Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Erwin Tulfo (Erwin Tulfo Live-Radyo Pilipinas)

SECRETARY ANDANAR:                           Magandang hapon partner, magandang hapon po sa lahat ng nakikinig ng iyong programa.

ERWIN:                                              Yes sir. Sir, una po sa lahat congratulations ha doon sa very successful ASEAN, natapos ng Pangulo ang pagiging chairman niya with the—from start to finish, from planning hanggang ditto sa execution, hanggang sa peace and order, talaga naman iyong mga pagkain na inihain nasarapan si Trudeau halos dilaan na ni Trudeau iyong pinggan niya sa harap. Si Trump hindi niya naubos dahil daldal nangdaldal. But anyway, everything went well smooth, awa ng Panginoong Diyos, wala pong mga terorismo like that, may rally nga lang which is normal.

Anyway, congratulations Secretary Andanar, iyon pong—kayo po iyan eh. Kayo from start to finish, from planning hanggang samakaalis po ang bisita, did a fine job, Mr. Secretary Martin?

SEC. ANDANAR:                            Maraming salamat partner. Ito naman ay tagumpay ng buong Pilipinas, ng bawat Filipino, ang successful na holding ng 50th Anniversary ng ASEAN at iyong mga corresponding na 30th and 31stsummits noong Abril at iyong katatapos lang ngayong Linggo na ito. Ang mahalaga dito ay lahat ng Filipino ay taas noo dahil sa matagumpay napagdiriwang ng summit. Talagang nagpapatunay lamang na tayo po ay capable, ang Pilipinas ay capable makapag-host ng mga ganitong klaseng—kalaking event. At ang pinakamahalaga sa lahat partner, ay ang strategy ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte as a chairman of the ASEAN.

At iyong kaniyang pakikipag-deal sa ASEAN leaders at iba pang mga dialogue partners which really put the Philippines back on the political world map. Kumbaga sa ngayon, we made international leaders and the leaders of the first, second and third largest economiesand the world believed that… talagang ang Pilipinas ay nakakaintindi sa kahalagahan ng kaniyang strategic location in this world of geopolitics dahil kung makita mo at kung napanood mo iyong komento ni President Donald Trump at sinabi niya na, ‘The Philippines is the most strategic location, the most important, a real state or prime property of that part of the world in terms of military, pagdating naman sa pakikipag-usap kay President or kay Premier Li Keqiang ay naipakita ni Premier Li ang importansiya ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagpirma doon sa labing apat na mga documents o mga deals na talagang nakikinabang ang Pilipinas tulad ng 1 billion pesos na ibinigay para sa reconstruction ng Marawi.

And of course iyong pirmahan ng exchange of notes ng Prime Minister Abe ng Japan at ni Presidente Duterte para sa napakaraming mga proyekto, ang isa na nga diyan ay iyong exchange of notes dito sa Metro Manila Subway or Metro Manila underground na after how many years at least makakahabol na rin tayo sa mga asensadong mga bansatulad ng Malaysia, tulad ng Singapore, Hong Kong na mayroon pong mga subway systems. President Duterte really deserves our congratulations that we must give in sapagka’t siya ho talaga ang nanguna dito.

ERWIN                :                                               Alam ninyo, Sec., may mga na-interview kami na mga netizen ‘no sa Facebook ha at samut-sari po iyong kanilang reaksiyon, ito po iyong kanilang reaksiyon, Mr. Secretary.

SEC. ANDANAR:                            Opo.

(voice recording)

ERWIN:                                              Sandali lang po sir, basta anyway iyon po iyong mga reactions nila po sa mga reactions lamang na natutuwa po iyong mga kababayan natin at successful po iyong ASEAN. But anyway sir, moving on Sec., eh nakikita ninyo naman siguro po ang Pangulo diyan ano, Mr. Secretary?

SEC. ANDANAR:                            Kagabi po ay magkasama kami doon sa stage banquet para kay Premier Li Keqiang of China and then nagpasalamat po ang ating mahal na Pangulo sa mga members po ng National Organizing Committee, iyong mga departamento tulad ng opisina namin, PCOO, DILG at MMDA at lahat po ng mga involved dito, nagpasalamat po ang ating mahal na Pangulo. At nakita naman natin sabody language ni Presidente at sa kaniyang ngiti, sa kaniyang sinasabi na talagang satisfied siya sa naging performance po at naging pag-organize po ng ating gobyerno nitong Association of South East Asia Nations2017 Summits.

ERWIN:                                              Alright. Isa pa ho pala, kanina pong umaga naging guest ko ho thru the phone ang Volunteers Against Crime And Corruption and, I asked them, kasi po napansin ho ng mga kababayan natin, mga netizens sunod-sunod ho itong mga heinous crime, Mr. Secretary, ito pong… iyong bank employee na ginahasa diyan sa Pasig pagkatapos eh ginahasa na pinatay pa, sinunog pa iyong kaniyang katawan, pinilit na sunugin, tapos iyong 2 year old—ay iyong 8 year old na bata sa Gensan last week, magbi-birthday, araw ng birthday ginahasa at pinatay, iyong 2 year old na batang lalaki hinalay at pinatay ng kaniyang tiyuhin naman diyan naman po sa may… ‘ika nga Alabang Bus Terminal tapos itong…sunod-sunod, Secretary. Sir, sabi po ng BICC, sang-ayon ang BICC na ibalik na ulit ang Tokhang pati ang mga kababayan natin. Baka puwede po—do you think may pagkakataon ang Pangulo na masabihan ho ninyo na i-review muli because hinihingi na muli ng kababayan natin na ibalik ulit, isamamuli ang PNP sa war on drugs ng Pangulo, Mr. Secretary?

(line cut)

SEC. ANDANAR:                            Alam mo kasi noong panahon na maingay iyong oposisyon sa operasyon ng Philippine National Police at itong sa operation nga ng tokhang at maingay iyong human rights groups. Kaya ang ating mahal na Pangulo ay napilitan na ilipat ang operasyon dito sa PDEA.

Tapos naalala ko nung time na iyon ay sinabi ng Pangulo na kapagnadagdagan at tumaas muli iyong mga drug-related crimes, ‘do not look at me,’ okay. Do not look at me sabi niya, ‘huwag ninyo akong ituro dahil ito naman ang gusto ninyo,’ di ba? And naalala ko sinabi ng Presidente that he hopes that the Philippine Drug Enforcement Agency become successful; kasi alam naman natin na hindi naman kadame.

ERWIN:                                              Ang PDEA ho, sir, eh talagang they’re successful in their war against drugs and don’t get me wrong, by the book po kasi ang PDEA eh. Talagang ika nga they follow the rule of law. Ang PNP po kasi, ang tingin ng ilan ay very unconventional.

Pero, sir, you and me know, you were also a journalist, naintindihan lang po ng criminal dito sa atin, iyong rapist, holdaper na iyan ay iisa lang ang mensahe. Dapat eh ang naintindihan lang nila—hindi po nila naiintindihan iyong rule of law eh, naiintindihan nila kung may baril na, sila iyong nasa dulo ng baril ng PNP na mga otoridad, iyon lang ang naiintindihan nila. At saka naiintindihan nila, kapag sila ay nakabulagta na at nakalagay diyan, ‘wag mo akong tularan,’ iyon lang ang naintindihan nilang mensahe, Secretary. I’m sorry ha. Alam ko pong mali po ito, pero iyon lang po eh.

You been a journalist, you have been a police reporter, pareho ho tayo, magkasabay tayo. Pero alam po natin kung ano ang naiintindihan ng mga criminal, Mr. Secretary?

SEC. ANDANAR:                            Tama kayo. Kaya  nga sabi ni Presidente sa isa sa mga public gatherings na—nagpaalam sa kanya si Bato at tinanong sa kaniya ni General Bato kung ano ang gagawin natin dito. Tapos sabi ni Presidente, ‘dalhin mo iyan sa human rights. Sabihin mo sa kanina doon sila magsumbong.’

Kasi nga… you know, it’s just a way of saying that, ito iyong gusto ninyo, ngayon bumabalikna naman iyong drug related crime. So after all tama nga iyong strategy ng Philippine National Police. So ngayon bumabalik ang mga drug-related crimes, do not look at the President, dahil nga sa nangyayaring bumabalik ito dahil sinabihan na kayo noon.

Eh nakinig ang Presidente ngayon sa oposisyon, sa mga human rights  group, inilagay sa PDEA ngayon na bumabalik na, now it’s up to you guys to judge kung sino ang tama, kung sino ang mali.

ERWIN:                                              Ito naman ang katanungan, sir. I don’t know if you can answer this. Paano naman sabi nitong 16 million na, ‘kami naman ang bomoto, hindi naman kumontra, bakit kami ang kawawa ngayon?’

SEC. ANDANAR:                            Iyon ang talagang dapat—actually, hindi lang 16 million iyan partner, 80 million na. Kasi 80% sabi ng Pulse Asia ang naniniwalasa war against illegal drugs.

ERWIN:                                              Wag na nating pakinggan iyong bente na iyon, eh wala naman pala, pipitsugin iyon, bente na lang iyon.

SEC. ANDANAR:                            It’s really just showing them that ‘o ito iyong gusto ninyo, o ngayon can you solve the problem by yourselves?’ Kaya n’yo bang solusyunan ang problema kapag wala iyong Philippine National Police. Ang nakakatakot dito kapagdumami pa iyan at malaki ang posibilidad na talagang dadami iyong mga drug-related crimes. Napakalungkot iyong nangyari doon sa bank official dahil nga ni-rape na, sinunog pa, diyos ko po. Dahil nga hindi nga makapasok sa bahay, dahil hindi marinig ng magulang, dahil malakas siguro iyong ulan, tapos napagtripan ng mga adik. So iyon po iyong nakakalungkot dito.

Now, siguro antayin natin, siguro let’s have the naysayers, the opposition answer that question. Sa kanila dalhin, sila ang mag-solve ng problema.

ERWIN:                                              Nakoh. Is it possible ba, Sec, kapag nag-Cabinet meeting kayo medyo ibulong mo nakay Presidente at sabihin mo hinihingi ng kanyang mga supporter ibalik ang tokhang. Dahil alam mo, Sec, kanina pa tayo nagpo-programa, ako, puroibalik ang tokhang.

Lahat po sila puroibalik ang tokhang. Baka puwede n’yo pong… pag Cabinet meeting po ninyo next week, paki sabi po kay Presidente nahinihingi na po ng mga supporters niya na ibalik ang tokhang, Sec?

SEC. ANDANAR:                            Alam mo naman  partner, na iyong polisiya ng ating mahal na Pangulo  ay  talaga iyon ang tama talaga right from the very beginning at iyon nga sa sobrangingay lang talaga ng mga human rights, sa sobrangingay ng mga opposition kaya pinagbigyan sila.

Siguro ang hamonko sa kanila sagutin nila kung ano ang nangyayari. Ano ba iyong responsibilidad, sila ang may gusto nito eh. So siguro sila naman ngayon ang sumagotdoon sa 80% kung ano ang solusyon nila dito. Dahil nga nakikita natin parang tumataasna naman iyong mga drug-related crimes.

ERWIN:                                              Sir, Panghuli na lamang alam ko busy ko. On a lighter side. Si  Secretary Christopher Bong Go, alam niya ba na meron na siyangbagong app ngayon na ginagamit ng mga kababayan natin, ginagamit ni Sally, ginagamit ni Jericho iyong kanyangselfie. Bagong app ito, Sec, alam mo ba?

SEC. ANDANAR:                            Opo. Actually—

ERWIN:                                              Ano po ang reaction ni Secretary Go, hindi ba siya nagagalit at ginagamit-gamit ng tao na walang paalam iyong kaniyang mukha at ginagawa siyang background?

SEC. ANDANAR:                            Hindi, tumatawag lang siya eh. Sinabihan nga niya ako, ilagay mo rin iyong picture ko sa profile mo.[laughs]Game lang naman si Special Assistant to the President eh. Pero again—ang sinabi lang naman ni Special Assistant to the President Bong Go na siya ay isang ordinaryong tao lamang at sa kanya at natural lamang na magpa-picture sa mga sikat na mga heads of state, heads of government, dahil sila ay hinahangaan niya and of course it’s once  in a lifetime  opportunity.

ERWIN:                                              With that, kami po ay nagpapasalamat, Secretary Martin Andanar, despite your busy schedule, eh you still have time for us. Maraming salamat Secretary. Magandang hapon, mabuhay po kayo.

SEC. ANDANAR:                            Maraming salamat, partner. Pasensiya na on the past few days kasi talagang sinamahan natin si Presidente sa lahat ng meeting niya, hindi ako makasagot sa telepono.

ERWIN:                                              Okay lang. Sec. May mga nauulinigan akong tsismis. Mukhang inimbita yata si Presidente sa Estados Unidos, pupunta ba ang Pangulo?

SEC. ANDANAR:                            Hindi ko alam na may ano, hindi ako privy sa imbitasyon.

ERWIN:                                              Ganun ba, mas matindi pala iyong source ko. Iyong source ko kais tagawalis doon sa paligid ng kuwarto ni Pangulo, sir.

SEC. ANDANAR:                            Hintayin natin.

##

source: PCOO-NIB (News Information Bureau)

Resource