Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Milky Rigonan (DZRH – Damdaming Bayan)

Q: Sec. Martin, magandang umaga.

SEC. ANDANAR: Hello, good morning, Milky. Magandang umaga po sa lahat ng nakikinig sa DZRH.

Q: Magandang umaga, Secretary Andanar. Kaliwa’t kanan ang mga batikos sa war on drugs, hindi ba talaga papipigil dito ang Pangulo?

SEC. ANDANAR: Ang war on drugs po ay ito naman ay kasama sa plataporma de gobyerno ng ating Pangulo. At iyong nangyari kay Kian ay nakakalungkot po iyon, pero ang sinabi naman po ng ating Pangulo ay iyong mga pulis na mayroon pong partisipasyon doon ay talagang yari, may paglalagyan talaga.

Q: Ibig sabihin, hindi niya kukunsintihin, sabi ng Pangulo.

SEC. ANDANAR: Hindi kukunsintihin ito. Hindi naman puwedeng iyong mangilan-ngilang mansanas o rotten apples, bulok na mansanas, ay maapektuhan ang buong organisasyon ng Philippine National Police. Ang PNP po ay napakalawak na organisasyon. Talagang mayroon talagang iba diyan na…alam mo na, bulok na mansanas at kailangang maalis itong mga ito. Pero dapat hindi po maapektuhan iyong pangkalahatang objective ng Philippine National Police at ng ating Pangulo.

Q: Secretary Andanar, kagabi ay nagkaroon na ng mga kilos-protesta tungkol sa EJK diya sa may People Power Monument. Inaasahan ba ng Malacañang na baka mag-snowball o susundan ba ito nang mas malalaking kilos-protesta?

SEC. ANDANAR: Alam mo, Milky, ang ating Pangulo ay naniniwala naman sa freedom of expression at freedom of speech. At patuloy lang itong mga ganitong klaseng expression, damdamin ng ilan sa mga sektor sa ating bayan, eh puwede naman nilang gawin itong malaya. Ang Palasyo po ay nakatutok dito sa programa ng ating Pangulo. Basta tayo sa gobyerno ay nakatutok doon mismo sa trabaho.

Mayroong mga kritisismo left and right. Pakikinggan natin ito left and right. Pero at the same time, we should not lose focus on what we are doing now. Kung itong kilos-protesta ay magtuluy-tuloy, sinabi naman ni Presidente na they have all the right to do what they want to do.

Q: May mga resolusyon sa Senado, at ang sinasabi nga ng majority bloc ay sinusuportahan nila iyong mga panawagan na dapat itigil itong mga patayan na mayroong kinalaman sa campaign on drugs. Pero ang sabi nga, papipigil ba dito ang Palasyo? Bukas ba ang Malacañang dito, Secretary Andanar, to review o kahit i-suspend man lang itong proseso? Kasi ang sabi, ano ba talaga ang proseso ng Oplan Double Barrel? Puro lang ba pagpatay sa mga sinasabi nilang sangkot sa iligal na droga?

SEC. ANDANAR: Well, Milky, magandang tanong iyan. Pero ito ang mahalagang isipin natin, sapagka’t matapos pong mag-ingay ng oposisyon, matapos pong mag-ingay/ maglabas ng sentimiyento ang pamilya ni Kian at matapos pong mailabas iyong CCTV at napanood po ng Pangulo, makikita naman natin na ang ating Pangulo ay nakikinig at tinitingnan din niya kung ano iyong nangyayari sa paligid, iyong sitwasyon ba. Iyong hindi lang iyong kung ano ang sinasabi ng tauhan niya ay iyon lang ang pakikinggan ng ating Pangulo. Kita naman natin, noong napanood niya ang CCTV, noong naramdaman niya iyong damdamin ng…siguro ng mga senador din habang sila ay nagsasalita, at nagdesisyon siya – nakita niya naman iyong CCTV – na habulin iyong mga pulis na may kinalaman dito; kailangan managot talaga sila.

Iyon ang pinakamahalaga dito, that you have a government that is listening, iyong isang gobyerno na hindi po manhid. Itong mga panawagan, iyong mga EJK-EJK, as we mentioned before pa na itong mga cases katulad kay Kian ay isolated case – sabi nga ni Spokesperson iyan. Nangyari eh. Malungkot tayong lahat. At kaya nga ngayon ay nagdesisyon ang Pangulo na kailangan talagang managot iyong mga dapat managot.

Q: Secretary Andanar, sa kabila ng mga batikos dito sa war on drugs, may plano ba na dalawin ni Pangulong Duterte iyong lamay ni Kian?

SEC. ANDANAR: Base po doon sa naging meeting po kasama ang…members of the President ay hindi po dadalawin ng ating Pangulo iyong lamay.

Q: Sa ibang isyu naman tayo, Secretary Martin Andanar. Ano ba ang nangyayari daw ngayon sa Philippine News Agency (PNA)? Baka mayroon kang gustong linawin o ipaliwanag? Sunud-sunod iyong mga…gamitin ko na iyong term na palpak ha. Iyong sa mapa, iyong sa DOLE, at kung anu-ano pa. Pero mayroon ka ng mga ilang revisions na ipinalabas, ‘di ba?

SEC. ANDANAR: Hindi, tama ka talaga. Tama ka, Milky, talagang palpak. Wala naman tayong excuse doon, palpak talaga. Ngayon, bakit po nangyari ito? Mayroon po tayong mga editors tulad nina Faye Velasco, more than 20 years, more than 30 years na na journalist. Beterano na ito.

Q: Matagal na iyan sa PNA.

SEC. ANDANAR: Oo, sila Betsy Ison, kasama rin doon sa mga nag—actually, siya iyong editor ng DOLE na litrato. Si Betsy din, more than 20 years also in—tapos itong editor na aming iniimbistigahan sa litrato ng Ilocos Norte.

Q: Iyong China pa.

SEC. ANDANAR: Tapos Ilocos Sur. Alam mo iyong mga ultimo Grade 5, alam magbasa, marunong magbasa ng Ilocos Sur at Ilocos Norte. At ultimo Grade 6 alam ang DOLE. Sunud-sunod na ito, hindi na ito—kumbaga, this is too glaring to be a regular mistake. Kumbaga may mga nagsasabi sa akin, Milky na, ‘Secretary, mukhang nasabotahe ka na.’ Eh mukhang parang gusto ko nang maniwala, Milky, nung sunud-sunod na. Hindi na ako maniniwala na ganoon kabobo iyong mga tao sa PNA.

Q: Oo, Secretary Martin ‘no, maputol lang kita. Ilang insidente na iyan, at nagiging katawa-tawa ang PNA sa social media, hindi ba.

SEC. ANDANAR: Tama po kayo.

Q: So ikaw naniniwala mismo iyong sa sinasabi na baka mayroong sumasabotahe na sa iyo sa PNA?

SEC. ANDANAR: Eh mukhang ganoon na nga eh. So ang desisyon ko na gumawa ng editorial board. Eh biruin mo, Milky, gumawa ako ng editorial board, sabi ko lahat ipadala diyan pati litrato, ayaw ipadala iyong mga litrato. So sabi ko, ano bang ibig sabihin nito? Kaya sabi ko, kung talagang ito ay isang vicious cycle, paikut-ikot na pagkakamali na talagang hindi na mapigilan, eh kailangan na sigurong tigilan na iyong pag-upload ng mga litrato. Sabi ko kung ang inyong objective ay pabagsakin ako, eh sabi ko, tigilan na iyang pag-ano…ewan ko na lang kung magkamali pa kayo, iyong PNA logo lang iyong i-upload ninyo. Kapag nagkamali, naku, ewan kapag nagkamali pa, Milky.

But anyway, moving forward, talagang the Philippine News Agency will face a major re-organization, a major revamp this week. Mayroon pong mga masisilbihan ng kanilang kung anuman iyong mga kaso na dapat ibigay sa kanila at magkakaroon din po tayo ng balasahan. Iyong mga magagaling sa probinsiya dadalhin dito sa Maynila; iyong mga talagang sa palagay natin ay walang pag-asa, retraining. Ganoon po talaga, nakakadismaya itong nangyayari. Pero hindi po tayo aatras dito, Milky. At ako’y nagpapasalamat sa iyo for the opportunity to explain to the public that ginagawa po natin lahat ng magagawa natin. Pero at this point, mukhang mayroon na ho talagang nananabotahe, pero kailangan mong i-prove iyan eh.

So for me, as the head of the PCOO, we will just have to move forward and be more strict and stringent dito sa ating mga tauhan sa PNA.

Q: So abangan namin, Secretary Andanar, ang mga pagbabago sa Philippine News Agency. Kailangan din naman kasi natin ang PNA for the information dissemination ng mga istorya sa Palasyo. Iyong editorial board, sino ba ang namumuno ngayon doon, Sec. Martin?

SEC. ANDANAR: Sa editorial board, I am there. Mayroon din po tayong isang consultant, at nandiyan din po sila Joel Egco. Nandiyan din po sila Albert, at si Gigi, dalawang taga-PNA.

Ganito, Milky, I want to tell the public the same thing that I said yesterday: The Philippine News Agency is an agency of the people, for you and me, and for the media. Ang Philippine News Agency po ay kailangang-kailangan ng media, lalung-lalo na iyong mga media sa probinsiya na hindi po nakaka-afford na magpadala ng kanilang reporter sa Manila, doon nila kinukuha iyong balita nila sa PNA. The same way na iyong mga network po sa Manila na hindi po kasing lawak tulad ng DZRH na kailangan po ng balita sa probinsiya ay sa PNA nila kinukuha. Ganoon din po iyong mga nasa abroad na mga news agencies. This is really the news agency of the people. Kaya ang panawagan ko rin doon sa mga kasamahan natin sa industriya na magagaling, na alam natin sa Pilipinas ay napakadami po—kahapon nga, nagkita kami nina Professor Danny Araw at saka ni Al ng PDI, at sila Melo, doon sa Tapatan. Sabi ko, you come forward and help us fix this PNA because we only have one news agency. So lahat ng mga magagaling na mga manager, mga ex-managers ng mga diyaryo, magagaling na mga journo, if you want to help, you are welcome help, this our PNA, Milky. Nag-iisa lang itong—

Q: Secretary Andanar, ayaw ko mang mang-intriga, pero hindi ka ba nagkaroon ng effort man lang na kausapin din, saan ba pinagmumulan itong sabotahe, kung mayroon man? At ano iyong mga dahilan nila, if ever?

SEC. ANDANAR: Well, kasi alam mo, Milky, ano tayo eh, very optimistic tayo sa mga tao. Iyong tingin ko sa mga tao ay optimistic. Usually, kapag nagkakamali iyong tao, ang iniisip ko, ayaw naman magkamali ng isang tao. Pero kapag isang tao nagkakamali dalawa, tatlong beses na, parang iba na iyon.

Now, kung kakausapin ko sila about sabotage, it’s not for me to do that. Siguro iyong mga kasamahan ko sa trabaho, sila iyong nagpupunta doon, kinakausap nila iyong mga kasamahan natin doon. But really, it is really a very, very sad day for the Philippine News Agency. Kumbaga, napabayaan na nga ang Philippine News Agency for the longest time, bulok na nga iyong mga gamit nila, halos zero morale na iyong mga tao diyan tapos ngayon na binubuhay mo, ay ganoon pa ang asta ng ibang mga kasamahan natin diyan. So napakalungkot po ng Philippine News Agency.

Sabi ng kasamahan ko, sabi niya, ‘alam mo, in government, this is reality.’ Puwede mong palitan iyong sa ibabaw, bago lahat iyong nasa ibabaw, pero iyong sa ilalim niyan, iyong burukrasya, hindi magbabago iyan at mayroong security of tenure. Kaya kahit anong pagbabago na gusto mo kung ayaw nung nasa baba ay wala ka ring kalaban-laban. Iyon po ang problema sa sistema natin, Milky.

Q: Oo. Pero ang sabi nga, as you go along, Secretary Martin, siyempre aalamin mo rin ano ba ang grievances ng mga taga-PNA. Kasi ang sabi mo nga, ang tagal na rin nila doon, alam nila ang problema, at ikaw naman willing at bukas ka naireporma at tulungan din ang mga taga-PNA?

SEC. ANDANAR: Tama, tama kayo, Milky. That’s why we are here. Alam mo sabi nga nila, marami ang nagsasabi sa akin, in fact most of them, majority, sabi nila na ‘we have never been given attention this way, for the longest time.’ Napakatagal na ho talaga ng … ngayon lang po sila nakaramdam. Hindi ko alam, siguro mayroong iba na ayaw ng ganoong atensyon.

Pero kaya sabi ko nga, we will move forward, move forward for the Philippine News Agency, for the members of the organization na gusto ng pagbabago. Pero sa iba, sa ibang miyembro ng PNA na ayaw ng pagbabago, you know, they are open to step out, they are open to tell me na ayaw namin ng ganiyan. Puwede naman natin silang isantabi, huwag ng pagtrabahuhin. It’s a choice: Do you really want to work for government or do you really want to do public service or not? Kasi kung hindi naman, may choice naman tayong lahat dito eh. Hindi naman…wala namang pilitan na ibigay mo iyong sarili mo sa buong bayan eh. Kung ayaw mo, eh di huwag. Ganoon lang naman iyon.

Q: Sabi nga ng mga kasamahan natin sa industriya, Secretary Martin, dapat maging bukas ka rin for consultation at maayos iyong gulo diyan sa Philippine News Agency?

SEC. ANDANAR: Oo nga naman, kaya that’s why we welcome everyone who wants to help PNA, Milky. Kung mayroon kayong mga alam na hindi ko alam, come forward, let’s talk, bukas po ang aking tanggapan. Alam po ng DZRH ang telephone number ko.

Q: On that note, Secretary Martin Andanar, maraming salamat.

SEC. ANDANAR: Mabuhay ka, Milky. Mabuhay po ang DZRH. Thank you po.

Resource