Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Drew Nacino and Rolly “Lakay” Gonzalo (DWIZ – Balitang Todong Lakas)

Q: Magandang umaga, Secretary.

SEC. ANDANAR: Hello, Lakay, Drew, good morning.

Q: Good morning po sir. Siguro bigyan mo muna kami ng magandang balita. Good news muna tayo, Secretary.

SEC. ANDANAR: Oo. Well, alam natin na pag-uwi ng ating Pangulo mula sa Japan ay magandang-maganda iyong mga nangyari doon. Maraming proyekto ang binanggit ni Prime Minister Abe na kaniyang gustong itulak para umasenso ang ating bansa, tulad ng North to South Railway, kasama po iyong subway dito sa Metro Manila – kauna-unahang subway. In fact, paulit-ulit niya itong binanggit doon sa meeting na magbibigay siyang ng anim na bilyong dolyar para dito sa subway, at magkakaroon ng partial operability. At binanggit niya rin iyong interest ng Japan na mag-invest dito sa liquefied natural gas transshipment dito sa Luzon.

So bukod doon, the Prime Minister also mentioned na committed sila tulungan ang Pilipinas in its fight against drugs and dito po sa mga terorista. In fact, they also committed to help in the move to have a Bangsamoro state dito sa Mindanao. Kaniya ang ating Pangulo ay in high spirit sapagka’t saan ka ba naman, the third largest economy in the world is supporting our country, our President, at ito po ay unprecedented.

Q: Grabe talaga. In two days time eh, sandali lang, talagang sobra-sobra na ang inuwi niyang pasalubong.

SEC. ANDANAR: Oo, sobra-sobra. And of course, alam naman natin na Japan is the closest ally of the United States. Alam din natin na pati si President Donald Trump ay sinusuportahan si Presidente; si President Xi Jinping ng China.

So, you know, you have the top 1, 2, 3 countries around the world who are very supportive of the agenda of President Rodrigo Roa Duterte, kaya nga hindi ka magkakamali; of course, iyong opposition ay maingay. But at the end of the day, we really look at the governments that are supporting our government.

Q: Okay. Well, ngayon pa lang, Secretary, may mga nagtatanong na: Kumusta iyong magiging working relationship with our new Spokesman, Attorney “Hollow Block” Roque? [laughs]

SEC. ANDANAR: Well, alam mo naman ang Presidential Communications Operations Office, ito talaga ay isang support group. Kami ang nagpapatakbo ng RTVM, ng media relations office. Kami ang nagpapatakbo ng Presidential Communications. Lahat ng mga portal kung saan puwedeng dumaan ang balita… press briefing room, lahat—sabi ko kay Harry, lahat ng kailangan mong suporta, nandito lang kami para hindi ka mahihirapan sa pagpasok mo at iyong adjustment period dito sa PCOO. In fact, our President will really make the entry of Harry Roque very smooth, kasi siyempre nandito na kami at we’ve been here for more than 16 months.

Q: Pero binabanggit niya yata, Secretary Martin, parang gusto niyang magkaroon ng sariling staff, ganoon. In fact, may report na gusto niya pang magkaroon ng deputy spokesman, deputy spokesperson, parang ganoon, na guwapo. Sabi ko, aba mayroon pa bang gaguwapo kay Secretary Martin? [Laughs]

SEC. ANDANAR: Hindi kasi si…si Harry kasi, he has his own office. He is also a Secretary, at mayroon itong sariling opisina niya, itong Office of the Presidential Spokesperson at under of the Office of the President. So puwede talaga siyang pumili ng deputy niya at mga tauhan niya.

But needless to say, nandito po ang PCOO para sa kaniya, para mas madali siyang—

Q: Ibig sabihin, mayroon din pala siyang hiwalay na budget, Secretary Martin? Hiwalay ang budget niya?

SEC. ANDANAR: Oo, mayroon siyang hiwalay na opisina, hiwalay na budget. At ang PCOO nga, like what I mentioned earlier, ay talagang nandito, first and foremost, para kay Presidente, sa Spokesperson ni Presidente tapos para sa buong Gabinete.

Q: Sec., so saan pupunta si Secretary Abella?

SEC. ANDANAR: Si Ernie will stay with the administration. Kung saan siya ilagay ni Presidente Duterte, nasa prerogative na iyon ni Presidente. But I’m sure that hindi naman masi-zero si Ernie.

Q: Ano iyon, parang floating status, ganoon?

SEC. ANDANAR: Hindi naman masi-zero si Ernie. He will have a place under the administration.

Q: Opo. Si Attorney Harry Roque isasalang pa sa Commission on Appointments, Secretary?

SEC. ANDANAR: Palagay ko hindi na. Sapagka’t ang alam ko, ang mga spokesperson noong mga nakaraang administration … I don’t know if si—I think Secretary Lacierda did not go through the Commission on Appointments.

Q: But iyong posisyon niya as a congressman, as a representative, automatically bibitawan na niya iyon?

SEC. ANDANAR: Oo, automatic na iyon. At nasa partylist na niya kung sino ang ipapalit nila kay Secretary Roque.

Q: Pero, Sec. Martin, hindi naman malinaw kasi kung ano ba ang dahilan kung bakit pinalitan si Sec. Abella, ‘di ba, Sec. Martin, hindi malinaw?

SEC. ANDANAR: Hindi—Ang ano doon…ang prerogative kasi nasa Pangulo. So siguro mayroong gusto si Presidente na istilo na para sa kaniya so kaya pumili siya ng kapalit ni Ernie Abella. But then again, at the end of the day, ano iyan eh, kung saan kumportable ang Presidente, doon siya. But hindi naman inalis si Ernie as an undersecretary; he is still an Undersecretary. And he will still serve under this administration. So iyon ang mahalaga doon.

At alam mo sa ating gobyerno, the more better people we have, the better ‘di ba?

Q: Okay. May nakita ako sa Facebook, si Spokesman Harry Roque daw ay kasing ingay ni Presidente. Kung nagmumura si Presidente, kailangan niya ng kasing…anong tawag doon? – kasing cadence ng kaniyang bibig.

SEC. ANDANAR: Well, alam mo, hindi mo kasi maipagkakaila na si Harry ay isang abogado, tapos lumaki siya sa isang bahay na … ang nagpalaki sa kaniya ay prosecutor din ‘di ba. So ibig sabihin, naiintindihan niya iyong takbo ng utak ng ating Pangulo, ganoon, as a prosecutor, and as lawyer and somebody who grew up under a prosecutor’s house. Kasi iyong tiyahin kasi ni Harry ang nagpalaki sa kaniya at prosecutor naman.

Q: Ayun. Kaya more or less iyong wavelength ay parehas?

SEC. ANDANAR: Oo, parehas. So naiintindihan niya iyong takbo ng utak ng isang prosecutor.

Q: Okay. Secretary, sa medyo seryosong report ano. Iyong sa West Philippine Sea, ang report ay mukhang tayo ay host sa ilang mga issues pinag-uusapan. Tahimik na gumagawa ang mga Chinese ng mga construction. Aba, ano ba ang report na nakarating sa Malacañang, Sec. Martin?

SEC. ANDANAR: Well, hindi pa ako nakatanggap ng briefing from the National Security Council. So siguro I’ll must defer to Secretary Jun Esperon sa mga isyu na ganiyan.

Q: Pero bubuksan po ba iyan? I-o-open na po iyong isyu na iyan sa ASEAN Summit po, Secretary?

SEC. ANDANAR: Well, ang alam ko po kasi, kapag may ASEAN 31st Summit, iyong lahat ng mga issues na pag-uusapan doon na-discuss na noong mga nakaraan. Iyong 30th at saka iyong 50th ASEAN, dito nangyari sa bansa natin. So it will really depend on the body. Alam naman natin na ang ASEAN is collegial body. And we will see, tutal mga dalawang linggo lang naman ang natitira, magkakaroon na tayo ng 31st ASEAN. We will see.

Q: Speaking of ASEAN pala, Secretary Andanar, mag-start na po na bumiyahe si US President Donald Trump. At siyempre tayo ang pinakahuli niyang stop dito. Kumusta naman po ang preparations natin para po sa ASEAN Summit? At ano pa ang mga karagdagang preparasyon po?

SEC. ANDANAR: Well, dito sa PCOO, in charge kami sa communications. Of course, iyong mga outdoor at saka iyong mga billboards. Lahat ng kaya ng ating budget para mas lalong umingay ang ASEAN ay ginagawa natin. Of course, katuwang nating ahensiya iyong DOT, saka DSWD.

So we are ready as far as communication is concerned. And I’m pretty sure the National Organizing Committee or the NOC is also ready for the ASEAN. Nakadalawa na tayo, iyong 30th at saka iyong 50th, na nangyari noong ilang buwang nakalipas.

Q: Excited din kayo ha?

SEC. ANDANAR: Oo of course, kasi mga world leaders nandito ‘di ba? Nandito si President Donald Trump, si Prime Minister Trudeau, tapos nandito rin iyong Prime Minister ng Australia, New Zealand, Japan, China, Prime Minister ng Russia. Then darating din iyong siyam pang lider ng ASEAN. So this will really be a big event for our country.

Q: Talaga. Kumbaga sa pag-iistima ng mga bisita sa probinsiya ay ilalabas mo iyong mga mamahaling mga kamot, noong araw sa probinsiya.

Q: Ano kaya an specialty na ihahanda diyan sa Malacañang?

SEC. ANDANAR: Well, nasa National Organizing Committee na iyan. Doon sa ASEAN Gala, kung ano ang—hindi ko sure kung saan iyong gala dinner, hindi ko pa nakita iyong invitation. Pero of course, ito’y magiging pagkain para sa mga heads of state—

Q: Lahat sila magku-courtesy call diyan sa Malacañang?

SEC. ANDANAR: Hindi ko ano …I’ll have to check the schedule. Hindi ko masyado … alam ko, mayroong mga bilateral meetings.

Q: Ang tanong ng mga taga-Maynila ay kung sarado rin ba iyong ilang kalsada diyan sa paligid ng Malacañang, doon sa San Miguel ‘di ba?

SEC. ANDANAR: I will have to check the schedule. Wala sa akin iyong schedule kung ano iyong mga …it’s too early for me to tell kung ano iyong mga magbubukas, magsasara. But we will get there. The NOC will release all the information once na malapit na.

Q: Pakainin natin ng balut si President Trump.

SEC. ANDANAR: [Laughs]

Q: Chicharon.

SEC. ANDANAR: Chicharon, balut, crispy pata, adobo, dinuguan. Dinuguan puwede rin.

Q: Secretary, ikaw naman matanong namin. Ikaw naman ay nakaalpas ka na doon sa… alam mo na, iyong isyu sa’yo sa European Union, nakaalpas ka na roon?

SEC. ANDANAR: Well, alam naman natin lahat na it was a comment, said in jest in front of the DDS. It was a private event, hindi naman iyon meant for general public. It was not in front of the EU parliament or the media. It was really just a private event. Amongst Duterte diehard supporters, we were just laughing and joking around.

Q: Basta huwag ka lang balat-sibuyas, alam mo na. Normal na iyan.

SEC. ANDANAR: Oo, hindi naman, hindi naman. In fact, para sa akin ha, it was really just a comment done in a private gathering of like-minded people. So wala namang problema. Ni hindi ko nga alam kung ilang batikos ang natanggap ko eh.

Q: Nag-trending ka na naman.

SEC. ANDANAR: Well, we all have our two minutes of fame.

Q: That goes with your job. Ke perk yan, kaya iyong ang masasabi ko o baliktad, eh okay lang iyon.

SEC. ANDANAR: Oo, it’s part of the job. Ang pinakamahalaga dito is that we get to meet our kababayan, OFWs, mga migrant, and then kahit nasa ibang bansa tayo, iyon ang advantage ng Pinoy eh, kahit nasa ibang bansa ka puwede mong pakinggan ang mga istorya nila. And as part of the communications team, naiintindihan natin iyong mga hinaing nila, and we can readily glorify ang kanilang buhay. At habang nagtatrabaho tayo sa gobyerno, kung mas nararamdaman natin ang kanilang mga hinaing, pinagdaraanan, mas magiging maganda iyong ating pag-iisip at mga decision making natin sapagka’t alam natin ang kanilang pinagdaraanan.

Q: Sec. Martin, pahabol lang. The first time na nagkuwentuhan tayo noong araw ay isa sa mga utos sa’yo ni Presidente Digong ay hanapan ng buyer iyong Channel 13. Ano na pala ang nangyari doon, Sec. Martin?

SEC. ANDANAR: Oo, ano pa rin siya… nandito pa rin siya sa… isang committee, technical committee para maibenta na. So therefore, galing sa GCG ito ngayon ay ibinalik na sa Palasyo para magtayo ng technical committee para makapag-open na ng bidding.

Q: Pero balita ko may mga staff doon sa 13, ano iyon, na-pull out na, ilalagay sa Channel 4 at saka Radyo Pilipinas, tama ba? In-absorb na?

SEC. ANDANAR: Iyong tao?

Q: Oo, iyong mga staff, na absorb ba?

SEC. ANDANAR: Hindi, hindi. Ang alam ko ang mga tao talagang 13 sila tapos kapag nagkaroon na ng deal, lahat ng … ang pangunahin interes diyan ay iyong mga empleyado, na babayaran sila. So that is the deal. Deal ABC pa iyan. Doon sa Deal ABC, mga options na iyon, ang pangunahing interes doon iyong mga empleyado at ang gobyerno – empleyado na mababayaran ang kanilang mga benefits at iyong mga utang sa empleyado, at ang gobyerno para mabayaran din iyong buwis ‘di ba na pagkakautang ng IBC sa BIR at saka Quezon City.

Q: Okay. Sec. Martin, kung mayroong kang oras ay iyong aking imbitasyon sa Miyerkules ha, iyong ating forum baka mayroon kang oras ay saglitin mo kami on Wednesday.

SEC. ANDANAR: Itsek ko, Lakay. Kasi ang alam ko ay mayroong biyahe ang ating Pangulo sa Vietnam sa a-otso para sa APEC. So itsek ko kung tuloy na tuloy na iyon, kung wala, pupunta ako diyan.

Q: Text-text lang, Secretary. Thank you.

SEC. ANDANAR: Salamat, Lakay. Salamat. Thank you. Mabuhay kayong dalawa, Drew. Thank you.

####

Resource