Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Ivan Mayrina (GMA 7 – Unang Hirit)

IVAN MAYRINA: Secretary, good morning, welcome to Unang Balita.

SEC. ANDANAR: Good morning, Ivan, Rhea at Igan.

IVAN: Kahapon inanunsiyo ng Pangulo na liberated na ang Marawi. Malaya na ba talaga ang Marawi sa kamay ng Maute-ISIS, Secretary?

SEC. ANDANAR: Opo. Kahapon ay nandoon tayo sa Marawi ng inanunsiyo ng ating mahal na Pangulo na liberated na ang Marawi. Mayroon pang mga hinahabol na mangilan-ngilan, pero relatively its already safe to rebuild Marawi.

IVAN: And also safe to assume na puwede ng i-lift ang martial law sa Mindanao?

SEC. ANDANAR: I wouldn’t say that. I would leave that to the President, kasi alam naman natin na mayroon pang mga elements dito sa Basilan. Mayroon ding mga elements dito sa Jolo, Sulu.

IVAN: At nabanggit din ano na mayroon pang mga foreign fighters. Papaano kaya magiging—how do we proceed from here dahil sinabi ng Pangulo ng liberated na pero mayroon pang mga foreign fighters. Hindi kaya may conflict dito, Secretary?

SEC. ANDANAR: Noong kinausap natin ang mga hostages na na-rescue about three days ago, ang sinabi po nila ay kakaunti na lang iyong natitira doon sa main battle field at mayroon pang mga ilang mga hostages – that was Friday.

Tapos kahapon ay iba na iyong sitwasyon sapagka’t talagang nakubkub na nila iyong pinagkukutaan ng mga hostages at ng mga ISIS at Maute. So it is really safe to say that the area, na paliit nang paliit, from three hectares ay I heard yesterday na nasa less than two hectares na lang. So talagang nako-corner na nila iyong kalaban. It’s just the matter of time. So in the—sa outskirts ng Marawi – siyempre ang laking lugar noon eh – ay okay ng magsimula iyong rehabilitasyon at iyong kalakalan.

IVAN: Iyon nga, the bigger task now ay iyong rebuilding at rehabilitation partikular itong pera na gagastusin sa goal na iyan ano?

SEC. ANDANAR: Opo.

IVAN: Saan natin kukunin iyong sinasabing 150 billion pesos na kakailanganin?

SEC. ANDANAR: Na kay Secretary Benjamin Diokno na iyan. But for this year hanggang December mayroon ng 5 billion pesos na inalaan ang ating pamahalaan. At nabigyan po ang PCOO – as the Chairman of the Communications for Task Force Bangon Marawi – ng 30 million para magtayo ng isang Salaam Television at Salaam Radio dito po sa may MSU, sa may Marawi. So, at least in terms of communicating the message of government ay magkakaroon po ng sariling TV at istasyon ang siyudad ng Marawi.

IVAN: Sec., puwede po bang banggitin sa amin even in general terms kung paano ang plano dito sa rebuilding and rehabilitation—

SEC. ANDANAR: Okay po.

IVAN: Where and how do we start?

SEC. ANDANAR: Actually nagsimula na Ivan eh, kasi doon sa Barangay Sagonsongan na pinuntahan ko nagsimula na iyong building ng mga temporary shelters, tapos sa kabilang barangay naman – mga two kilometers away – ay doon naman iyong permanent.

Yesterday, I was there in ground zero, talagang wala ka ng mapapakinabangan eh. You really have to bulldoze the entire…. the entire area, iyong ground zero. At kasama ko si Secretary Delfin Lorenzana.

Mamaya sa Kampo Aguinaldo mayroon kaming Task Force Bangon Marawi meeting with all of the agencies concerned at doon namin pag-uusapan kung ano ang gagawin from now; kasi kahapon lang ni-liberate ng ating mahal na Pangulo.

IVAN MAYRINA: Iyong mga bakwit? Iyong mga limang buwan na, na hindi nakikita ang kanilang mga tahanan—

SEC. ANDANAR: Oo talagang—

IVAN: Will they be given a chance na mapuntahan man lang iyong whatever is left doon sa kanilang mga tahanan at siguro maplano din nila kung paano sila magpo-proceed mula rito?

SEC. ANDANAR: Opo, marami kasing mga IDPs even sa labas ng Marawi, mayroon sa Iligan, mayroon din sa Cagayan De Oro and I’m sure most of them talagang kating-kati na umuwi. So iyong mga areas na na-clear na ng ating gobyerno, kasi kailangan may mopping out iyan, Ivan eh, kasi mayroon pang mga explosive devices na nakakalat doon at delikado iyan para sa ating mga kababayan.

So once is that cleared already, na-mop out na iyan, that they can already go back.

IVAN: Secretary, maraming salamat.

SEC. ANDANAR: Mabuhay po kayo. Thank you!

###

Resource