resignation and we just want to move forward, we just want to fix government not only the executive but also the Comelec and the entire nation.

Q: Bago po in-approve ng Pangulo effective immediately iyong kanyang desisyon, ito po ba ay dumaan muna sa consultation within the mga officers ng Malacañang, Secretary?

SEC. ANDANAR: Well, ang Presidente po natin pag nagdesisyon ay he keeps it with himself and alam po natin na ang ating Pangulo ay very, very transformed and very knowledgeable to the things that are happening around him. He has the wisdom and so far his wisdom has not failed him.

Q: May napupusuan na po ba siya na pumalit, sir?

SEC. ANDANAR: That is the million dollar question. Hindi ko pa ano—

Q: Million, hindi billion ha, million ha. From among the commissioner na ano, sino ang ia-appoint niyang OIC pansamantala? Ibulong n’yo lang, Secretary.

SEC. ANDANAR: Alam mo kung puwede ko lang ibulong, ibulong ko, kaso wala naman akong maibubulong eh.

Q: Aba eh naniniwala kami na malakas ang antenna mo, sir, journalist ka eh.

SEC. ANDANAR: Alam n’yo Willie and Jorge, the President keeps his cards close to his chest. So… you know, it will happen in time. Let’s just wait and let’s just be patient. At kung sino man ang ilalagay ng ating mahal na Pangulo diyan sa Comelec as Chairman I am sure will be a very qualified person.

Q: Talaga bang typical na ganoon ang Presidente, magugulat na lang kayo, one morning, may bigla siyang sasabihin sa inyong napakaimportante?

SEC. ANDANAR: Opo. Ganoon ho talaga ang ating Pangulo, meron po siyang element of surprise eh, that’s one of his characteristics that really makes him very effective and makes him a very, very dynamic and exciting leader.

Q: For sure kasi naitanong—balikan ko ulit iyong kay Andres. For sure kasi naitanong Secretary iyong may kinalaman sa impeachment kay Andres Bautista. Hindi malayong may mag-usisa niyan sa kanya. Ano hong eksaktong naging sagot ng Pangulo, of course may magtatanong, ‘papaano na po iyong impeachment kung tatanggapin n’yo po iyong resignation niya?’ Ano pong eksaktong tugon ng Pangulo diyan?

SEC. ANDANAR: Well, hindi ko pa nakausap ang ating Pangulo tungkol diyan. I have not even seen his reaction. Pero the fact he has accepted the resignation, immediately that already speaks volumes.

Q: Immediately kahapon, so ibig sabihin effective kahapon na po iyon.

SEC. ANDANAR: Opo. Opo.

Q: Eh ang isang mahalagang tanong ni Jorge kanina, kasama pa ba siya sa 13th month, resignation eh?

SEC. ANDANAR: Palagay ko hindi na kailangan ni Chairman iyon.

Q: Ikaw ang may sabi niyan ha, hindi kami ha.

Q: Ikaw, Secretary ha, bakit hindi niya kailangan, bakit, bakit?

SEC. ANDANAR: Kasi alam mo naman na—hindi, hindi—pero alam mo si Chairman Bautista ay napakagaling na abogado niyan and he had a very, very lucrative practice as a private lawyer. So, I wouldn’t think that—palagay ko hindi niya kailangan iyan.

Q: Sir, tapos na raw ang giyera sa Marawi. So ano ba ito, kailan natin puwedeng simulan na iyong rehabilitation?

SEC. ANDANAR: Nagsimula na po iyong rehabilitasyon, kanya-kanyang mga departamento na nagsipuntahan na po sa Marawi. We are very active and the Task Force Bangon Marawi, we’ve met already. Every now and then we meet.

Ang aming Philippine Information Agency is always on the ground since Day 1 at kami rin po sa Task Force Bangon Marawi ay very active in making everything work for our Manarao brothers and sisters. Kailangan po ay hindi na maulit iyong nangyari sa Yolanda and I’m very sure by the looks of it and how things are turning out to be, mabilis po iyong pagpapagawa ng mga bahay ay the Yolanda experience will not happen again.

Q: Sa kabuuan ba, Secretary, ilang sangay ng gobyerno ang involved ngayon diyan sa rehab process na iyan?

SEC. ANDANAR: Marami po, hindi ko po mabilang, pero marami talaga.

Q: Halos lahat ya may involvement ‘no.

SEC. ANDANAR: DPWH, DOH, lahat po, DepEd.

Q: Secretary, ano pong assurance na hindi po magtatagal iyong rehabilitasyon katulad nung nangyari sa Yolanda?

SEC. ANDANAR: I think nakikita n’yo naman ngayon, nagawa na iyong mga… iyong mga temporary shelters ay napakabilis nung paggawa one day lang po tapos na iyong isa. By December, they will be able to deliver at least more than 200 houses.

Saka pinag-aaralan na po ng DepEd kung ano ang gagawin para sa eskuwelahan, merong silang 5 billion ang nakalaan diyan. Ganundin po ang ating Department of Health at iyong mga vital install—kami po sa PCOO iyong TV station na pinaplano namin at saka iyong radio station.

So as the chairman of the Information Committee of Task Force Bangon Marawi, we will be very, very transparent and we are planning to hold a Task Force Bangon Marawi press conference once a week in Manila.

Q: Ang Pangulo kilala natin sa pagiging mahilig sa deadline. May deadline bang binigay ang Pangulo, Secretary?

SEC. ANDANAR: So far wala ho. I don’t think its practical to give a deadline right now, sapagkat makikita ninyo iyong ground zero, it’s really pure concrete, it’s really cements and then sa current structures nagiba at iyong nakikita natin na iyong mga kababayan natin doon ay hindi pa sumusunod sa mga easement, sa mga kalye, medyo abnormal po iyong pagkagawa nung mga kalye doon. Kailangan talaga bulldosin iyan eh. So it will take some time. Kaya nga mas madali iyong mga temporary shelters, iyong mga permanent shelters na ginagawa sapagkat having built over empty lots, empty lands; it’s easier to build from zero, than to build from ruins.

Q: So, ito na po iyong magiging papel ng martial law, para pabilisin po iyong rehabilitasyon, ganoon po ba iyon, sir?

SEC. ANDANAR: Well, I think more than martial law, it’s really the political will of the President at political will ng mga Cabinet secretaries na mabilis po iyong rehabilitasyon, iyong rebuilding po ng ating Marawi City.

Q: Oo kasi iba iyong impression ng tao sa martial law, so ito iyong kakaibang version ng martial law.

SEC. ANDANAR: Well, actually ka, tama ka, We’ve had martial law for the last more than a hundred and fifty days at nakita n’yo naman na hindi naman inabuso ng ating militar ang martial law. Our military and our policemen are professionals and ito po ay mga professional na organisasyon at kung ano man iyong mga pangamba ng mga oposisyon at iyong iba pang medyo napapraning pag naririnig iyong martial law. I think we should rest the case already sapagkat napatunayan po natin na ang ating Pangulo ay very sincere, committed po siya sa isang martial law na para talaga sa bayan, para sa sambayanan na hindi po iyong martial law na masama at nakakasama sa ating gobyerno.

Q: Okay, maraming salamat po, Sec.

SEC. ANDANAR: Mabuhay po kayong dalawa. Salamat po.

Q: Ikumusta n’yo nga pala kami kay ano—congratulations nga pala kay… yong bago ninyong tao diyan sa PCOO, Doc Lorraine Badoy, kaibigan ko iyan. Napakatalino niyan. Anak ni dating Justice Badoy.

SEC. ANDANAR: Perfect person.

Q: Maraming salamat po sa pagkakataong ipinagkaloob ninyo.

SEC. ANDANAR: Salamat po, good morning po sa inyong dalawa.

Q: Good morning, bata ninyo kami ha.

SEC. ANDANAR: Ako ang bata ninyo.

##

 

Resource