Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Doris Bigornia and Alvin Elchico (DZMM)

ALVIN: Magandang gabi po sa inyo, Secretary.

SEC. ANDANAR: Magandang gabi Alvin. Hello Doris. Good evening.

ALVIN: Kumusta ang buhay?

SEC. ANDANAR: Ito napapaos tayo. [laughs]

ALVIN: Is the President serious about his challenge, “Mag-resign tayong tatlo, ako, si Chief Justice Sereno at Ombudsman Carpio-Morales.”

SEC. ANDANAR: Oo naman. The President is serious in whatever he said, lalo na iyong mga statement na hindi siya gutom sa kapangyarihan at hindi naman niya ninais na maging Pangulo bagkus ay mas gusto na lang niyang magretiro doon sa Davao City. But then again, that statement is really out of the frustration. Kasi nga, nakita naman natin, the Office of the Ombudsman, the Deputy Overall Ombudsman ay masyadong naging biased sa kanyang mga desisyon. So, it’s really normal to hear it from the President. Pero kung tatanungin ninyo lang seryoso, of course he is serious.

ALVIN: Pero hindi ba, Martin, alam naman natin wala namang presidente na iyong one hundred million Filipinos eh talagang meron at meron talagang kokontra talaga diyan. You can never please everyone ano po or all. Hindi ba part iyan, kumbaga dapat meron naman talagang kumokontra, sumasaliwa and that’s part of the job of the President na wag kang mapikon ng words.

DORIS: Hindi ganito na lang. Susugan ko na lang, Sec. Martin, yung tanong ni Alvin. Ang tanong ay bakit apektado, affected. Bakit ba siya ganyan kagigil, ganyan siya nanggagalaiti?

SEC. ANDANAR: Kasi ganito iyon, alam mo iyong isyu na iyan, it’s an old issue na ipinukol ni Senator Trillanes noong nakaraang eleksyon and then nakita naman natin na iyong ipinukol na iyan, etcetera, nag-sign iyong presidente ng waiver. Nangyari na lahat, nanalo pa rin ang Pangulo, tapos nakita naman na iyong mga evidences ay fabricated evidence, kaya nagalit ang Pangulo.

Bakit pinapatulan iyong mga ebidensiya na iyan na wala namang katotohanan ang ebidensiya, iyon ang sinasabi ng Pangulo. In-explain niya na alam mo ang kanyang maybahay na si Honeylet Avanceña ay negosyante. Of course throughout the years pag negosyante ka, magdedeposito ka ng pera sa bangko mo, bukas iwi-withdraw mo dahil magbabayad ka ng payroll, magbabayad ka ng supplier, tapos kikita na naman iyong negosyo mo, magdedeposito ka na naman. Ang ginawa kasi in-add nang i-add iyong mga iyon, hangga’t sa umabot ng isang bilyon. But how—where can you see a business na hindi magde-deposit at hindi magwi-withdraw sa bangko, iyon ang punto ng Pangulo.

ALVIN: Opo. Pero puwede naman pala siyang ipaliwanag. Kumbaga ano po—his approval rating, ang hold ninyo sa power ay pulido. Hindi mo na kailangan partner maging pikon. Hayaan mo sila diyan. Basta ikaw you work, work, work. Hindi ba pupuwedeng ganoon, Secretary?

SEC. ANDANAR: Iyong isang punto pa kasi diyan, Alvin, na mismo ang Director mismo ng AMLC na si Ginoong Dooc…na dating Director Dooc, nagsabi na hindi naman nila pinayagan na mag-release ng ganitong mga impormasyon or iyong bank accounts ni Mayor Duterte. So bakit lumabas ito at sinasabi ngayon ni Ginoong Carandang na pinayagan ng AMLC, eh wala namang—hindi namang pumapayag ang AMLC—

DORIS: Dineny ng AMLC .

SEC. ANDANAR: Dineny naman nila, dineny nila iyong request. So alam mo ano eh…nagiging kuwestyonable tuloy iyong proseso. So, naturalmente, kung ikaw naman ay Pangulo and you are a man of the law eh talagang mabubuwisit ka. Kasi bakit hindi sinusunod ang batas, bakit pinipilit pa rin itong mga fabricated evidence.

ALVIN: Opo, ako naman worry ko lang, (unclear) dahil kunsimidong-kunsimido.

SEC. ANDANAR: Sabi nga ni Presidente, 23 years siyang pulitiko sa Davao City, Mayor, at ni isang isyu ng korapsyon wala namang naipukol sa kanya, wala siyang isyung ganyan. So, you know partners, to him this is really something that he takes clearly, seriously his honor. Sabi nga niya, honor ng Pangulo iyon eh. Sabi niya he is willing to lose the presidency, life…the presidency pero pag ang pinag-uusapan na ay pera na nangulimbat, etcetera ay hindi papayag ang Pangulo na ito po ay mapag-diinan ng kalaban.

DORIS: Pero alam naman po ang Pangulo ay aware na sakali po na ituloy ang kanyang mga pagbabanta at paghamon na pagre-resign—pag siya po ay nag-resign si Leni po ang papalit, okay po ba iyon?

SEC. ANDANAR: Well, kung po ang sinabi ng Pangulo ay pag nag-resign si Chief Justice Sereno at si Ombudsman Carpio-Morales at sabay-sabay sila, eh di ganoon ang mangyayari, si Vice President Leni Robredo ang magiging Pangulo.

ALVIN: He doesn’t have any problem with that?

SEC. ANDANAR: Wala, wala. Sinasabi naman niya dati, wala naman—sabi sa amin pag nag-crash iyong eroplano, pag nangyari ito, etcetera, meron naman akong Vice President eh, iyon ang trabaho niya para pumalit sa akin.

DORIS: Totoo iyan, narinig ko iyan sinabi niya sa mga reporter.

ALVIN: Alam mo may mga taong nag-iisip din, Secretary Martin, na kung wala naman talaga, if there is really nothing against the President, walang mag-i-stick diyan, kasi wala naman talagang katiwalian. Pero anong pinagpuputok ng butsi mo? Ano ang ikakatakot mo if at the end—eh nag-i-imbestiga pa lang naman. Kung wala naman sila makuha diyan na…nothing concrete. What are you afraid of?

SEC. ANDANAR: Ayaw kasi ng Pangulo na naabuso ang kapangyarihan (unclear) gobyerno. Ayaw niya na naabuso ang batas, ayaw niya ng ganoon. Gusto niya kung lahat patas din ang—kumbaga, justice for one, justice for all; all for one. Ayaw niya ng very selective. Ngayon kung pumayag po iyong Pangulo na mangyari iyan, eh parang kinokondena niya na okay lang mangyari iyong mga ganoong klaseng pang-a-abuso sa kapangyarihan.

DORIS: But both women po have expressed that they won’t resign. So papano po kung iyong dalawa po ay nagsabi na hindi naman sa hindi nila tinatanggap iyong hamon na pagre-resign kung hindi nasa Constitution eh, iyong kanilang termino iyong kanilang…at kailangan nilang gawin iyong kanilang mandato. Papano po ang mangyayari, baka lalong manikip ang dibdib niya?

SEC. ANDANAR: Eh di hindi magre-resign ang Pangulo, kung hindi sila magre-resign. [laughs]

DORIS: Hindi siya manggagalaiti na “hindi, tayong tatlo, halika kayong dalawa dito, hali nga kayong dalawa, hali nga kayong dalawa mag-resign na tayo.” Eh wala eh nagbigay na po ng statement iyong dalawa.

SEC. ANDANAR: Well, the President—that’s the point here, he is willing to, you know, put at stake to his life, honor and the presidency. Iyon lang iyon ang kay Pangulo na talagang hindi siya naghahabol ng kapangyarihan, he has prohibited nothing. In fact, mas gugustuhin na lang niyang umuwi ng Davao City at magpahinga.

DORIS: Sec, puwede po ba kayong mautusan? Other matters po ito, other matters. Kasi wala pa kaming nakukuha na statement or kahit anumang paramdam mula doon sa mga tao natin doon sa L.A, ang ating konsulado tungkol po doon sa pamamaril na nangyari doon sa Las Vegas. Sino po kaya ang puwede naming makausap? Marami po kasing mga kamag-anak iyon dito, iyong mga Pinoy natin na nagtatrabaho at residente.

Ang utos ko po kay Secretary Martin ay maki-tsismis po naman kayo, sir. Baka meron pong magsalita mula sa ating mga kinatawan para lang po maibsan ng kahit kaunti iyong takot po nung mga kamag-anak na andito po.

SEC. ANDANAR: Sige po tawagan ko kaagad si Secretary Cayetano.

DORIS: Maraming salamat po.

ALVIN: I doubt kung kaya niyang utusan si Secretary Cayetano. [laughs]

DORIS: Nasa New York pa po ba si Sec. Cayetano?

SEC. ANDANAR: Hindi ko tiyak kung nasa Washington, D.C. Kasi iyong huling post doon sa social media nasa Washington D.C.

DORIS: Malapit-lapit na iyon kung Washington D.C., tama ba?

ALVIN: Kasama si Mocha?

SEC. ANDANAR: Hindi, umuwi na si Mocha. [laughs]

ALVIN: Baka puwede siyang mag-impart kasi ano naman siya, Asec siya eh. Hihingan natin ng impormasyon.

DORIS: Puwede naman, peor mas maganda kung is Secretary Cayetano.

ALVIN: Martin ayaw niya kay Mocha, ayaw magbigay ng—

DORIS: No, I did not say that. I did not. Baka banatan na naman ako ng sandamakmak na mga ano…biro lang. [laughs] Kahit sino po ang opisyal na makakapagsabi o makakapagbigay lang ng assurance sa mga kamag-anak na everything is being done by the government para makuha po ang mga impormasyon tungkol sa kalagayan ng mga Pinoy doon.

Hay grabe, Martin, ako’y parang talagang masakit kasi sa dibdib, lalo na iyong mga may kamag-anak doon, di ba.

SEC. ANDANAR: Parang bagay kayo sa PCO, Doris.

DORIS: Ano daw?

ALVIN: Parang bagay ka daw, baka gusto mo sa PCOO. Gusto mong mag-Usec o gusto mong mag-Secretary?

DORIS: Why not. Ang itsura ko, pang sexytary.

ALVIN: Teka muna bago ka namin pakawalan. Ano iyong on top of the agenda ng meeting ng Pangulo with President Trump? Kinonfirm na ninyo na merong meeting with them.

SEC. ANDANAR: Well, alam mo, isang karangalan po na maging bisita natin si President Donald Trump, lalung-lalo na it really means so much. The Philippine government…isang proof na iyan that the President of the United States—of course, our country, our policy, the fact that he is present here and support the ASEAN.

Pero kung ano ang mapag-uusapan ng Pangulong Trump at Pangulong Duterte ay wala pa sa kamay ko iyong agenda. But we will give it to you as soon as the Department of Foreign Affairs—

ALVIN: But would you know kung 24 hour visit? Ito ba ay isang overnight visit or papaano ba?

SEC. ANDANAR: Wala pa pong impormasyon, alam mo masyadong mahigpit, iyong pagdalaw na nga lang ni Tillerson dito eh ay last minute na natin nalaman kung ano ang gagawin niya eh—

ALVIN: Okay, balitaan mo kami Secretary Martin. Thank you.

DORIS: Maraming salamat po, sir.

ALVIN: I-text mo na lang po kung ano iyong alok mong trabaho kay Bigornia doon. Kawanggawa ito ha, wala itong suweldo. [laughs]

DORIS: Anong kawanggawa.

ALVIN: Hindi kaya ito puwede sa DSWD, kawanggawa din doon eh.

DORIS: Hindi talaga ako puwede doon, kasi mataray ako, baka mapahiya lang ang Pangulo pag nagtaray ako. [laughs]

ALVIN: Sec, thank you. Maraming salamat.

SEC. ANDANAR: Mabuhay ka Alvin, mabuhay ka Doris.

##

 

Resource