Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Edwin Eusebio (DWIZ – DWIZ Connect)

Event Radio Interview

EDWIN:  Si PCOO Secretary Martin Andanar ay makakuwentuhan natin. Secretary, magandang umaga.

SEC. ANDANAR:  Good morning Edwin, at good morning sa lahat ng nakikinig dito po sa inyong programa sa DWIZ.

ERWIN:  Yes, sir. Pero kami’y magkakapal ho sa’yo, medyo kahapon nosebleed ako hanggang kagabi, pinanonood kita sa mga news puro Inglisan kayo doon. Pero, ano ba ang naging kabuuan at masasabi nating gist noong naging imbestigasyon kahapon diyan sa pagharap ninyo, sir?

SEC. ANDANAR:  Alam mo ang imbestigasyon na iyon ay tungkol sa fake or false news. So tayo po ay nakahanda na pumunta doon with our opening statement, para pag-usapan ito sa intelektuwal na paraan, itong fake news – na ang fake news po ay maraming aspeto ‘yan. Hindi lang ‘yan iyong away sa pulitika, kasama rin po iyong mas delikado diyan iyong mga ginagamit noong internet na mga ISIS at ginagamit ng mga kalaban natin para makapaglikha ng mga istorya na… alam mo, delikado sa ating national security.

Pangalawa, iyong news kasi itself… ako’y naniniwala na ang balita ay balita kapag ito’y manggagaling sa isang legitimate news organization. Now ‘pag ito’y galing sa isang blog, ay hindi ito balita, dahil blog iyon, hindi naman news organization iyon.

So we presented our case, mayroong mga paratang na ang PCOO daw ay source ng fake news. So ipinakita natin iyong legitimate facts na iyong PNA, PIA, PTV, Radyo Pilipinas, Presidential Communications at iyong… kung anong ginagawa namin doon, kung papaano natin ini-improve ang government media.

Kaso noong lumabas na… iyong buong ano na iyon… iyong fake news ay hindi pala fake news hearing – Mocha hearing pala iyon.

EDWIN:  Oo nga, nasentro kay Mocha. Bakit ba naging ganoon?

SEC. ANDANAR:  Hindi ko nga alam. Kaya sabi ko nga, na ang PCOO po ay isang departamento na mayroong mga ahensiya sa ilalim – iyong PTV, Radyo Pilipinas, PNA, PIA at Presidential Communications, nandiyan po iyong RTVM, etcetera, etcetera. Ang PCOO is composed of more than a thousand employees around the Philippines working hard para gumanda po iyong komunikasyon ng gobyerno – at hindi po namin gawain ang fake news.

Kaso sinasabi po ng mga kalaban natin, na dahil kay Mocha ay nagiging fake news lahat – which is very unfair for the entire organization. I’m here for the PCOO, I’m not here for a single person. I’m here for more than a thousand employees of PCOO. Kaso alam mo, ang imbestigasyon ay nasentro kay Mocha, which is to us is very unfair.

EDWIN:  Pero pareho naman tayong—sabi ninyo, ikaw ay matagal ka ring galing sa larangan at nagbigay ka rin ng mga balitang galing pinagkukunan natin, naging police reporter ka rin at lahat na halos pinagdaanan mo – investigative at feature writings, at alam natin na papaano pagde-deliver ng balita.

Ngayon sir, hindi ba nagkakaroon ng sabi nga natin ay—hindi naman sa minimenos natin, lahat naman tayo—sabi nga nila, kasi ang kanilang rebuttal.

Lahat naman tayo may karapatang magsalita, pero papaano ba natin madi-distinguish iyong propesyunal? Kamukha natin, ito ang larangan ng trabaho natin, at papaano natin matuturuan iyong ating citizenry na kilalanin iyong totoong balita na pinakinggan nila? Mayroon bang isang partikular na dapat munang, sabi nga’y tandaan ng ating mga mababasa/nakikinig kung itong balitang ito ay, sabihin nating ‘quite credible’?

SEC. ANDANAR:  Puntahan natin iyong mga news organizations na mayroong SEC registration ‘di ba? Iyong mga news organizations na may business permit, iyong mga organizations na talagang legitimate news organizations, doon muna pupuntahan natin. Ngayon… kasi ‘pag legitimate news organization ka at nagkamali ka sa binalita mo, more likely ay talagang maglalagay ka ng erratum.

EDWIN:  Iyon erratum. Iyong mga words na ‘yan na kapag minsan ay hindi na napapansin noong iba, at iyong karamihang kababayan natin hindi alam na tayo minsan—tayo mismo may mga editorial board, bumubuo noong ating news room ‘di ba?

SEC. ANDANAR:  Opo, tama po iyon. So iyon po iyong number one na tip diyan, you only go to legitimate sources of news and these are the news organizations na mayroon pong lisensiya para magbalita, iyon lang po lamang iyong sa akin. Kaya dapat po ay, para sa akin— at maraming nagagalit sa atin na mga bloggers na sabi bakit daw hindi ko inaway iyong mga senador, ba’t hindi ko raw inaway iyong mga media men, mga ganoon… ay hindi ho gawain ng isang PCOO o isang department secretary. Kasi, sapagka’t tayo po ay pinaglalaban natin ay freedom of the press.

Once na inaway ko iyong mga blogger, iyong mga reporter, etcetera… sasabihin nilang lahat na, “Iyong PCOO talaga ay against ‘yan sa freedom of the press, against ‘yan sa freedom of expression.” Iyong sa atin lamang po ay, kailangan ‘pag may argumento tayo ay doon tayo sa tama, iyong talagang argumentong klaro, hindi iyong nagsi-circus tayo.

EDWIN:  Ito sir… iyong isa sa mga pinupunto nila, iyong… should I say, admission mo daw dito naman sa pagkakamali ng Philippine News Agency? Ito ba’y naiayos na natin so far?

SEC. ANDANAR:  The admission there was an admission that it was a mistake, but it was not a malicious mistake. Wala po kaming siniraan doon, wala po kaming ni-libel doon, wala po kaming ini-slander doon, wala po tayong hate speech doon, hate expression – iyon po ay legitimate mistakes. Humingi ng paumanhin ang PNA, at iyong mga nakagawa noon ay nagkaroon na sila ng kanilang mga parusa – ito po iyong suspension.

EDWIN:  Iyon… So again, sabi nga natin ay nagkaroon ng klaripikasyon ano ho? So—

SEC. ANDANAR:  Lahat po ng news organizations nagkakamali, naglalabas ng erratum, errata, tapos ay pinaparusahan iyong nagkamali. Iyon talaga iyong legitimate organization, hindi naman tayo puwedeng kasuhan doon, because we want to uphold certain ethical standards in our field of work dito po sa mass media.

EDWIN:  Lastly sir, ito bang nagiging kalakaran ngayon, kasi sabihin nga natin… may nakausap akong matandang editor, sabi niya “Alam mo, itong newspaper I think is a dying medium,” but somehow ay umaarangkada nga ngayon itong ating modern technology, ang internet. Ito ba’y dapat – sa iyong palagay, iyong your own honest opinion – dapat bang magkaroon ng tinatawag nating panuntunan?

SEC. ANDANAR:  Well alam mo iyong mga diyaryo natin, hindi naman siya namamatay sapagka’t lumilipat na ‘yan online.

EDWIN:  Oo, iyon nga…

SEC. ANDANAR:  ‘Di ba sinabi natin dati mamamatay ang diyaryo noong pumasok iyong radyo; noong pumasok iyong telebisyon, mamamatay iyong radyo… nandiyan pa din naman lahat. It’s just that the technology is changing, and it’s up to the organizations or the company to adapt to these new technologies. For example, DWIZ, mayroon po kayong social media at mayroon din po kayong internet.

EDWIN:  Yes sir, oo… So sabi nga’y dala ‘yan ng panahon. Well—go ahead sir.

SEC. ANDANAR:  Okay na po. Maraming salamat Edwin sa pagkakataong ito, at nais lang ho natin linawin na tayo po ay nandito tayo para ipaglaban ang press freedom, freedom of expression, nandito po tayo para palakasin ang PCOO, ang mga ahensiya po natin.

Tandaan po natin na ang PCOO ay hindi pang-isang tao lang, ito po ay more than one thousand people. And this is an organization that I would really protect, hindi ko po papayagan na kahit sino magsasabi na ganito, ganito ang PCOO o fake news, etcetera. Hindi po, hindi ako papayag na ganoon. Ipaglalaban ko po iyong more than one thousand employees of the PCOO who are working very hard to professionalize this department.

EDWIN:  Siyempre hindi maiiwasan iyon. Pero may mga tumatawag na, ano masasabi mo doon… ang sabi propagandista daw iyong grupo na ‘yan, sir?

SEC. ANDANAR:  Ay hindi ho, hindi ho. Kahit tingnan po nila, nandoon po iyong mga istorya nila ni Senator Bam Aquino, Senator Trillanes, wala pong kaming pinipiling istorya. Objective po ang PCOO. Sabi nga ni Presidente Duterte, kailangan mayroon pong independence pagdating sa editorial ang management ng PTV, Radyo Pilipinas, Philippine News Agency at lahat po ng ating mga kasamahan sa Philippine Information Agency.

EDWIN:  Alright. With that, nararamdaman natin na medyo sabi nga ngayon ay nabigyan ng—muling nai-uplift o naitaas po uli iyong morale ng ating mga kasama sa hanap-buhay. Kasi nga, dahil po sa pagpasok ng mga fake news… Ngayon ‘pag sinabi, “Anong trabaho mo?” “Journalist.” “Saan? May blog ka?” – o ganoon… ganoon ang nagiging ano, parang—sabi ko nga minsan sir, parang nakaka-demote ng isip ano ho. Pero magkagayun pa man, dahil nga sa pinakita ninyo, maraming salamat Secretary Andanar.

SEC. ANDANAR:  Mabuhay po kayo, Edwin. Thank you po.

EDWIN:  Secretary Martin Andanar, Presidential Communications Office Secretary at in-charge din po sa ating mga government mass medium.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

Resource