Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar (Radyo Patrol Balita Linggo by Junry Hidalgo and Rod Izon – DZMM)

Q:                                                           Magandang umaga po sa inyo, Secretary Martin Andanar.

SEC. ANDANAR:                            Magandang umaga, Junry at Rod.

Q:                                                           Good morning, Secretary Martin.

SEC. ANDANAR:                            Good morning. Good morning. Long time no hear na.

Q:                                                           Oo nga ho, Secretary. Sa inyo na nga ho manggaling ha? Napaka-detalyado po ng nabanggit ng Pangulong Duterte sa Chinese joint account. Mayroon din daw sa Hong Kong, Australia, Amerika si Senador Antonio Trillanes. Eh, ang tanong po ng publiko is, saan ho galing iyong mga impormasyon na hawak nitong si Pangulong Duterte?

SEC. ANDANAR:                            Alam naman, Junry at Rod na ang ating Pangulo ay mayroong malawak na intelligence…resources. So ako ay hindi nagtataka na ang kaniyang impormasyon ay galing doon. Ang sinabi po ng ating Pangulo ay ilalabas niya ito in time at kinakalap niya lang iyong iba pang mga ebidensiya na hinihintay. So, antabayanan na lang natin ang susunod na kabanata. Sapagkat si Pangulong Duterte lamang po ang may hawak ng impormasyon patungkol doon sa bank accounts.

Q:                                                           Ito ho ay nabanggit niya sa isang closing ceremony ng ano ba itong okasyon na dinaluhan ni Pangulong Duterte?

Q:                                                           Doon sa Mindanao… Ano ito?

SEC. ANDANAR:                            Cagayan De Oro.

Q:                                                           Cagayan De Oro, iyong mga negosyante.

SEC. ANDANAR:                            Opo. Opo. Mindanao Business Council ata iyan na… ‘yung event  na iyon.

Q:                                                           Mukhang…. Ganoon ho ba ang Pangulong Duterte na kapag may bago siyang hawak na impormasyon ay ihahayag kaagad niya. Sa pagkakaintindi ko po kasi dito, noong mga nakakaraang araw ay wala naman siyang nabanggit tungkol sa mga bank account ni Trillanes?

SEC. ANDANAR:                            Ang Pangulo po kasi natin ay he keeps his cards close to his chest. Even ang mga Cabinet members ay hindi po alam kung ano iyong mga hinahawakan niyang ebidensiya. Si Pangulong Duterte po ay hindi naman iyan magsasalita kung hindi niya na i-vet o kung hindi dumaan sa vetting process iyong impormasyon. So, ako ay hindi nagugulat na mayroong mga alas ang ating Pangulo na bigla na lang ina-announce sa media. So just like you, kami rin ay nag-aantabay sa ilalabas ng ating mga Pangulo.

Q:                                                           Medyo nababanggit natin ngayon mukang galing sa AMLC iyong impormasyon ng Pangulong Duterte?

SEC. ANDANAR:                            Hindi ko masasagot iyan eh kasi si Presidente lang talaga iyong may hawak ng impormasyon. Pero ganoon pa man, it makes everything that’s happening right now, especially in the mainstream media, na kaabang-abang. Pero alam natin na for the past few weeks talagang [inaudible] talaga iyong pulitika natin sa bansa natin. So, again may lumabas na, antayin naman natin si Senator Trillanes na sumagot sa mga ilalabas po ng ating Pangulo.

Q:                                                           Secretary Martin, maiba po ako ng katanungan. Kaninang umaga po ay biglaan ang naging Press Conference ni Caloocan Ambo David, kung saan ay ibinunyag nito na mukhang pinipilit daw po ng CIDG at ng public attorney’s office na makuha po sa custody ng simbahan iyong mga testigong hawak nila kaugnay ng pagpatay kay Kian Delos Santos. Ano po itong reaksiyon ninyo po rito?

SEC. ANDANAR:                            Well alam naman natin na lahat ng mga testigo ng mga kaso ay dapat talaga iyong kanilang pupuntahan, eh meron mang witness protection program, ay gobyerno. We understand na ang Simbahan, of course also the [inaudible], every church member or even those who are not church member, pero ang sinusunod lang ho ng ating DOJ ay ang batas, ang proseso. And of course the bishop has his own rights to express himself.

Q:                                                           Teka pala Secretary mabalik ako doon sa mg bank accounts na umano ay kuwestyunable at nakapangalan kay Senador Trillanes. Mayroon bang atas ang Pangulong Duterte na imbestigahan na ito ng NBI or DOJ? Tutungo ba doon?

SEC. ANDANAR:                            Wala pa akong nakitang atas o utos ng ating Pangulo.

Q:                                                           Okay. Ano ho ba ang—mayroon ho bang schedule ang Pangulong Duterte bukas? Lunes, September 11 po?

SEC. ANDANAR:                            Ang pagkakaalam ko po ay…. wala pang schedule. Ang pagkakaalam ko ay today hanggang Tuesday libre ang Pangulo unless magbago ang kaniyang schedule o mayroon siyang isisingit na schedule. Pero sa ngayon ay walang schedule.

Q:                                                           Ah wala pa. Kasi kaya ko naman natanong ho kasi bukas ay ika-100 pagdiriwang ng kaarawan ng dating Pangulong Marcos.

SEC. ANDANAR:                            Opo tama po iyon. Na establish ko yung mga isyu. At saka sa kasalukuyan ay… 100 po ba? 100th anniversary of the Former President Marcos. So marami rin po ang nag-speculate kung pupunta ba si Presidente Digong o hindi. Pero sa pagkakaalam ko eh wala hong schedule.

Q:                                                           Pero kung kayo ho ang tatanungin eh, may planong bang pumunta doon sa event na iyon ang Pangulong Duterte?

SEC. ANDANAR:                            Well kung ako ang tatanungin mo, of course iyan po ay event ng pamilyang Marcos para i-celebrate iyong kanilang ama nina ni Senador Bongbong Marcos, Governor Imee at of course asawa, asawa ni Imelda Marcos. Kung ako ang tatanungin mo, siguro ay hayaan natin na iyong kanilang pamilya ay magkaroon ng kanilang privacy para mag-celebrate.

Q:                                                           Ano po iyong update na doon sa issue noong pagsosoli po ng Marcos wealth sa pamahalaan?

SEC. ANDANAR:                            Wala pa hong update sa… kasi po last year ay nakausap ko po si Rep. Marcos. At ito po yung naging, I think the first, parang the first conversation ‘no, with the [inaudible] of the Marcos family, ako po at ang mga miyembro pa ng gabinete. And iyon po iyong ipinaabot kay Pangulong Duterte, at sabi po ng dating Unang ginang Imelda Marcos patungkol po doon sa kanilang yaman na sa—na sila po ay… gusto nilang bigyan ng—o ibigay sa gobyerno natin iyong yaman nila. Pero pagkakaalam ko kasi during that time ay humihingi rin ng tulong ang Unang Ginang na ma-unfreeze iyong bank account. Kasi sinasabi iyon ni Congresswoman Marcos na… they have enough [inaudible].

Q:                                                           Secretary, tutal naman ay nananghalian iyong ating mga kapamilya ngayon, mag-showbiz muna tayo. May mga panukala po na mas maganda raw po yata mapayuhan ninyo na lamang si Mocha, Ms. Mocha Uson na mag-showbiz na lamang kaysa po sumama po sa mga serbisyo sa Malacañang. Ano po reaksiyon ninyo rito?

SEC. ANDANAR:                            Well lahat naman libreng magbigay ng payo kay Mocha, pero at the end of day, ang mahalaga po dito ay iyong tiwala ng Pangulo kay Mocha Uson. Sapagka’t si Mocha po ay sumasama sa mga lakad ng ating Pangulo, kahit po  sa Marawi and kung ang tao ay isinasama po ng Pangulo, akhit sino iyan ay may tiwala po ang Pangulo sa taong iyon. So as far as communicating the President’s message to a specific market sa social media, ako po’y naniniwala na si Mocha ay epektibo sa ginagawa niya at doon sa merkado na kaniyang tina-target.

Q:                                                           Secretary, kamakailan lang parang—nitong nakaraang linggo lang, kinuwestiyon ng mga kinatawan ng Bayan Muna, ito po iyong mga congressman ano, iyong malaking budget ng PNP, at binabanggit niya ay daang milyon iyong napadagdag sa PNP budget, at duda sila na ito’y… lumaking lumaki iyong budget para sa PNP, para po ano, iyong sa kampanya, sa war on drugs. At kinakabit po ito nila sa issue na may, kumbaga’y may bahid talaga eh, may budget para sa pagpatay ng isang pinaghihinalaang tulak o ano, drug addict. May ganoon ba talaga?

SEC. ANDANAR:                            Ay Junry, Junry… nasa Skyway ako ngayon, so medyo bigla nagputol-putol iyong signal..

Q:                                                           Ah, okay. Pero ulitin ko na lang po Secretary. Nitong nakaraang linggo po ay ano, inuupakan po ng mga taga-minority diyan sa Kamara iyong biglang taas ng budget ng PNP, at kinukuwestiyon nila kung bakit tumaas… ah mukhang ang binabanggit nila dito, may budget pala talaga para doon sa mga mapapatay na drug user at drug addict. May ganoon ho ba talaga?

SEC. ANDANAR:                            Well, alam ninyo po ang ating gobyerno ay hindi naman kinukusinti at hindi naman state policy ang tinatawag na extra judicial killing, sino bang state ‘no? So ako’y naniniwala na wala hong ganitong polisiya sinabi ang police na gumasta para doon sa mga operasyon na meron talagang intent to kill. Wala hong ganun sa disiplinado na pulis. So I don’t believe na mayroong…

Q:                                                           So 900 million po iyon, 900 million. Saan kaya gagamitin iyong 900 million na additional budget para sa PNP po?

SEC. ANDANAR:                            Saka dapat tinitignan natin, dapat kasi tingnan ng [inaudible] mayroon pong…

Q:                                                           Naku… nagwawatak-watak na. Nasa Skyway si Secretary Andanar.

Q:                                                           Ah, sablay na iyong ating linya roon, kaya…

Q:                                                           Pero last chance na lang ha, Secretary, nandiyan pa kayo?

SEC. ANDANAR:                            Napuputol po…

Q:                                                           Last na lang po Secretary. Ano po iyong panghuling atas ng Malacañang sa DFA o sa mga consul natin hinggil po sa pananalasa ng Hurricane Irma ‘no diyan sa Estados Unidos?

SEC. ANDANAR:                            Opo, nakatutok ngayon ang ating Department of Foreign Affairs at sa pangunguna ni Secretary Alan Cayetano, sa lahat ng sakuna, kung anuman iyong mga nangyayari sa mga OFW of Filipino migrants abroad, at kasama na itong hurricane sa Estados Unidos. Kaya wala po dapat ikabahala ang mga taumbayan na mayroong mga kamag-anak sa Amerika at sa atin namang sa pakikipag-usap doon sa mga konsulado natin sa Amerika last time ay they are on top of the situation.

Q:                                                           Maraming salamat po sa oras ninyo. Secretary Martin Andanar.

SEC. ANDANAR:                            Salamat po Junry, at salamat Rod. Magkita tayo ulit, ang tagal nating hindi nagkita.

Q:                                                           Opo, salamat sir. Mabuhay ka.

SEC. ANDANAR:                            Mabuhay kayong dalawa. Mabuhay ang DZMM.

Q:                                                           Happy Sunday po. Si Secretary Martin Andanar, Presidential Communications Operations Office.

###

Resource