Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Fernan Gulapa – Sunday Gwapo, DZBB

FERNAN GULAPA: Martin Andanar… Sec., magandang umaga po.

SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Gwapo. Magandang umaga sa lahat ng nakikinig ng programa at manigongbagongtaon!

FERNAN: Happy New Year.

SEC. ANDANAR: Happy New Year.

FERNAN: Kaya lang hindi maganda itong nilabas ng organized crime and corruption reporting project, OCCRP. International Non-profit Consortium at regional investigative center daw po ito at ang Pangulong Duterte person of the year. Paano ba ito, Sec.?

SEC. ANDANAR: [laughs]. Malamang eh hindi nagbabasa iyan ng mga report ng ating gobyerno partikular sa mga successes ng ating gobyerno pagdating sa pagsugpo saillegal o ipinagbabawal na droga dito sa bansa natin, sa paghuli ng mga kriminal na mga nagbebenta ng shabusa bansa natin, sa mga hakbang ng ating mahal na Pangulo upang labanan ang korapsyon dito sa ating bansa. Ang pagpirma po ng ating Pangulo ng Executive Order number 2 or iyong freedom of information at iyong pagpirma ng ating Pangulo ng EO number 1 or ang tinatawag na Presidential Task Force ng Media Security, ito pong lahat ay nagpapakita sa buong bayan at sa buong mundo na buhay na buhay po ang freedom of expression, buhay na buhay po ang freedom of the press dito sa ating bansa.

FERNAN: Ang pinapalabas ay kinukunsinte iyong korapsyonat saka iyong krimen, Sec.

SEC. ANDANAR: Iyon ang problema sa mga organisasyon na hindi talaga nagsasaliksik, iyon ang problema sa mga journalist sa ibang bansana hindi nagsasaliksikat hindi pumupunta sa bansa na kanilangkinukutya at kung talagang pinag-aaralanbagkus ay pinagbabasehan doon sa tinatawag na… mgasinusulat na very partisan. So hindifirst account ang kanilangsinusulat kung hindi ito ay nakabase din sa kanilangbinabasalamang. Hindi talaga sila iyong nagpupunta at naghahanap ng empirical evidence na sinasabi nila at hindi rin bukas ang kanilangmga mata,ilang mga—kanilang mga isipansa datos na ipinapalabas po gobyerno, sila na ang pinakamagaling na organisasyon sa buong mundo.

FERNAN: May nakikita ba kayong nasa likod ng ganito? Na biglang lumabas iyong ganito na—

SEC. ANDANAR: Eh actually partner, eh wala naman tayong pakialamsa kanila, ang ating pinapakialamanlamang ay ang ating trabaho dito sa Pilipinas, ang ating bansa. Ang mga problemanakinakaharap natin at kitang-kita naman natin na kabaliktaran po sa kanilang mga sinasabi ang nangyayari sa bansa. All time high halimbawa, ang mga porsiyento ng mga Filipino napunong-puno ng pag-asa at sasalubungin angbagongtaon, 96 percent—

FERNAN: Oo nga pala tungkol dito, Secretary Andanar. Anong reaksiyon ng ano dito—96 percent na—halos lahat na eh talagang positiboang nakikitapara sa 2018?

SEC. ANDANAR: Aba eh siyempre tayo po ay nagagalak, natutuwa po tayo pero hindi po ibig sabihin nito ay maging complacent ho, ang taong gobyerno. Kailangan eh magtrabaho pa rin tayo ng walang pakundangangtrabahoparamakamit natin iyong pagbabago na gusto natin. Sabi nga nila kung gusto mo ng masaya at magandang buhay eh you have to work hard, eh kailangan mongmagdildil ng asin ‘no paramakamit mo iyong ninanais mong buhay. Now mayroon pa ngang mga bagong survey na hindi pa nilalabas na nagsasabi din more than 80 percent of the Filipinos think that our President is taking our country to the right direction. At tuwang-tuwa po ang ating mga kababayan sa performance ng ating mahal na Pangulo. So iyong mga naglalabasan naman—

FERNAN: 80 percent? Mahigit 80 percent, Sec.?

SEC. ANDANAR: Eh exactly 86 percent—

FERNAN: 86.

SEC. ANDANAR: Pero hindi ko pa mabanggit iyong survey na ito kasi siyempre hindi pa naman nare-release. Iyon nga sa buong Pilipinas ay nasa 86 percent po iyong nagsasabi na ang ating bansa ay nasa tamang direksiyon. So—

FERNAN: Doon sa survey ng SWS naman, ang gabinete ng Pangulo nagtamo ng plus 38 good na satisfaction rating, mas mataas ng anim na puntossa naunang survey.

SEC. ANDANAR: Oo siyempre ito rin ay nagsisilbing inspirasyon sa amin dahil ito po ang pinakamataas na survey na nakuha po ng official family ng isang Pangulo mula noong 1990. So ibig sabihin ho ay kailangan pa ho naming magtrabaho pa para mas lalo pang tumaas ang satisfaction rating pero as it is, ito na po ang highest since 1990. So kami po ay nagpapasalamat sapubliko sa suporta. Of course, nagpapasalamat kami samahal na Pangulo sa kaniyang tiwala sa amin.

FERNAN: Balikan ko lang iyong—nalaman na ba ng Pangulo na iyong—binanggit nitong OCCRP na ito na person of the year siya ha?

SEC. ANDANAR: Araw-araw namanFernanay nagbibigay tayo ng news item sa ating mahal na Pangulo, kaya nga po ay…kaya nga po sa amin…

FERNAN: Hindi naman napamura ha, Sec.? [laughs].

SEC. ANDANAR: Hindi [laughs].Alam mo taliwas ho kasi ito sa naglalabasang mga surveys na mayroong empirical evidence, na ang mga kababayan natin ay mataas p[o ang tiwala sa ating Pangulo ay nasa more than 80 percent. So ito po ay hindi natin pinapansinsapagka’t alam naman natin na iyong kanilang mga komento nga ay wala hong basehan. Marami sa mga ano—mayroon pa ngang mga balita tungkol doon sa mga MSNBCna sinisisi ang Facebook ito sa mga nangyayari nga sa lipunan ‘no. Pero alam naman natin naitong mga—iyong mga organisasyon na hindi ho sang-ayon sa nangyayari ho sa ibangmga bansa eh talagang mag-iingay at mag-iingay.

FERNAN: Okay. Sec., iyong pagsalubong mamaya sabagong taon. Ano ba talaga ang patakaran doon sa mga designated area na doon lang puwedeng magpaputok?

SEC. ANDANAR: Ganito ho talaga iyon. Base ho sa EO number 28, ang Philippine National Police at ang mga ahensiya na puwedeng magbigay ng permit kung anong klaseng paputok ang puwedeng gamitin at sila din ho ang magbabantay doon sa mga designated areas. Iyong barangay naman, iyong munisipyo, iyong barangay eh magbibigay ng designated areas. So kailangan ho ay makipag-coordinate kayo sa inyong mga barangay kung saan iyong designated firecrackers display area sa inyong mga lugar para doon na lamang po kayo manood ng paputok at iyong New Year celebration.

Alam mo tipid pa nga iyon eh kasi mayroon tayong mga kababayan na bibili talaga ng paputok, hindi ho ba? So bibili sila iyong mga legal ha, iyong legal na paputok dadalhin niya na doon sa designated area at doon sila magpapaputok. So kungikaw naman ay magse-celebrate lang ng New Year, hindi mo na kailangangbumili, kasi puwede nangmanood eh.

FERNAN: Manood ka na lang. Bakit magpapaputok ka pa?

SEC. ANDANAR: Manood ka na lang, dalhin mo na lang iyong inyong inumin, inyong kauntingpulutan. Tapos dalhin mo iyong pamilya mo tapos doon kayo magtatatalon ‘di ba?Sa designated area—

FERNAN: Iyong mga paputok na iyon. Eh paano daw iyong mga pailaw, puwede sakanilang bahay?

SEC. ANDANAR: Eh iyong mga—what do you mean pailaw?

FERNAN: Iyong mga pailawtulad ng kwitis mga—

SEC. ANDANAR: Hindi, dito lang iyan sa designated area. Walang mga fountain, walang mga—doon lang iyon sa designated area talaga. As in bawal sa bahay, bawal. So doon ka pupunta sa designated area. Kung mayroon kangpailaw, mayroon kang fountain, doon mo dadalhin sa designated areas.

FERNAN: Ah pati iyong mga lusisbawal din sa bahay?

SEC. ANDANAR: Bawal. Doon mismosa—pupunta ka sa designated area, doon lahat. Para nganaka-concentrate lang doon sa area. Number one, its controlled. Eh siyempre kapag nakita ng pulis, ng barangay na ‘teka bawal na iyan ah’ so sisitahin ka ‘di ba? Iko-confiscate iyong—bawalnapaputok. Maku-question ka pa, mamumulta ka pa! Tapos—kaya nga doon lahat para kontrolado. And then mag-e-enjoy pa lahat, siguro ka na walang masasaktan.

FERNAN: Pero may mga siyudad dito sa Metro Manila… Sa Las Piñas may nakita ako niyan na kanilang anunsiyo na bawal pati designated area na magpaputok?

SEC. ANDANAR: Well nasa—

FERNAN: Ordinansa—

SEC. ANDANAR: Oo nasa LGU na lang—na nasa LGU na iyan pero ang sinasabi lamang ng Executive Order number 28 ay ito iyong mga paputok na bawal, na ito iyong puwede at ang inyong local government unit ang mag-i-identify ng designated fireworks display area at ang kapulisan naman ang magbabantay. Ganun lang ho iyon!Mas maganda nga iyon kasi mas mababawasan pa iyong pollution ‘di ba during that day. Hindi iyong left and right eh, polluted at least iyong bahay mo kahit papaano kung malayo ka doon sa designated area ay hindi na mausok sa bahay mo. Alam naman natin na tuwing New Year, January 1 eh halos purosmog ang buong Metro Manila.

FERNAN: Sec., may nilabas na report ang DOTr. Nakikipag-usapnadaw ang gobyerno natin diyan po sa Japan. Iyong problema dito saMRT3 na nandoon pa din eh kahitna… mayroon pa ring mga pagtirik.Sa May daw eh mayroon ng service provider at rehabilitation ang binabanggit dito sa MRT3?

SEC. ANDANAR: Ang huli ngang usapan namin ni Secretary Art Tugade ay iyong Sumitomo. Iyong Sumitomokausapin niya.So iyong—hello?

FERNAN: Opo, opo.

SEC. ANDANAR: Iyong Mitsubishi Sumitomo, iyong kakausapin ni Sec. Art. Iyon ang huling usapan namin.So—na ibabalik niya iyong maintenance provider na Sumitomo para nga maayos na itong problema sa MRT3. So lahat ho ng ito,kung ano man iyong mga solusyonng DOTr ay ginagawa na ho ng paraan ng ating Kalihim ng DOTr na si Secretary Art Tugade. At bukod doon of course 2018 ay ine-expect ho natin na mag-kick off na ho iyong first phase ng underground or subway project dito po sa Metro Manila na pangungunahan po ng DOTr,at in cooperation with Japanese government.

FERNAN: Magsisimulana?

SEC. ANDANAR: Opo 2018 po iyong schedule na simula ng first phase ng underground or subway project dito po sa Metro Manila. At iyan po ay iyong pagtatayo, pagtatatagng isang railway institute. Kasi kailangan po mayroon kang training center para sa mga gagawa or magko-construct, itong ating railway o magme-maintain ng ating mga railway sa Pilipinas.

FERNAN: Ano po iyong magsisimulang project dito? Itong first quarter?

SEC. ANDANAR: Hindi ko masasabi kung anong quarter pero ang masasabi ko po ay this 2018 ay masisimulan na po iyong first phase ng underground project diyan po sa Metro Manila at iyong iba pang mga railway project sa buong Pilipinas sa pamamagitan ng pagtatatag at pagtatayo ng isang railway institute dito po sa Pilipinas.

FERNAN: Bakit railway institute?

SEC. ANDANAR: Kasi ang mga railway skills ho saibangbansa o iyong mga ahensiya na nagpapatakbo ng kanilang railway system tulad ng Japan ay mayroon ho silang railway institute, paaralan ho ito.Railway center para turuan iyong mga magko-construct, number two—number one, magko-construct, number two iyong magme-maintain, magme-mentena itong railway at subway system. So it is a mustna mayroon railway institute at kasama iyan sa mga kasunduan ng Pilipinas at ng Japan parapo ma-maintain ng maayos.

FERNAN: So binabalangkasna ito, Sec.?

SEC. ANDANAR: Oo kasama iyan doon sa exchange notes na ginawa po ng Pilipinas at ng Japan during the 31st ASEAN Summit bilateral meeting between the Philippines and Japan na pinangunahan po ni Pangulong Duterte at ni Prime Minister Shinzo Abe.

FERNAN: So talaga ngang—ika nga ‘build, build, build’ ang mga tao. So traffic ito?Paano iyong traffic, Sec.?

SEC. ANDANAR: Hindi talagang ‘build, build, build’ tayo 2018. Ipakita natin na napakalakas po ng ating gross domestic product for this year.If I’m not mistaken 6.8 or 6.9 napakataas po. Then ito po ay inaasahan natin na mas lalago po, mas bibilis pa. Aarangkada pa iyong ating GDP at ekonomiya by2018, dahil iyong mga napag-usapan po na mga major infrastructure projects or big ticket infrastructure projects sa ilalim po ng Dutertenomicsat ‘build, build, build’ ay magsisimula ngayong 2018. Ito po iyong mga railway projects, ito po iyong mga highway, mga bridges, ito po iyon mga itatayongmga super highway, so lahat ng ito, mga diversion roads, lahat ho ng ito ay mangyayari sa 2018. So maasahan ho natin na talagang lalakas o aarangkada po iyong ating ekonomiya ngayong 2018. And this will trickle down to the masses,sapagka’t ito po ay maglilikha ng maraming trabaho.

FERNAN: Itong binanggit mo sa akin noon na China Telecom. Kailan talaga magsisimula ang operasyon dito saPilipinas?

SEC. ANDANAR: Ang sinabi po niPangulong Duterte, gusto niya as soon as possible, first or second quarter of 2018. Pero ang 3rd player ho na inaasahan natin na papasok sa Pilipinas, ito ho ay hindi limited sa China lamang, bukas ho ito sa lahat ng mga Telcos or mga investors around the world. Kung sino iyong makakapagbigay ng pinakamagandang offer o pinaka-viable offer, pinaka-juicy na offer para sa atin. Iyon ho talaga ang manalona magiging third player ng Telecommunications industry sa Pilipinas. Pero ang gusto ho ni Presidente ay first quarter of 2018ay pumasok na sapagka’ttalagang ang bagal ho talaga ng internet sa atin. Number two ay napakadami hong issues pagdatingsamga drop calls dito po sa bansa natin. At hindi na po nakakatuwa ito at ito po ay sagaballamangsa ating ekonomiya sapagka’t kung gusto mong mas maraming investor dapat maganda iyong telecommunications ng isang bansa.

FERNAN: So akalakoplantsado na iyan, iyong China Telecom na talaga ang papasok? So mayroon pa pala?

SEC. ANDANAR: Hindi! It’s open, pero sa ngayon it’s China Telecoms iyong talagang inindorso ng People’s Republic of China, ng kanilang gobyerno at itong China Telecoms eh kailangan nilang maghanap ng kanilang mga partner dito sa bansa. Kailangan nilang mag-hanap ng—gumawa ng isang consortium sapagka’thindipupuwedengsumobra ng kuwarentaporsiyento iyong pagmamay-ari ng isang dayuhangkumpaniya, isang telco company sa bansa natin. So kaya kailangan nilang maghanap ng partner—

FERNAN: Eh balita na nag-uusap daw iyong sa PT&T, Sec.?

SEC. ANDANAR: Posible iyon, posibleiyon, PT&T,grupo ng mga Zamora, marami hong interesado eh, maraming gustong pumasok dito eh. So—

FERNAN: Iyon pangambalang nila na iyong mahalaga iyong national security natin dahil sa China at—

SEC. ANDANAR: Alam mo ano naman iyan eh—siyempre mayroon talagang mga kuwento ang national securityetcetera, etcetera.Perokungtitingnan mo naman, sino bang partner ng Globe halimbawa ‘di ba? Foreigner din naman ang partner ng Globe, ang alam ko partner ng Globe is Singtel, ‘di ho ba? Ang alam ko ang PLDT-Smart, ang partner nila ay isa ring telecoms company ng Japan. So ang—siguro ano lang iyan puro mga—mayroong gumagawa ng mga istorya-istorya sapagka’t—at the end of the dayang mahalaga ho sa atin ay napakaganda ho ng ating ser… nagumanda ho ang serbisyo ng telecoms.As a matter of fact, kasi sinasabi na China ang may-ari at baka dawmaapektuhan iyong national security, eh hindi ho ba iyong Transco ay Chinese firms ang nag-invest diyan, eh sila ho iyong may hawak ng ating mga linya ng kuryente at iyong mga dinadaanan ng fiber optics. Iyong mga telepono natin alam ninyo ba naiyong network natin sa Pilipinas, iyong cell phone natin ay Huawei,and it is a Chinese company so—sa palagay ko ano lang iyan—mayroon sigurong mga taong ayaw na China ang pumasok. So after… at the end of the day, what is important really is that we have a very good telecom industry, a very competitive namakakapagbigay ng magandangserbisyo sa taong bayan.

FERNAN: So ano na ang mensahe nga pala ng Pangulong sa ating mga kababayan para sa New Year, Sec.?

SEC. ANDANAR: Of course we celebrate it keeping in mind na mayroon naman tayong mga kababayan na naghihirap ngayon, mayroon tayong mga kababayan na dinaanan lang…kamakailan ng bagyo. At ito po ay—hindi po maganda iyong kanilang ano—sa Bisayapa kahimtang [kalagayan].Angdinaranas ngayon, dinaranas ngayon na hindi po maganda sapagka’t dinaanan ho sila ng delubyo. Ipanalanginho natin sila, if we can give something then let’s give them something extra. At tayo po ay—salubunginna lang natin ang bagongtaon na punong-puno ng pag-asa. At kayo na ho ang nagsabi na—kayo ho lahat ay very hopeful of 2018. So ang mensahe lang ho ng Pangulo ay magtrabaho ho tayo lahat and let us help keep this government clean by participating in our governance. Iyon lang naman ho eh. By quoting FernanGulapa eh kapag tinawagan mo iyong DZBB at magbibigay ho kayo ng mga komento about sa ating gobyerno, eh you are already participating our governance.

FERNAN: Sec., pahabol ko lang ito, marami kasingbumabatikos eh. Sabi daw eh, hindimagandangsenyales iyong kampanyalaban sa korapsyon tapos eh itong si dating Customs Commissioner Faeldon eh nilagay sa Office of Civil Defense bilang deputy adminstrator?

SEC. ANDANAR: Alam mo mayroon ho talagang komento at mayroon ho talagang komento ang mga kritiko ng ating Pangulo. Hindi ho talaga maiiwasan sa isang demokrasya. Pero ang ating Pangulo ay mayroon ho siyang mga prerogative para i-appoint iyong mga tao nasa palagay ng ating Pangulo ay effective. Iyong magiging effective sa isang ahensiya. So iyan po Presidential prerogative. Ang pinakamahalaga ho ay… halimbawa si Commissioner Nick Faeldon ay—may tiwala ho sa kaniya, trust and confidence ng ating mahal na Pangulo.

FERNAN: Sec.?

SEC. ANDANAR: Hello?

FERNAN: Opo sige po, sige.

SEC. ANDANAR: Iyon po.So iyon po ang mahalaga! If you have the trust and confidence of the President and then you can serve the country. So this is a chance for Commissioner Nick Faeldon to prove his critics wrong, ito poyung chance niya.

FERNAN: Eh iyong kay Vice Mayor Paolo Duterte, tinanggapna ba ng Pangulo iyong pagbibitiw?

SEC. ANDANAR: Ah wala pa ho akong impormasyon kung ano po ang pasya ng ating mahal na Pangulo sa resignation ni Vice Mayor Pulong.

FERNAN: Okay, so maraming salamat po. Happy New Year, Secretary.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Fernan at maraming salamatsa DZBB na patuloy na magbigay ng isang objective na pamamahayag sa buong bansa natin. Malaki ang naitulong ng GMA sa ating lipunan sa pamamagitan po ng broadcast, sa pamamagitan po ng online news for disseminating information to the entire public. Congratulations po sa inyong lahat. Maraming salamat at happy New Year.

FERNAN: Happy New Year.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)

Resource