Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Maricel Halili (DWFM – Punto Asintado)

HALILI: Sec., ito po, una sa lahat, we heard na mayroon na po pala tayong natukoy na third telco player na papasok po dito sa Pilipinas. Una po sa lahat, ano po ba iyong significance of a third telecom carrier dito sa atin bansa?

SEC. ANDANAR: Ang kahalagahan ng third player ay para mabigyan ng option ang ating mga kababayan kung saan nila gustong mag-subscribe. Alam naman natin na marami tayong mga kababayan na wala pa ring koneksyon sa celphone at internet, so mainam na na buksan ang kompetisyon para at least—kapag lumalakas kasi iyong kompetisyon, kapag mayroong competition, then it keeps everyone up in their toes, iyong mga telcos. So iyon po iyong kahalagahan.

Then of course, alam mo ang pinakamahalaga talaga diyan is sending a message to international players not only the telcos, bukas ang ating bansa para sa anumang negosyo; puwede silang mag-invest dito. Iyon po talaga ang pinakamahalagang message doon.

HALILI: Okay. Sir, speaking of investment, mayroon na ba tayong rough estimate as to how much iyong posible nating kitain following itong pag-o-open natin ng third telecom carrier?

SEC. ANDANAR: Sorry, medyo naputol kasi. Tulad ngayon, we are experiencing it now. Nandito ako sa Skyway, paputul-putol iyong signal. You are asking the investment kung gaano kalaki?

HALILI: Yes, kung mayroon na po tayong estimate as to how much iyong posibleng pumasok following po iyong pagbubukas ng third carrier.

SEC. ANDANAR: Hindi ko matiyak kung magkano. But I’m guessing it will be on the billion kasi kung mayroon kang third player, in which said player must set up different cell sites all over the country. Alam naman natin na… hindi naman biro iyan, iyong magtatayo ng cell site. At bukod doon, kailangan iyong mga fiber optic, kasi ang mga telcom kailangan mayroon din siyang internet ‘di ba. So malaking … I’m looking at billions and billions of pesos. Maybe, mga hundred billions pa nga iyan kasi sobrang ang daming (unclear) sa Pilipinas.

HALILI: Pero, sir, ito confirmed na, China Telecom na talaga iyong napili na pumasok dito?

SEC. ANDANAR: Klaruhin natin iyan, ang Chinese government ang pumili sa China Telecom. So kung mayroon mang mga companies sa China na gustong mag bid sa Pilipinas para makapasok, para magkaroon ng telcom business, ang gusto ng China is China Telecom – the biggest telco in China.

Of course, pagdating sa ating bansa, eh dadaan iyan sa legal process, iyong ano iyan, pagpapatayo ng telco. Of course, maghahanap muna siya ng partners dito. You know, up to 40% lang kasi ang foreigners sa parte sa pag may ari ng telco.

HALILI: Okay, so matagal-tagal na proseso pa pala ito, sir. How soon do we expect iyong pagpasok given all the process? May procurement process pa, and hahanap pa pala ng partner.

SEC. ANDANAR: I hope very soon, I hope very soon na pumasok na sila because the sooner that they come in, then mas mabilis din—hello? Hello?

HALILI: Ayun, naputol. Nawala si Sec. Hindi na tayo narinig. Ulitin natin. Tawagin natin uli si Secretary Andanar para mapag-usapan natin. Marami pa tayong issues na itatanong eh. Hihingi sana tayo ng update tungkol doon sa pagsibak doon sa mga commissioners and other officials doon sa Urban Commission ‘di ba. Kasi kahapon iyan iyong inanunsiyo at kinumpirma ng Malacañang na natanggal na nga sa puwesto ultimo iyong kanilang hepe na si dating Representative Terry Ridon.

Ayan, ready na ulit. Sec?

SEC. ANDANAR: Ayun. Wala akong (unclear) nagagawa araw-araw, napuputol ang tawag.

HALILI: Mismo, putol agad. [laughs]

SEC. ANDANAR: Hindi kasi ‘di ba, it speaks for itself. But anyway, ang mahalaga dito is, I hope that they can come in as soon as they can, because if they do that, then obviously iyong dalawang telcom players natin sa Pilipinas ay mape-pressure sila na i-upgrade iyong kanilang service ‘di ba. Ganoon naman iyon eh, when a competition comes in, then everybody is up to their toes, like I said earlier, then they will hasten the improvement of their services. Kung mangyari iyon, eh di siyempre ang makikinabang dito ay ang taumbayan, ‘di ba?

HALILI: Better communication lines and faster internet service.

SEC. ANDANAR: Yes, better communication lines and faster internet. Tama ka, we always have to differentiate iyong dropped calls pati iyong sa internet. So iyon ang kailangan natin especially that our economy is the fastest economies in Asia and around the world, na kapag marami ang papasok na negosyo, of course ang gusto nila ay magandang telecommunication system at walang dropped calls, mabilis ang internet para mas makahikayat pa tayo nang mas maraming investors.

HALILI: Ayun, okay. Kasi magpa-follow na iyon kapag nangyari iyan ‘no. Pero, Sec., medyo lilihis lamang po ako ng issue ano. Iyon tungkol lang po dito sa naging desisyon ni Presidente na sibakin iyong mga commissioners and other officials po ng Presidential Commission on Urban Poor. I understand na ang isa daw doon sa naging basis ay iyong junket, tama po ba?

SEC. ANDANAR: Yes, isa po iyon sa mga naging basehan ng ating Pangulo na sibakin na ang mga commissioners. Because sabi nga niya, it’s very ironical that para sa urban poor iyong Presidential Commission tapos maraming junkets. That was the decision of the President at nagpapakita lamang, Maricel, na ang ating Pangulo po ay really dead serious in implementing its anti-corruption drive sa bansa natin. At ito ay mananatili for the next four years of the President’s term sa Pilipinas.

And alam ninyo ho, seryoso talaga eh. Dapat ma-gets ng lahat ng mga nasa gobyerno that this government is very serious in its anti-corruption drive.

HALILI: Pero, Sec., iyong ibang grupo, like iyong Kadamay, kinukuwestiyon nila iyong pagsibak particularly kay Representative Terry Ridon kasi baka daw mamamaya ay ginagamit lang daw itong paraan para, kumbaga, mas mabilis iyong demolition para doon sa ating mga kababayan na bahagi noong mga shanties na area because they know naman daw that Representative Ridon eh in favor doon sa bahay muna bago iyong pagpapaalis doon sa mga areas.

SEC. ANDANAR: Well alam mo, ang ating burukrasya ay napaka-professional. At ako ay nakakasiguro na mayroon namang nakaupo diyan sa Komisyon na iyan na really want just work for our country, for our nation. Now, alam din naman natin kung ano iyong tinig ng Kadamay ‘di ba. So sa palagay k0, huwag munang mag-speculate kung ano ang mangyayari. You just have to be optimistic because ang mahalaga dito ay may ginawa si Presidente para malinis ang isang komisyon. Iyon iyon. So kapag may ginawa si Presidente na nalinis ang isang komisyon, ibig sabihin, ang susunod na mga papalit ay magtatanda kung ano ang nangyari; ano ang ginawa ni Presidente, and they will do a better job.

HALILI: Okay, sige po. Maraming, maraming salamat, Sec.

SEC. ANDANAR: Salamat, Maricel. Merry Christmas.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)

Resource