Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Jonathan Dela Cruz, Tonton Contreras and Jojo Robles, Carambola – DWIZ

SEC. ANDANAR: Hello. Good morning.

Q: Good morning.

Q: Good morning po.

SEC. ANDANAR: Jojo, Professor Tonton and Congressman Jonathan, good morning.

Q: Good morning po. Good morning po.

SEC. ANDANAR: Oo nga tama ka, may patindig-tindig pa eh.

Q: [laughs].

SEC. ANDANAR: Alam mo, alam mo iyang mga patindig-tindig, hindi nila alam na noong May 2016, 16 million iyong nakatindig—

Q: Iyon na nga.

SEC. ANDANAR: Ngayon 80 million na iyong nakatindig—

Q: [laughs].

SEC. ANDANAR: Sila, anim na taon silang nakaupo. Upo nang upo, eh nagkahetot-hetot ang bansa natin. Ngayon tindig-tindig sila.

Q: Mali ka naman—

SEC. ANDANAR: Alam mo mali sila—dapat sila tumindig ng wasto—

Q: Oo.

SEC. ANDANAR: Iyong tindig ng otsenta milyon na mga Filipino. Ganiyang tindig.

Q: Para sa bayan, na para sa bayan.

SEC. ANDANAR: Para sa bayan, hindi iyong para sa pansariling interes nila, dahil nakaupo sila noon at nagkahetot-hetot ang bayan. Eh ngayon noong naiwan sa kangkungan iyong kanilang kandidato sasabihin nila titindig sila. Ang tagal na nilang nakaupo hanggang ngayon nakaupo pa rin, naka-ingkod sa Bisaya, naka-ingkod pa rin sila. Eh ngayon gusto—patindig-tindig, napaka-corny nila. Otsenta milyon ang nakatindig, sila ang nakaupo.

Q: At saka ano iyan—

Q: Same mistake—

Q: Sa Tagalog ang tawag diyan nakahapay.

SEC. ANDANAR: Oo. [laughs]

Q: Hihila-hilata, iyan.

SEC. ANDANAR: Oo.

Q: Anyway, anong tingin mo rito. Ikaw ang gusto naming tanungin, Martin, kasi dahil dito sa mga survey-survey na ito eh.

SEC. ANDANAR: Opo, sir.

Q: Papaano ba ito? Ang survey na parang sinakyan ng lahat eh iyong SWS, eh parang hindi naman pinapansin iyong ginawa ng Pulse Asia? Hindi dapat parehas sila?

SEC. ANDANAR: Well, alam mo kasi unang una, lumabas iyong sa Pulse Asia at nirerespeto naman natin iyong—iyong ano pala SWS, nirerespeto naman natin iyong SWS sapagka’t ‘very good’ pa rin ang trust sa Pangulo at ‘good’ iyong satisfaction. Tapos lumabas itong sa Pulse Asia at iba naman iyong resulta at iba naman iyong resulta otsenta porsiyento. Hindi ko alam kung ano iyong kanilang pamamaraan ng ‘pag-survey pero what is important for us in government is that ang ating Pangulo napakataas talaga ng tiwala ng taong bayan, 80 percent. Kami naniniwala na otsenta porsiyento talaga.

Now it is not to say that hindi natin papansinin iyong resulta ng SWS, people will still focus on the problems na nakabanggit doon sa Visayas at sa balanced Luzon. At same time, no let up ito eh. Eh talagang puspusan iyong trabaho sa buong Pilipinas.

Q: Alam mo, Secretary Martin, mayroong pinost itong si Professor Tonton natin sa communication—

(LINE CUT)

Q: Secretary Martin, nandiyan ka na ba ulit?

SEC. ANDANAR: Dito sa checkpoint, papuntang Marawi, may mga checkpoints ‘di ba?

Q: Oo. Secretary?

SEC. ANDANAR: Ay, hello. Good morning po. Sorry naputol po so mahina ang signal dito sa Cagayan De Oro.

Q: Ah okay. Ganito, Secretary Martin, iyong puna noong iba na actually iyong pagbaba sa survey, itong hindi pag-aksiyon dito sa mga anti-Duterte bloggers halimbawa—

SEC. ANDANAR: Oo.

Q: Is actually a failing of the Communications infrastructure of the Palace. Iyon ang gusto kong itanong sa iyo—

SEC. ANDANAR: Okay. Okay.

Q: You’re take to these claims.

SEC. ANDANAR: Well, alam mo kasi, Jo, iyong mga…. Iyong mga sinasabi ni RJ Nieto – Thinking Pinoy – na parang wala kaming ginagawa. Pero iyong mga hinihingi niyang mga—iyong mga pruweba etcetera, iyong mga imply sa PCOO, tinatrabaho namin iyan. Tahimik lang, alangan namang isigaw namin sa mundo na ini-imbestigahan namin itong tao na ito. Of course we’re checking kung si Cocoy Dayao ba talaga ay empleyado ng PCOO o hindi. Kung nagsinungaling ba si Lacierda, nagsinungaling ba iyong mga kasama niya na empleyado, iyong mga ganoon ba.

Q: Or kung libelous itong pinaggagawa nitong Jover—ano ba ito?

SEC. ANDANAR: Oo. Oo.

Q: Whatever her name is.

SEC. ANDANAR: Iyong Laurio—

Q: Laurio, si Laurio.

SEC. ANDANAR: Si Laurio—eh sino si—anong pangalan nitong si Laurio? Si ano… Si Jover—

Q: Pinoy Ako—

Q: Jover Laurio—

Q: Pinoy Ako Blog tapos itong.

SEC. ANDANAR: Ang problema kasi kay Jover Laurio, hindi naman siya nagpakita ng mukha noong sa simula.

Q: Yes. Yes.

SEC. ANDANAR: Eh ngayon na hinabol na siya, ngayon lang siya mag-iingay.

Q: Oo nga.

SEC. ANDANAR: Dapat dati kung talagang hindi siya takot, hindi siya nagtago, she did not hide in cloak of her website. Dapat dati pa lang eh naging transparent na siya. Eh ngayon hinihingian siya ng—hinihingian ng identity iyong website tapos pinapanagot kung sino ang nagsulat niyan tapos natisod, ngayon siya mag-iingay ng ganiyan ‘di ba? Kaya nga pati iyong ‘Silent No More’ dapat ganiyan din. Ilabas na nila iyong mga pagmumukha nila para at least patas ang laban. Kasi iyong sa mga DDS bloggers nakikita mo iyong mukha eh, may personalidad, wala namang tinatago. Bakit kayo nagtatago? Natatakot ba sila?

Q: Pero Martin balik tayo doon nga sa kanina na tinatanong ni Jojo. Anong masasabi mo doon sa point na ang sinisisi, maging ng ibang mga pro-Duterte bloggers nabanggit mo nga kanina sa Thinking Pinoy si RJ at kung hindi lang naman si RJ may iba pa, na pagkukulang ninyo sa communicate ng PCOO ang nangyayari kung bakit na ang Presidente ay sumasadsad ang ratings kasi hindi ninyo napaglalaban ng husto. Anong masasabi mo dito?

SEC. ANDANAR: Hindi, mayroon kasi—mayroon kasing mga orders din ang ating Presidente na hindi naman masabi sa lahat—

Q: Yes. May mga ganoon, may mga ganoon.

SEC. ANDANAR: For example, sasabihin ni Presidente sa akin, ‘Oh, Martin si ano na ang magsalita ha, si Ernie na magsalita—

Q: Si Spokes Abella—

SEC. ANDANAR: Focus ka lang diyan sa mga ahensiya mo.

Q: Oo mga ganoon—

SEC. ANDANAR: Oo ganoon.

Q: At saka may mga topics na sasabihin ni Presidente, ‘relax lang muna, huwag muna nating sagutin iyan.’ Ganoon eh.
SEC. ANDANAR: Oo iyong mga ganoon. Na hindi ko naman puwedeng maya’t maya kung anong sabihin ni Presidente sa akin, sabihin ko na lahat—

Q: Tama.

SEC. ANDANAR: Hindi naman ganoon. Pero kami—ako, as far as my work is concerned sa PCOO, sa mga ahensiya. In fact kitang kita ninyo naman lumalakas lahat ng ahensiya sa ating government.

Q: Oo.

SEC. ANDANAR: Ngayon sinisisi sa akin na bakit hindi raw ako dumedepensa agad. Napag-utusan nga ako na huwag munang magsalita. Anong gagawin ko ngayon ‘di ba?

Q: Iyong programa mo, Sec., na sinasabi mo na magkakaroon na ngayon ng mga provincial people who will be speaking for and in behalf of government. Pati iyong mga agencies kasi, dapat iyong mga agencies active din kasi marami silang ginagawa na hindi alam ng tao.

SEC. ANDANAR: Tama. Actually, itong Presidential Comm—itong Provincial Communication Officers network nasimulan na ito a few months ago, nakakasampung probinsiya na kami—

(LINE CUT)

Q: Secretary—

SEC. ANDANAR: Kasi alam mo iyong strengthening the institutions. So nakita ninyo naman ang Presidential Communications from 10,000 followers to 1.1 million, ang PTV ngayon pinakamalakas na social media na network.

Q: Tama.

SEC. ANDANAR: Ang Nielsen of social maker study, na pagdating sa engagement talo na namin iyong mga kalaban in particularly dates, from 30,000 to 1.1 million. Iyong Radyo Pilipinas, in a few weeks I will invite all of you to see the improvements, talagang major…facelift po at iyong mga bago po nating mga equipments etceteras. Marami pa kaming ginagawa.

Ngayon iyong Provincial Communication Officers Network, we’ve been going around the country to establish information officers per municipality, hindi lang per city but per municipality. So ito ginagawa natin para nga mas matulungan natin iyong Philippine Information Agency sa kanilang on ground communications sapagka’t ang PIA talaga eh maliit lang din ang budget kaya lahat ginagawa natin. So we are doing all of this things.

Q: At saka iyong mga agencies, Sec., kasi may mga information officers bawat agency mabigyan lang sila ng tutorial – ito ang highlight ninyo, ito iyong mga ginagawa ng—

SEC. ANDANAR: Oo tama boss.

Q: Hindi alam eh.

SEC. ANDANAR: Tama po kayo. Kasi ito halimbawa lamang, since Day 1 ng Marawi, PCOO has been on the ground since Day 1 ng Marawi, itong Task Force Bangon Marawi, tapos itong Mindanao Hour through Philippine Information Agency. Pagdating sa Mindanao napakataas ng rating namin. Hindi ko sinasabi na dahil sa communication ito etcetera. But we have been on the ground in Mindanao and some parts of Luzon and the Visayas.

Siguro iyong mga parte na medyo mahina tayo, sa Visayas, dito sa may Negros area at sa balanced Luzon, doon siguro medyo mahina ang ating PIA at doon natin tututukan ng pansin. Mahirap kasi kapag sinabi na ‘Ah, mahina iyong PCOO, ganoon-ganoon.’ Gine-generalize, you can also look at the survey. Kung saan ang survey ay mahina, eh malamang doon din kami mahina sa PCOO.

Q: Sa totoo lang, Martin, ako I would like to credit you and your office for improving PTV4. Ito totoo.

Q: Oo, yes.

Q: Totoo iyong awareness ng tao na PTV4 can be a—the go to actually new source sa ginagawa ng gobyerno at alam naman natin marami ang sumusuporta sa Pangulo. Pero talagang lumakas ang PTV4 sa ngayon.

SEC. ANDANAR: Salamat, Boss. Salamat po sa acknowledgement ng trabaho namin at sa appreciation. Ito—this is really a part of our job to run PTV. Like what I said, from 30,000 followers sa Facebook ngayon 1.1 million. Napakataas ng engagement and then by the way, Jo ‘no, from 25,000 watts transmission noong pumasok kami 55,000 watts na ngayon. By April, May or June of next year 120,000 watts na ang PTV Metro Manila.

Q: Hindi ba bawal iyon?

Q: [laughs].

SEC. ANDANAR: Ipapaalam natin sa NTC.

Q: ‘Di ba may cap iyong power?

SEC. ANDANAR: Mayroon, mayroon pero iyong sa NTC kasi—for example, sa ABS ganoon din sila, sa GMA ganoon din, ipapaalam mo lang na tataasan mo power. Para malakas, kasi kung manonood ka ng PTV sa Facebook napakalinaw, napakaganda. ‘Pag nanood ka doon sa free to air eh medyo snowy.

Q: Sabi noong isang commenter natin dito sa ating Facebook live sa Karambola—

SEC. ANDANAR: Opo.

Q: Eh natutuwa din siya and maybe you should also consider this, Martin—

SEC. ANDANAR: Yes, sir.

Q: Na natutuwa siya—maangas na medyo si Secretary Martin kasi ang isa pang problema ni Secretary Martin parang masyadong diplomatic daw ang dating. Eh iyong kabilang kalaban mo puro balahura—

Q: Masyado ka daw mabait—

Q: Oo masyado ka daw mabait, masyado ka daw mabait—

Q: Kaya tuloy kayong dalawa ni Secretary Abella—by the way isa pa lang ministro, ay pareho daw kayong hindi lumalaban, wala kayong pangil.

SEC. ANDANAR: Well, alam mo naman, Prof. Ton, na last year noong nagsimula tayo, for the first 10 months eh ako iyong lumalaban, ako po ay nagsisigaw na mayroong destabilization si Nicolas doon sa America etcetera. At nag-away pa kami ni Marlon Ramos iyong mga ganoon ‘di ba? Pero—at ako rin ang nagpapalala ng ating mga boss na huwag mong pabayaan iyang mga ahensiya kasi—

(LINE CUT)

SEC. ANDANAR: Oh iyon, sorry napuputol.

Q: Natatandaan ko nga eh—oh sige sorry. Go ahead.

SEC. ANDANAR: Iyon nga iyong utos sa akin ng Presidente na kailangang patakbuhin iyong mga ahensiya ng mabuti eh sapagka’t matagal napabayaan din po iyong mga ahensiya ng PCOO. So ang hirap kasing magsalita, iyong maging palaban ka—at the same time you are managing the… more than eight agencies, mahirap din kasi. In fact noong opening noong bagong Malacañang Press Briefing Room, na by the way ang sabi ni Charlie na Engineer namin doon sa Malacañang Press Briefing Room ang sabi niya, ‘For the first time ngayon lang na-professionalize iyong Malacañang Press Briefing room in the history of governance dito po sa Palasyo.

Q: Maganda raw ah, iyan ba iyong sa NEB? Iyan ba iyong sa New Executive Building?

SEC. ANDANAR: Yes, sir. Yes, sir.

Q: Maganda raw eh. Ang naging problema kasi napabayaan ng todo iyong government institutional agencies for communications kasi nag-rely iyong previous administration—

Q: Sa PR—

Q: Sa mga PR firms at saka doon sa mga malalaking mga private sector ano—ang naging ano eh, naging… Iyon ang government—

Q: ini-out source nila eh.

Q: Ini-authorize nila sa Rappler.

Q: At saka—

Q: At saka sa ABS-CBN.

Q: ABS-CBN, Inquirer, mga ganoon eh. Mas maganda ito institutional.

Q: Institutional, kasi whatever happens—

Q: After the time of the President, it will be there.

Q: Will be there—

Q: Halimbawa, halimbawa, iyong bagong kaka-launch… kalo-launch lang nila iyong PNA ano, tawag dito, news desk. Maganda iyon ah.

SEC. ANDANAR: Oo. Iyong Philippine News Agency by the way mamayang gabi, Philippine News Agency all in one newscast. Mayroon na pong newscast ang PNA ngayong gabi 10:30 po abangan ninyo sa PNA—sa lahat po ng ano, sa lahat po ng mga PCOO online assets magla-live po kami tapos mapapanood din po sa PTV parang… Opo go ahead po.

Q: Doon na makukuha iyong totoong nangyayari sa gobyerno kasi iyong mga iba fake eh—

Q: [laughs .

Q: Fake talaga, hindi niyayari nila gobyerno, pine-fake nila iyong mga sinasabi.

Q: Alam mo ako nakikita ko na eh, dahil nagmo-move na iyong mga tao to PTV4, nababalanse rin eh. Kasi iyong sa iba talagang aanuhin ka. Eh nag—taga basa ka—news anchor ka nagbabasa ka ng news eh mayroon kang slant eh, tinitira mo kaagad ng ano eh, nag-editorializing ka eh, parang ganoon.

Q: Martin, ang isang….

SEC. ANDANAR: Opo.

Q: Isyu naman na lumalabas din ngayon iyon nga iyong point na doon sa mga—maniwala tayo na kunwari na SWS survey iyong dapat nating tignan—

SEC. ANDANAR: Opo.

Q: May mga mahihinang lugar ang Presidente sa balanced of Luzon at saka sa Visayas, nabanggit mo kanina ano bang mga plano ninyong gawin doon para palakasin ng awareness sa kaniya at iyong trust?

SEC. ANDANAR: Napag-usapan po namin iyan last week kasama si Executive Secretary Bingbong Medialdea, kasama po sila ni Jun Esperon at iba pang mga kasamahan natin ay mayroon tayong mga programa na iro-roll out doon sa mga areas na iyon, depending on the result of the focus group study—

Q: Yes, yes.

SEC. ANDANAR: Kasi mahirap din po kasing sumampa lang tayo baka sayang lang iyang efforts natin, masayang ang resources. So we will depend on the focus groups study, ano bang problema nito sa may Negros area; ano bang problema dito sa… halimbawa sa balanced Luzon, halimbawa na lang sa isang probinsiya, anong problema doon, pagkain ba, access ba farm to market road. Iyong mga ganoon po na mga problema. Actually hindi naman rocket science na iyan eh. Nagawa na ito noong mga previous administrations eh. So—and then we will talk to the agency na mayroong kinalaman doon sa area na iyon para at least tulungan tayo sa pag-roll out ng communication at iyong tangible na project na maibibigay po natin.

Q: Ito may nagte-text, Sec., ano. Ang sinasabi, ‘Dapat mayroon ding isang tao hindi lang si Sec., at saka si Spokesman Abella, isang tao na walang gagawin kung hindi i-expose iyong ginagawang destabilization o panloloko ng kabila. Dapat mayroon daw ganoon.

SEC. ANDANAR: Oo nga.

Q: Ano iyon ‘dirty ops division’?

Q: Hindi, hindi, hindi, para sagutin lang. Kagaya nitong ginagawa ni Mayor Sarah—

Q: Actually totoo—

Q: Totoo iyan eh. Actually, Sec., kailangan ilabas iyon eh. Kasi hindi ka puwedeng mag-focus na Spokes Abella at saka itong si Secretary Martin sa—

Q: (overlapping voices).

Q: So ito naman ang walang—it’s a good proposal—

Q: Ang sasagot—

Q: Sasagot doon sa ano—

Q: Kagaya si—

Q: Ang tawag sa kaniya ‘The rebuttal, back up.’

Q: Hindi tatawagin natin halimbawa, ‘The anti-Trillanes’ mga ganoon. [laughs]

(LINE CUT)

Q: Secretary, anong tingin mo diyan? Nandiyan ka na ba Martin ulit?

SEC. ANDANAR: Oo nandito na ako.

Q: May suggestion kami dito na ano—

SEC. ANDANAR: Kailangan na iyong third player.

Q: Magkaroon daw kayo ng isang opisyal na ang trabaho taga sagot.

Q: At saka buck setting, nagpa-pack siya eh.

Q: Mayroon na kami, mayroon na kaming nababanggit na branding.

Q: The DILG, mukhang nasasayang sir.

Q: Kasi kagaya nito, iyong sinasabi ni Mayor Sarah, totoo ito. Oh eh ‘di sabihin mo, itong mga ito, ito iyong mga tao na involved. Ito dapat i-expose nila eh.

SEC. ANDANAR: Oo. Hindi tama, tama iyan, tama iyong suhestiyon ninyo.

Q: Pag-isipan mo, Sec., maganda. Maganda, mayroon kayong ano, iyon ang toka niya. Mamaya bibigyan ka namin ng pagkakataon lalo na ngayon transport strike eh. Ano pati ang masasabi mo doon sa mga nagsasabi na kayo ang may kasalanan?

Q: At saka iyong mahihirap, iyon daw ang nagdurusa dito sa mga ginagawa ng gobyerno. Nasa iyo ang pagkakataon, Secretary Martin?

SEC. ANDANAR: Iyon nga uulitin ko, 80 percent po ng mga Filipino ay naniniwala sa ating Pangulo may… satisfied po sila at mataas po iyong kanilang approval kay Presidente. Iyong mga nagsasabi na oposisyon na problema na naging mahirap iyong mga tao at nandiyan si Presidente. Totoo maraming naghihirap pero hindi totoo na majority nagagalit. In fact, majority ang nagagalit sa kanila, sobra nilang ingay—

Q: [laughs].

SEC. ANDANAR: Sa sobrang ingay nila, hindi na sila—masyado ng makasarili ang kanilang mga ipinaglalaban. Gusto kasi nilang makabalik sa puwesto. Iyon lang naman ang gusto nila eh. Ngayon pagbigyan na natin ang ating Pangulo dahil may mandato naman, anim na taon siyang nandiyan at alam natin na ginawa naman ang lahat ng ating Pangulo para mareporma itong bayan natin. Eh sa katunayan nga napakadaming nagawa ng ating Pangulo, basahin ninyo iyong sinulat ni Mr. David sa Inquirer at gusto ko lang din ipaalala sa mga kababayan natin na ang Pangulo, sampu ng kaniyang mga kasamahan at ang buong 80 million na naniniwala sa ating Pangulo ay matagal na pong nakatayo ‘no, matagal na pong nakatindig, matagal na pong ‘nakatindog’ sa Bisaya.

At kayo, iyong mga nag-iingay diyan, kayo iyong mga nakaupo ng anim na taon at dahil sa kakaupo ninyo lang, nakanganga kayo ay nagkahetot-hetot ang bayan namin, natin lahat. Kaya kami ngayon nakatayo, ang 80 million dahil naniniwala kami na kaya kaming patakbuhin sa pamamagitan ng liderato ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Kaya iyong mga nagsasabi na ‘Tindig Pilipinas’ napaka-OA ninyo, binabaliktad ninyo eh. Kayo naman iyong nakaupo ng matagal na eh, iyong tindig-tindig ninyo napaka-OA. Kami nga iyong nakatindig dito eh, kayo iyong nakaupo diyan eh pakuya-kuyakoy kaya nga tayo nagka—kaya nga nagkaganito iyong bayan natin eh. Kaya nga hindi binoto iyong kandidato ninyo, ganoon lang kasimple. So kung ako sa inyo—

Q: [laughs].

SEC. ANDANAR: Hindi kung ako sa kanila ay let’s just… let’s just work. Let’s just buckle down to work for the betterment of our society. Tulungan natin si Pangulong Duterte, because we have never had a President like President Duterte for the longest time na napakalakas po, napakataas ng kaniyang political will at sa loob-loob po lamang ng 15 months eh napakadami ng unpopular decisions, policies na pinirmahan ang ating Pangulo. Hinabol na po si…ang grupo ni Lucio Tan. Ito nagbayad na 6 billion. Eh sino bang Presidente ang nakahabol kay Lucio Tan? Wala ‘di ba? O pati iyong Mighty Cigarette 30 billion pesos. Sino bang Presidente ang nakahabol sa Mighty? Wala, si Presidente Duterte lang at napakadami pang mga desisyon tulad ng mga libreng edukasyon sa mga State Universities and Colleges. Sino bang pumirma? Sino ba ang nag-aproba? Sino bang Presidente nakagawa niyan? Wala si Presidente Duterte lang. At napakadami pa pong ginawa ang ating Pangulo, kaya sana iyong mga maiingay, let’s give the Presidente a chance. Tutal 4 years na lang naman eh.

Q: [laughs]. Huwag naman 4 years, mali naman iyong bilang mo, baka sabihin pang 4 years na lang tayo. Halos lima naman (overlapping voices).

SEC. ANDANAR: Oo halos lima. Sabi rin ni Presidente Duterte 4 years na lang eh. [laughs].

Q: Baka kasi may magsabi na may pang—

Q: Baka iyan na lang ang masabi niya, alam ko na baka naman mamadaliin iyong proseso ni DBM—

Q: Hindi ang dapat mong sabihin, iyong ‘Tindig Pilipinas’ maghanda sila.

(LINE CUT).

Q: Hayaan mo na. Okay, maraming salamat sa iyo, Secretary Martin at inabot ka na naman noong 5 minutes mo at pindutin ka na naman ng Telcom. Magbabalik po—iyon po pala si Communication Secretary Martin Marfori Andanar.

###

 

Resource