Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Cheryl Cosim and Meanne Los Baños, Punto Asintado – Aksyon TV

(Recording starts)

SEC. ANDANAR: …Spokesperson Ernie at ang kanyang mga kasamahan, sina General Padilla.

MEANNE: Okay, Secretary Andanar, segue na kami doon sa aming tanong talaga dahil walang kamatayan itong sinasabing pagpirma o panawagang pumirma si Pangulong Duterte. Mayroon signature campaign iyong Tindig Pilipinas, ano ang dating sa inyo, sir?

SEC. ANDANAR: Well, ganito lang naman iyan, Meanne at Cheryl, may mga papirma-pirma and patindig-tindig, alam ninyo, alam ninyo May 2016 16 million ang nakatindig na Filipino, ang tumayo at ibinoto si Pangulong Duterte; ngayon 80 million na ang nakatindig, nakatindog sa Bisaya. 80 million ang nakatindog.

Sila – ang mga kalaban sa kabilang partido, sa oposisyon – anim na taon silang naka-upo anong ginawa nila sa ating bayan? Kasi kung talagang nakatindig sila dati pa o di dapat sila yung naka puwesto ngayon. Eh hindi sila nakapuwesto ngayon, dahil naka-upo nga sila, naka-nganga ng anim na taon, iyon ang ginawa nila. So ‘wag silang patindig-tindig dahil matagal na ang buong Filipino – 80 million Filipinos – na nakatayo, nakatindig, naka tindog, kasi nabuwisit sa kanilang pamamalakad sa bayan natin.

Ang ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte lahat ng reporma na kaya niyang gawin sa loob ng…for now, 15 months, ay ginawa niya, napakabilis – libreng SUC (state universities and colleges); libreng edukasyon; iyong mga pinirmahan niyang mga batas na hindi naman popular sa ating mga kababayan tulad nung ‘no fireworks… (line cut)

CHERYL: Ay naputol. Balikan natin ha. Kontakin natin agad si Secretary Martin Andanar.

SEC. ANDANAR: Yun yon. Kaya sinasabi ko nga na matagal na pong nakatindig 80 million at sila lahat ay natayo, nakatindog. Kayo diyan na naka-upo, ay hindi kayo nakatayo, kukuyakuyakoy lang kayo at ilang taon niyong… ilang taon kayong namuno sa bansa natin—kasi kung ginawa ninyo iyong trabaho ninyo ng maayos for the last six years, dapat kayo ang nanalo. Eh natalo kayo eh .

All we have to do here, ladies and gentlemen, is support our President who has the mandate of the Filipinos to serve for six years; at ang natitira ngayon is halos four years plus a few months na lang. Antayin ninyo na lang na kami ay mag trabaho.

Mayroon pa kayong papirma-pirma, ang tanong ko: Napapirma ninyo ba si Pangulong Noynoy Aquino noon noong siya sinabihan mag waiver ng bank account? Hindi ninyo naman pinapirma eh; anong tawag diyan? Ngayon sisigaw kayo pipirma-pirma, ang tawag ko diyan ‘double standard.’ So kung ako sa inyo, magtrabaho na lang kayo, tulungan ninyo ang ating Pangulo na pa-asensuhin itong bayan natin. Sapagkat alam ninyo naman—I know that in your hearts of heart, I know that alam ninyo ang nangyayari sa bansa natin at alam ninyo kung gaano kabilis ang reporma na ginagawa ng ating Pangulong Duterte – libreng state universities ang colleges; ngayon pag pupunta ka ng ospital at dineny ng ospital, kakasuhan iyong tao; o itong nangyayari ngayon sa Basilan—aah, sa ano pala sa Marawi na mayroon tayong isang giyera laban sa mga terorista, laban sa mga Maute.

Anong ginawa ninyo during your…during the last six years nung inyong panahon, anong ginawa ninyo? Wala naman kayong ginawa, kaya nga nagkakaganito ang daming problema eh, kaya dumami iyong droga dahil sa inaction na ginawa ninyo. So patindig-tindig kayo, diyos ko, susmaryosep. You tell it to the Marines.

MEANNE: So Sec, just to be clear. Ibig mo bang sabihin kahit makalikom sila ng isang milyon, dalawang milyon na pirma hindi ninyo ho ito lilingunin, itong papirma sinasabi ninyo sir?

SEC. ANDANAR: Ang sinasabi ko, Meanne, meron tayong Konstitusyon that our President should serve six years at itong pag serve ng six years ay para sa taong bayan. At iyong papirma-pirma nila—you know, si Senator Trillanes naman ang nagsabi na meron dalawang milyon, etcetera. Siya ang nagsabi so the burden is with Senator Trillanes to prove iyong kanyang sinasabi na meron ngang ganoong—

Sinabi na nga ng AMLC na…iyong kung ano man iyong lumabas doon sa AMLC… hindi naman iyon pinayagan ng AMLC during that time na ipalabas iyong mga document, therefore illegal iyong documents na iyon; hindi iyon na sanctioned ilabas ng AMLC, i-release ng AMLC and besides ang ating Pangulo po ay pumirma na nung Mayo 2016 ng waiver and that waiver – according to Sal Panelo, to our Chief Legal Counsel – is still effective until today. Puwedeng pang gamitin iyon.

CHERYL: But that was an authorization lang daw, Sec, at hindi talaga iyong detalyado na bank history ng Pangulong Duterte.

SEC. ANDANAR: Let me ask this question to the other party: Noong panahon ba na humingi tayo ng waiver kay Pangulong Noynoy Aquino, ito ba ay hiningi din ng kampo nila? Sagutin muna nila iyon at kung masagot nila iyong tanong na…kailangan nilang sagutin iyong tanong na ‘bakit hindi sila nagsisigaw noon na i-waiver din ng Pangulo o magbigay siya ng waiver para buksan iyong kaniyang account.’ Sagutin muna nila iyon.

MEANNE: Sir, ako magse-segue ako ng kaunti. Doon lang sa mga survey results, Sec, magkaka-iba pero—well, of course, iyong latest iyong Pulse Asia na 80%. Pero what do you make out of it? Kasi iyong SWS, ang layo, doon 16 points lower naman sa kanila.

SEC. ANDANAR: Thank you Meanne for asking that question. Number one, nung lumabas iyong SWS survey, we wholeheartedly accepted it. Sapagkat ang SWS ay gabay po iyan ng administrasyon sa—o kahit anong administrasyon sa kanyang pamamalakad sa gobyerno. So we wholeheartedly accepted the good satisfaction and very good trust rating.

Nung lumabas ang Pulse Asia na 80%, it’s the same. We wholeheartedly accept the results of Pulse Asia and of course we are happier; kasi 80% sino ba naman hindi masaya, ‘di ba. Sa eskuwelahan nga makakuha ka ng 75, okay masaya ka; pero pag nakukuha ka ng otsenta, mas masaya ka, di ba. Ganuon lang naman kasimple iyan.

CHERYL: Yes.

SEC. ANDANAR: Now, it goes without saying that we will seriously look into both surveys, especially we will look into the survey of SWS na kung saan humina tayo dito balanced Luzon, ilang areas diyan; at ilang areas dito sa Visayas, we will come up with a focus group study to zero in the problem or the problems that we have there para ma-solve natin.

A government that is good—a quality government should be responsive to the needs of its population.

CHERYL: Yes. Pero po para mas maintindihan ninyo at mas mapakinggan ninyo po iyong mensahe na gustong ipaabot ng taong bayan ay gusto ninyo ring maintindihan di ba, anong magkaiba doon sa—ano ang pinagkaiba nitong dalawang survey na ito, gusto ninyo ring maintindihan ‘bakit di bumagsak, pero ba’t dito tumaas.’ Naging palaisipan din po siguro para sa inyo iyon na – for the first time I think – ganito kalaki iyong diperensiya ng resulta ng dalawang survey, sir.

SEC. ANDANAR: Tama ka, Cheryl. In fact, noong nagkaroon kami ng meeting last week with the Executive Secretary, ay pinag-aralan po namin iyong lumabas sa survey ng SWS. And then iyong lumabas na latest survey ng SWS tungkol doon sa sinasabi ng taong bayan kung ano ang kanilang pakiramdam ngayon sa kanilang barangay, if they feel safer na…o they feel mag—wala ng drug elements sa kanilang lugar, which the President also support their—I think 70 plus ang nagsabi na they feel that mas kaunti na lang ang droga sa kanilang barangay. Pero wala pa iyong bagong Pulse Asia na survey during that time.

So we will also ask our colleagues to study the results of Pulse Asia. But we are very thankful to our ano…to the followers of the President and to those who also ano…the respondents of Pulse Asia and the respondents of SWS for giving our President overwhelming support.

MEANNE: Sir, sinasabi ninyo nga inaaral ninyo and you are being sensitive doon sa kung ano ang resulta ng survey. Iyong pong pagpapalit ng noong sa drug war na PDEA na iyong lead agency, iyan ho ay tugon ninyo ba doon…o tugon ng Pangulo doon sa bumabang numero niya? Kasi talagang ang batikos naman sa inyo ay iyong…not much on the drug war pero iyong pong pang-aabuso po ng ilang kapulisan doon po sa Oplan Tokhang.

SEC. ANDANAR: Tugon iyan ng ating Pangulo sa mga kalaban natin sa pulitika, na madalas siyang kutsain at madalas siyang banatan sa media sa kanyang ginagawa sa drug war. Ngayon, ang sabi nga ng Pangulo doon Malacañang – press briefing launch – na ngayon ipapasa na niya ngayon sa PDEA iyong war on drugs and kapag tumaas muli ang mga drug elements o iyong mga drug-related crime sa mga barangay, sabi niya, do not look at him. Do not look at him pag ano kasi kayo naman ang gusto na ayaw na sa pulis, ayaw ninyo naman…gusto ninyo na itigil ito, ipapasa ko ito sa PDEA. Kung kaya ng PDEA, well and good. Kapag hindi kaya ng PDEA at tumaas iyong drug-related crime incidents mga probinsiya, mga barangay, sa mga purok huwag ninyong tignan ang Presidente. Lalo na iyong mga oposisyon na kumukutya dito, nagki-criticize dito, just look at yourselves in the mirror.

MEANNE: May isa pa ako. Sir, babalik ako konti doon sa Tindig Pilipinas noong Saturday may panawagan sila dating DSWD Secretary Dinky Soliman na tigilan na daw ng administrasyon iyong panggigipit sa mga babae, dahil ‘di ba iyong impeachment case Sereno at saka pending kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

SEC. ANDANAR: Iyong impeachment namang iyon hindi naman sa executive galing iyon. Iyong impeachment galing kay Larry Gadon iyon. Eh si Larry Gadon hindi naman kasama sa gobyerno, si Atty. Larry, so huwag po sana nilang sisihin lahat sa Executive Department, sa ating Pangulo lahat ng ginagawa ng iba pang mga kababayan natin na naniniwala kay Presidente. It is not our fault. Everybody has the right to file a case, everybody has the say why—everybody has the right to speak and to express his or her views.

CHERYL: Well, Secretary, pag daw ho ito nakalikom na sila nga, itong Tindig Pilipinas ng isang milyon o mahigit isang milyon na pirma, ito ho ay ipepresinta na ho diyan sa Malacanang, sa Senado, sa Kamara. Pag ho ito ay isinubmit sa Malacañang, ano ho tingin ninyo ang magiging reaksiyon ng Pangulo o paano ho ito tatanggapin ho ba ito?

SEC. ANDANAR: We will see, abangan natin ang susunod na kabanata, Cheryl.

CHERYL: You’re scheduled to fly to Marawi today ano po?

SEC. ANDANAR: No. I’m already here in—I’m supposed to ano—I was supposed to—well, my scheduled trip by land to Marawi is in a few hours. Opo.

MEANNE: Sir, ito pong transport strike mukhang…paano ba? Dahil walang pasok ngayon eh, but aaralin ninyo muna kung mag-a-announce kayo ulit for tomorrow?

SEC. ANDANAR: Alam mo na iyan Meanne. Basta ang mahalaga dito is we will continue to recognize the right of Filipinos to peaceably assemble at meron ngang mga nagsasabi na…may mga reports daw, daw ha, na allegedly na mayroon daw gusto na mag destabilize ngayong araw na ito, ay sana hindi totoo iyong report na iyon because I can assure you that whatever form of destabilization, na kung meron mang nagpaplano, it will certainly not sit well with the 80% of the population.

CHERYL: Ano daw ho ang detalye ng destabilization na ito?

SEC. ANDANAR: Iyon nga, may nagtanong sa akin na reporter he. So hindi ko rin alam, I have not received any report.

MEANNE: Teka muna, may tao naman sa Malacañang, sir? Nandoon ba si Pangulo? Baka wala na kayong balikan na Palasyo sir. (laughs)

SEC. ANDANAR: (laughs) Wala akong natanggap na report. Sino ba ang nagtanong sa akin na reporter about it?

CHERYL: Okay. Thank you so much for your time Secretary.

MEANNE: Salamat sir.

SEC. ANDANAR: Salamt Cheryl at salamat din Meanne.

# # #

Resource