Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Johnson Manabat (DZMM – Kabayan)

MANABAT: Magandang umaga po sa inyo, Secretary Martin. Si Johnson po ito sa programa ni Kabayan sa DZMM.

SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Johnson. At magandang umaga sa lahat ng nakikinig dito po sa DZMM.

MANABAT: Opo. Secretary, mayroon ho bang ongoing investigation sa naging aberya ho doon sa artikulo ng PNA patungkol po sa DOLE issue?

SEC. ANDANAR: Mayroon po, sunud-sunod po iyan. Iyong unang isyu ay iyong pag-upload ng commentary ng Xinhua News Agency na kagyat tayong nagpadala ng show cause order doon sa writer at sa editor na involved dito. And then, unfortunately, after a few days ay nag-upload po ng editor – pero ibang editor po – ng litrato ng Dole Philippines, instead of Department of Labor and Employment logo. So mayroon po tayong show cause order na ipinarating sa kanila noong Sabado ng gabi. So ngayon po ay papunta ako ng Philippine News Agency, galing po tayo sa Cordillera, para dito sa meeting with the Philippine News Agency editors at ilan pang mga executives po ng Philippine News Agency, at News Information Bureau – ito po iyong ahensiya on top of the Philippine News Agency.

MANABAT: Secretary, wala pa hong nagiging, ika nga, initial na paliwanag iyong mga editors po na involved po dito o kaya iyong kanilang mga supervisors kung bakit nakalusot iyong ganoong klase hong, ika nga, artikulo?

SEC. ANDANAR: Mayroon na ho silang mga paliwanag in writing, at iyon po ang titingnan natin mamaya sapagka’t alam mo, hindi na kasi katanggap-tanggap iyong mga pagkakamali. Nung tayo po ay pumasok sa opisina ng PCOO, minana po natin lahat ng manpower ng Philippine News Agency. And of course, siyempre alam mo naman pagpasok mo sa isang opisina ng gobyerno, kailangan iyong mindset mo magagaling lahat ng tao; hindi naman pupuwedeng negative kaagad. So optimistic po tayo, kaso itong sunud-sunod po na mga kapalpakan ng Philippine News Agency – unahin po natin iyong pag-upload nila ng picture ng Vietnam War; tapos pangalawa iyong inaccurate na report po tungkol kay Assistant Secretary Densing; tapos pangatlo, iyong sa Xinhua; pang-apat, itong sa Dole Philippines – ay hindi na po ito katanggap-tanggap, Johnson. Sapagka’t alam mo noong pumasok po tayo dito sa PNA, ito po iyong binigyan natin ng atensiyon dahil itong Philippine News Agency, ito po ay napabayaang ahensiya talaga ng gobyerno. May bago iyang website, noong tayo’y pumasok 1990s pa iyong website.

MANABAT: Iyon pa rin?

SEC. ANDANAR: Tapos ngayon, bago na. Nilagyan po natin ng mobile site. Mayroon na po siyang application. Dati, noong pumasok po tayo, wala pa siyang social media presence noon, zero media presence. Ngayon po—

MANABAT: Kahit papaano ay maganda-ganda na ang, ika nga, mga artikulo from PNA, kaya lang medyo sumasablay, nagkakasunud-sunod pa.

SEC. ANDANAR: Sumasablay kaya sabi ko nga, sa lahat ng ginagawa natin, binigyan natin ng pansin, pinadala natin sa ibang bansa para mag-training. As a matter of fact, this coming September, magsisimula na iyong online newscast ng Philippine News Agency. So itong sunud-sunod itong kapalpakan so we will definitely have a revamp sa mismong Philippine News Agency. Ang managot ay dapat managot, but of course, kailangan po ito ay sundin natin iyong procedure pa rin ng Civil Service Commission dahil—

MANABAT: Ilan ho bang empleyado ang pinag-uusapan ho natin dito na posibleng masama doon sa investigation po ninyo?

SEC. ANDANAR: Sa ngayon po ay nasa dalawa. Pero mayroon pa yatang dalawang writers na involved dito. We will see. Ayaw ko namang maging arbitrary. Kailangan po dito ay dumaan tayo sa proseso.

MANABAT: Secretary, iyon ho bang mga, halimbawa, iyong mga taong ito, writers, the editors, are the same editors na, ika nga, ay nasa likod ng pagsablay sa mga unang artikulo ng PNA?

SEC. ANDANAR: Magkaiba ho. Magkaibang editors ho. And all of these editors, ito po iyong mga editors na noon pa man ay nandiyan na sa PNA, panahon pa ng Aquino administration and before that. So, ang sa atin lang dito ay we will go through the process kasi ayaw naman nating maging unfair sa investigation.

MANABAT: Oho. Kung ika nga ho ay aabot doon sa pinakamabigat na posibleng parusa o penalty doon sa mga nasa likod po ng pagsablay ng artikulo, aabot ho ba sa pagtatanggal sa serbisyo, Secretary?

SEC. ANDANAR: Depende po iyan sa Civil Service policy. Basta iyong pinaka-maximum po na penalty na ibibigay at nakitaan po natin ng dahilan na ibigay iyon ay atin pong ibibigay sa empleyadong nagkasala.

MANABAT: All right. Panghuli na lamang po, Secretary. Sa pag-accredit ho ng mga bloggers para makapag-cover ho sa mga aktibidad ng Pangulo, ano hong latest po, Secretary?

SEC. ANDANAR: Again, let me repeat, Johnson, na that is an interim policy. Ibig sabihin, pansamantala at evolving. Hinihintay po natin iyong contribution ng mga kasamahan natin sa media. So sa ngayon, ang latest po ay wala pang nag-a-apply na bloggers. Wala pa hong nag-a-apply.

MANABAT: Ayun. Pero ang Malacañang Press Corps ay kukunsultahin sa kung papaano ia-accredit ang isang blogger, Secretary Andanar?

SEC. ANDANAR: Oo, tama po kayo. Ang Malacañang Press Corps, I believe, ay nagkaroon na sila ng meeting last week. At mayroon silang ibibigay sa akin na letter or I think they are requesting for a meeting. Alam mo, and just for the record, Johnson, this is what the President wants. He wants an inclusive coverage, kasama iyong social media. In fact, that’s on record… I mean, pinipilit din ang Pangulo ng mga social media practitioners.

And ang sa atin po naman, nagkaroon po tayo ng All media ph na event last year kung saan ay kinausap po natin lahat ng mga stakeholders. In fact, we invited all the members of mass media. Hindi po lahat pumunta. Kaya nga sabi ko, since kakaunti lang po iyong um-attend doon, we are making this policy, as an interim policy. Meaning, marami pang pagbabago na mangyayari at we are waiting for the suggestions the…mga interesado po dito.

MANABAT: Secretary, iyon hong mga lumabas na unang artikulo, parang ang sinasabi ho, kapag ikaw ay isang blogger na mayroong 5,000 supporters or followers, puwede kang maging, ika nga, ma-accredit ng Palasyo para mag-cover ng Pangulo.

SEC. ANDANAR: Tama iyon, Johnson. Five thousand followers pero kailangan ay consistent po iyong creation ng original news content. Meaning—

MANABAT: Hindi iyong pasulput-sulpot lang.

SEC. ANDANAR: Opo. Kailangan po araw-araw ka nagba-blog, araw-araw kang nagsusulat. At ang pinakamahalaga dito, accurate iyong sinusula mo; iyong hindi mali-mali iyong detalye. Ngayon, kapag na-check po namin na accurate iyong blogging mo for the last year, for example, at least araw-araw ka nang nagri-release and then binigyan ka ng accreditation ng PCOO, hindi po ibig sabihin ay okay ka na, dahil aaprubahan pa iyan ng PSG. Once na approve ng PSG ang accreditation as a social media practitioner, di nakaka-cover ka na kay Pangulo sa event, at iyong accreditation na iyon ay para lang sa event na iyon. Kung gusto mong mag-apply ulit at mag-cover sa susunod na event ng Pangulo, mag-apply ka ulit. Hindi po tulad sa atin, sa mass media, na isang application lang tapos continual na iyong accreditation mo. So magkaiba ho iyon.

And then once na makitaan po natin ng ebidensya na iyong blog na sinulat mo ay mali-mali iyong mga basic information, manganganib po iyong pangalawang application.

MANABAT: Secretary, mayroon hong nagtatanong ho dito: Kailangan ho ba daw na verified pa iyong followers ng isang blogger kung talagang mga lehitimong followers po ito, iyong 5,000?

SEC. ANDANAR: Hindi naman kailangan verified iyong social media account. But of course, it will help kung verified iyong account mo. Kasi iyong verification process din ng Facebook, for example, mayroon silang isang requirement daw doon, which I’m not really familiar.

MANABAT: Secretary, iyon hong magiging accreditation ng isang blogger will not be under the office of Mocha Uson?

SEC. ANDANAR: Yes, that will be under Assistant Secretary Mocha Uson.

MANABAT: All right. Sana ho ay hindi po tayo magkaroon ng problema with the regular members of the Malacañang Press Corps at saka ho kung sinuman iyong papasok dahil, Secretary, hindi ho natin, ika nga, maisasantabi na mayroon hong tinatawag na mga trolls?

SEC. ANDANAR: You can be assured, Johnson, na with my presence – ako nama’y galing sa inyo – ay sisiguraduhin ko po na ang lahat ng ma-accredit ng opisina ni Asec. Mocha Uson ay you can either be with the President, sinusuportahan mo siya; or you can be against the President, you can be also neutral. In fact, wala po tayong diskriminasyon kung sino ang ilalagay diyan. Hindi po trolls ang ilalagay natin; mga bonafide bloggers, social media practitioners. And we even encourage those who are critical of the President to apply, kasi gusto po natin makita ninyo kung papaano magtrabaho si Pangulong Duterte.

MANABAT: All right. Secretary Martin Andanar, magandang umaga po at ingat ho kayo, Secretary.

SEC. ANDANAR: Thank you, Johnson. Mabuhay kayo.

# # # # #

Resource