Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Erwin Tulfo (Erwin Tulfo Live – Radyo Pilipinas)

SEC. ANDANAR:                            Hello, good afternoon.

TULFO:                                               Oo sir, eh si Erwin Tulfo ito, live sa Erwin Tulfo Live, kasama ko iyong aking co-anchor eh temporarily, si dating Senador Bongbong Marcos. ‘Ala akong co-anchor sir eh… Good afternoon Sec. Martin, you are my first victim as ano (laughs) nakuha ko.

SEC. ANDANAR:                            Good afternoon po, Senator.TULFO:                                               Sir, pinag-uusapan namin Sec. iyong tungkol sa pabahay, iyong—the difference between iyong ginagawa ngayon ng mga Koreans na temporary shelter para sa mga tiga-Marawi versus doon sa temporary shelter nang panahon ni PNoy, which naabutan ninyo ni Senator Marcos sir, eh malayong-malayo raw ho talaga. Itong—as a matter of fact, nakita ko noong isang araw iyong post mo, eh sinilip ninyo yata ito Sec. Martin—

SEC. ANDANAR:                            Oho…

TULFO:                                               —na ito ay may kusina at may banyo noong kausap ho ninyo iyong contractor, Secretary…

SEC. ANDANAR:                            Ah tama po kayo, partner. Actually doon sa Brgy. Sagonsongan sa Marawi City ay nasemento na ho iyong subdivision na kung saan itatayo iyong mga temporary shelters. At tinanong ko po iyong Koreano na contractor doon at ang sabi niya, na it only takes them one day to setup one house, to build one house. It’s a 22-square meter house, mayroong banyo, may kusina and it can sit about 7 family members. So maayos ho, mabilis ho iyong trabaho nila doon and we can assure you that whatever happened in Yolanda will not happen this time sa ating rebuilding po of Marawi.

TULFO:                                               Okay. Sir, isa pa hong katanungan bago ho kayo—baka may katanungan din si Senator Bongbong sa inyo, eh nag-o-OJT na ‘to bilang anchorman sir eh. Matanong ko lamang ho sir, magkano po ba initially itong nakalaan na pondo? Kasi alam ko naman ho eh transparent itong gobyerno na ‘to unlike iyong nakaraang gobyerno, ilang daang bilyon ang natanggap, ‘ala pa rin hong alam ang kababayan natin kung magkano nang ginagasta. Dito po sa temporary shelter, magkano raw ilalaan po ng administrasyong Duterte, Sec.?

SEC. ANDANAR:                            Sa pagkakaalam ko po ay iyong budget na inilaan ng DBM for the Bangon Marawi Project, for this year lamang ay nasa 5 billion pesos ho, dapat itong magastos by December. Kasama na ho diyan ang mahigit 1,400 na temporary shelter at nandiyan din po iyong sa project natin sa PTV at Radyo Pilipinas na magtatayo po tayo ng Salaam TV at Salaam Radio, isang satellite office ng PNA, PIA at PCOO dito po sa Marawi, and of course marami pa hong project iyong iba pang sangay ng ating gobyerno na kasama po sa Bangon Marawi Project.

SEN. BONGBONG:                       Okay, Sec Martin… magtatanong lang ako. Nakikita ngayon namin na maganda naman ang inyong ginagawa and iyong inyong project para doon sa pagpatayo ng mga bahay. And mukhang hindi na kailangan ng mga private at saka iyong donor institutions. Marami sa ating mga kababayan ay gustong tumulong pa, iyong mga pangkaraniwan na mamamayan, ay ano pa ang magagawa nila, ano pang tulong ang madadala nila sa Marawi na hindi pa sapat na nabibigay ng gobyerno?

SEC. ANDANAR:                            Sa palagay ko po Senator Bongbong, malaki po iyong maitutulong ng capacity-building, kasama po itong…for example, sa amin sa broadcast, tinutulungan po kami ng New Zealand para sa capacity-building ng mga broadcaster doon sa New Zealand. They’re also giving us scholarships for our fellow Maranaoans at… doon po naman sa—kasi mayroon pang mga lugar Senator na iyong mga IDPs ay nandoon pa rin sa mga temporary evacuation centers, iyon pa rin po, tubig, kailangan po ng mga damit, kailangan po ng pagkain, laruan para sa mga bata para ma-entertain; another need would be a satellite to home service, ito po iyong mga Cignal para po makapanood sila ng telebisyon. So iyon po iyong mga kailangan ng ating mga kababayan doon.

But as far as iyong sa temporary shelter, ay hindi naman po humingi ang gobyerno ng tulong mula sa ibang bansa. But of course, kung mayroon pong tutulong, kung kusa po ay tatanggapin po ‘yan ng ating pamahalaan para sa ating mga kababayan.

SEN. BONGBONG:                       Dahil… Sec. Martin, mayroon kaming mga kakilala na nagsasabi kung puwede magtatayo sila ng eskuwelahan, iyong mga nasira… eh sabi namin eh iyong mga nasira mukhang hindi ire-rebuild, ang gagawin yata ililipat ang mga ibang development. Kaya’t sana eh mabigyan natin ng pagkakataon ang ating mga kababayan at mga kaibigan natin na dayuhan na tumulong, hindi lamang sa iyong relief goods pero siguro on the long term, kagaya ng sinasabi ko iyong mga hospital facilities, iyong eskuwelahan, like that.

SEC. ANDANAR:                            Opo, tama po kayo. Iyong ospital, kailangan po iyong eskuwelahan… iyon po talaga iyong mga uunahin kasi ng gobyerno so they can help build with the government. At… if they coordinate with the Task Force Bangon Marawi, ay maituturo namin sa kanila iyong eksaktong location kung saan puwedeng magtayo ng mga—

SEN. BONGBONG:                       Thank you for that information, tatawag talaga kami at may nakaabang na ilang mga project na hindi lang malaman kung saan dadalhin, kaya’t thank you for that information na malaman ng taong-bayan kung saan tatakbo at pupunta para kung saan dadalhin ang tulong nila.

SEC. ANDANAR:                            Sige po Senator, you can ask your staff to coordinate with our office sa PCOO, dahil kami po iyong Chairman ngayon ng information dissemination dito po sa Task Force Bangon Marawi. Salamat po, Senator.

TULFO:                                               Sec., panghuling katanungan na lang before we let you go ano po. Gusto ko lang hingin iyong reaksiyon ninyo, lalo na po ng inyong office sa PCOO. Lumabas po sa untv.web today or yesterday that the CHR daw is probing the military operations in Marawi for possible violation of human rights versus the Maute terror group. Have you read that article, and what is your reaction?

SEC. ANDANAR:                            Well, narinig ko po ‘yan, actually nasulyapan ko iyong balitang ‘yan. Well nasa kanila naman ‘yan as—CHR naman iyon, siguro uunahin nila iyong mga… siguro karapatan ni Omar Maute—

TULFO:                                               Pero, isn’t this ridiculous, Sec.?

SEC. ANDANAR:                            It’s actually—(laughs)…

TULFO:                                               It is ridiculous, ‘di ho ba?

SEC. ANDANAR:                            Well to me, it is really ridiculous. Sa dinami-dami na puwede mong i-check iyong karapatan, why not start with the soldiers ‘di ba, iyong mga pulis na namatay… o iyong mga kakampi ng gobyerno, iyong kakampi ng taong-bayan. Hindi ko maintindihan eh. Siguro may ibang trip po siguro talaga iyong Commission on Human Rights.

SEN. BONGBONG:                       Teka, may kasama bang imbestigasyon sa mga human rights violations na ginawa noong mga lumaban, iyong mga rebelde? Mayroon ba silang gagawin na imbestigasyon doon sa mga namatay na civilian na pinatay ng mga ISIS? May katumbas ba, may—para masabi naman natin eh, iyong kanilang imbestigasyon eh balansiyado.

SEC. ANDANAR:                            Tama po kayo Senator, in fact mayroon po akong nakausap doon na nanay na nagsumbong mismo sa akin. Actually palabas na ako ng warehouse at hinabol talaga niya, magsusumbong talaga siya dahil iyong kaniyang anak ho ay kinse anyos na babae, tapos ito po’y ginahasa ng isa sa mga miyembro ng Maute. Nabuntis ho iyong bata, tapos na—and then she suffered a miscarriage. Pero grabe po talaga iyong epekto sa bata na iyon, hindi ko alam kung bakit wala pa iyong CHR para kausapin iyong bata na iyon.

TULFO:                                               Alright. Secretary Martin Andanar, PCOO. Maraming salamat sir, magandang hapon po.

SEC. ANDANAR:                            Maraming salamat po partner, at Senator Bongbong. Salamat po, mabuhay po kayong dalawa.

###

Resource