Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Dexter Ganibe and Junry Hidalgo – Radyo Patrol Balita, DZMM

DEXTER: Sandali, tayo’y makikibalita muna kay Secretary Martin Andanar, Presidential Communications Operations Office. Good morning po sa inyo Secretary Martin Andanar, Junry Hidalgo po and Dexter Ganibe…

SEC. ANDANAR: Hi Junry at Dexter, magandang umaga at sa lahat ng nakikinig sa inyong programa dito po sa DZMM. Manigong Bagong Taon po.

DEXTER: Maayong Buntag, Secretary.

JUNRY: Oh, Happy New Year po Secretary. Oh first question po, kayo ba’y handa na sa paputok mamaya? (laughs)

SEC. ANDANAR: (Laughs) Ah ano po… ito nga iyong pinaka-ideal ngayon eh, dahil ang mga local government units ay mayroon silang mga kaniya-kaniyang designated area para sa kanilang fireworks display. So nakakasiguro tayo na bababa talaga iyong mga incident na disgrasya due to fireworks related accident.

JUNRY: Medyo seryoso po muna tayo, Secretary ‘no ha. Mayroon na namang isang namumuong sama ng panahon at ang sinasabi ng mga weather forecaster natin at ganoon din ang NDRRMC ay tatahakin na naman iyong mga lugar na tinahak ni Urduja at Vinta. This time po ano po iyong hakbang na ginagawa ng pamahalaan para po maiwasan na iyong trahedya at marami hong namamatay, Secretary?

SEC. ANDANAR: Ang pinakamahalaga ho talaga dito, Junry ay makipag-cooperate ang ating mga kababayan doon sa mga lugar na tatamaan nitong bagyong Agaton, kung hindi ako nagkakamali Agaton ‘di ba, ang pangalan? At iyong mga lugar ng Visayas, Mindanao na babalikan nitong bagyo na ito or pupuntahan, dadaanan ng bagyong ito ay hindi po ito biro dahil of course nakadalawang strike na eh. So third strike ito, kawawa naman iyong mga kababayan natin. So but the best thing for us is to really cooperate with authorities, cooperate with the NDRRMC, cooperate to the municipal and barangay disaster coordinating council units para po maiwasan po natin na madagdagan pa ng disgrasya ang ating mga lugar, ng ating mga kababayan diyan.

DEXTER: Ang kainaman lamang dito, Secretary eh mukhang pagne-new year-in naman iyong mga ano muna, na iyong mga kababayan natin diyan na nasalanta dahil mukhang sa mga susunod pa na araw maaring mag-landfall kung ma-develop nga itong maging bagyo.

SEC. ANDANAR: Opo at ang mahalaga ho dito ay marami ho sa mga kababayan natin doon din ay nasa evacuation centers na. So ang masaklap lang ay kung of course kahit nasa evacuation center ka at kung humupa na iyong baha doon sa lugar mo at babalik ka na naman ng baha matapos maglinis na naman kayo. So ito ho talaga ay kumbaga strike 3 ay masama ho talaga ito at ipanalangin po natin ang ating mga kababayan doon sa mga lugar na posibleng daanan nitong bagyong Agaton.

DEXTER: Secretary binabanggit ni Pangulong Duterte noong nakaraang araw noong bumisita siya diyan sa Cagayan De Oro at saka Lanao Del Norte, ang sabi niya pagkatapos na pagkatapos ng pagsalubong ng bagong taon eh magpapatawag siya ng Cabinet meeting para doon sa mga hakbang na dapat gawin doon sa ating mga kababayan diyan sa Mindanao—

JUNRY: Dapat may baguhin—

DEXTER: May ano na ba—may schedule na tayo for this week?

SEC. ANDANAR: Well mayroon po tayong Cabinet meeting ngayong darating na first week of January, this will be—sorry. First ano—second week pala.

DEXTER: Thursday or—

SEC. ANDANAR: This is going to be January 8.

DEXTER: 8?

SEC. ANDANAR: January 8 po iyong first Cabinet meeting at doon po naka-schedule, lahat pag-usapan, siguro iyong mga hakbang na ginawa po ng ating NDRRMC at ng ating Bureau of Fire Protection dito po sa Davao, sa NCCC Mall. At of course iyong mga dinaanan po ng bagyo dito po sa Visayas at sa Mindanao, sa amin din po sa Cagayan De Oro eh grabe ho ang pinsala. Iyong barangay namin eh ganoon din po na nalubog din po sa baha.

DEXTER: So baka, Secretary dahil January 8 na eh, bisperas na rin ito noong isasagawang traslasyon ng itim na Nazareno baka maaring maisabay na rin?

JUNRY: Pag-usapan na?

DEXTER: Oo maisama na sa tatalakayin? Kasi ‘di ba kung naalala mo Secretary last year nagpatupad ng ano—iyong tawag doon sa pagpatay ng mga signal, kahit diyan sa Malacañang naapektuhan tayo diyan—

JUNRY: Signal jammer—

DEXTER: Oo signal jammer oo. May mga ganoong balak din po ba this year?

SEC. ANDANAR: Well kasi kung tapos na iyong sa traslasyon ay hindi na kailangan magkaroon ng—iyong cell phone signal—anong tawag doon?

DEXTER: Jammer, oo.

SEC. ANDANAR: Oo, pag-jam ng cellphone signal. At of course mas madali na ring makipag-coordinate sa media, I think that was the problem during that time ‘no. Nahirapan tayong ipadala ang balita sa media, kung ano ang nangyayari sa loob ng Cabinet. So it won’t happen this time.

JUNRY: Balikan ko lang, Secretary doon sa Cabinet meeting na naka-kasa this week na ba ito o sa—

DEXTER: January 8, first mon—second Monday of the January—

JUNRY: Second week ng January. Iyong mga protocol po ng NDRRMC at iyong paglilikas po ay babalikan po iyan, dapat ho ma-improve. Iyan ho ba iyong binabanggit ninyo?

SEC. ANDANAR: Well of course magkakaroon ng updates kung ano iyong mga hakbang na ginawa na ng ating pamahalaan sa Biliran at sa—dito po sa may Misamis Oriental at Lanao at dito rin po sa Davao na ano naman iyan, that is standard operating procedure. Nag-a-update po si General Jalad ‘no, so marami hong pag-uusapan isa na ho ay iyong sa PCOO, we will be giving a thorough report update sa Presidential Communications Operations Office iyong mga gagawin po natin sa mga susunod na taon. Marami pong malalaking bprojects po ang Presidential Communications Operations Office of 2018.

JUNRY: Kaya ko po nabanggit iyon sapagka’t hindi na po ma—iyong mga issue bang lumilitaw kapag dumaan iyong bagyo sa isang lugar sasabihin noong mga—may mga naririnig tayo diyan na ano, hindi lumilikas iyong mga residente, alam nila parati iyong bagyo. Mga ganoon, Secretary!

DEXTER: Iyong mga binabanggit, Partner na, ‘Hindi, hindi pa naman namin naranasan iyong ganiyan. Ngayon lang namin ito naranasan actually eh’

JUNRY: Eventually, halimbawa, ‘hindi naman kami dinadaanan ng bagyo’

DEXTER: Oo mga ganoon.

JUNRY: Ibig sabihin eh Secretary kailangan—this time kailangan na ba na talagang puwersahan na paglilikas sapagka’t para maiwasan po iyong ano eh iyong mga casualty sa mga trahedya na iyan.

SEC. ANDANAR: Opo, alam ko iyong sinasabi ninyo at iyong sa Yolanda ganoon din ang nangyari ‘di ba? Hindi raw nangyari sa kanila, hindi pa nangyari and yet ito nga dumating na iyong storm surge. Malaki ho talaga ang responsibilidad ng local government unit ng barangay at ng munisipyo sapagka’t sila ho talaga iyong mayroong—mayroon ho silang impluwensiya doon sa mga kababayan natin, sa mga tao doon sa barangay. Ang alam ko ay this is really also our civic responsibility. Bawat Filipino kung nasaan man tayo, kung tayo po ay tatamaan ng bagyo na to ensure na safe po ang—hindi lang ho tayo, pamilya natin maging iyong mga kapitbahay ho natin. So it is really a must at alam ko sa mga maraming mga bagyong dumaan na at talagang sapilitan po lalo na dito sa may Bicol area. Naalala ko si Governor Salceda noon ‘no talagang sapilitan nilang ini-evacuate. Oo kung naalala ninyo iyong mga ilang bagyo na iyong dumaan sa kanila eh talagang sapilitan nilang… hinuhuli nila eh, talagang dinadala nila to a safer ground.

JUNRY: Kasi talagang hindi maiwasan na may mga kababayan tayong matitigas ang ulo. Sorry ha pero para sa kanila din ito eh. Alam mo iyong—kapag matigas kasi iyong ulo mo, sinabi ng gobyerno sa iyo delikado ka diyan lugar na iyan, dapat lumikas kana.

DEXTER: At saka, Secretary. Oo go ahead.

SEC. ANDANAR: Ang masaklap kasi dito, Dexter at Junry ‘no—talagang hindi natin masisisi iyong mga kababayan natin ang kadalasan alam kong mga reporter tayo. Ang sinasabi nila baka manakawan kami—

JUNRY: Iyan oo.

SEC. ANDANAR: Iyon ang pagsagot ng mga kababayan natin lalo na sa mga mahihirap na lugar talagang pinaghirapan nila iyong kanilang ipinundar na refrigerator, TV, etcetera. Pero alam ninyo ho at the end of the day ang pinakamahalaga ho ay buhay natin.

DEXTER: Iyong experience ng ano eh—iyong Albay isang magandang halimbawa. Kasi kapag sinabi halimbawa doon sa isang barangay, magsilikas kayo diyan, alam na nila kung saang classroom sila pupunta, anong paaralan, iyong mga alaga nilang mga kalabaw, mga baka, mayroon ding paglalagyan na isang lugar na doon lang na hindi na nila kailangang balikan pa doon sa kanilang mga bahay na nasa danger zone.

JUNRY: Oo magandang example nga iyan.

DEXTER: Oo magandang example iyong sa—iyong experience po ng Albay kasi hindi na kailangan pang—halimbawa iyong isang pamilya, ‘Saan ba ako pupunta? Anong evacuation center? Saan ba ako didiretso?’

JUNRY: Alam na nila ang pupuntahan nila—

DEXTER: Oo alam na nila kung ito classroom 1B iyan iyong mga pamilya na ito galing sa isang hilera na ito doon sila lahat. So tuwing may kalamidad ‘pag sinabing magsilikas, diretso na sila doon.

SEC. ANDANAR: Oo automatic, maganda kasi iyong ano sa Albay, maganda iyong kanilang local government, very organized. Alam mo tama ka, Dexter eh. Sa mga lugar ho na talagang organized iyong barangay, organized ho iyong munisipyo eh talagang mayroon na silang automatic na mapupuntahan, malilikasan na lugar. Sa amin, sa Barangay Tibasak, dito sa Cagayan De Oro City eh sa awa ng Diyos ay oo nga tumaas nga iyong tubig, talagang hanggang bubong ng bahay pero hindi ho tulad dati na napakadami pong namatay doon sa lugar namin, ngayon ay naiwasan na dahil sumunod iyong tao.

DEXTER: Correct. Oo kahit binaha man ng matindi, hindi katulad noong Sendong na ‘di ba, talagang nagkabulagaan.

JUNRY: Oo. Secretary, kambiyo lang ako ng issue ha… tutal naman eh Christmas season pa rin at pinag-uusapan iyong mga Christmas party. Eh sigurado naman nakarating na sa kaalaman ng Pangulong Duterte iyong magarbong Christmas party sa PCSO ano po?

SEC. ANDANAR: Opo. Ito ay pag-uusapan, at hihintayin natin ang pasya ng ating Pangulo. Of course ito po’y… hindi naman puwedeng hindi imbestigahan, talagang iimbestigahan po ito at alamin po natin sa Office of the Executive Secretary ngayong darating na linggo kung ano po ang kanilang pasya.

JUNRY: Hmm. Tinanggap na ho ba ng Pangulo iyong resignation ni Vice Mayor Pulong Duterte?

SEC. ANDANAR: Ah, wala pa ho akong impormasyon tungkol diyan sa resignation ni Vice Mayor Pulong Duterte.

JUNRY: Oo, oo… Ngayon pong 2018, ano po ang inaasahan ng sambayanang Pilipino sa pamahalaang Duterte po?

SEC. ANDANAR: Naku, ay talagang ano eh… talagang—well, siguro unang-una Junry, tayo po’y nagagalak dahil natapos po iyong taon na ito na mataas po ang pag-asa – at punong-puno ng pag-asa ang ating mga kababayan, more than 96% naniniwala na they have more—they have a brighter future by 2018. At iyong ating GDP ay nasa 6.8, mataas po iyong grado sa atin ng Fitch Rating, at ganoon din po iyong bagong survey na hindi na po nilalabas… ay nagsasabi na 86% ng mga kababayan natin nagsasabi na ang ating bansa ay nasa tamang direksiyon; at 70% ang nagsasabi na si Pangulong Rodrigo Duterte raw ay talaga namang gumagawa ng magandang trabaho. He’s actually doing a better job than the past administration.

JUNRY: Opo. Pahabol na lamang, Secretary. Bukas po ay January 1, at alinsunod sa TRAIN Law ay may mga pagtaas na, may paggalaw na sa presyo ng mga oil products. Ano ho ang masasabi ninyo rito? Ito’y isang batas na, at baka nalilimutan ng mga kababayan natin na ‘pag bukas, ‘pag papakarga nila, iyong diesel eh 2.50 kaagad iyong pagtaas.

SEC. ANDANAR: Well, kailangan… ngayon pa lang magpakarga na kayo. Siguro iyon ang pinaka-practical na gawin, ‘di ba? Ngayong tataas ang presyo ng diesoline ay magpagkarga na tayo. Ito ho talaga ay… kabahagi ho ito ng pagpirma ng TRAIN Law. At the same time, maaasahan ninyo na pagdating po ng bayaran ng buwis ay more than—well, 99% ng ating mga trabahador ay magbabayad ho ng mas maliit na buwis, at more than 80% ay hindi na ho magbabayad ng income tax.

DEXTER: ‘Ayon… Iyon naman kainaman doon.

JUNRY: Oo. Maraming salamat po. Happy New Year po, Secretary Martin Andanar ha.

SEC. ANDANAR: Junry, maraming salamat; Dexter maraming salamat, at mabuhay po ang DZMM. Salamat po at patuloy po ang inyong walang sawang pag-cover, at pagbigay ng isang objective reporting po tungkol sa ating gobyerno para mabigyan ho ng tamang impormasyon ang ating mga kababayan. Salamat po, mabuhay po kayo.

DEXTER: Salamat. Happy New Year.

JUNRY: Mga kapamilya, si Secretary Martin Andanar, Presidential Communications Operations Office.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)

Resource