Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Jaymark Dagala and Rolly Gonzalo (DWIZ)

Q: Secretary Martin, si Lakay at saka si Jaymark, good morning.

SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Lakay at Jaymark. Good morning po sa lahat ng nakikinig sa ating programa dito sa DWIZ.

Q: Wow, mukhang nakapag-kape ka na at maaga kang nagising, Secretary.

SEC. ANDANAR: Hindi talagang iyong problema sa cellphone ko ano eh, minsan nasa kotse naiiwan, minsan namamatay. So talagang alas-singko ay gising na ako eh. Ang problema lang iyong nakakalimutan ko minsan eh…

Q: Oo, at saka siyempre nagkaka-edad ka na rin kaya maaga kang nagigising na eh. Ikaw ay alam ng lahat na broadcaster, maaga kang nagigising sa programa mo dati sa radyo, di ba?

SEC. ANDANAR: Oo, ganoon talaga iyong schedule ko, morning parang sa iyo Lakay. Kaya ito nga iyong nami-miss ko, iyong ganitong kaaga nasa radio station na eh.

Q: Yeah, alam namin. Secretary, ano ba ang signal sa Malacanang, ninenerbyos ba ang Malacanang patungkol sa rally bukas? Ano bang sintemyento sa Malacanang?

SEC. ANDANAR: Ang sintemyento namin sa Malacanang ay we are encouraging people to protest tomorrow, sapagkat it’s a National Day of Protest. Ang protesta naman ay…puwede kang magprotesta against your government, for the government; against your own company or your private capacity, kung meron kang mga ayaw o gusto mong i-protesta. That is why it’s a National Day of Protest. Ang mahalaga dito ay ang ating Pangulo ay naniniwala na kailangan talagang suportahan at kailangan talagang ipaalam sa buong mundo na malakas ang demokrasya sa ating bayan.

Q: Tutal ang pundasyon naman nitong rally na ito ay anti-martial law. Eh lahat naman tayo dumaan sa martial law noong araw.

SEC. ANDANAR: Oo, anti-martial law, it could be anti-establishment, whether government or private. Baka meron kang pinoprotesta sa trabaho, puwede namang ganoon, di ba. Baka gusto mong i-protesta iyong misis mo (laughs) National Day of Protest di ba, or iyong girlfriend mo o iyong asawa mo, mister. Ganoon lang iyon.

Q: Pero kahapon doon sa interview kay Pangulong Duterte, Secretary, ay talagang paulit-ulit iyong kanyang pagbibigay noong emphasis na handa siyang mag-resign kung talagang wala nang tiwala sa kanya ang publiko.

SEC. ANDANAR: Oo, ganoon naman talaga ang ating Pangulo. Alam ninyo he is a very pragmatic person. At hindi naman niya talaga ginusto na maging Pangulo ng bansa natin. Ilang beses na paulit-ulit na sinasabi niya na at his age ay dapat nandoon na siya sa Davao ngayon, nagre-retire, enjoying his life. It only goes to show na hindi po… hindi siya iyong sakim, di ba, sa kapangyarihan. So sinasabi niya iyong katotohanan lamang, kaya iyong mga gustong mag-protesta, eh mag-protesta, whether pro or anti government, walang problema. In any corner of this country.

Q: Pero may information ba kayo na iyong mga supporters naman ng ating Pangulo eh magtitipon-tipon diyan sa Plaza Miranda o di kaya diyan sa may Mendiola?

SEC. ANDANAR: Well, iyon ang nabalitaan ko na meron dito sa Plaza Miranda na magtitipon-tipon din sa September 21. So…kaya nga, kaya lahat ng mga gustong mag-protesta ay you are free to protest, you are free to go there on a rally dahil it’s National Day of Protest. And ipakita ninyo na we support, we practice freedom for people to assemble to express their views and opinion in life, ganoon naman iyon eh.

Q: Maiba ako, Secretary. Ngayong araw ho ba iyong inyong budget deliberations para sa Presidential Communications Office?

SEC. ANDANAR: Mamaya po, mamayang umaga, alas-9 ng umaga po sa Senado.

Q: Kaya pala hindi ka pupuwede, Secretary, doon sa aming Broadcasters Forum.

SEC. ANDANAR: Iyon nga po eh. Next week, puwede ako next week, pero this week pasensiya na at baka bigyan ako ng maliit na budget kung hindi ako pumunta.

Q: Pero ano ho ba ang inyong ilalatag ho doon sa ating mga mambabatas kaugnay dito sa budget proposal ho ng Presidential Communications Office?

SEC. ANDANAR: Iyon pong nilatag po sa Kongreso na kailangan dagdagan po iyong budget sa PNA, sa PIA, PTV, sa buong PCOO po at mga walo pang ahensiya. Nadagdagan po ng mga isang bilyon iyong budget, kasi iyong budget po ng PCOO ay napako na po sa 1.3 billion at doon po sa 1.3 billion ay talagang kulang sapagkat walong ahensiya…siyam na ahensiya ang pinapatakbo at gusto po nating i-upgrade iyong mga equipment nung mga ahensiya at dagdagan ng tao, tulad ng PNA kulang na kulang sa tao. So iyon po iyong gagawin natin at alam n’yo naman po iyong mga 2.7 billion eh it’s just drop in the bucket, kasi lahat ng budget ngayon 3 trillion.

Sabi nga ni Congressman Lito Atienza at sabi rin ni Congressman Zubiri na matagal nang napabayaan talaga ang PCOO at iyong mga ahensiya kinakailangan ay dagdagan ng budget sapagkat we are the tip of the spear – iyong communications.

Q: Secretary, gusto kong makita iyong panahon…kasi iyon na ang inabutan ko, panahon ni Cendaña na ang Channel 4 ay talagang namamayagpag, nangunguna sa pagandahan ng mga gamit. Number one ho ang Channel 4 panahon ni Cendaña…

SEC. ANDANAR: Opo.

Q: …sa pagandahan ng gamit, number one po noon ang Channel 4 nung panahon ni Cendana.

SEC. ANDANAR: Opo. So okay naman ang Channel 4 dito sa Metro Manila umaasenso na naman siya, ganundin dito sa Davao at saka sa Benguet, dito sa Baguio. Pero alam ninyo, na-increase natin iyong signal ng from 25,000 to 55,000 watts pero kulang pa rin. Sa katunayan ay ako ay pupunta sa Japan ngayong darating na lingo sapagkat kakausapin ko iyong mga taga-JICA. Kasama ko po iyong economic team ni Pangulong Duterte, sila Secretary Sonny Dominguez, para ipakita sa Japan kung gaano tayo ka-sinsero doon sa pag-digitalize ng PTV, dahil ito po ay JICA funded. So I’m going there for two days para kausapin ang mga counterparts po na Japanese.

So ito naman ay mangyayari, Lakay, alam ko mangyayari na ito, nandiyan na eh talaga at pilit kong tinutulak na maging makatotohanan, na maging successful. At sabi nga nila itong PCOO na ito, this year ay talagang ito iyong PCOO na nagtulak nitong mga pagbabago na ito sa ating mga broadcast channels. In fact Lakay, nakita mo naman mo iyong Radyo Pilipinas, di ba?

Q: Oo naman. Nagpapasalamat ang mga senior broadcasters doon, dahil sa okay na iyong ating elevator doon.

SEC. ANDANAR: Okay na iyong elevator, tapos gumanda na iyong booth ninyo.

Q: Ah, yes.

SEC. ANDANAR: Pati iyong equipment, bago na po, meron nang darating na bago, pati iyong signal lumakas na. So, ito lahat ay mangyayari this year, 17 years na kasi iyong Philippine Broadcasting System. So mangyayari ito this year, so wag kayong mag-aalala. Ang plano rin natin Lakay ay maglalagay tayo ng limampung radio stations pa sa buong bansa na dadalhin iyong 738 Radyo Pilipinas One. So ito ay sisimulan natin sa 2018. Para in all 81 provinces po ay present po ang Radyo Pilipinas 738.

Q: May special request po ang taga-Ilocos Sur.

SEC. ANDANAR: Opo.

Q: Alam ninyo iyong ilocos Sur walang Radyo ng Pilipinas doon, meron Ilocos Norte. Pero iyong Ilocos Sur, iyon lang…

SEC. ANDANAR: Hindi lagyan po natin.

Q: Wala sa area na iyan.

SEC. ANDANAR: Wag kayong mag-aalala, ito pong 2018 ay meron po tayong programa na lalagyan natin lahat ng Radyo Pilipinas, basta maghintay lang po kayo. This will be the first time na ang Radyo Pilipinas One ay magiging present sa lahat ng 81 provinces.

Q: Ang ipa-follow up ko kasi nabanggit kanina ni Secretary iyong PNA na isa sa kanyang idedepensa doon sa budget hearing.

Q: Galing ako diyan sa PNA.

SEC. ANDANAR: Opo.

Q: Dahil ang PNA ay nalagay sa mapanuring mata ng ating mga kababayan nitong mga nakalipas na araw. Paano ho ba natin ito idedepensa, Secretary, sapagkat kung halimbawa ho na sabi n’yo nga kailangan dagdagan ng pondo ng PNA. Pero since na sunud-sunod iyong naging aberya nitong nakalipas, paano ho natin idedepensa ito, Secretary?

SEC. ANDANAR: Ipapaliwanag po natin sa ating mga senador iyong history talaga ng PNA at kung kelan ito nag-decline. So, maiintindihan po ng ating senador iyan na mula 1986 hanggang sa nag-take over tayo ay pa-decline po ang chart ng ating Philippine News Agency at nabawasan po iyong mga staff nito mula ’86 to today.

Alam n’yo po noong after nung EDSA 1 nung nagbukas po iyong mga himpilan, nagbukas po iyong mga bagong diyaryo, iyong mga magagaling po ng PNA ay nasilipatan po, tulad ni Lakay, tulad ni Governor Piñol ang dami po and you cannot blame them because of the opportunity. At the same time, nagkaroon po ng isang polisiya iyong gobyerno, iyong rightsizing na kapag nag-resign po o nag-retire iyong isa tao ay hindi na papalitan so kumonti ng kumonti po iyong Philippine News Agency at bumaba ng bumaba iyong morale. Iyong mga naglalabasan hong problema, matagal na hong nangyayari iyan at kaya ko pong patunayan iyan. Halimbawa, iyong mga merong sinulat nung isang editor na note, doon sa writer na baguhin ito, baghuin iyan, matagal na pong nangyayari iyan. Even bago po iyong aming administrasyon ay…in fact, mas marami nga.

Q: Kaya siguro naha-hype ka, dahil modern na iyong ating technology, may social media na. So mas doon nagkakaroon lang ng hype ano, ho, Secretary.

SEC. ANDANAR: Oo, saka ano rin Jaymark, masyadong malisyoso iyong mga kalaban natin eh, masyadong malisyoso. Tayo naman ay hindi naman tayo bengador at hindi naman natin tinitingnan iyong mga mali noong nakaraan. So ngayon mapipilitan tayong tingnan, in fact tiningnan namin, iyong sinasabi nilang pagkakamali, at tignan din iyong nangyayari sa aking supervision, mas marami yung sa kanila. Kung tayo ay meron po tayong isa o dalawa na nakikita sa isang buwan ngayon, mula noong Enero hanggang Abril, ay sila ay hindi po bumababa sa 22 a month ang mali, 22.

So, tayo naman ay hindi naman tayo ganoon. We just look forward, work forward and improve. Pero what is important is that we are moving forward and PNA is really right now, it is already improving – more reach, marami pong naabot, maraming nararating, maraming engagement at sa Oktobre magkakaroon tayo ng online newscast.

Q: Lalo na ngayon under supervision na iyan ni Usec. Egco, di ba?

SEC. ANDANAR: Oo. Mayayari silang lahat kay Joel. (laughs)

Q: Ito pa, Secretary, maisingit na at samantalahin ko na rin ang pagkakataon. Itong is Asec. Mocha Uson ay kasama pala doon sa delegation diyan sa UN General Assembly sa New York?

SEC. ANDANAR: Opo.

Q: Pero nababasa ko lang doon sa mga social media na tila tumataas iyong kilay nung ilan na mga kritiko ng administrasyon at sinasabi eh, bakit hindi sinuspinde si Asec. Mocha mula nung mabalita na sila ay nagtatanghal sa isang hotel diyan sa Pasay.

SEC. ANDANAR: Oo. Alam n’yo po, lahat naman ng ito ay dinadaan natin sa proseso. Si Asec. Mocha po ay isang presidential appointee therefore she is under the jurisdiction of the President kapag meron pong mga ganitong legal cases.

Ang PCOO ay ginagawa lamang namin, ginagampanan namin ang aming trabaho; therefore, after looking at her case ay akin pong pinorward sa Office of the President, sa Office of the Deputy Executive Secretary for Legal Affairs. Dahil legally sa kanila po iyong jurisdiction, so sila na po ang magdedesisyon noon. And while that is happening, eh kailangang magtrabaho ni Mocha, eh pinapasuwelduhan siya di ba. And she was really requested by the Office of Secretary Cayetano na sumama doon sa New York para mag-cover.

Q: Well, alam mo we are running out of time. Alam ko gustong mapakinggan ng mga netizens ito eh. Iyong pinakahuling birada naman ni Trillanes kay Pangulong Digong doon sa bank account, Secretary Martin. Ang sinasabi ni Trillanes, nakikipaglokohan lang daw sa kanya si Pangulong Duterte samantalang seryoso itong pinag-uusapang ito.

SEC. ANDANAR: Alam naman natin na iyon waiver na binigay ni Pangulong Duterte noong Mayo, noong nakaraang taon, is still good, hindi naman paso iyon. So hindi na kailangang magbigay ni Pangulong Duterte ng bank waiver, dahil nauna siyang nagbigay nung nakaraang tao pa. So wala namang problema.

Q: Panghuli na lamang po sa akin, sa parte ko, Secretary. Ano po ang inyong reaksyon dito sa hinirit ni House Majority Floor Leader Rodolfo Farinas, na bigyan daw ng parliamentary immunity iyong mga Kongresista na dadalo sa session sakaling masangkot daw sa mga traffic violations?

SEC. ANDANAR: Alam n’yo naman po ang ating Kongreso ay meron naman silang sariling karapatan, sariling privilege, prerogative na magpanukala ng sariling polisiya o batas. So nirerespeto po natin ang ating mga congressman, si Majority Floor Leader Farinas…

Q: Pero hindi kaya ito magbubuo ng impression na tila nagkakaroon ng special treatment, eh sapagkat, di ba si Pangulo eh ayaw niya nung may wang-wang, ayaw niya ng convoy, di ba?

SEC. ANDANAR: Well, alam n’yo po, kami po sa—Ako kasi I do my work kung anuman iyong nangyayari sa Ehekutibo, iyon lang iyong pinakikialaman ko. Sapagkat alam naman natin we have separation of powers at Congress is Congress, the Senate is Senate and the Executive is the Executive, the Judiciary, the is the Judiciary at hindi po natin pinapakialamanan iyong trabaho ng ibang mga co-equal branch of government.

Q: Okay, Secretary, thank you very much again for joining us. Good luck sa budget hearing alam natin na wala kang problema, kagaya nung sinalang kayo sa Commission on Appointments ay walang question, question ang bilis.

SEC. ANDANAR: Salamat po.

Q: Magbe-breeze through kayo diyan sa budget hearing sa Senado.

SEC. ANDANAR: Sana nga magdilang anghel ka, Lakay. Magkita tayo next week. Salamat, mabuhay kayong dalawa, mabuhay ang DWIZ. Thank you.

##

Resource