Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Fernan Gulapa (Natural – DZBB)

FERNAN:                                           Magandang gabi po, Secretary.

SEC. ANDANAR:                            Hello sir, magandang gabi.

FERNAN:                                           Naku, may mga ilang nasa oposisyon na kongresista, sinasabi na kayo daw po’y kailangang humingi ng paumanhin at/o kaya eh magbitiw dahil sa mga pahayag ninyo na ‘kulang sa sex’ o ‘sobra sa sex’ iyong mga taga-EU. Saan ninyo ba nabanggit ito, Secretary Andanar?

SEC. ANDANAR:                            Ilagay natin sa konteksto ‘yan. Noong two days ago, inimbita ako ng mga DDS groups dito sa London, dalawang DDS groups iyon. Si it was really a private occasion—

FERNAN:                                           DDS… ano ibig sabihin noong DDS?

SEC. ANDANAR:                            Duterte Diehard Supporters.

FERNAN:                                           ‘Ayun, okay.

SEC. ANDANAR:                            Duterte Diehard Supporters… so it was a perfect timing to have an exchange in opinions, politics, nangyayari sa bansa natin, update, ganoon. So, now we were really just having our own political exchanges na kami-kami lang – iyon ang context noon. Wala akong kausap na media, wala akong kausap na taga-European Union o mga opisyales – kami-kami lang iyon. Number two, lahat noong mga DDS hindi rin naman natutuwa sa pakikialam ng ilang mga EU organizations, iyong kanilang interference sa ating politika sa bansa dahil hindi naman tayo nakikialam sa kanila.

Ganoon langkasimple… iyong mga paniwala namin sa pulitika, ganoon din ang paniwala sa kanila. Independent foreign policy, dapat walang makialam sa atin na mga dayuhan, at matagal na ho tayong isang independiyenteng bansa. Hindi naman tayo lapdog ng EU, hindi tayo lapdog ng America… as a matter of fact sabi nga ni Presidente Duterte na huwag na tayong tumanggap noong mga conditional aids galing sa EU. So, I was just telling them an already known political position of our President, at iyon din ang paniniwala ng mga taga-DDS dito sa UK at dito sa Europe.

Now, ang dapat pong mag-resign iyong mga leader na nagdadala ng mga banyaga sa bansa natin para makialam sa pulitika natin. Now, where is the patriotism in that?Na independent na tayo eh, ba’t ka magdadala ng mga banyaga para makialam sa atin,hindi ninyo ba kayang ipaglaban iyong sarili ninyong position? Maghahanap ka ba ng kakampi na puti para lang… you can get your message across? Eh iyon naman ay isang kaduwagan, iyong ginagawa. So kung mayroon mang dapat mag-resign, iyong mga nagdadala ng mga foreigner sa bansa natin para makialam sa ating pulitika.

FERNAN:                                           Oo. Ang binabanggit ba ninyo iyong pitongtaga-EU napumunta mismo sa piitan ni Senator De Lima, ganoon po ba iyon?

SEC. ANDANAR:                            Hindi, ang—kasi ‘di ba mayroong panawagan na mag-resign ako ‘di ba? So ang sinasabi ko, ang dapat mag-resign iyong mga taong nasa gobyerno na nagdadala ng mga banyaga, ng mga foreigner sa bansa natin para makialam sa ating pulitika. We are an independent nation, since 1898 independent na tayo… eh hindi ko naalala—wala akong maalala na ginive-up natin iyong ating independence.

Ngayon pagdating sa usapang pulitika, tayo… tayo mag-usap tayo. Nasa kabilang partido ka, nandito kami sa kabilang partido, magdebate tayo, tayo-tayo lang. Huwag na tayong magsama pa ng ibang dayuhan para makialam sa atin. Kaya nating makipagdebate na wala namang samaan ng loob, wala namang masasaktan… It’s a democratic free space that we have in the Philippines, buhay na buhay ang demokrasya. But the moment you bring foreigners para makialam sa ating pulitika, ay sa palagay ko naman ang posisyon ko, mali iyon.

FERNAN:                                           Oo. So hindi naman iyong senador na nagpunta doon sa Amerika at may kinausap na isang senador, si Rubio,hindi iyon ang pinatutungkulan ninyo?

SEC. ANDANAR:                            Mayroon kasing mga dayuhan na nagpunta sa bansa natin ‘di ba? Alam naman natin iyon… eh bakit natin ini-encourage namakialam sila sa ating pulitika, sa ating mga debate? Eh kaya naman nating magdebate na tayo-tayo lang ‘di ba? We can resolve our own problems, tayong mga Pilipino. We don’t need the help of foreigners to fix our problems in the Philippines, or maybe to give us a dynamic debate on the issues. Buhay na buhay ang demokrasya, you are free to speak in public, in the media… pero ba’t ka pa hihingi ng tulong mula sa ibang bansa, mula sa European Union? Eh kaya naman natin na tayo-tayo lang magdebate, hindi naman pinagbabawalan ‘yan eh!

FERNAN:                                           So iyong banat ninyo… parang nagkukuwentuhan na lang kayo ng mga Filipino doon sa London at…

SEC. ANDANAR:                            Oo…

FERNAN:                                           Kaya ganoon iyong nabanggit ninyo na kulang sa sex o sobra sa sex iyong mga taga-EU, ganoon po ba iyon?

SEC. ANDANAR:                            You know… I mean, it was a conversation amongst DDS, Diehard Duterte Supporters. You know, it’s—hindi naman iyon ano, it was not meant for general consumption. Eh para namang itong mga—of course alam mo, you have to always put into context eh ‘di ba. Kung kayo-kayo lang nag-uusap, ‘di nagtatawanan kayo… even if you—you, you listen, you watch the video at pakinggan ninyo kung ano reaksiyon ng mga DDS – of course magtatawanan kasi pare-parehas kami ng political position.

FERNAN:                                           Oo, ‘ayun…

SEC. ANDANAR:                            Wala naman… wala namang taga-EU doon, wala namang media doon, wala naman—it was not for general consumption. It was just for the particular event. Now of course, ano na ‘yanFernan eh… it’s now a water under the bridge. So what is important is, we have to move forward. The point is, we are an independent country, kaya nating resolbahin, kaya nating magdebate ng sarili nating mga issues sa Pilipinas na walang nakikialam mula sa EU o sa Amerika.

Ito, ito tanong ko… kapag mayroon bang gulo sa Paris, ‘pag may gulo ba sa Brussels, may gulo ba sa Germany, nakikialam ba ang Pilipinas sa kanila?

FERNAN:                                           Ah, hindi…

SEC. ANDANAR:                            Wala naman ‘di ba? Hindi naman tayo nakikialam eh, because mayroon tayong respeto sa ibang bansa, ang kanilang independence. What they are asking is also respect our independence, our sovereignty. Iyon lang naman, bakit hanggang ngayon—hindi naman—eh colony mo ba kami? Hindi ninyo naman colony ang Pilipinas eh, and for those who keep on bringing all of these politicians from abroad para makialam sa atin or mga non-profit organization na makialam sa atin, eh dapat kayo mag-resign. Kasi kayo ang humihingi ng tulong mula sa ibang bansa na makialam sa pulitika natin.

FERNAN:                                           Okay. Sa ibang punto Secretary Andanar. May binanggit kanina ang Pangulo, kasi bawal pa maging kalihim ng DILG ito pong kareretiro lang na si Eduardo Año. Special assistant dawpara mag-supervise ng pulis. Napag-usapan ninyo na ba iyon, ano magiging papel nitong si Año?

SEC. ANDANAR:                            Hindi po ako privy sa meeting ng ating Pangulo at kay General Año, so hindi ko po masasagot iyong tanong na ‘yan.

FERNAN:                                           May mga lumalabas din na mga bali-balita naman, si Partylist Representative Harry Roque daw, papalit kay Spokesman, Usec. Ernesto Abella? Magbibitiw na ba si Abella?

SEC. ANDANAR:                            Well alam mo kasi, everything is ano eh… everything is not final until the official appointment is out. And ako naman, I defer to the Executive Secretary kasi siya naman talaga ang nagre-release ng mga appointment. Now let’s just wait for that moment, ‘pag dumating iyon, ‘di iyon na iyon official and we will release our official statement kapag nangyari iyon.

FERNAN:                                           Uhum. Panghuli na lang Secretary Andanar. Nababahala ang ilan nating mga negosyante dito sa maraming mga holiday na nangyayari ngayon, ano ba ang position ngayon dito ng Malacañang, iyong pagkabahala at saka iyong mga kumikita daw nangarawan ang suweldo?  No work, no pay!

SEC. ANDANAR:                            Alam mo iyong mga holiday naman Fernan, nangyayari naman ‘yan kahit sa mga past administrations. Ang mahalaga dito is we give importance to the ASEAN Summit ngayong darating na November. Kasi iyong ASEAN Summit, hindi biro ito dahil mayroong ten ASEAN countries, kasama tayo doon at mayroon pang mga plus countries tulad ng America, Canada, katulad ng Australia, New Zealand, China, Japan na pupunta dito, Russia kasama and we will have really a major international coverage. So this is the best time also for us to be able to get at least ‘no, free exposure sa buong mundo, kung gaano katino ang mga Pilipino at gaano kabuhay na buhay ang demokrasya and ka gaanokalakas ang ating ekonomiya… and this is really for the entire country. Minsan lang ito mangyari na dito gawin ang ASEAN sa bansa natin.

FERNAN:                                           Walang pagbabagonamagkikita, ang Pangulong Duterte at si US President Trump?

SEC. ANDANAR:                            Abangan natin ang mga susunod na kabanata. Alam naman natin na pagdating sa schedule ng Pangulong Donald Trump eh masyadong ano… secretive ang secret service sapagka’t kailangan nilang bantayan… kailangan na masiguro ang safety ni President Donald Trump.

FERNAN:                                           Eh iyong sa biyahe ng Pangulo sa Japan, tuloy na?

SEC. ANDANAR:                            Oo, magkikita kami ng ating mahal na Pangulo. Sasalubungin natin siya sa Tokyo ngayong darating na Sabado, at mayroon siyang mga meeting doon sa Japan. Wala lang sa harapan ko iyong schedule, pero magkikita sila ni Prime Minister Abe doon sa Japan at ng iba pang mga opisyales doon.

FERNAN:                                           Tuloy ba sa China, Sec.?

SEC. ANDANAR:                            Hindi ko pa alam Boss iyong China, pero itong Japan and then the ASEAN, doon muna tayo nakatutok.

FERNAN:                                           Okay,thank you po. Maraming salamat po sapaglilinaw. Thank you po.

SEC. ANDANAR:                            Okay, Salamat. Thank you.

FERNAN:                                           Si Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar.

###

Resource