Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Henry Uri and Angelo Palmones (DZRH – ACS Balita)

Q: Secretary, good evening po diyan. Anong oras na ba diyan?

SEC. ANDANAR: Ay dito ay 11:53 na ng gabi sa Brighton.

Q: Pero diyan naman late, pero kapag ganitong panahon, hindi ba mas mahaba ang araw kaysa sa gabi.

SEC. ANDANAR: Oo, pero lumalamig na rin eh. Medyo hindi mo na makita iyong araw minsan eh. Pero Ganunpaman—

Q: Linawin lang natin, bakit kayo nandiyan para doon sa mga nagtatanong?

SEC. ANDANAR: Meron conference kasi dito sa Sussex University at iyong conference about transparency in government and having all voices heard in any public …engagement, parang mga ganoon.

Q: So bakit daw ang lakas ng loob ninyo na nandiyan kayo, sasabihin ninyo iyong mga Europeans mahilig lang sa sex?

SEC. ANDANAR: [laughs] Alam mo kasi, number one, let’s put it in context. Nagkaroon kasi ng isang DDS na pagpupulong, Congressman Angelo, Henry. So dalawang pagpupulong iyon ng mga DDS group dito sa London. So, of course pag DDS, amongst friends, amongst DDS, Duterte Diehard and Supporters, nag-uusap kayo, nag-i-exchange kayo ng mga ideas, ina-update mo sa pulitika, at the same time nagbibiruan din kayo, maraming Bisaya – majority kasi ng nandoon Bisaya, Congressman Eh. Alam mo naman iyong Visayan humor natin, di ba? Iyon eh naka Facebook live, so ganoon ang nangyari; maraming nagre-react talaga.

Q: So, it was taken out of context.

SEC. ANDANAR: Well, taken out of context in a sense that the message was not for the entire public. The message was for that specific party, a specific gathering of DDS people and supporters.

Q: Hindi, saka hindi kayo seryoso when you uttered those statements.

Q: It’s not a press conference; it’s not a press statement.

SEC. ANDANAR: Oo, hindi naman siya press conference in front of the media; it was really part of the DDS group. Kami-kami lang na nandoon, mga DDS at saka supporters. Hindi naman iyon—hindi ko naman sinabi iyon in front of Sussex University o dito sa Brighton; amongst DDS supporters—

Q: Usapang barkadahan lang.

SEC. ANDANAR: Siyempre nagkakabiruan din kayo. Usapang samahan sa politika.

Q: Pero aware kayo na live iyon sa internet, sa social media?

SEC. ANDANAR: Well, hindi ako aware na naka-live, pero of course merong mga cellphone doon na kinukuhaan ako ng mga picture, etcetera kasi siyempre sabik din sila maka-meet ng—

Q: Isang taga-Mindanao.

SEC. ANDANAR: Kababayan, taga-Mindanao, nakakausap rin ng Bisaya, etc. Actually maraming biruan doon eh.

Q: Sec, ano ang inyong sagot doon sa mga nagsasabing as a Secretary, dapat hindi kayo nagsasalita o hindi namumutawi sa inyong mga labi iyong mga ganoong salita?

SEC. ANDANAR: Well, ganito lang naman kasimple para sa akin, basta iyong sinabi ko doon, was really out of frustration also. Kasi akalain mo, iyong mga ibang European organization eh parang mga diyos sila na puwede silang maki-alam sa pamumulitika ng ating bansa. Eh tayo, hindi naman tayo nakikialam kung ano ang nangyayari sa Paris, sa France, sa UK. Hindi tayo nakiki-alam kung ano ang nangyari sa Germany. Eh bakit itong mga ito, sino ba sila para makialam sa atin, iyon lang naman sa atin. Kayo ba ay mas mataas ba iyong pagkatao ninyo sa mga Filipino. Ang inyong bansa ba ay mas mataas kanya sa bansa—parehas lang naman tayong soberenya ah.

Respect our sovereignty, respect our independence the same way that we respect yours, ganoon lang. So—it’s also a statement out of frustration, itong frustration na ito ay nararamdaman din ng mga DDS na nandoon, iyong mga Duterte Diehard Supporters.

Q: So briefly hindi ninyo binabawi iyong pahayag na iyon because number one, it was not official and number two it was addressed to friends?

SEC. ANDANAR: Hindi ko siya—bakit ko siya babawiin eh hindi ko naman sinabi iyan sa harapan ng media, sa harapan nila, it was really amongst friends, bakit ko babawiin iyon. At saka lalung-lalo it was really a frustration expressed, a frustration on their a perennial interference sa ating pamumulitika.

Q: Eh kung may gustong mag-criticize sa inyo eh karapatan din nila iyon, hindi ba. Eh bakit eh tayo nga sinasabi din na—may mga pagkakataon, sinasabi din ng mga European mukha tayong mga unggoy, hindi ba? May mga ganoon silang treatments dati eh.

Q: Saka may nabasa nga ako na English lang iyong—English ang pagkakasabi, pero pag Tinagalog mo, mas malaswa pa iyong sinasabi sa atin eh.

SEC. ANDANAR: Kayo ang bahala kung gusto ninyo pang magsalita, kumbaga Congressman, sora-sora kami, sora-sora…di sora-sora rin tayo.

Q: Ano iyong sora-sora?

SEC. ANDANAR: Iyong mag-asaran lang tayo, di ba. Sa probinsya kasi ang pulitika sa probinsya, alam mo naman Henry, talagang asaran lang talaga, wala naman namamatay sa asaran, di ba.

Q: Saka ang unjust vexation nga 200 pesos lang ang multa eh. [laughs]

Q: Anyway, it’s water under the bridge. Sabi ko nga bakit iyong mga ganoong isyu hindi naman iyon magpapa-angat sa kabuhayan ng mga Filipino—

Q: Pero iyon bang sinabi ninyong iyan lumabas po diyan sa UK, hindi nama, dito lang naging isyu?

SEC. ANDANAR: Sa atin lang naging isyu sa social media. Social media naging isyu iyan, of course meron ding mga—alam mo, kasi kapag hindi mo kasi pinakinggan talaga at pinanuod iyong pangyayari doon ay hindi mo maiintindihan iyong konteksto eh. Hindi mo alam na nagbibiro, tapos nagtatawanan pa lahat nung tao, di ba. Hindi mo kasi maintindihan; lalong lalo na kung hindi ka Bisaya. Talagang mahihirapan ka sa intonation pa lang, iyong ganoon. But that water under the bridge, sabi ni Congressman Angelo. Basta sa akin eh bakit ko babawiin, bakit ako magso-sorry.

Ang dapat mag-sorry iyong mga mga tao na patuloy na dinadala iyong mga dayuhan sa atin para manggulo at para maki-alam; iyon ang mga dapat mag-sorry.

Q: But you will be back here by next week, dahil umpisa na rin ng activities ng ASEAN.

SEC. ANDANAR: Opo. Actually from here, didiretso pa ako sa Japan.

Q: Ah kasi nga nandoon si Presidente.

SEC. ANDANAR: Opo.

####

Resource