Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Orly Mercado (DWFM – All Ready)

ORLY: Secretary Martin, good morning.

SEC. ANDANAR: Good morning, Ka Orly.

ORLY: Okay, ano ba ang reaksyon ng taumbayan at ano po ba ang gusto niyong iparating na mensahe matapos ideklara ng Pangulo nga na iyang problema ng Marawi at least iyong fighting has already been turned off at liberated na ang Marawi.

SEC. ANDANAR: Kahapon nang inanunsyo ng ating Pangulo na liberated na ang Marawi nandoon ako sa likod niya at nakikita mo na bukod sa palakpakan ay very emotional, nakita mo iyong mga sundalo, they were teary eyed, lalo na iyong mga kababaihan doon na mga sundalo talagang makikita mo umiiyak eh. Tapos biglang bumuhos ang ulan. And then the President started rewarding the soldiers ‘no. Sabi niya sa speech niya na lahat ng mga sundalo na babae na nag-serve doon sa Marawi mayroong libreng biyahe papuntang Hongkong, sagot ng Cebu Pacific. Tapos sabi ni Presidente siya na raw bahala sa hotel at kaunting pocket money.
So makikita mo talaga na tuwang-tuwa; kasi after that dumiretso kami doon sa meeting sa mga Ulama. Si Presidente dumiretso na sa Naga eh, pero kami, kami ni Secretary Del, Esperon, myself, (unclear) dumiretso kami.

ORLY: How did that go, how did it go, kay naman?

SEC. ANNDANAR: Oo. Iyong excitement ba na finally Marawi can move forward and… rebuild Marawi. Mabilis ito, Ka Orly. In fact, mamaya meron kaming meeting alas-tres ng hapon sa Camp Aguinaldo para doon sa Task Force Bangon Marawi, para i-plot na iyong next move para sa rebuilding ng Marawi. In our case sa PCOO, we are building a TV station.

ORLY: Para sa Minda—para sa portion na iyan ng Mindanao.

SEC. ANDANAR: Oo, a TV station and a radio station dito sa may—malamang dito sa may Marawi [Mindanao] State University, sa MSU. Kasi makikita mo talaga kung papasok ka doon, talagang ground zero, ano talagang pulbos saka sunog na sunog iyong mga gusali, parang World War II. Alam mo iyong mga ganoong remnants ng giyera parang ganoon ang dating eh.
So, well, as far as the Maranaos are concerned, they are in high spirits na magisismula na at kahit sinong kausapin sa Mindanao. Sabi niya, ‘sir, sana wag munang i-lift iyong martial law sa Mindanao, sapagkat marami pa ring ano eh, marami pa ring mga kababayan natin na mas panatag iyong kanilang loob na may mga checkpoint pang natitira.’ So… we leave it to the President kung ano ang desisyon niya about martial law.

ORLY: Kahit na nagbakbakan nung mga panahong iyan, hindi ba meron na rin tayong umaandar na pagpla-plano, di ba nakatutok na, pati allocation niyan para sa budget ng susunod ng taon, hindi ba iyan eh factored in na rin?

SEC. ANDANAR: Factored in na. In fact, bago pa man matapos iyong bakbakan ay meron ng mga shelters na tinatayo sa… meron sa Iligan, meron din sito sa Marawi at meron ding budget for this year na 5 billion hanggang—kailangan ma-ano ito… magasta na ito by December.
So naka-factor in na diyan iyon communications, tapos iyong mga temporary houses, tapos by next year (signal cut), kailangan pa of course, I think 10 billion yata iyon (signal cut) ang nakalaan diyan for next year (signal cut) for the reconstruction of Marawi.

ORLY: Nakausap ko si Jun Palafox niya eh ang binabanggit niya talagang dapat ay matuto tayo sa mga karanasan natin lalo iyong karanasan sa Tacloban. Kasi hindi naman gaano talagang successful iyong kanilang rehabilitasyon doon eh. Kaya sinasabi may mga leksyon tayong dapat eh isa-isip at itanim sa ating puso na hindi na dapat maulit iyon.

SEC. ANDANAR: Oo, tama ka Orly. Di ba napansin mo iyong ating gobyerno ay hindi active doon sa paghingi ng donation, napansin mo iyon ngayon? Hindi tayo active sa paghingi ng donation kasi kung hingi ka ng hingi parang matulad ka sa Tacloban na hingi ng hingi ng donasyon, etc. Tapos hindi mo naman maipakita iyong output ng donation na iyon.
So, kung mapapansin mo, talagang meron na pong simula doon sa pagpapatayo ng mga bahay. Nanggaling nga ako kahapon doon. Iyong isang bahay, isang araw lang nakatayo na, iyong mga ganoon ba.

ORLY: Ito iyong transition, temporary shelter.

SEC. ANDANAR: Mga temporary shelters na tatagal din ng ilang taon. Kasi ano rin siya…gawa rin siya sa matibay na yero.

ORLY: So the government will spend more time in the more difficult task, pero less dramatic, itong rehabilitasyon at reconstruction. Anyway, ano ang final message mo sa taumbayan, Secretary Martin Andanar?

SEC. ANDANAR: Ang message po natin, patuloy po nating suportahan ang ating mga sundalo at ang ating mga pulis at tayo po ay makipag-cooperate din sa kanila at nagpapasalamat tayo because throughout the war in Marawi ay nasa likod po kayo ng ating Pangulo, kayo po ay sumuporta. So at least kahit papaano eh… governance is not difficult when you have the population supporting you. So mabuhay po tayong lahat; let’s just keep on working, buckle down to work and focus our strength in changing this nation for the better.

ORLY: Maraming salamat, Secretary Martin Andanar ng PCOO.

Resource