Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Erwin Tulfo (Radyo Pilipinas – Erwin Tulfo Live)

Event Radio Interview

SEC. ANDANAR:                            Good morning, Erwin…

ERWIN:                                              Sir, hapon na oh. Maayong na sir, ala una na naman. Napapanood mo ba kami Sec., diyan sa PCOO?

SEC. ANDANAR:                            Pinapanood ko sa Facebook live, klarong-klaro.

ERWIN:                                              Klarong-klaro… Eh good afternoon na lang sir, and anyway… sir, ang tanong natin, kasi may mga issue, iyong pictorial po noong unang apo ng Pangulo, si Isabelle, ginawan ng issue ng mga kalaban, kesyo may nilabag na batas, kesyo ika nga ginastusan ng Malacañang. Eh ano po ba talaga ang totoo, Sec.? Kayo na mismo ang magsabi.

SEC. ANDANAR:                            Wala namang gastos ang Palasyo diyan, at natural apo ‘yan ng ating mahal na Pangulo. Kahit saan naman siya mag-pictorial wala namang masama doon. Marami namang nagpapa-pictorial diyan sa Palasyo, mga indibiduwal…

ERWIN:                                              Ay naku, iyong… kilala mo sir ‘di ba, iyong make-up artist ko si Cesar, ‘di ba nagpa-pictorial diyan, humiga pa halos doon sa presidential seal, Sec…

SEC. ANDANAR:                            Oo, pero ang mahalaga ho dito ay— tingnan natin ha, huwag na tayong magplastikan tayong lahat ‘no. Siguro halos lahat sa ating mga Pilipino naka-attend na tayo ng mga debut, mga 18 years party, ‘di ba? Parang naging tradisyon na ‘yan eh, ‘pag ang isang dalaga nagdidisi-otso ay nagde-debut ‘yan.

ERWIN:                                              Exactly.

SEC. ANDANAR:                            Huwag na tayong magplastikan, mula barangay hanggang sa mga mayayaman nagde-debut… iba’t ibang klase lang nga. So nagkataon na si Isabelle po ay apo ng ating Pangulo, nagpaalam… hindi naman doon ang party sa Malacañang, photo shoot lang naman eh. Marami naman—bukas naman ang Malacañang kung gusto ninyong magpa-photo shoot doon, kung kayo’y magdidisi-otso, oh ‘di magpaalam kayo sa Palasyo kung gusto mo magpa-picture. Maraming magagandang tanawin doon, garden… as a matter of fact bukas nga ang Malacañang. Noong pumasok si Pangulong Duterte, ito po’y binuksan niya sa publiko. Pero ganito lang po ‘yan, wala namang gastos ang gobyerno diyan sa pag-photo shoot para sa birthday ni Isabelle.

ERWIN:                                              Hindi rin ba nalagay sa alanganin itong national security? Kasi may mga sabi—may mga ilang buang na ipinakita daw iyong loob ng Palasyo, nalagay sa kapahamakan ang seguridad ng ating bayan.

SEC. ANDANAR:                            Eh hindi naman. Alam mo ang Palasyo po ay bukas naman sa lahat, whether ikaw ay—basta ikaw Pilipino, bukas ang Palasyo para sa lahat. Alam ninyo naman kung anong itsura ‘di ba, ni-ransack na nga ‘yan noong mga… noong mga ano, noong 1986 ‘di ba? Alam lahat kung ano itsura noong Malacañang.

It was just a normal photo shoot appreciating the beauty of the Palace. Of course, very ano… iyong lugar na ‘yan ay historic ‘no. So therefore, pagbigyan natin dahil apo naman siya ng Pangulo.

ERWIN:                                              Right…

SEC. ANDANAR:                            Nagpaalam siya… wala namang namatay doon ‘di ba? Wala namang…

ERWIN:                                              Naabala, walang naabala.

SEC. ANDANAR:                            Wala… so wala namang nasaktan ‘di ba? Kumbaga, maliliit na mga issue pinapalaki…

ERWIN:                                              Naku sir, noong—sinagot na po ‘yan, at sinabi na walang nilabag na batas, walang problema… tumira na naman iyong mga buang at sinasabi, “Saan kaya kumuha ng pera iyong kaniyang ama na vice mayor lang?” Eh hindi nalalaman yata ng mga loko-loko, iyong ina niyan ay negosyante. Hindi ba ‘yan iyong binabanggit ng Pangulong Duterte na may negosyo iyong nanay na… iyong nanay niya, iyong mommy niya is a Muslim from Mindanao na may pera na talaga ever since?

SEC. ANDANAR:                            Oo totoo naman, talagang merchant po ang nanay ni Isabelle at mayaman talaga iyong kanilang pamilya. At alam mo… bakit pa natin pinapalaki itong issue na ito na… kung magpa-picture doon tapos walang pera—

ERWIN:                                              Eh malinaw pa sa sikat ng araw Sec., eh tingin ko eh they are trying to divert the attention or focus ng taumbayan sa Dengvaxia para malipat dito, eh hindi naman kinagat nga mga tao itong photo shoot na ito.

SEC. ANDANAR:                            Eh alam ang problema sa ating mga Pilipino, eh ano tayo eh… nagpaplastikan tayo eh. Para naman wala kayong naging 18 years old sa pamilya ninyo—

ERWIN:                                              Exactly.

SEC. ANDANAR:                            Walang nagde-debut sa pamilya ninyo. Iba-ibang style lang nga, depende sa estado noong kalagayan ng isang tao. So kadalasan sa mga Pilipino, ‘pag iyong nagdidisi-otso eh nagde-debut, kaniya-kaniyang paraan lang nga. Eh nagkataon na si Isabella ay apo po ng Presidente, so we should give it to her and give it to her family, eh presidente… Siguro kung—alam ko noong panahon ni Pangulong Fidel Ramos eh nagkaroon din siya ng isang party para sa kaniyang anak. Nagkaroon din ng mga party the past presidents, let’s given to the first family.

ERWIN:                                              Tama…

SEC. ANDANAR:                            O mayroon naman silang mga prerogative puwede nilang gawin. Mayroon silang mga perks din ng isang presidente…

ERWIN:                                              Eh kasi nga, nasanay siguro iyong mga ‘yan, iyong mga ‘dilawan’ na ‘yan kay PNoy, kasi wala namang asawa ito at walang anak. So mag-isa lang diyan na palakad-lakad diyan, pagewang-gewang at nakanganga diyan, kaya wala silang—hindi nila… wala silang nakitang ganoon na may asawa, may pamilya… kaya ngayon nagrereklamo. Parang nagulat sila na suddenly may nagpapa-picture na apo o may anak na mga naglalakad-lakad diyan. Eh dahil nasanay sila doon sa dating Pangulo na mag-isa lang sa buhay, na napakalungkot ng buhay.

SEC. ANDANAR:                            Alam mo picture lang ‘yan eh, wala namang problema ‘yan eh. Sa akin ha, wala namang problema magpapa-picture. At saka miyembro ‘yan ng first family. Eh ganoon talaga, kasama ‘yan sa perks ng isang member ng first family. Siguro ‘pag—I’m sure ‘pag dumating iyong mga panahon na may bagong pamilya, na pangulo na uupo diyan, probably magkakaroon din ng kaniya-kaniyang events, let’s just give it to them. She is a member of the first family. Dapat irespeto natin.

Ang mahalaga ho diyan ay walang ginastos ang gobyerno sa photo ops na iyan. At saka, you know it’s one way to show how beautiful Malacañang is, how beautiful the grounds are. Ganoon lang naman iyan eh. Napakaliit lang po ng mga ganitong klaseng isyu na pinapalaki, itong mga ganitong klaseng moments of life na pinapalaki. Let’s just give it to the family.

ERWIN:                                              Alright. Sir next issue, iyong tungkol po sa Dengvaxia. Malapit na raw i-release ng Senado iyong kanilang report. And I’m sure bibigyan po siguro ang Pangulo, and the Pangulo said, hintayin muna kung ano ang findings ng Senado at saka po yata magsasalita ang Pangulo or kung ano man po ang aksiyon ng Executive Department, Secretary?

SEC. ANDANAR:                            Ang mahalaga ho diyan ay lumabas po ho talaga iyong katotohanan at mayroon pong maging accountable sa naging problema na iyan. Mahigit 3 billion pesos po iyong ginastos diyan at daan-daang libong Filipino ang naapektuhan.

In any misjudgment of government or any agency of government eh dapat ho mayroong accountable. Iyon ho ang prinsipyo ng ating—ng demokrasya – accountability… democratic accountability, para ho lahat ho ng mga kawani ng gobyerno, lahat ho ng mga leaders of government, lahat ho ng empleyado ay maging accountable at mag-ingat po sa paggasta ng pera ng bayan. And everything is really for the interest of every Filipino.

ERWIN:                                              Alright. Sir, another issue. Kailan po ba darating iyong China Telecom na iyan at talagang hinihintay na ng sambayanan kasi nakakabuwisit na at nakakasulasok na dalawang kumpanya pinaglololoko lang ng mga Filipino. Kailan ho ba darating iyan, iyang Telco na iyan? Nag-oo na ba iyan? Nag-commit na ba na parating na sila?

SEC. ANDANAR:                            Ang mahalaga ho dito ay naghayag na po ang ating mahal na Pangulo ng kaniyang polisiya na binubuksan niya ang telecommunications business for a third player—

ERWIN:                                              Tama—

SEC. ANDANAR:                            Ang Chinese government na hikayatin na rin ang mga kumpaniya na mag-invest sa Pilipinas—

ERWIN:                                              Oo.

SEC. ANDANAR:                            At ang interesado nga dito ay iyong China Telecom. Well, when a third player comes in, of course, tataas po iyong quality ng services at ko-compete po iyong Globe at Smart. I’m sure right now, Globe and Smart are doing anything to improve their services kasi nga—huwag na nilang hintayin pa na pumasok iyong pangatlo, dahil kapag nakapasok iyong tatlo eh talagang makaakagaw iyan doon sa merkado nila. We want this to happen as soon as possible. Basta sumunod lang sa proseso, kailangan mag-partner ho sa isang Filipino company or iyong tinatawag na conglomerate—

ERWIN:                                              Opo.

SEC. ANDANAR:                            So kung mayroon hong maging—mga interesado na mga Filipino para magtayo po ng consortium, dahil ang ating telecoms industry po ay talagang 40 percent lang ang limit para sa mga foreigners. So that’s why they have to partner with a… Filipinos.

ERWIN:                                              Alright, panguli na lang, Secretary. Nasa Biliran po yata ang Pangulo ngayon para personal na pangasiwaan at makita at marinig ang ika nga nangyayari ngayon doon, may mga biktima po ng pagbaha at itong Bagyong Urduja, Secretary, despite the fact na masama ang panahon. I heard from PAGASA, kinansel na nga iyong mga flights pero itong Pangulo natin ha, given being the President of the Philippines. Eh pinilit na ‘ilipad ninyo ako doon, kailangan kong makarating doon.’ Despite the fact na delikado at inabisuhan na siya per0 pumunta pa rin siya doon sa Biliran, Sec.?

SEC. ANDANAR:                            Opo. Opo. Ang ating Pangulo ay committed, committed ho talaga para pagsilbihan ang taong bayan. Eh kahit ho nalalagay po sa—

ERWIN                :                                               Pero sir ‘di po ba na may nilalabag na itong si Pangulo kung nilalagay niya ang kaniyang buhay sa alanganin? Ang kagaya ho nito na alam niya na mapanganib at wala ng mga flight pero siya gamit ang kaniyang…iyong pribadong jet na hinihiram niya eh nilipad siya doon at nalalagay sa balag ng alanganin ang kaniyang buhay. Hindi po ba parang—eh pero—sabagay eh tinitimbang niya siguro, ano bang mas mahalaga iyong buhay ko o itong mga kababayan ko? Parang ganoon ang nakikita ko rito, Secretary?

SEC. ANDANAR:                            Iyon nga po, ganoon po talaga si Pangulong Duterte, nilalagay po sa bingit ng kamatayan ng kaniyang sariling buhay para lamang sa mga Filipino. At maalala po natin, last year iyon din po iyong ginawa niya, nagkaroon po ng ilang—

ERWIN:                                              Iyong sa Marawi ‘di ba? Diyos ko po hindi pa tapos eh putukan pa ng putukan nandoon siya sa gitna ng Marawi.

SEC. ANDANAR:                            Opo, opo. Ang sabi naman ng Pangulo noon sa Marawi ay he is ready to die. Mismo ako doon sa Marawi eh handa nang mamatay, ganoon ho talaga, Commander in Chief po siya. Eh ganoon din po dito sa ating mga kababayan na sinalanta ng Urduja. Mahigit dalawampu’t lima iyong namatay po doon sa may area ng Biliran.

At ang ating Pangulo ay nagpapakita lamang ng kaniyang katapatan sa kaniyang panunungkulan bilang Pangulo ng ating bansa. At nagpapakita lamang po na talagang maasahan po ang ating gobyerno ng Duterte pagdating po sa mga sakuna.

ERWIN                :                                               Alright. Secretary Martin Andanar ng PCOO. Sir, maraming salamat for your time this afternoon.

SEC. ANDANAR:                            Salamat, partner. Merry Christmas.

ERWIN:                                              Merry Christmas po.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)

Resource