Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Erwin Tulfo (Radyo Pilipinas – Tulfo Live)

TULFO: Secretary Martin Andanar, good afternoon, sir.

SEC. ANDANAR: Magandang hapon partner, at sa lahat ng nakikinig ng programa mo.

TULFO: All right. Isa-isahin ko … una, sir, unahin na natin itong … kumustahin ko lang iyong pagbisita ng Pangulo sa Marawi kahapon? Kasama pala ho kayo doon. At narinig ko earlier iyong inyong sound clip na sinabi ninyo na nakakaiyak iyong ginawa ng Pangulo, iyong pagdeklara niya, na talagang ramdam ng lahat na naroroon na malaya na ang Marawi na, ika nga, ang kapalit nito ay buhay ng ilang daang sundalo natin para mapalaya lamang at masiguro na maging malaya iyang lugar na iyan, Secretary?

SEC. ANDANAR: Oo, maraming salamat, partner. Noong habang inaanunisyo ng ating Pangulo na malaya na nga at liberated na iyong Marawi, nakikita ko iyong mga sundalo, iyong mga lalake at babae na tumutulo iyong kanilang luha lalo na noong sumisigaw na iyong Pangulo ng mabuhay ang Marawi. So during that time, it was an emotional ‘no, mga tao natin, emotion-filled iyong buong—kasi maliit iyon na ano, parang maliit na gymnasium na sira na eh, na parang ganoon na quadrangle. Tapos at the same time, bumuhos nang malakas ang ulan. Tapos tuluy-tuloy iyong programa, binigyan ng parangal iyong mga heneral tapos prinomote si General Bautista to Lt. General. And then pinangakuan iyong mga sundalo na babae ng trip to Hong Kong for three.

TULFO: Wow!

SEC. ANDANAR: Oo. So iyong eroplano, sagot ng Cebu Pacific. Iyong hotel at saka allowance, sagot ni Presidente. Tapos iyong mga lalake, iba iyong pangako sa kanila.
TULFO: Ay, alam ko na, alam ko na. Huwag mo nang sabihin kung ano ang pangako. Oo, alam ko na iyan.

SEC. ANDANAR: Tapos nangako ang Presidente ng trabaho para doon sa mga wounded-in-action na hindi na puwedeng bumalik sa AFP dahil naputulan ng paa at malala na ang sitwasyon. So nangako si Presidente na hindi sila mawawalan, mabibigyan sila ng trabaho.

So in general, it was a victorious. Makikita mong masaya na hindi masaya, very mixed emotions doon sa area na iyon. I think it was … I think it was ano eh, parang eskuwelahan yata iyon, iyong napuntahan namin eh. And then after which, dumiretso kami doon sa meeting ng mga Ulama, kasama si Secretary Lorenzana, kasama si Esperon, si Dabs Mamao, ako and then Regional Governor Hataman, pati si Mayor Majul ng Marawi.

TULFO: Mr. Secretary, sir, maisingit ko lang ano. Ngayong tapos na po itong bakbakan diyan, at gusto nga ng Pangulo na tapusin na iyong BBL (Bangsamoro Basic Law) and at the same time, pursue itong federalism. Pero mayroon pong ilang mga pessimistic, sir, na sinasabi na no matter, kahit anong gawin ng gobyerno, magpakita ang gobyerno ng kabutihan, makipag-usap ang gobyerno o durugin ng gobyerno ang mga kalaban kagaya ng Maute, mayroon at mayroong uusbong na bagong grupo ng mga…because these people there in the south, sanay sila sa giyera simula pa noong panahon ng mga Espanyol. Ano po ang reaksiyon ninyo rito, Secretary?

SEC. ANDANAR: Okay. Mahalaga sa atin, partner, iyong magkaroon tayo ng countering violent extremism na mga programs. Mayroon tayong programa at edukasyon na tinuturuan natin ang ating mga kababayan na Muslim, iyong mga bata, bata pa lang dapat tinututuruan na iyon. Tapos dapat hindi napupunta doon sa iyong mga … iyong mga teachers galing sa Middle East, iyong mga Ustads, iyong mga madrasa na iyong tinuturo ay extremism. So dapat ito ay ma-counter ito ng pamahalaan at … lahat na iyon – DepEd, kasama na iyong AFP, kasama na ang PCOO. Tayong lahat dapat … pati iyong private media, dapat magtulungan tayo kasi hindi ito madali, mahirap itong trabaho na ito. Mayroon at mayroon talagang anak … iyong mga teroristang namatay, I’m sure may mga anak iyong mga iyon at may galit iyon.

TULFO: Tama. Sir, isa pa ho. Let’s talk about the rehabilitation process. Ngayon pa lamang ho, pumunta na ho diyan noong isang araw sila Architect Palafox, tinitingnan kung papaano, anong gagawin diyan. Pero kayo ba, sir, ano ho ba, mayroon po bang binigay na timetable ang Pangulo sa lahat po ng ahensiya ng gobyerno na gusto ko matapos ito bago ako bumaba sa 2022, nakalatag na, maayos na ang Marawi, tumatakbo na maging ang ekonomiya, mga eskuwelahan nandiyan na ulit, as in back to normal o much better pa? Mayroon bang binigay na timetable ang Pangulo? Kasi parang narinig ko, parang ayaw niyang mangyari ito kagaya sa nangyari doon sa Yolanda sa Leyte na taon ang binibilang, wala pa ring nangyari, Secretary?

SEC. ANDANAR: Maaasahan ng mga kababayan natin na hindi mangyayari ito sa nangyari sa Yolanda, iyong sa Tacloban. Sapagka’t ngayon pa lang nga eh, kung titingnan natin dito sa Barangay Sagunsunan, nakatayo na iyong ilang mga bahay dito, mga shelters eh, mabilis! Sementado na iyong mga kalye tapos…mabilis talaga iyong aksyon.

Mamaya, after nitong interview natin, didiretso ako sa Camp Aguinaldo para mag-meeting iyong Task Force Bangon Marawi dahil ASAP ang utos ng Presidente, na kailangan iyong mga kababayan nating internally displaced ay makabalik na sa kanilang lugar sa Marawi. Hindi man doon sa lugar nila mismo pero at least isang relocation site na nasa Marawi mismo habang nagma-mapping out pa iyong mga sundalo dahil marami pang mga explosives na natitira doon eh. So ASAP po talaga ang utos. So ito po ang tandaan ng mga kababayan natin, huwag ho kayong mag-alala, at hindi ho mauulit kung ano ang nangyari doon sa Tacloban. Number two, kitang-kita ninyo naman, hindi naman tayo humihingi ng ayuda mula sa ibang bansa, wala naman tayong binibilang na mga donasyon, etc., ito ay talagang internally sourced.

TULFO: I think the bottom line, Secretary, is magkaiba iyong administrasyon. Iyong administrasyon noon, mga kawatan; ito ngayon ay galit sa kawat.

SEC. ANDANAR: Oo. Well, alam na natin, of course, iyong sa kabilang administrasyon, iba naman ang style nila so iba din naman ang style ni Presidente. Si Presidente is a man of action.

TULFO: Anyway, Secretary Martin, panghuli na lamang po, sir. Kahapon, ni-reiterate na naman ng Pangulo na” I am not interested in going beyond my term,” Sec.

SEC. ANDANAR: Opo.

TULFO: Ano ho ba ang nililinaw ng Pangulo dito? Kasi alam ho natin, ngayon pa lang sabi niya kung may gustong mag-coup d’etat, sige ibigay ko na sa inyo. Gusto ninyo akong palitan, sige palitan ninyo. Talagang seryoso ang Pangulo. So maaasahan natin talaga na ayaw na niyang beyond 2022, kahit ano pa siguro gawin ng mg supporters niya, ayaw na niya.

SEC. ANDANAR: Eh ayaw niya ngang maging Presidente, pinilit eh. Gusto nga niya umuwi na ng Davao eh. Pero ang ginagawa niya, he’s just finishing the mandate at saka iyong tiwala ng taumbayan because, you know, it’s unconstitutional for him to just leave office kahit ayaw niya. So kung ano ang pangako niya noong kampaniya ay tinutupad niya lang. Pero ayaw naman niya talagang maging Presidente.

Ngayon, siguro, nasabi iyon ng Presidente sapagka’t mayroon mga talk about revolutionary government, mayroong talks about federalism. The President is assuring everyone na matuloy man itong federalism, he will not beat second term.

TULFO: All right. Secretary Martin Andanar ng PCOO, sir, maraming salamat po. Magandang hapon. Mabuhay po kayo, Sec.

SEC. ANDANAR: Salamat, partner, at mabuhay ka.

##

Resource