Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Orly Trinidad & Fernan Gulapa – Natural (DZBB)

Q:                                                           Secretary Andanar, magandang gabi po sa inyo.

SEC. ANDANAR:                            Magandang gabi, Orly.

Q:                                                           So ano ba, inihahanda mo na ba ang speech ng Pangulo para magdeklara ng martial law next week, Secretary?

SEC. ANDANAR:                            Ang mayroon next week, mayroong holiday – iyon ang mayroon.

Q:                                                           Oho, September 21. Tama ba iyon?

SEC. ANDANAR:                            September 21 – mayroong holiday, iyon ang mayroon. Walang martial law. Very speculative iyong tanong, speculative din iyong sagot of course, pero iyong pagkasulat noong headline eh medyo malisyoso. Pero ang Philippine Daily Inquirer ay binago naman nila agad iyong headline nila.

Q:                                                           Lilinawin ko lang Secretary, hindi po holiday iyong September 21 ano po? Mayroon yatang parang kilos-protesta, tama ba iyon?

SEC. ANDANAR:                            Hindi, mayroong in-announce si Presidente Duterte—

Q:                                                           Walang pasok…

SEC. ANDANAR:                            —na walang pasok.

Q:                                                           Sa gobyerno?

SEC. ANDANAR:                            Oo, walang pasok.

Q:                                                           Sa September 21, anibersaryo ng deklarasyon ng martial law.

SEC. ANDANAR:                            Oo, eskuwela pati sa ano—

Q:                                                           Gobyerno?

SEC. ANDANAR:                            Oo, para pagbigyan iyong mga raliyista ng kanilang pagkakataon na ilabas iyong kanilang sama ng loob, at para din wala na ring madamay, walang ma-hassle sa traffic.

Q:                                                           Sama ng loob (laughs)… Baka mamaya anong klaseng sama ng loob ang lumabas sa September 21 (laughs). Okay liwanagin natin, iyong walang pasok sa National Capital Region, sa gobyerno at sa school?

SEC. ANDANAR:                            At sa school, oo, sa public schools. Depende na ‘yan sa mga private companies kung mag-announce sila na walang pasok. Pero sa ngayon, pagkakaintindi ko ay walang pasok iyong gobyerno at wala ring pasok sa eskuwela.

Q:                                                           Eh iyong martial law, kailan?

SEC. ANDANAR:                            (Laughs) Walang martial law, wala. Ang mayroon lang, holiday lang – iyon lang ang mayroon. Kaya pati iyong pagkatanong kaya very speculative, tapos iyong sagot din, siyempre speculative din, pero hindi lang maganda iyong pagkaanggulo ng headline kasi parang tinatakot mo iyong publiko.

Q:                                                           Iyon… oo, maliwanag.

SEC. ANDANAR:                            Iyon…

Q:                                                           Napatingin ka sa malayo, Kaka…

Q:                                                           Hindi, hinihintay lang kita kung anong itatanong mo eh (laughs). Kasi wala na akong idadagdag, na-explain ninyo na Secretary. Tinanong, siyempre bilang gobyerno, magre-react ka – depende kasi ‘yan sa, ika nga, ay kung ano ang maaaring mangyari batay sa tanong. Eh siyempre ang gobyerno, gagamitin kung ano iyong tinatakda ng batas. Ano bang sinasabi ng batas when it comes to lawless rebellion and invasion? Puwedeng magdeklara ng martial law. Pero, still speculation iyon, Secretary?

SEC. ANDANAR:                            Siyempre speculation, saka hindi maganda iyong pagkasulat ng headline, kasi alam naman ng lahat pagdating ng topic sa martial law, ay very sensitive ang mga Pilipino dito. At isusulat mong parang ganiyan, eh parang sina-suggest mo na… tinatakot mo iyong publiko na mayroong martial law. Dapat hindi ganiyan iyong… iyong pangalawang title ninyo tama, a remote possibility.

Q:                                                           So Secretary iyong sa 21, iyong sinasabing walang pasok eh ano po—mayroon nang executive order?

SEC. ANDANAR:                            ‘Antayin natin ang executive order from the Office of the Executive Secretary.

Q:                                                           Una ninyo lang binabanggit ang magandang balitang ‘yan?

SEC. ANDANAR:                            Actually, in-announce ni Presidente ‘yan sa isang interview eh.

Q:                                                           Ah alright. Okay. Secretary ito kasing mga balita—correct me if I’m wrong ha? Itong mga balitang-balitang ‘yan na mga martial law na ‘yan, galing sa mga umusbong na mga coup ‘no, coup plot. At mayroong isang opisyal din na binabanggit po diyan at naging laman po ‘yan ng balita. Mayroon ding reaction diyan si Secretary Delfin Lorenzana at maging si Secretary Jun Esperon. Ano ho ba ang naging reaction po talaga din ng Pangulo diyan sa mga coup report na ‘yan?

SEC. ANDANAR:                            Well, alam mo naman ang Pangulo pagka naririnig niya iyong mga ganoong klaseng balita, bring it on. Pero wala naman eh, kung kaya ninyo, ‘di gawin ninyo. In fact sinasabi niya, kung talagang gusto ninyo akong umalis dito, hindi na kailangang mag-kudeta-kudeta. Siya na mismo ang aalis, sabi niya. At i-a-appoint niya pa kung sinong gustong pumalit. Pero itong mga balita na may kudeta, etc., sa palagay ko naman ay ito’y mga tsismis lamang at hindi dapat ito pinaniniwalaan. At para—to the military and chain of command is concerned, ay loyal na loyal po sa ating Pangulo ang Armed Forces of the Philippines at ang Kapulisan.

Q:                                                           Oo… Parang… ano pa ba sa tingin ninyo ang maaring dahilan para saka-sakali man eh may mga pinaplanong ito at talagang ituloy ito?

SEC. ANDANAR:                            Well hindi ko masasabi ‘yan, Orly. Alam mo—

Q:                                                           Kaya ko natanong ‘yan kasi halos, ‘di ba halos linggo-linggo nagtutungo sa iba’t ibang kampo ang Pangulo, namimigay ng baril, namimigay ng relo… Nagtutungo at ilang beses na ring bumalik ng Marawi. Parang… kung ang usapin naman ay itong sinasabing mga pagpatay ng ilang mga miyembro ng PNP, parang sabi nga niya, “Ako ba ang bumaril? Ba’t sa’kin ninyo binibintang?” So kung saka-sakaling may mga ganitong report, ano bang basa ninyo rito? Ito ho ba’y parang…

SEC. ANDANAR:                            Nakikita lang naman natin na ginagampanan ng ating Pangulo ang kaniyang trabaho bilang Commander-In-Chief ng lahat military at pulis, at hindi naman din tayo nagsikreto doon sa problema natin sa terorismo, sa ISIS. At iyon naman ay paulit-ulit na sinasabi ng Presidente, at iyon na nga, nangyari diyan sa Marawi. Noong una, last year, parang walang gustong maniwala eh! Eh tapos ‘ayan nangyari na sa Marawi, so our country is really porous pagdating doon sa mga terorista at iyong mga ISIS element. Kaya ang ating Pangulo ay umiikot sa mga kampo at sinisiguro niya na handa ang ating militar na proteksiyunan ang bawat mamamayan.

Q:                                                           Na-interview din recently iyong dating Pangulong Ramos, may binabanggit din siya na ang Coup d’etat, hanggat hindi ako kasama. Hindi iyan nagtatagumpay, you know? The law might end[mimicking FVR] oh ‘di ba. Naiparating ninyo daw ba iyan sa Pangulo, Secretary Martin?

SEC. ANDANAR:                            I’m sure narinig na ni Presidente kung ano pang sinabi ni Former President FVR. Pero gayang-gaya mo pa rin si FVR…

Q:                                                           Ano pa bang gusto mong gawin ko pare? Hindi pero narinig niya pero hindi na lang siya nagre-react. Tama po ba iyon?

SEC. ANDANAR:                            Oo eh lahat naman ng lumalabas na suporta sa ating Pangulo, alam naman ng Pangulo iyan. Ang mahalaga dito ay ang suporta ng taong bayan is more than 80 percent, ang naniniwala sa ating Presidente and of course, ito namang mga kuwento na mayroong Coup d’etat etcetera ay—napansin mo lumalabas ito kapag mayroong mainit na political discussion, o kung mainit ang pulitika—

Q:                                                           Doon sa CHR, oo sa CHR ano po. Tapos iyon pang ano, iyon pang pagche-check daw ng mga pulis sa Katipunan area iyong Oplan Bakal. Kaya akala nila parang mayroong creeping martial law na pinaplano—

SEC. ANDANAR:                            Oo eh lahat ng mga espekulasyon lumalabas pero ang mahalaga huwag dito. Peaceful ang ating lipunan, Metro Manila, NCR at iyong nabanggit ng Pangulo na walang pasok sa September 21, it’s just really giving the protestors their day na puwede silang talagang magprotesta, ipakita nila iyong kanilang… Iyong kanilang pinaglalaban sa taong bayan.

Q:                                                           Mayroon ba talagang, may namo-monitor ba kayo na manggugulo talaga sa September 21 sa panahon ng rally, Secretary?

SEC. ANDANAR:                            Well, ang sinabi ni Presidente kung gagawin ninyo lahat ng gusto ninyong gawin, huwag lang kayong manggulo. Huwag lang kayong manabotahe. Huwag lang kayong mag… gumawa ng anarkiya, etcetera at dahil sapagka’t kapag sinimulan ninyo ng manggulo at sinimulan ninyo ng manira ng mga bagay,  etcetera. Eh siyempre haharapin talaga kayo ng pulis.

 

Q:                                                           Sec., iyong issue pa nga pala tungkol dito kay Usec. Mocha Uson na isinubmit ninyo daw sa Executive Secretary ang… para siya na ang magpasya tungkol doon sa pagpe-perform niya sa casino, ano po ang update?

 

SEC. ANDANAR:                            Well, lahat naman kasi ng mga appointed ni Presidente kapag mayroong, halimbawa legal case na haharap sa mga question na ganiyan ay dapat pino-forward talaga sa office of the Deputy Executive Secretary for legal affairs dahil under sila sa Pangulo bilang Presidential appointee. So kami, we cannot act on it on our own, sa PCOO. We really have to passed it on to the Executive Secretary. At iyong Executive Secretary din naman ho iyong mag release noong Executive Order na may kinalaman doon sa ano, doon sa pagpunta ng isang public official sa casino.

Q:                                                           Iyon kasi iyong issue doon eh, dapat hindi sila nakikita—

Q:                                                           Bawal tumungtong sa casino ang mga official—

Q:                                                           Pero siguro kung saka-sakaling gagawin niya iyon magpe-perform si Mocha with the Mocha girls sa birthday ni Kakang Fernan wala hong problema iyon.

Q:                                                           Huwag sa casino.

Q:                                                           Huwag lang sa casino gagawin ang birthday mo, Kaka.

Q:                                                           So hindi naman talaga iyon eh. [Inaudible]yung nagiging usapin doon. Siya nga pala huling tanong na lang sa akin, Secretary. Itong nakaraang araw medyo maninit ang mga palitan ng pahayag sa social media sa Philippine News Agency. Nandoon na pala si Joel Egco, iyong my crush sa beauty queen na si Shamcey Supsup. Si Joel eh nandodoon na pala sa PNA at medyo may mga nakikita siya na anggulo ng pananabotahe, paglalabas ng mga maling balita, from 2015 marami ng kapalpakan. Ano pang nakikita ho ninyo rito under po sa inyo ang PNA. Mayroon ho ba ritong directive kay Joel na tingnan kung sino iyong mga dapat manatili at dapat ng alisin sa PNA?

SEC. ANDANAR:                            Well, lahat ng authority binibigay natin kay Joel. Alam mo naman si Joel kilalang bastonero talaga iyan eh.

Q:                                                           Boksengero kaninyo?

SEC. ANDANAR:                            [laughs]. Hindi.

Q:                                                           Ah, bastonero? Okay sorry-sorry. Akala ko boksingero eh.

SEC. ANDANAR:                            [laughs].

Q:                                                           Bastonero po. Okay, opo.

SEC. ANDANAR:                            Manila Times hanggang sa National Press Club at kilala talagang matapang si Joel. So, marami siyang nadidiskubre, the last few days. Iyong sinubukang i-hack iyong system, tapos ngayon binalikan niya iyong mga pagkakamali, and then it goes back, hanggang 2010 actually no. At iyong pinalabas niya na mga dokumento ngayon ay mula 2015 to June 2016 bago kami pumasok sa opisina at makikita mo talagang terible, terile talaga iyong mga kapalpakan ng ahensiya.

Q:                                                           Sinasadya talaga. Tama ho ba sinasadya?

SEC. ANDANAR:                            Hindi sinasadya eh. The point is, Orly, ibig sabihin matagal ng nangyayari ito at matagal ng napabayaan talaga at walang ginawa noong mga nakaraang administrasyon.

Q:                                                           Oo iyon, alright—

Q:                                                           So dahil marami ng tumututok ngayon kaya lang nalaman na ito maraming palpak, ganoon?

SEC. ANDANAR:                            Oo kasi ito imagine mo lang, Fernan. Iyong website pagpasok namin, iyong website 2003 pa, 14 years old na, walang mobile site, walang application, walang social media presence, walang training iyong mga tao, diniin namin lahat iyan. Of course, what do you expect, kapag nilabas na iyong social media makikita talaga ang pagkakamali pero iyong mga research din na binabalik iyong mga nakaraang problema in the past few months. Ako ay naniniwala na talagang malicious intent na siraan talaga iyong PNA. So kung ganoon ang gusto nila, iyong mga kalaban natin sa pulitika, ilalabas namin lahat ng pagkakamali ng PNA mula 2016 hanggang 2010. At ngayon nakita na nila, nakita, pinakita rin ni Joel halos an average of 25 errors a month ang lumalabas.

Q:                                                           Sige po makikibalita kami diyan kung anong lalabas sa magiging report ni Joel C. Egco the bastonero. Alright.

SEC. ANDANAR:                            [laughs].

Q:                                                           Secretary maraming salamat ulit ha. Thank you sir ha.

SEC. ANDANAR:                            Maraming salamat. Pero again ang mahalaga dito, we are moving forward at inaayos natin ang PNA at binibigyan natin ang taong bayan ng PNA na karapat-dapat para sa kanila. Maraming salamat.

Q:                                                           Thank you sir. Thank you po.

###

Resource