Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Erwin Tulfo (Erwin Tulfo Live – Radyo Pilipinas)

ERWIN:                                              Magandang hapon po, Secretary Andanar, sir.

SEC. ANDANAR:                            Magandang hapon, Partner Erwin at sa lahat po ng nakikinig ng programa mo dito sa Radyo Pilipinas.

ERWIN:                                              Una sir, congratulations ho. Mukhang you successfully defended your budget, kung saan nakapaloob itong Radyo Pilipinas, itong PTV ay job well done and congratulations. Napakagaling din po ng inyong Undersecretary na si Joel Egco defending your budget for PNA at saka iyong isa pa pong ahensiya nasa ilalim niya sir.

SEC. ANDANAR:                            Maraming salamat, Erwin at congratulations. Actually, the accolade should go to the men and women who prepared the budget, sina Usec. Noel Puyat and Egco. And of course, congratulations sa Philippine Broadcasting Service dahil ang PBS po ang may pinakamalaking budget sa PCOO. So for the first time in history, ang Radyo Pilipinas po at ang lahat ng mga radio stations under PBS ay pinakamalaking budget po sa PCOO.

ERWIN:                                              Buti na lang ay nadagdagan, sir, ibig sabihin itong mga bubong na ito mapapalitan na, mga kisame? Hindi na ako manganganib na magbagsakan nito sa ulo, ano po?

SEC. ANDANAR:                            [laughs]. Hindi ka na magkakatetano diyan. [laughs].

ERWIN:                                              Pati iyong upuan ko sir nawala na ng kutson eh. Anyway, thank you sir ha.

SEC. ANDANAR:                            [laughs]. Opo. Opo.

ERWIN:                                              Anyway boss, kambiyo po tayo. Ngayon po ay rally ng iba’t ibang grupo, iyong oposisyon mukhang doon po sa Luneta at itong pro-Duterte naman dito naman daw po sa Mendiola. Nabanggit po ninyo kahapon na ang PDP-Laban kasama diyan, iyong Duterte-Davao Supporters (DDS) nandiyan din. And I believe sir pati iyong mga local government na miyembro na ng PDP magpapadala din sila diyan ng contingent, Secretary?

SEC. ANDANAR:                            Opo. Nandiyan po iyong mga LGUs sa buong Metro Manila at sa labas po ng Metro Manila na sumusuporta sa adhikain ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte na tuloy ang pagbabago. Ganoon din po iyong Mayor Rodrigo Roa Duterte group or iyong MRRD nandiyan din po sa rally na iyan, kasama iyong PDP-Laban, iyong KP (Kilusang Pagbabago) at marami pa pong ibang mga Labor group na kasali po diyan—

ERWIN:                                              So—

SEC. ANDANAR:                            Ang magiging problema na lang natin, kasi alam mo naman itong Plaza Miranda hindi naman ito kalakihan. Eh siguradong sosobra po iyong tao—

ERWIN:                                              Naku—

SEC. ANDANAR:                            So para po sa mga dadaan at mayroong pupuntahan sa area na iyan. Kung ako po sa inyo iwasan ninyo na iyong area na iyan diyan ho sa may Plaza Miranda, iyang sa Quiapo Church, iwasan ninyo na ho iyan dahil tiyak po ay mata-traffic po tayo.

ERWIN:                                              So eh na-estimate po ninyo sir may… so far ang sabi po ng ating reporter, ngayon pa lamang po ay nasa five to 10,000 ang estimate niya, puno na po iyang Plaza Miranda na iyan. Eh hindi pa ho talaga nagti-tick-off ang alas kuwatro. So dadami pa po iyan ang ine-expect, Secretary?

SEC. ANDANAR:                            Opo, ang ine-expect po natin ay hindi bababa ng bente mil ang tao diyan sapagka’t eh inyong malaman eh alam ninyo po napagdesisyunan itong protesta para sa tuloy na pagbabago or supporting sa pagbabago ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte eh na-finalize na ho ito mga two days ago lang tapos kahapon lang ho talaga na mobilize. So very short notice po. In fact tayo po ay nagulat din na mayroon pa lang ganito at alam mo naman kapag sinabing suportahan si Presidente eh talagang naglalabasan ho talaga lahat ng mga iba’t ibang organisasyon na sumusuporta at bilang National Day of Protest at ang pinakamahalaga talaga dito, Erwin, ay iyong pinapakita ng ating Pangulo sa buong mundo na hindi ho tyrannical si Presidente, na sinasabi ng oposisyon?

ERWIN:                                              Oho. Oho.

SEC. ANDANAR:                            I mean, papaano magiging tyrannical ang isang leader kung hinahayaang magprotesta iyong kabila, oposisyon, lahat ng grupo… We are free to peaceably assemble to express our views. So buhay na buhay po ang demokrasya ng Pilipinas at wala hong Martial law dito. Ito po ang patunay na nirerespeto ng ating gobyerno, ng ating administrasyon ang freedom of expression and our freedom to assemble in public places.

ERWIN:                                              Alright. Sir, panghuling katanungan before we go on a break at magnew-newscast kami. Totoo po bang—sinabi po kasi ng Pangulo, sabi po ni Usec. Abella na ijo-jot down daw, ino-note down ng gobyerno ang mga hinaing ng oposisyon ng mga kabila, kaliwa, kanan, kung saan man, gitna para makarating po sa Pangulo. Iyan po yata ang instruction ng Pangulo na isulat ninyo, ewan ko kung kayo iyang naatasan ng Pangulo na ilista, isulat, i-monitor iyong reklamo, hinaing ng mga kababayan natin, Sec.?

SEC. ANDANAR:                            Opo. Mayroon pong nakasulat doon—mayroon pong nakasama doon sa Plaza Miranda na Presidential Action Center. Nandoon po, mayroon pong mga drop box doon at mayroon pong mga calls doon at isulat ninyo kung anong reklamo ninyo sa gobyerno at ito po ay aaksyunan ng gobyerno agad. Now, ito ay patunay lamang na ang ating gobyerno po ay transparent at bukas na bukas sa suhestiyon at lahat po ng mga reklamo ng ating mga kababayan ay ginagawa po talaga ng aksiyon ng gobyerno kasi nga pagbabago ang habol natin. So, it is going to be a very exciting and a very dramatic, a dynamic day for our democracy, partner. At ang ating panalangin lang po ay maging peaceful at wala pong manggulo. Salamat po.

ERWIN:                                              Secretary Martin Andanar, PCOO. Maraming salamat, sir. Magandang hapon. Mabuhay po kayo!

###

Resource