Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Dexter Ganibe and Junry Hidalgo (DZMM – Radyo Patrol Balita)

DEXTER GANIBE: Good morning, Sec.

SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Junry. Magandang umaga, Dexter at sa ating mga nakikinig—

JUNRY HIDALGO: Oo mayroon ho bang atas—dagdag atas ang Pangulong Duterte hingil po dito sa pananalasa ng bagyong ‘Urduja’?

SEC. ANDANAR: We continue to observe kung ano po iyong nangyayari at kung ano po iyong epekto nitong bagyong Urduja na medyo bumagal na pero patuloy pa rin itong nagbibigay ng… at least kahit papaano eh ulan—lakas ng ulan dito po sa Luzon. And what we really want to impress in the people is huwag ho kayong mag-alala dahil continuous po naman ang serbisyo ng gobyerno o kung kailangan po ng lahat po ng maibibigay ng DSWD nandiyan po. Ang ating NDRRMC ay nakaantabay din po at nakatutok dito sa ‘Urduja’ lalo na ngayong mga panahon na ito na papasok pa rin po ang kapaskuhan, ayaw po natin na ang ating mga kababayan ay medyo nalalagay po sa alanganin. At ayon din po sa PAGASA mayroon ding papasok na isang cyclone, papasok iyong cyclones ‘Vinta’. This is very unfortunate but don’t worry because the government is on top of the situation.

JUNRY: Sa mga lugar po sa Eastern Visayas ay although medyo bumababa na iyong mga pagbabaha. Kailangan ho ba ng suporta ng military dito at saka may mga ano ho, iyong nahihirapan po na itawid iyong mga relief goods at iba pang tulong sa mga residente?

SEC. ANDANAR: Kung ano po ang mga recommendation ng Regional Disaster Coordinating Council at ang mga Municipal Disaster Coordinating Council, iyon po ay aaksyunan ng ating national government. Kung ano man ang kanilang rekomendasyon ay natural naman iyan, Junry, ipinapadala agad iyan sa Regional Disaster Coordinating Council at ine-elevate sa NDRRMC.

DEXTER: Sir, dahil itong dinaanan ng Bagyong ‘Urduja’ ‘no, mga isla-isla ito.

SEC. ANDANAR: Opo.

DEXTER: Mayroon na ba tayo noong mga sasakyan ng Navy na puwedeng mag-dock kahit walang pantalan? Iyong puwedeng dumaong kahit sa mga dalampasigan lang?

SEC. ANDANAR: Ang alam ko kasi, Dexter ano eh, mayroong mangilan-ngilan pero hindi ko masabi kung ilan lahat sila.

DEXTER: Pero pupuwedeng gamitin iyon ano? Puwedeng i-tap ng DSWD?

SEC. ANDANAR: Of course lahat ng kagamitan ng Armed Forces of the Philippines ay available, readily available and this will be used upon the recommendation of the NDRRMC.

DEXTER: Okay, maiba tayo, Sec. may—

JUNRY: Sec., isa na lang doon sa—tungkol kay ‘Urduja’. Iyong DSWD ba bago nanalasa si Urduja nakapuwesto na sila?

SEC. ANDANAR: Lahat po, lahat po ng mga DSWD centers around the country, rationing centers, iyong ipinaglalagyan ng mga food packs etcetera, sila po ay always ready, may bagyo man o wala, mayroon talagang naka pre-position iyan. So parang ano na iyan eh, standard operating procedure na iyan ng DSWD, second nature na iyan kapag may nangyari—

DEXTER: Iyon parang pre-position na.

JUNRY: Okay, buwelo na tayo sapagka’t narito rin si Secretary—

DEXTER: Oo nandiyan din naman.

JUNRY: Ito pong pahayag ng Pangulong Duterte na all options are on the table. Ito po ay sa issue ng nationwide martial law. Ito ho ba ay—

SEC. ANDANAR: Opo—

JUNRY: –Seryoso talagang binabanggit ng Pangulo na buong Pilipinas ay ma-under na ng martial law. At ano ho iyong maaari ninyong sabihin sa mga kababayan natin para po kahit papaano ay iyong pangamba nila sa martial law ay maibsan po?

SEC. ANDANAR: Actually, Junry parang iyong martial law lang sa Mindanao iyan eh.

JUNRY: Okay.

SEC. ANDANAR: Ngayon tayo sa gobyerno ay we are open to all options, kapag mayroong nangyari, then we will apply. Now, hindi naman natin inaasahan na ganoon kalaki iyong presence ng Maute at ng Daula Islamiya diyan sa Marawi. So once na umatake sila then the President use his prerogative, iyong kapangyarihan nilang magdeklara ng martial law. Now, anything can happen around the country. Hindi naman natin mahuhulaan kung ano ang mangyayari pero, its possible lalo na itong mga elements galing sa Middle East at dito sa Iraq, Mosul, doon sa Alepo na tapos na iyong giyera doon. Eh babalik iyan, uuwi iyan dito sa atin, lalo na iyong mga Filipino na—

JUNRY: Recruit—

SEC. ANDANAR: –Na-recruit doon. Ganoon din naman nangyari noong nagkagiyera sa Afghanistan ‘di ba at sa Pakistan iyong mga sumali doon sa grupo ni Osama bin Laden ay umurong—nagsiuwian din naging Abu Sayyaf ‘di ba? So all options are open in a sense that if anything can happen, it is in the power of the President written in the Constitution na protektahan ang bawat Filipino.

JUNRY: So may pag-asa pa ho ba ang ceasefire at least, at least ceasefire sa CPP-NPA ngayong Christmas season. Huwag na muna natin pag-usapan po iyong tungkol sa peace talks.

SEC. ANDANAR: Every year nagkakaroon tayo ng ceasefire, tigil-putukan tuwing Christmas season. And this Christmas season ang announcement, ang recommendation ng Department of National Defense ay walang tigil-putukan. So kung ano man ang sinabi ni Secretary Lorenzana at dahil nirekomenda kay Presidente, iyon ang susundin natin. So mayroon pa namang ilang araw mula ngayon hanggang Pasko, so we will see kung ano po ang magiging pasya ng ating mahal na Pangulo.

DEXTER: Sir, sa ibang topic naman. Um-oo na ba itong si Efren Peñaflorida doon sa binabanggit ni Pangulo na gusto siyang i-upong PCUP Chairperson?

SEC. ANDANAR: Alam mo kasi, Dexter, pinatawag sila eh iyong mga posible na maging commissioner diyan sa komisyon na iyan, at kasama si Efren Peñaflorida. So hindi ko pa alam kung um-oo na talaga siya. But Efren Peñaflorida is a symbol of a poor person who has risen from his status of being poor. At naging—umasenso at tumulong pa sa mga mahihirap, hindi siya tumigil kaya nga nagiging CNN awardee. So I think he is really a good choice and we hope that he accepts the offer of the President.

DEXTER: Parang iyong kaniyang kahirapan ay hindi naging hadlang para doon sa kanyang—makamit iyong tagumpay which is iyon ang kailangan para doon sa PCUP—

JUNRY: Mukhang bagay kay Efren nga iyong posisyon na iyon.

DEXTER: Oo.

JUNRY: Mukhang bagay sa kaniya.

SEC. ANDANAR: Oh bagay Kasi, talagang mahirap siya doon sa Cavite tapos nai-ahon niya sa kahirapan—I think mayroong isang nag-adopt sa kaniya doon sa parang isang ano eh, parang isang… foster care, nag-adopt sa kaniya tapos naiahon sa kahirapan then nanalo ng CNN heroes award dahil din sa kaniyang ginawang ‘Kariton’ at pagtuturo. Ito kasi iyong kailangan ng mga mahihirap eh, inspirasyon eh, inspirasyon na kayang umahon sa kahirapan na hindi balakid ito sa ating buhay na umasenso. So I think Efren really is a good choice.

JUNRY: Secretary, Disyembre na po. Ano na po ang update sa Marawi Rehabilitation?

SEC. ANDANAR: Tuloy-tuloy po ang Marawi Rehabilitation at next Friday magkakaroon na naman tayo ng isang update. Now ang binanggit po sa atin ni Secretary Del Rosario is matatapos na po iyong mga 200 houses tapos ito po ay ide-deliver na, itu-turn over na sa mga IDPs—

DEXTER: Kaya po iyan, Sec., ngayong taon bago matapos ang December?

SEC. ANDANAR: Iyon ang kaniyang ipinangako sa ating Pangulo na magde-deliver, in fact napag-usapan namin last week na schedule lang ni Presidente ang hinihintay para ma-i-turn over na iyong mga kabahayan na para nga sa ating IDPs (Internally Displaced Persons).

JUNRY: Doon po sa issue ng Dengvaxia vaccines. Kailan po formal na hihilingin ng pamahalaan ang refund po sa Sanofi?

SEC. ANDANAR: Matapos ang lahat ng imbestigasyon, alam natin mayroon sa Senado, mayroon sa Kongreso at mayroon ding sariling imbestigasyon ang Department of Health and ultimo si Secretary Duque ay humihiling ng mga refund, lalong-lalo na doon sa mga naapektuhan talaga. Mayroon kasing mga vials na hindi pa nagagamit ‘di ba so iyong mga hindi nagagamit kailangan ma-refund din iyon at kung—whether ire-refund iyong mga nagamit na o hindi, iyon po ay magiging point of contention ngayon ng Department of Health at ng Sanofi kasi 700 to 800,000 ang na-injection-an na ng Dengvaxia eh. So hindi natin alam kung babayaran ito ng Sanofi sapagka’t mayroon ding sariling argumento ang Sanofi eh, I’m sure.

JUNRY: Ito pong mass vaccination ng DOH, kasunod po ng naging kontrobersiyal na—kontrobersiya diyan sa Dengvaxia. Dapat ho bang katakutan ng mga kababayan natin iyong mass vaccination, bukod po sa dengue? Marami ho kasi iyan eh, polyo, kung ano-ano. Dapat ho bang katakutan iyan?

SEC. ANDANAR: Wala ho. Wala naman hong announcement mula sa kanila ‘di ba at sa iba pang mga bakuna. Ang talagang nakatutok tayo dito sa Dengvaxia na kung saan ang Sanofi mismo ang nag-announce sa publiko sa magiging epekto nito sa mga taong hindi pa nagkakaroon ng dengue. In fact napakadami eh, kahit nasa gobyerno ang daming naturukan ng dengvaxia eh. Ang mahalaga ho talaga dito, Junry at Dexter ay kung sino man ang dapat managot, managot talaga kasi hindi naman biro na 800,000 plus ang naturukan ng ganito. Kahit na if the government meant well, sabihin na natin sa past administration, but there is still must be accountability—

JUNRY: Correct.

SEC. ANDANAR: Hindi naman pupuwede na porke’t ngayon may nagkamali, wala. Eh anong mangyayari? So ibig sabihin in the future kapag mayroong mga maling nangyari na nabiling mga bakuna o ano mang bakuna para sa dengue ho at sa ibang sakit tapos mali pala iyong bakuna tapos walang mananagot? Hindi puwedeng ganoon! Ano ito, pang guinea pig ba tayong mga Filipino, hindi naman tayo guinea pig ‘di ba?

DEXTER: Alright sinabi mo pa. Pero sir, on a lighter side, napanood mo ba iyong ano—iyong clip noong isang ano—video clip ng isang version noong Simpsons cartoon—

JUNRY: The Simpsons oo, paborito ko ito eh Simpsons.

DEXTER: Oo—

SEC. ANDANAR: Opo nakita ko iyong—

DEXTER: Iyong frame [laughs].

JUNRY: Iyong picture frame.

SEC. ANDANAR: Iyong mga picture. Oo iyong mga picture po—iyong mga Simpsons—eh noong kabataan ko ay pinapanood ko iyan eh iyong Simpsons tapos—

JUNRY: Eh bata pa rin naman tayo. [laughs].

DEXTER: [laughs]. Any ano sir—any—

JUNRY: Any reaction po para po doon sa mga hindi na medyo nakasubaybay dito? Mayroon kasing ano—may isang news item. Eh ‘di may picture ano ho. Si Simpsons si Homer—ay hindi si Homer I mean. Iyong Simpsons na cartoon—

DEXTER: Na cartoons oo.

JUNRY: Ngayon si US President Donald—

DEXTER: Trump—

JUNRY: Trump, nakaupo. Doon sa pagkakaupo niyang iyon sa likod niya—

DEXTER: May—

JUNRY: Sa parting kanan yata niya iyon may picture frame—

DEXTER: May picture frame na—

JUNRY: Doon sa gitna ng picture frame nandoon ang Pangulong Duterte at—

DEXTER: Si Trump—

JUNRY: May pormang parang nahihirapang abutin iyong kamay ni—

DEXTER: Parang iyong opening noong ASEAN noong nagha-handshake—

JUNRY: Doon sa ASEAN Summit magkahawak sila. Oo. Ano ho bang—

SEC. ANDANAR: Hand shake-handshake?

DEXTER: Oo iyong handshake noong ASEAN—

JUNRY: Hand shake-hand shake oo. Ano ho bang reaksiyon ninyo roon, on the lighter side tayo, Secretary?

SEC. ANDANAR: Alam mo, Junry at Dexter, iyong unang reaksiyon ko talaga noong nakita ko iyon, hindi ko napanood eh pero nakita ko iyong picture.

JUNRY: Yeah, oo.

SEC. ANDANAR: Sabi ko, ganito ang naging epekto ng hosting ng Pilipinas ng ASEAN.

JUNRY: Tumatak ano?

SEC. ANDANAR: So that—oo—iyong litrato na iyan naging iconic picture iyan ng mga world leaders, kasama iyong ASEAN leaders noong ASEAN at ito nakatatak na talaga sa tao. And the fact that, isang cartoon artist ng Simpsons na hindi ko alam kung saan nakabase iyan, kung nasa California ba iyan o sa Amerika o sa New York, hindi ko alam kung saan doon pero the fact na—nagkaroon siya ng creative idea na i-drawing iyon ibig sabihin tumatak talaga iyong ASEAN. At ganoon ka-successful iyong ASEAN, hindi lang sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo kasi pati mga Amerikano pala pinapanood nila iyong handshake ng ating Pangulo at ang handshake na kasama niya si President Donald Trump. Alam mo mayroon naman katabi si President Donald Trump, hindi lang naman si Presidente Duterte eh ‘di ba?

JUNRY: Oo.

SEC. ANDANAR: Kung iyong sa kaliwa ni President Donald Trump si Duterte may katabi siya sa kanan eh ‘di ba?

JUNRY: Oho tama ho.

SEC. ANDANAR: The fact na si President Duterte iyong sinama eh ibig sabihin ibang klase ang dating ni Presidente Duterte sa artist na iyon na lumikha ng larawan na iyon. So of course, we are happy na ginawa iyon nila dahil nagpapakita lamang na naging successful tayo sa hosting ng ASEAN.

JUNRY: Iyon, oo.

DEXTER: Sir sa Tuesday na tuloy ano iyong signing sa 2018 budget at saka iyong TRAIN Bill?

JUNRY: Magkasunod ba?

SEC. ANDANAR: Opo iyong symbolic signing po, opo ng budget. That’s will be Tuesday next week. Opo, alas dos.

DEXTER: Ng hapon?

SEC. ANDANAR: Opo.

JUNRY: Iyon, maraming salamat po ha—

DEXTER: Thank you, Sec.

JUNRY: Secretary Martin Andanar ha.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Dexter at Junry. Mabuhay kayong dalawa. Mabuhay po ang DZMM. Thank you po.

JUNRY: Happy Sunday po.

###

 

Resource