Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Fernan Gulapa (Sunday Gwapo – DZBB)

FERNAN: Sec., magandang umaga po, Secretary Andanar.

SEC. ANDANAR: Hi, good morning, Fernan. Good morning sa lahat ng nakikinig sa DZBB.

FERNAN: Ano ba iyong—may rekomendasyon na po ang—unahin natin ito iyong sa AFP at iyong PNP para doon sa isang taon pa na pagpapanatili ng martial law diyan sa Mindanao. Ano bang update doon, Sec.?

SEC. ANDANAR: Opo, iyon po ang sinabi ni Armed Forces Spokesperson Major General Restituto Padilla, dahil mayroong lapses at ang Armed Forces of the Philippines ay kanilang na-realize na napakadami pa hong mga nangyayari sa Mindanao at hindi magdudulot ng maganda para sa tulong ng ekonomiya ng bansa o ng isla ng Mindanao. Nabanggit po iyan ni General Padilla during our press briefing para sa Bangon Marawi at doon nga nabanggit na bukod doon sa marami pang nangyayaring pagre-recruit ng Maute group sa pamamagitan nitong ano… noong Islamiya.

FERNAN: Paano ito eh binabanggit ng minorya sa Senado sina Senador Drilon na wala naman daw invasion na nagaganap at rebellion na dahilan para mag-martial law—mapanatili pa iyong martial law diyan po sa Mindanao, Sec.?

SEC. ANDANAR: Hindi, hindi. May I correct on that, hindi Islamiya but—iyong grupo ng mga… tinatawag nating mga terorista na patuloy pa rin na double time iyong kanilang pagre-recruit para dumami pa iyong ating mga kapatid na Muslim na sumama dito sa Daula Islamiya, iyon ang pangalan Daula Islamiya. At—

FERNAN: Bago iyon—ano iyon Daula, Sec.?

SEC. ANDANAR: Oo, iyong Daula Islamiya ay ito po iyong terrorist organization na itong grupong Maute ay doon po sila pumartner ‘no, doon sila nagpa-identify. Alam mo Jemaah Islamiya ito iyong sa Indonnesia, ‘di ba? Mayroon ding Daula Islamiya kung saan nakakabit itong Maute at iyong Abu Sayyaf. Oo so ang balita ay ang pang—lumakas iyong kanilang pagre-recruit diyan sa Mindanao. Ang problema nito ay mayroong mga intelligence report na nagpaplano silang umatake sa isa pang siyudad, hindi lang binanggit kung anong syudad sa Pilipinas. So therefore kailangan silang bantayan ng husto at nandiyan din ang threat ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters dito sa Lanao at Cotabato at iyong Abu Sayyaf terrorist sa Basilan, sa Tawi-tawi at Sulu.

So therefore kailangan ma-extend ang martial law sa Mindanao. Nandiyan din po iyong threat ng… CPP-NPA-NDF. Dahil after ng in-announce ni Presidente na putulin na, tapusin na iyong peace talks, of course kasama na diyan ang ceasefire at kasama na rin diyan iyong bansag sa kanila na isang terror group. Now once na magdesisyon ang Korte na gawin ng terror organization itong NDF, CPP ay magkakaroon na iyan ng mga hulihan.

FERNAN: So, Sec., liwanagin natin iyon ano kasi dineklara ng Pangulo ang terorista pero kailangan muna ayon sa Human Security Act na iyong isang husgado ay magsabi na ito talaga ay terorista. So sa oras na ito hindi pa puwedeng ipatupad iyon na itong CPP-NPA ay terorista na hindi ba?

SEC. ANDANAR: Hinihintay natin ang go signal ng korte, Judiciary. Oo, para maipatupad na ito at—

FERNAN: Ano iyong basa doon sa—

SEC. ANDANAR: Wala pa, wala pa naman. Pero ganoon pa man, ngayon nga na hindi pa nagbibigay ng go signal ang Korte ay tuloy-tuloy iyong pag-atake ng CPP-NPA-NDF, especially ng Armed component nila sa ating mga kasundaluhan, kapulisan at iyong mga pribadong kumpanya na hindi mga nagbabayad ng revolutionary tax. So ngayon nga kapag naging… o naipatupad na iyong tinatawag na ang grupo na iyan ay miyembro ng isang terrorist organization. So maraming hulihan na mangyari at maraming ambush, talagang bakbakan na mangyayari.

FERNAN: Sec., ano itong… kasi kayo iyong talagang nagbibigay doon sa mga pahayag ng Pangulo eh ‘ika nga makulay kapag nagsalita. Doon sa kaniyang pahayag noong Biyernes sa anibersaryo ng DOLE sa Bulacan eh balang araw daw eh posible na muling buhayin ni Labor Secretary at government chief negotiator Silvestre Bello III iyong peace talks sa CPP-NPA-NDF. Paano po ba iyon?

SEC. ANDANAR: Well, ang sinabi lang naman ni Secretary Bebot Bello ay he is hopeful na puwede pa itong mangyari, iyon lang naman ang sinabi niya, he is hopeful. Alam mo si Secretary Bebot Bello eh matagal na niyang advocacy ang peace process pero sa ngayon kung anong announcement ni Presidente iyon ang polisiya ng gobyerno, siyempre Presidente ang nagdesisyon at doon kami nakalinya, nakalinya ang ating bansa. Ang hinihintay na lang natin eh iyong nod, iyong go signal ng Korte na… ito na nga, terror organization na ang NDF, ang CPP at ang kaniyang armed component, NPA.

FERNAN: Nandito na ba sa bansa o nandoon pa sa Norway iyong mga nakikipag-usap sa ating mga kinatawan sa peace talks, iyong mga miyembro ng NDF na iyong mga iba, iyong mga Tiamzon na mag-asawa eh binabanggit ng Pangulo aarestuhin ulit. Sec.?

SEC. ANDANAR: Hindi ko p alam kung nasaan na iyong sa kabilang grupo na negotiators. Pero iyon nga, once nga na mag-okay iyong korte, ‘di aarestuhin talaga sila kapag hindi sila sumurender eh iyon lang naman talaga ang ano eh, iyon naman talaga ang mangyayari, iyon ang sistema. So…

FERNAN: Exempted na ba iyong sinasabi na—eh mga may edad na mga sitenta pataas na iyon eh baka exempted na—may ganoon ba?

SEC. ANDANAR: I’m not certain, Fernan kung exempted sila. So hindi ko—hindi ako nakakatiyak.

FERNAN: So sa ngayon ang talagang… dahil doon sa proclamation number 374 na nagdedeklara na ang CPP-NPA bilang teroristang grupo eh doon talaga ang takbo ng gobyerno ngayon, eh maging terorista itong grupong CPP-NPA, Sec.?

SEC. ANDANAR: Iyon ang polisiya ni Pangulong Duterte. Siyempre hindi maintindihan ng mga kababayan natin na… Alam mo ang hindi naman sumunod sa usapan ay ang grupo naman [CPP-NDF-NPA], hindi naman grupo ng gobyerno, kita ninyo naman si Pangulong Duterte, napakasinsero po ng kaniyang pakikitungo sa CPP-NPA-NDF. ‘Di ba nakita ninyo naman iyong sa gabinete ng ating Pangulo eh marami po doong mga affiliated sa Left. Unang sigwada ng gabinete. So mayroon po kasing—ang ating Presidente ay hindi naman nga tinanggal din. Ang nangyari lang naman ay hindi na-confirm sa Senado at sa Kongreso. And so nakikita na talagang ang ating Pangulo ay seryoso sa peace talks. Kasama nga iyan sa plataporma de gobyerno ng Presidente nang siya ay tumatakbo noong 2016. Kaya ‘di ba napansin ninyo noong unang SONA ay in-announce kaagad ni Presidente ang peace talks with the CPP-NPA-NDF during the first SONA. At ang mga kinatawan ng gobyerno nagpunta doon sa Hague, ganoon din pinakawalan ng mga political prisoners ang mga nasa itaas lang talaga ng hierarchy ang CPP-NPA-NDF. Nandoon po iyong mga Tiamzon at iba pa. Tapos pinakawalan iyong mga overage na si [unclear] ba? So hindi po nagkulang ang ating gobyerno.

FERNAN: May mga naka-schedule na mga pagkilos ang iyon nga International Human Rights Day ay may mga pagkilos na at mukhang sunod-sunod na raw po ito mula sa militanteng grupo. Ano bang reaksiyon dito ng Malacañang?

SEC. ANDANAR: Katulad po ng reaksiyon namin noon na ngayon ganoon pa rin po. Mayroon po tayong batas na sinusunod, mayroon po tayong mga karapatan na sinusunod iyong ating right to peaceably assemble in public para mailahad, mailabas ang inyong mga damdamin, opinyon sa ating pagpapatakbo ng gobyerno, ating pulitika, freedom of expression, mayroon po tayong freedom of speech. Iyong mga tatlo na iyon ay talagang sagrado, sinusunod ng ating Pangulo at ng ating gobyerno. Wala hong ipinagbabawal, wala hong… ang pagkitil ng karapatan na magsalita. So puwede po silang pumunta sa mga kalye sa kondisyon na wala hong vandalism, walang anarkiya at wala hong nanggugulo at nang-iistorbo sa ating mga motorista.

FERNAN: Eh iyong binabanggit ng ating Pangulo na iyong mga legal front daw po ng CPP-NPA eh malamang sa mga susunod na araw eh maaresto. Paano ba iyon?

SEC. ANDANAR: Well ganoon na nga ang mangyayari kapag nag-go signal ang Korte, iyong mga legal front, iyong… lalo na iyong mga tumutulong, iyong mga tumutulong sa ano—

FERNAN: NPA?

SEC. ANDANAR: Oo, NPA iyong nagbibigay ng revolutionary tax, lalo na iyong mga iyon pero iyong mga nagnagmamartsa-martsa tapos iyong mga manggugulo, iyon ang talagang huhulihin kasi nanggugulo ka—

FERNAN: Kasi nanggulo—

SEC. ANDANAR: Oo iyong nagba-vandalize, nang-iistorbo ng mga motorista at saka iyong mga closely associated, terrorist organization na nga eh. Eh bakit mo pa tutulungan? Terrorist organization, alam mo naman iyan! So kapag nag-go signal ang Korte, mayroong susundin na direktiba ang ating kasundaluhan at kapulisan.

FERNAN: Mukhang patungo daw iyon sa diktadurya. Iyan ang mga sinisigaw ngayon, Secretary Andanar.

SEC. ANDANAR: Well alam mo iyan naman talaga iyong sinisigaw ng marami sa kaliwa. Noong panahon ni Aquino ganoon din ‘di ba? Noong panahon ni Aquino—

FERNAN: Marcos. [laughs].

SEC. ANDANAR: Well si Marcos talagang nagkaroon naman talaga ng martial law, pagkitil ng ating mga karapatan. Iyon nga eh… isama na iyon dahil talagang kasama iyon. Pero iyong panahon ni Tita Cory at nila—diktador din, panahon ni Ramos, diktador din, panahon ni Erap diktador, panahon ni Gloria diktador, Pnoy diktador, Duterte ganoon din. Eh wala namang [unclear] sa kanila eh—

FERNAN: Kahit sinong umupo ano po? [laughs].

SEC. ANDANAR: Walang bago eh.

FERNAN: Kaya nga ho. [laughs]. May binabanggit ang Pangulo na [Duterte] na—ano bang anunsiyo ng gobyerno na balot daw po ng korapsyon, ang masisibak bukas. Ano ba iyon?

SEC. ANDANAR: Iyon din ang tinatanong ko kung anong organisasyon dahil hindi ko alam kasi si Presidente lang ang nakakaalam kung ano iyan eh.

FERNAN: Hindi po ba nabulong sa iyo?

SEC. ANDANAR: Hindi. Nasa Davao pa si Presidente so tingnan natin kung ano iyong mga organization na nakatakdang…una iyong opisyales na tatanggalin ng Presidente, may listahan iyan eh. So kung ano iyong nandoon sa listahan eh talagang masasampolan.

FERNAN: Sino? Wala bang clue man lang, Sec.? Sino, Sabi nga ni Igan.

SEC. ANDANAR: [laughs]. Blue’s clue. Wala pa talaga akong impormasyon kung ano, Fernan. Pero siguro abangan na lang natin bukas, kung ano—baka mamaya magsabi ako tapos mali pala ‘di ba? [laughs].

FERNAN: Dito sa isyu ng bakuna, Sec.? Bumabanat iyong mga kritiko eh sabi eh mismong sa administrasyon ng Pangulo eh ipinatupad din iyong pagbabakuna noong panahon ni Ubial. Hindi dapat na noong nakaraang administrasyon lang daw ang sisihin dito. Ano ba ang reaksiyon ng Malacañang doon?

SEC. ANDANAR: Ang sa akin lang naman diyan ay sino ba ang pumirma at nagmadali na pumunta doon sa Paris. At sino ba iyong kumausap sa Sanofi, at sino ba iyong nagpirma noong 70 million dollars? Oh eh ‘di noong nakaraang administrasyon naman iyon. At kailan ba nag-anunsiyo ang Sanofi? ‘Di ba nag-anunsiyo sila last week, two weeks ago, nag-anunsiyo sila na ang kanilang bakuna ay mayroong [unclear] pagdating doon sa mga bata or mga pasyente na hindi pa—

FERNAN: Hindi ba nagkaka-dengue?

SEC. ANDANAR: In-injection-an ang hindi pa nagkaka-dengue. So two weeks ago, a week ago, two weeks ago in-announce ‘di ba? Tapos kung hindi naman nila i-announce iyon ay hindi naman babalikan iyong mga records, sa dami ng ginagawa sa gobyerno, tapos siyempre binalikan iyong mga record. Doon nakita na sinabi pala ng WHO na hindi pa pala talagang tested itong… tested ng husto, itong bakuna na ito. At itong nag… na-hetot-hetot, nung nakita na?

So kung sino iyong nagmadali at alam pala na rekomendasyon ng WHO eh siyempre sila dapat ang mag-explain, sila dapat ang pumunta sa Senado, magkaroon ng imbestigasyon, i-explain nila. Voluntarily they should go there and explain kung bakit nila minadali ang 70 million na project ng gobyerno at ng Sanofi at saan galing ang pera? Ito ba ay World Health—Ito ba ay Department of Health fund? O ito ba ay pondo na galing sa iba pang resources? Ito ba ay galing sa savings? Tapos dinivert doon, final ang legality. So iyon dapat ang gawin ng past administration, i-explain dahil sa kanila naman talaga itong project na ito. So iyon doon po dapat nakaturo ang mga explanation doon sa nakaraang administrasyon. Why did they fast-track the project even without the go signal of the World Health Organization. I-explain lang natin, you still have to explain para at least malinaw kung anong nangyari. Kahit papaano i-explain ng administrasyon ito eh hindi naman kami nagsimula niyan.

FERNAN: Sec., balikan ko lang iyong sa martial law sa Mindanao…

SEC. ANDANAR: Opo.

FERNAN: A-diez na ngayon sa a-quince eh magre-recess na iyong Congress. Kaya pa bang ihabol iyong… ng ating mga mambabatas iyong pagpapanatili ng martial law sa Mindanao ng isang taon pa?

SEC. ANDANAR: Iyong extension? Depende iyan sa mga Congressman at mga Senador. Of course sila ang may kapangyarihan na-i-extend iyan. Maalala po natin na ito ay nagsimula noong Mayo, ‘di ba? May 23—

FERNAN: Noong lusubin iyong Marawi City.

SEC. ANDANAR: Lusubin ng Maute at iyong mga groups identified doon sa kanila. Tapos—then afterward ay humingi po ng extension ang ating Pangulo sa Kongreso at kung maalala ninyo ay, ito rin po ay nag—if I’m not mistaken mayroon ding ano eh parang deadline din ‘di ba dahil na recess na o recess na ba iyon? Tapos ito po ay na-approve noong July 22 na i-extend iyong martial law hanggang Disyembre. So ngayon naman ay rekomendasyon ng AFP at PNP, tapos ang hinihintay na lang ay iyong formal letter na manggaling sa Palasyo.

FERNAN: So kaya pa? May panahon pa?

SEC. ANDANAR: May panahon naman lahat. Eh kung sa laro nga last two minutes nakakahabol pa ‘di ba?

FERNAN: Kung sabagay.

SEC. ANDANAR: Nakaka-shoot pa si Sonny Jaworski ng three points ‘di ba? One second na lang.

FERNAN: Pero iyong BBL wala ng panahon sa… hanggang dito sa taon na ito, Sec.?

SEC. ANDANAR: Well, we all hope and pray that ito ay mapirmahan ng Kongreso at ng Senado. Iyon naman talaga iyong pangarap natin, iyong ating optimism ay nakatuon doon sa… mangyari na itong BBL dahil ito rin po ay—at nagkaroon ng hindi magandang outcome noong nakaraang administrasyon pero today hindi po tayo nawawalan ng pag-asa.

FERNAN: Paano ba iyong binabanggit ng Pangulo, Secretary Andanar na parang iyong China daw at iyong sa Hong Kong ganoong style, autonomous region? Paano ba iyon?

SEC. ANDANAR: Hindi ko masyadong kabisado iyong sistema sa China but what I know is that noong tinurn over iyong Hong Kong sa China noong 1997 ay nagkaroon po sila ng… dalawang sistema pero isang bansa, dalawang sistema, dalawang bansa—ahh isang bansa. So ito po iyong sa Hong Kong and also China pero ang sistema na sinusunod ng Hong Kong ay iyong lumang sistema pa rin ng United Kingdom ‘di ba? Parang two policies, one China, two policy. So—

FERNAN: So kung uunlad ng ganoon iyong bahagi ng Mindanao tulad ng Hong Kong aba eh sino bang hindi papayag?

SEC. ANDANAR: Alam mo—alam ko ang Hong Kong kasi eh mga ilang dekada na iyan under the UK rule at umasenso talaga. So ang ginawa ng China, ang ginawa ibinalik ng Hong Kong—ng British sa kanila, government tapos eh tuloy pa rin kaya nakikita mo iyong Hong Kong ‘di ba? Marami ngang nabahala during those times.

FERNAN: Lumilipat sa China?

SEC. ANDANAR: Oo naglipatan sa Australia, nagpuntahan sa Canada, sa America iyong mga Hong Kong nationals pero nagbalikan din sa Hong Kong because they realize that China, China is really sincere sa kanilang sinasabi na iyong two policies as far as Hong Kong is concern, so sinunod naman. Kaya iyong Hong Kong ‘di ba, naging Hong Kong Special Administrative Region (HKSAR), at naglagay ang China ng administrator. At history will tell you na naging sincere ang China sa sinabi niya na puwede ninyong ituloy ang inyong polisiya sa ekonomiya etcetera. Kaya nagkaganoon.

FERNAN: Sec., panghuli na lang. Sa akin mo ibinulgar iyon na sa mga susunod na araw ay may telco na papasok noong nagbitiw itong si Salalima. Ano na may usapan na ba tungkol doon sa pagpasok ng telco mula sa China para bagang—pangatlo?

SEC. ANDANAR: Well iyong huling Cabinet meeting which was—iyong last week lang ay ni-report ni Secretary—acting Secretary ng DICT Salalima, sorry, Rio.

FERNAN: Oo pinalitan ni Rio si Salalima, oo.

SEC. ANDANAR: Oo si Rio, Eliseo Rio, General Eliseo Rio ang acting sa DICT na nakapili na ang Chinese government ng kumpanya sa China na mag-i-invest sa teleco dito sa bansa natin. Ito ay ang kumpanyang China Telecom! Ang China Telecom ay ang pinakamalaking telecommunications company sa China. Marami kasi—maraming telecommunications company iyan eh. Ang problema lang kasi sa bansa natin is if you are a foreign investor—

FERNAN: 60—40.

SEC. ANDANAR: Oo telecoms business, we have… beyond 40 percent.

FERNAN: Oo.

SEC. ANDANAR: Iyon iyan eh.

FERNAN: O papaano iyon?

SEC. ANDANAR: Papaano iyon ‘di ba? So siyempre kailangan maghanap ng partner—

FERNAN: Dito sa Pilipinas.

SEC. ANDANAR: Sa Pilipinas, eh iyong mga partner na hindi pipitsugin, talagang maraming pera, maraming pang—eh hahabulin mo iyong Globe at saka Smart eh. Baka bigyan ka ng infrastructure, hahabulin mo iyon. So kailangan mo nga iyong makikipag-partner doon sa hindi pipitsugin. At of course iyong mayroon ng telecom franchise. Ano ba iyong may mga telecom franchise? Iyong mga TNT dati ‘di ba? Mayroon namang franchise na iyan eh.

FERNAN: Ah mayroon nga pala iyan.

SEC. ANDANAR: Hindi ko na alam kung ano pa iyong ibang mga kumpanya pero marami iyan eh, iyong mga telecom franchise. So partner doon, partner doon sa mga Philippine owned multinational companies tulad ng mga San Miguel, mga ganoon, maraming pera iyang mga iyan eh. So they have to do that para maka—

FERNAN: So matagal pa ito, Sec.?

SEC. ANDANAR: Hindi kasi minamadali na ito ng gobyerno natin sapagka’t habang tumatagal eh nabubuwisit ang mga kababayan natin sa mga drop calls at mabagal na internet. So ang Presidente mismo eh binuksan niya na ang pintuan ng bansa natin na magkaroon ng third player. While nagkaroon po nagkaroon po ng pirmahan ang ating DICT at Facebook para mailatag na iyong mga submarine cables mula Amerika hanggang Pilipinas tapos bibigyan pa iyon ng two terabits na internet connection tapos ang kalahati doon ay mapupunta sa ating share at BCDA, ang kalahati mapupunta sa national government.

FERNAN: Paano nga pala iyon? Anong kasunduan na iyon ng Facebook?

SEC. ANDANAR: Ay maglalatag sila dito sa Strait of Luzon tapos gagawa ang BCDA ng mga landing station dito sa Poro Point if I’m not mistaken at—

FERNAN: Diretso sa?

SEC. ANDANAR: Batangas at saka Poro Point. And then what will happen is that kapag mayroon ng mga landing station doon, papasok naman iyong DICT para ilatag iyong fiber optics.

FERNAN: Ang gobyerno na iyon?

SEC. ANDANAR: Ang gobyerno lalo na iyon, gobyerno naman ang BCDA. Tapos pag nakalatag na iyon, bibigyan tayo ng two terabits ng Facebook or two million MBPs. Tapos after that siyempre iyong two terabits na iyon ay halos kaparehas na iyon ng Globe and Smart ngayon ha. Libre iyon, walang bayad ang gobyerno, libre ibibigay sa atin iyon. So ngayon kapag mayroon kang two terabits natural mababawasan ang scale—

FERNAN: Doon sa dalawa?

SEC. ANDANAR: Na pangangailangan oo, siyempre mababawasan. So pag napick up mo iyon—

FERNAN: Bibilis?
SEC. ANDANAR: Eh siyempre bibilis talaga kasi ibi-bring up mo iyong two terabits eh ‘di ba kumbaga—

FERNAN: Iyong internet connection bibilis?

SEC. ANDANAR: Bibilis kasi ang gobyerno sa Pilipinas hindi nakukuha sa Globe and Smart. So ‘pag hindi na kukuha sa Globe and Smart, sabihin na natin 500,000 megabytes, hindi na kukuha eh iyong mga subscriber ng Globe and Smart natural eh hindi makikinabang doon kasi naka imbudo ka.

FERNAN: Sinong magpapatakbo noon?

SEC. ANDANAR: DICT.

FERNAN: Gobyerno?

SEC. ANDANAR: Oo, DICT-DICT. So ang sinasabi natin iyong 500 mbps halimbawa o 500,000 mbps. Halimbawa bibigyan tayo ng two terabits ng Facebook. Tapos iyong two terabits na iyon ano iyan, i-a-assign ng DICT iyon. So 500,000 mbps o ito sa national government ito tapos sa—libre iyon eh. Libre, so kung libreng ibibigay sa DICT eh ‘di ang DICT makakapaningil ng mababa doon sa mga ahensiya ng gobyerno—

FERNAN: Sa gobyerno eh paano iyong sa private?

SEC. ANDANAR: Ano iyon?

FERNAN: Paano iyong sa private na kukuha doon sa linya na iyon?

SEC. ANDANAR: Ay depende na iyon sa DICT kung magbebenta sila. Puwede silang—hindi ko alam kung ito ay legal, naaayon sa batas na puwedeng magbenta ang DICT. Pero ang mahalaga dito ay nabawasan mo na iyong load ng kabilang mga private sector, Globe and Smart at iyong naibawas mo na load doon, nagagamit noong mga subscriber. Well halimbawa, subscriber ako ng Globe at saka Smart, eh mag-e-expect ako na luluwag. Ano kasi iyan, Fernan eh, scale lang iyan eh scaling lang iyan eh. So halimbawa, ikaw nasa GMA ka ngayon ‘no, mayroon kayong—sabihin na lang natin 2 gigabytes na internet diyan, libre kasi empleyado ka diyan ‘di ba? Eh ako ay nakakatiyak na kung ginagamit mo iyong public Wi-Fi diyan sa GMA ngayon, dahil ngayon ay Linggo mas mabilis ang internet—

FERNAN: Mabilis dahil kaunti iyong gumagamit?

SEC. ANDANAR: Oo eh kapag ka dumami iyan siyempre—

FERNAN: Kapag may pasok eh halos lahat gumagamit eh bumabagal.

SEC. ANDANAR: Bumabagal pero kung mahina ka siguro na ang isang Fernan Gulapa ay hindi naman nagfe-Facebook, hindi naman nag-i-instagram [laughs], kaya hindi ka nabawas doon sa—hindi ka nakakadagdag sa bigat ng mga gumagamit. [laughs].

FERNAN: Bawal akong mag-Facebook nagagalit si Misis.

SEC. ANDANAR: Aba siyempre bawal na talaga lalo na kapag nasa opisina ‘di ba?

FERNAN: [laughs]. So paano ito? May Facebook tapos kailan magsisimula iyon?

SEC. ANDANAR: Ang alam ko ‘pagkatapos ng 2019 iyong paglatag ng submarine cable.

FERNAN: Tapos may telco pa na papasok sa China?

SEC. ANDANAR: Oo.

FERNAN: May telco pa? Aba ang bilis ah. Okay yata ah.

SEC. ANDANAR: Hindi lang iyan, Fernan, noong nasa Cabinet meeting inaprubahan ni Presidente ang paggamit din ng satellite technology para sa PCOO.

FERNAN: Paano naman iyon?

SEC. ANDANAR: Ganito lang iyon, lahat noong mga isla ng bansa natin, hindi naman naaabot ng submarine cable iyan ‘di ba? Lalo na iyong mga islets, iyong mag Siargao, maliliit na mga isla. Mga islets ng bansa 7,100 islands. So kung hindi ka aabutan ng submarine cable, saan mo makukuha ang internet mo ‘di ba? Lalo na iyong mga lugar na walang Globe and Smart, iyong walang—so the best way really is satellite technology at iyong VSAT.

FERNAN: Kailan naman iyon?

SEC. ANDANAR: Very Small Aperture Technology Terminal.

FERNAN: Kailan naman ito?

SEC. ANDANAR: Hindi, ito inaprubahan ni Presidente so mayroong unsolicited proposal, so we will take this up with the bids and awards committee. So it will go through the process. It will go through publication. And it will undergo a Swiss Challenge. Pag nagkaroon ng Switch Challenge at kung sino man doon ang pinakamagandang offer, we will roll this out. Pero I can tell you na once na na-roll out ito within 6 months of next year, we can roll out as much as 42,000 VSATs around the Philippines covering all barangays.

FERNAN: Mabuti naman may mga ganitong magagandang balita. Ito ang mga gusto kong naririnig. Alam mo dapat talaga dito ka sa Quezon City. Doon sa pamangkin ko napunta ako doon sa may Commonwealth. Eh, ‘di papasok sa bahay iyong signal eh, internet. Hindi ka makapag-internet.

SEC. ANDANAR: Hindi makapasok?

FERNAN; Oo doon lang, Quezon City pa iyon so kailangan talaga iyong mga ganito na bago.

SEC. ANDANAR: Hindi-hindi. Sa amin lang sa ano eh, sa Barangay Tangbo Siargao eh wala hindi nakakapasok iyong… hindi lang ang internet pati cellphone wala—

FERNAN: Naku.

SEC. ANDANAR: So ano ang solusyon mo sa mga island, hinterland, highland ng bansa natin na walang connection? Kung mayroon mang connection papasabugin din ng mga rebelde, ‘di ba so—

FERNAN: Opo iyon na nga mga…

SEC. ANDANAR: So anong puwede mong gamitin? Oh eh ‘di iyong tinatawag na Very Small Aperture Terminal (VSAT), iyon. Eh san ba manggagaling iyong—siyempre [unclear] iyong VSAT eh, galing din iyon sa kalawakan, sa space. At mayroong nag-o-orbit doon na satellite, i-ba-bounce niya iyong signal ng PTV at ng government channel network. So ma-receive mo pero dahil bago na iyong technology, Fernan, hindi lang iyong TV signal pati iyong internet signal ide-deliver sa box mo so makaka-receive ka. So kung mayroon ka noon—kasi ito iyong project natin sa PCOO para ito sa gobyerno eh, mga barangay, lahat ng gobyerno, agencies, LGU, lahat. So ‘pag nakatanggap ka ng signal na iyon mayroon kang VSAT na iyon, natanggap mo iyong TV signal na by the way multichannel—

FERNAN: So 2018 simula na po iyan?

SEC. ANDANAR: Ano-ano? Sorry.

FERNAN: 2018 simula na?

SEC. ANDANAR: Oo 2018. Oo, tapos mayroon ka pang matatapos na internet signal. At ang maganda dito hindi po ito one way communication sapagka’t kung gusto kang kausapin ni Presidente, ikaw ay barangay chairman ng barangay Quirino halimbawa, ang kailangan mo lang eh iyong camera sa TV mo—

FERNAN: Ayos na?

SEC. ANDANAR: Ayos na kahit wala kang cellphone signal doon sa lugar mo basta mayroon ka noong VSAT, puwede kayong mag-usap ni Presidente. At hindi lang one—hindi lang iyong usap noong dalawa lang kayo kapag sinabi ni Presidente, ‘Oh sampu tayong mag-uusap iba’t ibang barangay,’ pupuwede. Iyon ang maganda dito dahil two-way, kahit saan puwedeng mag-broadcast!

FERNAN: Okay. Sige po. Salamat po, Sec. Maraming salamat at may mga magandang proyekto na napag-usapan tayo. Maraming salamat po, Sec.

SEC. ANDANAR: Ang tawag doon ay government satellite network. Maraming salamat, Fernan, mabuhay ka.

###

 

Resource