Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Erwin Tulfo (Radyo Pilipinas – Erwin Tulfo Live)

SEC. ANDANAR: Magandang hapon, Partner Erwin at magandang hapon sa lahat ng nakikinig sa programa mo dito po sa Radyo Pilipinas.

ERWIN: Una sa lahat, belated happy birthday ano. Birthday mo pala, siya pala ay tumatanda rin ano.

SEC. ANDANAR: Eh hinihintay ko nga iyong kaibigan ko, eh hindi naman dumating.

ERWIN : Ay pasensiya kana. Alam mo naman… ika nga kumbaga sa mga strata may mas mataas na—nasa stratosphere tayo. Iyong napuntahan ko kasi, dalawang party iyon eh mayroong isa sa Makati, mayroon sa Malacañang. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. So ako, iyong paa ko nagdesisyon na ilakad ako papuntang Malacañang.

SEC. ANDANAR: Nahuli na… nakuwento nga sa akin ng aking ano eh…

ERWIN: Tao?

SEC. ANDANAR: Intelligence doon habang nagwawalis-walis doon sa Malago. Sabi ko, bakit mayroong ditong ano, parang mukhang Tulfo—

ERWIN: Iyong nagwawalis-walis doon, naapakan ko pa iyong paa noon habang nagwawalis, sabi ko patay ka na. But anyway, Sec., eh alam mo naman eh, isang araw ako ay dadalaw sa bahay mo at tayo eh magpalamig-lamig diyan. Alam ko’y para ma-release iyong mga stress mo, puwede naman iyong dating gawi, puwede tayong mamasyal diyan sa Quezon Avenue, mag cruise lang tayo.

SEC. ANDANAR: Partner. Salamat, salamat.

ERWIN: Sir, ganito po, may two things. Iyong Pangulo kahapon paulit-ulit po niya, reiterated na pag sinabi niya raw na tapusin ang problema, hindi niya ibig sabihin na patayin ninyo iyong mga tao, rather tapusin ninyo, tuldukan ninyo and you know what it is. Iyon po raw ang sinabi niya at alam daw po ng mga police na ito, when he says tapusin ninyo ang problema – alam daw ni General Bato ito at ganundin ang instruction ni General Bato tapusin ang problema. Finish the problem, so he did not need say…necessarily say na patayin ninyo iyong mga suspect, Secretary?

SEC. ANDANAR: Ang ano diyan is sumurender kayo. Tapusin ang problema, tapusin as in wasakin iyong drug apparatus kung saan dumadaan iyong droga, iyon lang naman iyon eh. Para naman doon sa nasa negosyo ng shabu, ay tigilan ninyo na para kung gusto ninyong ano… kung gusto ninyong hindi kayo makapag-appointment kay Lord eh huwag kayong lumaban, sumurender kayo para ngayon mapatunayan ninyo sa Korte na hindi kayo drug peddler or drug pusher. Iyon lang naman iyon eh.

ERWIN : Alam mo, Sec. eh ako ay nagsisisi dahil kung naalala mo… parang this time last year or two years ago napag-uusapan lang natin na magandang negosyo saka-sakaling maging Pangulo itong Mayor ng Davao, nagtatawanan tayo pero may gumaya pala sa atin, may nagtayo ng funeral homes at insurance—

SEC. ANDANAR: Mayroon na ha. Mayroon na talaga iyong—

ERWIN: Taga Visayas din, nagtayo siya ng insurance, ang ini-insure niya pareho, mga kriminal pati mga otoridad, pulis, militar naka-insured.

SEC. ANDANAR: Naka-insure lang iyong mga alam niyang—

ERWIN : Tapos iyong sayang iyong…. APFH (Andanar Tulfo Funeral Home) hindi lang nga tinatayo pero ginaya niya.

SEC. ANDANAR: Kasi alam mo naman—

ERWIN: Mura—iyon pala kapag isang buwan na hindi kinukuha iyong bangkay, pinapalibing na ng local government—

SEC. ANDANAR: Alam mo partner, kasi sating dalawa ako naman iyong negosyante, ‘di ba? Ako naman iyong nasa investment. Kung hindi ako sinama sa gobyerno ni Presidente, puwede sana nating gawin. Eh kaso ngayon conflict of interest, hindi naman puwedeng gawin—

ERWIN : Sayang eh—

SEC. ANDANAR: Oo at saka biro mo nakikita ko iyong listahan ng—

ERWIN: Naku—

SEC. ANDANAR: Yung drug list.

ERWIN: At marami pa—

SEC. ANDANAR: Hindi kaya nga—

ERWIN: Alam mo tama iyong sinabi mo parang nagdidilang anghel ka noong. Naalala ko sabi mo, lagyan natin sa Leyte ng isang punerarya diyan, lagyan natin sa Ozamiz. Nagkatotoo, kita mo sa Ozamiz, labing tatlo kaagad iyong patay doon sa—na may nasabi ka pang Marawi din. Naku sa Marawi napakadami noon, iyong dalawang daan na Maute tapos alam mo naman ‘di ba? Eh malaki sanang kuwan doon.

Anyway, Sec. moving on. Ito pa ho iyong sinabi ng Pangulo na suportado niya—ito ay medyo hindi naintindihan ng mga kalaban at ng mga kaaway ng administrasyong ito, nag ngangaw-ngaw na mga pulitiko rin na parang sinasabi na bakit tahimik ang Pangulo.

So finally, last night the President said, suportado niya ang imbestigasyon ni Secretary Vitaliano “Vit” Aguirre ng DOJ, imbestigahan iyong mga pulis. And when I asked him, personally sabi ko, “Sir, kayo ba ay naniniwala?” Sabi niya, “Naniniwala ako na walang hiya iyong mga pulis na iyon dahil may video. So kulong sila, gusto ko silang makulong dahil wala akong sinabi sa kanilang ganoon.”

SEC. ANDANAR: Ang mahalaga, ito nga iyong sinasabi ko eh, Erwin. Ang ating gobyerno po ay nakikinig sa taong bayan. Ngayon kung mayroon mang mga rally-rally, mayroong mga protesta, kaya hinahayaan ni Presidente iyan…hindi lamang sa hinahayaan para magsalita sila, hinahayaan silang magsalita para tayo ay makinig. Di ba dahil naman iyan sa mga ingay na mga ganiyan at iyong pagpapalabas ng video, kaya natin nalaman na mayroon palang video, ‘di ba?

ERWIN: Oo.

SEC. ANDANAR: Iyon naman iyon eh. Noong nakita ni Presidente iyong video sabi niya kagabi, sabi niya pa iimbestigahaniyan talaga, ipapasibak iyong pulis kapag nakitaan na nagkamali talaga sa imbestigasyon. Anong tawag mo doon? We have a President that listens to the people. We have a President that listen to the opposition. We have a President that listens to everyone, he is a President of everyone hindi lang para sa mga bumoto sa kaniya. Kasi kapag sinasabi nga natin na masyadong ano… kapag nagdesisyon si Presidente ay tuloy-tuloy, hindi siya nakikinig sa iba, hindi totoo iyon. Kaya nakikita natin na ginagawa niya ito dahil nga ang Philippine National Police naman ay isang napakalaking organisasyon and we believe that they are a very professional organization except for some rotten apples, ‘di ba?

ERWIN: Correct.

SEC. ANDANAR: Na kailangan natin i-weed out. Pero ito, pagkakataon na ito na-weed out iyong rotten apples and at the same time, we’re not saying that—we do not mourn, but of course we still very sad and of course mourn the loss of Kian at tayo we empathize with his parents. But then again, if we look at the bigger picture kailangan pa rin nating ituloy iyong ating giyera kontra droga.

ERWIN: Pero sir, mukhang tila mukhang ginagamit na lang ng ilang mga pulitiko sir eh. Ginawang of national importance na ito, of national interest ang pagkamatay ng batang ito. And the President agreed with me last night when I said na politicians are using this already sir. Aba’y sabi niya, “Yeah, I agree with you mukhang ginagamit na.” At parang tingin po ng ilang kababayan natin sir nagiging ito ay pang-diversion towards something na nakalimutan na iyong ilang issues, one case in point iyong sa Comelec sir malaki ho iyon na baka may dayaan, nawawala na, napunta na dito kay Kian. Parang may grupong gumagalaw, there’s a hand moving there para tuluyang nang takpan iyong isang problema, iyong sa Comelec at ito nga at sinubukan nila iyong kay Paolo hindi gumana dahil walang naniniwala. Ngayon dito naman kay Kian nakahanap sila ng butas, Mr. Secretary?

SEC. ANDANAR: Alam mo partner, bahagi iyan ng pulitika eh, ng bansa natin, iyan ang katotohanan diyan. Pero ang sabi nga nila, lahat naman ng mga isyu na lehitimong isyu ay hindi mo na basta-basta naitatago, na matatabunan. Iyong mga issue sa Comelec babalik pa rin iyan eh kasi wala pa namang resolusyon iyan eh—

ERWIN: Alright.

SEC. ANDANAR: ‘Di ba. So ang mahalaga dito is that we really have a President who listens.

ERWIN: Alright—

SEC. ANDANAR: Halimbawa sa Customs, ‘di ba? Nakita niya eh ‘di pinalitan niya si Commissioner Nick. Kasi nakita niya na mayroong kaunting pagkukulang sa management dahil maraming nakapaligid na alam mo hindi rin ma-control ni Comm. Nick. Although si Commisioner Nick, malinis iyong kaniyang pagkatao, hindi siya corrupt pero the reality is iyong paligid eh. So, nakikinig siya, sabi niya, “Sige palitan ko si Comm. Nick, maybe ilagay ko siya sa ibang puwesto at ilalagay ko naman diyan si Lapeña para ma-solve iyong problema.

ERWIN: Correct.

SEC. ANDANAR: So the bottom line is that we have a President that listens. Hindi po matigas ang ulo ng ating Presidente.

ERWIN: Alright. Sir, isang katanungan na lamang, mabilisan lang po bago po ay lilipat ako kay General Dionardo Carlos ng PNP.

Sir, marami pong nagtatanong what is happening, what is going on dito sa isang departamento nasa ilalim ninyo, itong Philippine News Agency or PNA. Sobra naman, parang sobrang katanga, estupido, bobo, moron, tanga, gago iyong mga tao dito sa PNA. Eh alam ko po iyong mga editors na iyan, hindi ka magiging editor ng PNA kung hindi ka magaling na journalist. Pero papaano naman po, sir, nalulusutan itong mga demonyo na ito. Parang sinasadya Secretary eh. Parang gustong ipahiya na mapagmumukha na tanga ang mga nakaupo ngayon sa gobyerno; na tanga ang kanilang Kalihim na Secretary Martin Andanar na alam ko naman nakasama ko na matalino; na tanga ang Pangulo. Hindi ho maganda sir tignan, I’m sorry sir ha, I’m not taking this on you pero naiinis lang ako sir iyong kabastusan—parang bastos na, sir eh.

It’s not stupidity, Mr. Secretary, what I see here, there is a move ha, an operation para siraan po ang imahe ng PCOO sa pamamagitan nitong mga pulpul, gago at estupido na mga tiga Philippine News Agency na alam ko nasa 3rd floor lang ngayon. Mamaya-maya puntahan ko at sisipain ko lahat iyang mga ogag na iyon. Dahil sir tignan mo naman, Diyos ko po naman, Department of Labor and Employment, ang logo ng DOLE na pineapple ang nilagay ng mga buang ha sir. Pagkatapos anak ng baka, Ilocos, Diyos ko po, Ilocos—Vigan ginawang Ilocos Norte, Hesusmaryosep sir ha. Ano pa ba? Napakadami pa sir eh, pinaste iyong Xinhua News Agency report napakapanget, pinaste diyan sa PNA. What does this tell you? It tell us sir na there is somebody moving—tapos iyong mga Vietnam war photo pa. Anak ng baka, sinabi sa Marawi daw. Mayroon po talagang move sir na para sirain, pahiyain ang pamunuan ng PCOO.

SEC. ANDANAR: Eh mukhang sinabi mo na iyan partner. Eh ultimo grade six alam naman iyong DOLE na logo eh. Ultimo grade five mayroong magbasa kung ano iyong Ilocos Sur ano iyong Ilocos Norte; at siguro naman iyong ating mga kasama diyan sa PNA eh matagal na sila, more than 20 years, sila naman ay nagsilbi sa ilalim ng administrasyong Aquino at alam naman nila kung gaano kasensitibo iyong West Philippine Sea issue tapos in-upload nila iyon. Kaya nga noong una hindi ako naniniwala na sabotahe, pero well mukhang gusto ko ng maniwala eh.

ERWIN: Ay maniwala ka sir, maniwala ka mayroon ding nagsabi sa akin nagwawalis-walis siya sa 3rd floor narinig niya sabi, “Isabotahe natin si Secretary Andanar, upakan natin, walang hiyain natin ang mga press release ng PNA para masira ang Secretary—narinig ayon sa akin—itong nagbigay sa akin ng info, misis niya iyong nagwawalis doon sa baba na kumare ng kumpadre niya, lolo ng tita niya. Kaya nakarating sa akin iyong info. Sabi raw bastusin natin si Secretary Martin Andanar.

SEC. ANDANAR: Hindi pero ganito lang partner ‘no. Moving forward, okay. Ganito, iyong mga nagkamali doon siyempre papakasuhan natin iyan.

ERWIN: Ay sibakin mo sir, sibakin mo—

SEC. ANDANAR: Tapos iyong mga nagkamali, na iba pang mali, iyong sa Ilocos tignan natin kung ano iyong mga—

ERWIN: Ay ipadala mo sa Ilocos, doon mo gawing tagahugas ng plato sa PNA Ilocos. Iyong nasa—iyong mga nagsabi sa DOLE dalhin mo sa may Iligan, mayroon ding kayong Iligan, doon sila mag-cover sa Marawi. Ganoon ang gawin mo sir, kung alam mo—alam mo napakabait mo talaga, Sec. Alam mo talagang marunong talaga ang Diyos kaya ikaw ang nilagay diyan. Kung ako ang nilagay diyan, Panginoon ko langit, iyang mga iyan nandoon baka nasa Jolo, Sulu iyang PNA nagko-coverage sa Basilan.

SEC. ANDANAR: Sir, magkakaroon lang tayo—

ERWIN: Sibakin mo iyan sir. I’m telling you magkakasama tayo sa isang bubong sir pero I’m sorry to tell you this, Secretary binabastos ho kayo eh. You need to replace this crazy, this stupid fools. You need to replace them, sir.

SEC. ANDANAR: Thank you, Erwin at naintindihan mo iyong problema and we will just do that, mayroon tayong major revamp na gagawin.

ERWIN: Hay salamat.

SEC. ANDANAR: Major revamp talaga, major, sa buong Pilipinas.

ERWIN: Huwag sergeant sir na revamp, major talaga. Kailangang sibakin lahat iyang mga iyan.

SEC. ANDANAR: Hindi sarhento, hindi kapitan. Major.

ERWIN: Kasi kung hindi sir ako ang bababa sa 3rd floor, 4th floor lang tayo. Hahanapin ko iyang PNA pagsisipain ko iyang mga tao diyan, mga bastos eh parang tanga sir eh. Eh siyempre nasa gobyerno na rin ho ako nakakahiya sabihin, “Iyang mga taga gobyerno pulpul.” Eh hindi naman ho sinasadya lang ng mga iyan, Secretary.

SEC. ANDANAR: Nakakahiya kasi iyong binabayad ng buwis ng mga kababayan natin tapos iyong mga isinusukli, ‘di ba.

Pero don’t worry partner kasi we have a major revamp, iyong paparusahan kailangan maparusahan at mayroon tayong mga ini-institutionalize na mga solusyon at mayroon din tayong mga kasamahan sa pribadong sektor sa media na nais pong tumulong sa atin. Kasi ang Philippine News Agency hindi po iyan para sa PCOO, hindi lang po iyan para kay Presidente, para sa buong bansa. This is our only news agency. It is our news agency, every citizen tayo po ang may-ari. Nag-iisa lang po iyong news agency ng bansa at iyan po iyong PNA. Kaya gagawin po natin lahat para sa to give back the service na kailangan na talaga namang serbisyo na dini-deserve ng ating mga kababayan.

ERWIN: Alright. Very well said. Well maraming salamat po, Secretary Martin. Belated happy birthday po.

SEC. ANDANAR: Salamat. Salamat. Mabuhay ka.

###

Resource