Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Francis Flores (Super Radyo Nationwide – DZBB)

FRANCIS FLORES:                       Secretary Martin Andanar, magandang umaga.

SEC. ANDANAR:                            Ah, Francis at magandang umaga sa lahat ng nakikinig ng iyong programa dito sa DZBB. Good morning po.

FRANCIS:                                          Thank you ha, Mr. Secretary.

SEC. ANDANAR:                            Opo nabanggit po ni Pangulong Duterte doon sa interview, sa inagurasyon sa channel PTV na hahayaan niya iyong mga raliyista. Hahayaan niya iyong mga gustong magprotesta na ihayag ang kanilang saloobin sa darating na September 21 kasi iyon nga iyong plano ng grupo sa kaliwa at iba pang mga grupo na tumututol sa administrasyong Duterte. Ang kanilang plano ay magprotesta at ang sabi ni Presidente they can protest anytime, anywhere they want at kahit na gaano katagal iyan. At ang mahalaga lang ay walang manggugulo, walang magba-vandalize, walang sisira ng mga gamit. They can burn the effigy of the President if they want. At ang mahalaga lang dito ay mabigyan iyong mga kababayan natin ng kanilang Freedom of Expression—

FRANCIS:                                          Secretary Martin, maputol kita. Iyong may—I’m sure may pinanggagalingan ng reaction na iyan ni Pangulong Duterte. Mayroon ba siyang pinanghahawakan na intelligence report na posibleng ang September 21 ay hindi magiging maganda ang kalalabasan ng paggunita dito sa martial law?

SEC. ANDANAR:                            Well, hindi naman, actually halos lahat naman nakakaalam na may magra-rally sa September 21, kahit i-check mo sa social media iyan ang pinag-uusapan ng mga oposisyon, iyan ang pinapakalat din ng mga electronic card. At saka kung babalikan talaga natin even during the time na Mayor pa si Presidente, iyon talaga iyong estilo niya, na kapag mayroong gustong mag-rally sa Davao, hinahayaan niya. In fact he supports the rally para din mapakinggan ng gobyerno iyong side ng mga kababayan, ng mga kababayan doon sa Davao. Ganoon din naman iyong nangyari dahil last year, I think it was August 21 tapos mayroon gustong mag-rally iyong mga Liberal Party and then iyong People Power ‘di ba noong nakaraang Pebrero, sinikap din nilang mag-rally. At pinabayaan naman ng Pangulo, ganoon po talaga ang style ng Pangulo, hindi niya po kinikitil ang karapatan ng mga kababayan natin to express their Freedom of Expression.

FRANCIS:                                          Secretary Andanar, it seems ay nakahanda na ang ilalabas na Executive Order regarding diyan ano. Ano sa palagay mo—kailan ilalabas itong announcement na ito bago ito mag-September 21 na araw?

SEC. ANDANAR:                            Basta ang Office of the Executive Secretary ay hinahanda iyan, hindi ko alam kung anong araw ilalabas kaya nga we have to wait for the official announcement, official day, official—kung kailan iyong walang trabaho sa Manila sapagka’t iyon po iyong in-announce ni Presidente na at least walang trabaho. He will announce no work, he will also announce no classes sa National Capital Region para pagbigyan ang oposisyon sa mga gustong mag-rally ng kanilang espasyo at para din hindi maabala sa pupuntahan—

FRANCIS:                                          Manila area lang ba, Secretary Martin o buong Metro Manila ang pinag-uusapan natin dito?

SEC. ANDANAR:                            Sa pagkakaalam ko National Capital Region po eh, sa pagkakaalam ko—

FRANCIS:                                          Opo, ang buong NCR.

SEC. ANDANAR:                            Oo. Oo pero we still have to wait for the official announcement, for the official order ng Executive Secretary. Opo.

FRANCIS:                                          Doon sa kaniyang—dito sa binabasa naming report ay mukhang…pag, tama ba ang pagkakatanggap ng balita, hinihikayat pa nga ni Presidente na, “Sige magsunog kayo ng mga effigy sa kalsada. Totoo ba iyan?

SEC. ANDANAR:                            Oo totoo iyon at iyong mga rebelde bumaba sila ng bundok at dito sila magpahayag ng kanilang mga hinaing sa Metro Manila. Basta huwag lang nilang dalhin iyong kanilang red army. Huwag lang silang magdala ng mga baril etcetera. It should be a peaceful rally—should be a peaceful protest. Para naman at least makikita natin at alam mo maganda iyong ganiyan, Francis eh because the more that he—all of the opposition or those who are not in favor of the government, express their beliefs. Alam natin kung anong hinaing nila. And we’ll also know kung gaano rin kalaki ang suporta ng kanilang… ng kanilang movement ganoon naman iyan eh. So, kung alam mo kung anong sinasabi ng kalaban, noong oposisyon at kung alam mo rin kung gaano sila karami. Then, these are the elements that could sway the decision making, ‘di ba?

FRANCIS:                                          Alright. Okay. Thank you very much sa pagtanggap po ng aming tawag, Secretary Martin Andanar.

SEC. ANDANAR:                            Mabuhay ka Francis Flores at mabuhay po ang DZBB. Thank you po.

###

Resource