Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Cheryl Cosim (Aksyon TV)

CHERYL COSIM:                            Good morning po sa inyo, Sec.

SEC. ANDANAR:                            Hello, Cel, kamusta na?

CHERYL:                                             Mabuti. Kayo po? Kamusta po kayo at ang inyong ahensiya?

SEC. ANDANAR:                            Okay naman ako. At mas okay ako na nakita kita ngayon. Lalo kang pumapayat, bumabata. [laughs].

CHERYL:                                             Hindi po iyan ang ating topic. Okay Secretary, kahapon ano iyong pagdating sa budget mukhang hindi naman ho kayo nahirapan ano na depensahan iyong inyong budget at nakalusot at naaprubahan?

SEC. ANDANAR:                            In fact kasi Cheryl, ang ating mga Congressman na miyembro po ng Committee on Appropriations ay naintindihan nila iyong pinagdadaanan ng—

CHERYL:                                             Ng inyong ahensiya—

SEC. ANDANAR:                            Presidential Communications Operations Office dahil isa kami sa pinakamababang budget, pinakamaliit na budget ng departamento sa buong Cabinet. And yet, they are talking about the…when we talk of thespian communications, sabi nga ni Congressman Zubiri na communications is very important, marami tayong mga probinsiya na wala pang PIA, wala tayong PNA, wala tayong PTV, wala tayong Radyo Pilipinas—

CHERYL:                                             Yes.

SEC. ANDANAR:                            So naawa sila kasi sobrang liit ng budget. For example, Philippine News Agency for that matter eh napakaliit po ng budget ng PNA. Ito ho ang pinakapinabayaang ahensiya ng PCOO—

CHERYL:                                             Bakit ninyo po nasabi?

SEC. ANDANAR:                            Sapagka’t noong 70s and 80s ay lahat po ng mga broadcast companies, dependent tayo sa Philippine News Agency. Sa Wire News Agency dahil po sa ating balita and then, sumadsad ng sumadsad iyong PNA. Iyong computer namin doon sa Cebu City halimbawa, the Queen City of the South, isang lumang Pentium. Tapos iyong laptop eh laptop pa noong editor. Iyong mga ganoon ba tapos walang mga opisina, sa bahay nag-oopisina etcetera. We are talking about a wire agency. Kaya nga noong pumasok tayo ito iyong pinakatinutukan natin na agency in terms of reform. For example, we were using a 2003 website. Diyos ko po 14 years sa website na napakaluma na, pinalitan natin ng bagong website. Wala silang mobile site, ginawan natin ng mobile site. Wala silang application, ginawan natin ng application. They were zero, zero social media presence. So wala! Nilagyan natin ng social media presence. Kaya lang ang sabi ko nga nababasa ang PNA because now it’s available to everyone.

So iyong mga palpak noon na nangyayari, na nangyayari na siya noon pa man ay napapansin na ngayon kasi binabasa na nga itong Philippine News Agency. In fact, Cheryl isa sa mga plano natin ay magkaroon ng online news cast ang Philippine News Agency starting this September. Bakit ho mahalaga ang Philippine News Agency? Because of the countries outside the Philippines have a news wire agency. China has—China has Xinhua, Malaysia has Bernama and itong News Agency, ito iyong nagdadala ng balita ng gobyerno sa ibang mga bansa also. And for those little—broadcasting or print companies who can’t afford to hire a reporter for example in Manila, in the Philippines, doon nila kinukuha iyong balita. Kaya napakahalaga po ng Philippine News Agency.

We re-trained our editors and we also send them abroad for retraining. In fact sa lahat ng mga ahensiya sa PCOO, ibinuhos natin sa kanila, we give them a bigger chunk of the training abroad and the rest of the agencies. Kaya nga sila iyong pinansin natin. Iyon nangyari pa ito.

CHERYL:                                             Exactly, I was gonna ask you. Bakit po—iyan sinabi ninyo ito iyong pinakakawawang departamento, ibinigay ninyo lahat ng training. Gusto ninyong—kumbaga may bagong look pati sa mga tao, pumalpak pa rin—

SEC. ANDANAR:                            Pumalpak pa rin, because we come into government with the positive mind na talagang binibigyan natin ng tiwala iyong mga tao na nandoon. You must understand na iyong mga tao sa Philippine News Agency ay nandiyan na sila before we came in. We had a 40, iyong retriever—

CHERYL:                                             Sabi nga noong Editor-in-Chief kahapon noong—during the Hearing ay sinabi niyang 37 years na siyang journalist—

SEC. ANDANAR:                            Yes, 37 years na siya as journalist and the retriever ha, iyong retriever mismo na nagpapasa ng balita doon sa editor more than 40 years in the PNA.

CHERYL:                                             Hindi rin ho kaya masyadong naging kampanta at sabi ninyo nga napabayaan so parang hindi na mahalaga iyong lumalabas na mga naging masyado ng relax, complacent sila sa kanilang trabaho?

SEC. ANDANAR:                            Oo tama ka, Cheryl, talagang you really hit the nail. Naging kampante, naging relax. Tanong ko doon sa retriever. Sabi ko, “Paano naman nangyari boss iyong binasa mo iyong PR ng DOLE at pinasa mo iyong the whole na image doon sa editor. “Saan mo ba kinuha iyon?” Sabi, “Ginoogle ko ho, sir eh,” “Hindi mo ba alam kung ano iyong—

 

CHERYL:                                             DOLE Philippines at DOLE natin na—

SEC. ANDANAR:                            “Hindi ho sir eh.” Okay, so then I talked to the editor. Sabi ko, “Dumadaan sa iyo, iyon naman ang sistema dito matagal kana dito sa PNA 30 plus years na tapos—having 30 plus years as a journalist and 20 plus years dito sa PNA,” “Oo sir eh, iyon nga sir eh kasalanan ko talaga eh, na-post ko ito. Ito nagka ganito-ganito dahil nangyari iyon.” So, anyway, we have to move forward so sabi ko, when we come into government as private sector, private sector, hindi naman tayo mayabang na sasabihin natin na we are the best in the industry na kailangan mong i-implement kaagad ito dahil napakapresko naman ng dating mo. Magrereklamo naman iyong buong byurukrasya.

So now that may mga pagkakamali na napakarami na hindi na matanggap, eh hindi na katanggap-tanggap. Sabi ko, we have to do it the private way, the private sector way which is to create an editorial board before you release. So iyon ang ginawa natin. Editorial board, number two mayroon tayong show cause order doon sa tatlo, titingnan natin kung anong parusa ang puwede nating ibigay sa kanila. And then we will have another retraining sa Philippine News Agency. So iyon ang gagawin natin at iyon ang ginagawa na natin ngayon actually.

CHERYL:                                             Okay base po sa Civil Code, suspension po iyong pinakamabigat ano na parusa na maibibigay, posibleng maipataw dito nga po sa mga palpak na empleyado ng PNA. Pero ano po ang talagang… may mas mabigat ba na aksiyon o maaring gawin pa ang PCOO dito nga sa mga nasabing empleyado? Kasi lumalabas ano eh, nagawan kayo ng maraming meme, lumalabas na katawa-tawa and nasaan ang credibility especially that you are saying nga na PNA ang nagre-represent sa ibang bansa pagdating sa mga balita or dapat nagiging source ng ibang bansa?

SEC. ANDANAR:                            Thank you for that question, Cel. Mayroong gross negligence na gloss, so kung pasok na gross negligence ay puwedeng ma-dismiss. But of course we do not do this arbitrarily at kailangan natin dumaan sa proseso. Tignan natin kung ano iyong puwede nating maipataw sa tatlo at madadaanan natin doon sa tamang proseso and of course the legal. Eh ayaw naman natin na maging unfair din sa pag… pag-investigate dito sa kasong ito.

 

CHERYL:                                             So—at sabi ninyo nga po ay dumaan na sa maraming training. Ito ho ba ay isa-isahin ninyo ulit—

SEC. ANDANAR:                            Of course—

CHERYL:                                             At sasalain ulit kung sino na ang—

SEC. ANDANAR:                            Iisa-isahin ulit, sasalain ulit. Kasi nagkaroon ng palpak doon sa—actually iyong sa Vietnam photo. Iyong reporter doon sa Vietnam photo matagal na ring journalist, nag-resign na noong time daw na nangyari iyon. Doon sa istorya kay Asec. Bensing na very inaccurate iyong pagkasulat, nag-resign na rin iyong reporter. Kasi ito ngayon iyong sa Xinhua News article na ini-upload tapos hindi niya napansin na iyong news item pala ay commentary na, na mayroon line doon. So, siya, iyong editor noon at saka iyong sa DOLE they are undergoing an investigation na.

CHERYL:                                             Okay, may matira pa ho kayang tao sa PNA baka magkaroon na kayo ng opening diyan?

10:01

SEC. ANDANAR:                            We need a Cheryl Cosim there. Ito, ang PNA 52 regular employees, meron po kaming COS na 29 at ang budget po ng Philippine News Agency na merong 19 bureaus  mind you, plus isang bago. So 20 bureaus ay nasa 65 million iyong kanyang pampasweldo, budget, 65 million. And  yet iyong kanyang operational expenses nasa 14 million capital outlay, zero. Meaning papaano mo papaasensuhin ang PNA kung  wala ka namang pambili ng computer, pampaayos ng opisina. Kaya nga iyong mga Congressmen natin na nakausap doon sa Committee of Appropriation awang-awa sila.

CHERYL:                                             Naawa naman po yata sa ahensiya ninyo. So, ang approved budget  ay 114,tama po ba?

SEC. ANDANAR:                            Yes. Sa ano iyon eh, kasi ang PNA is under the News and Information Bureau. The NIB is one of the agencies that I handle.  So under that is the Philippine News Agency. So, sa NIB ang pinakasikat na agency ngayon iyong Philippine News Agency. So, ang ibig ko lang sabihin ay wala ho talaga, wala ho talagang malaking budget for capital outlay. So ngayon ang ni-request namin is 13 million pero na-disapproved ng DBM. So ngayon itong mga Congressmen, kailangan nating i-apila ito. Sila na mismo ang nagsabi na i-apila natin kasi hindi aasenso  pag wala.

CHERYL:                                             Oo nga.

SEC. ANDANAR:                            Walang mangyayari. Alam mo, Cheryl ang pag-asenso po  ng Philippine News Agency ay hindi lang para sa bayan,  para din sa industriya ng  media dito sa Pilipinas. Sapagkat napakadami pong media companies sa probinsiya na umaasa lamang sa Philippine News Agency.

CHERYL:                                             Okay, that’s a big challenge on your part. Tama, Secretary kahit na wala po kayong budget o kulang ang budget. Okay, punta po tayo sa isa pang talagang napansin din po sa hearing, kontrobersya, pinupuna hindi lamang po ng ating mga  mambabatas, pero  maging ng mga journo, sa media and also probably  na netizens  also. Sa pag-accredit naman po nitong mga bloggers. Ano na po ang  status  dito  sa inyong  planong pag-accredit?

SEC. ANDANAR:                            Salamat alam kong samu’t-saring reaksyon ang natanggap ng PCOO dito sa social media practitioner accreditation. Now, nagsimula  po ito ng Pebrero na matapos po na inanunsyo ni Pangulong Duterte na kailangan merong mga social  media practitioners  sa  Malacanang parang inclusive after bumisita iyong mga social media practitioner sa opisina po ng ating Pangulo. Now, noong Pebrero nagkaroon po tayo ng isang all media ph. All media ph na event dito sa UP at in-invite po natin iyong mainstream media, academe at iyong mga social media bloggers. Unfortunately, after two weeks of invite ay kakaunti lang po iyong um-attend sa mainstream.  Kung meron mang um-attend hindi po nakisali sa diskusyon and kaunti lang po or wala pong um-attend sa academe. So, sabi namin, eh kung ganoon, basta nagpatawag tayo, then tuloy-tuloy iyong pagbalangkas ng social media policy. So sabi ko, once that we released the social media policy, kailangan ilagay natin interim, meaning for the intervening time na wala pa hong inputs iyong mga kasamahan ko sa mainstream media, kayo. Kaya iyon ang nangyari, interim.

So ito pong department order #15, this is an interim social media accreditation policy, meaning puwede pang baguhin . We are open to different suggestions from mainstream media and from the academe. Now dalawa po iyon, dalawang version po iyan. Iyong version noong May, itong version a ito, ito po iyong version na nandoon halos lahat noong sinabi ni Congresswoman Brosas, na very strict, very stringent po.  But noong ipinasa ko po ito sa opisina ni Asec. Mocha, sabi nila kailangang all inclusive tayo, kaya ito iyong nangyari. Basta sabi ko, sige,  gawin nating dating interim para at least puwede pang pumasok ang mainstream  media, puwedeng pumasok ang academe and we can improve on the social media policy.

CHERYL:                                             Okay, so ano na po ang—kasi noong una, noong napapag-usapan, basta you’re Pinoy,  18 years old and you have  5,000 followers ay okay na, puwede ka nang  magpa-accredit. So may pagbabago po ba ito, iyong ganoon lang ba kasimple? Kasi  katulad po ng nakausap ko, si  Professor  Arao ng UP ay kasama po sa kanyang suggestion  nga niya, ay ito pong  para sa planong  pag-accredit nga ng mga bloggers ay iyong pagsunod sa ethical standards, gaya po ng bloggers  code of ethics ng cyber journalist.net.  Meron po ba at least man lang na briefing ang PCOO kaugnay po nito or iyon pong office  nga po ni Asec. Mocha?

SEC. ANDANAR:                            Well, iyong suggestion po ni Professor Arao is well accepted and well taken.  Ngayon, meron po kasi kaming laging handa na social media training. So kasama po iyan sa mga offerings natin dito sa mga bloggers, social media practitioners na gustong sumali. Kaya nga ngayon, it is really up to mainstream media and the academe to come in and to suggest like what Professor Arao is saying. Next week meron kaming meeting with Malacañang Press Corps at ngayon ibibigay na sa akin ng Malacañang Press Corps iyong kanilang suggestions dito sa–. So ibig sabihin, this document, this is an evolving document.  It’s not final and I’m happy that ito nga ay—this allows  debate, call the attention  of everyone. Kasi noong una naming in-announce, parang walang seryoso eh.

CHERYL:                                             At saka sabi n’yo nga, noong nag-imbita kayo   from mainstream media, hindi naman pinansin iyong inyong imbitasyon.   So noong naglabas na kayo, ngayon nag-ingay at nagre-react.

SEC. ANDANAR:                            Oo, parang nonog time kasi na nilabas namin, parang may animosity iyong marami, ayaw um-attend. At remember this government is  an open government, tayo naman nakikinig sa suhestyun. You have known me, Cheryl because I worked here.  We are open to suggestion, wala naman tayong monopoly.

CHERYL:                                             Might as well mag-suggest at mangialam na tayo, kaysa maging final  na ayaw naman  natin.

SEC.  ANDANAR:                          Kaya maganda iyong nangyari na maraming batikos at marami tayong natanggap na suhestyun, because, now at least we are all in this discourse together.

CHERYL:                                             Kasi rin naman, Secretary, may mga nangangamba na baka magaya nga ang accreditation ng Malacanang sa ginawa ng White House na puro pro-Trumph   lang ang binibigyan ng mga accreditation na blogger.

SEC. ANDANAR:                            Salamat sa tanong na iyan. In fact, Cheryl, we encourage even  the critics of the President, the blogger critics, the social media  practitioners, critics of the President to join, para mas  lalo ninyong makilala ang ating Pangulo. You know face to face, firsthand information para kung meron kayong mga tanong, meron kayong mga pag-aalinlangan eh matanong n’yo na.

CHERYL:                                             Baka hindi n’yo naman bigyan ng accreditation.

SEC. ANDANAR:                            Hindi ibibigay natin.

CHERYL:                                             Nakalagay pinoy, 18 years old,  5,000 followers.

SEC. ANDANAR:                            Plus kelangan meron kang constant or consistent na original content na ginagawa sa news. This is an all-inclusive government, wala po tayong diskriminasyon, whether pro, anti or neutral, you are welcome.

CHERYL:                                             Wala iyan kay Asec. Mocha Uson. Sa kanyang opisina dadaan lahat,  siya ang magbibigay ng accreditation.

SEC. ANDANAR:                            Makakausap n’yo pa si Mocha.

CHERYL:                                             Makakaharap. Okay binatikos po ng Center for Media Freedom  and Responsibility  ang tila pag-equate nga po sa mga bloggers, sa mga journalist, ano po ang reaskyon ng PCOO rito?

SEC. ANDANAR:                            Well, that’s a good question again. Hindi naman natin in-equate sila, meaning na equal footing. Number one, the bloggers and the social media practitioners, hindi ho sila journalist. Hindi  ho iyon ang definition  dito na journalist sila. They are social media practitioners, they are bloggers. Iyong journalist po we respect, ako I come from this industry, I respect iyong pinaghirapan ng mga reporter natin doon sa Malacañang Press Corps para marating lamang iyong tugatog ng news beat na iyon, dahil iyon ang pinakamataas eh.

CHERYL:                                             Oo, mataas.

SEC. ANDANAR:                            Ako rin po ay nagtimpla ng kape sa aking news manager. Ako rin po ay naging police beat reporter. Ako rin po ay naging graveyard shift anchor hanggang sa naging anchor ako tulad in Sheryl. So I understand, I completely sympathized and empathized with media. Kaya nga sinabi ko, kailangan ito ay interim.

Number two, kaya nga dito sa accreditation, ang pagpili ho, ang pagbigay ng accreditation sa mga bloggers, social media practitioners are on an event basis. So halimbawa gusto mong mag-cover sa PMA, graduation nandoon si Presidente, binigyan kita ng accreditation as PCOO, hindi pa natatapos doon Cheryl, dadaan ka pa sa PSG. Hindi tulad ng mass media na hindi na kailangan eh.  Then after that kinober mo na, natapos, sinulat mo na, umuwi ka na, pumunta ka sa next event gusto mong gamitin, hindi na pupuwede iyan, isang event lang, apply ka ulit. I’m not equating it.

CHERYL:                                             Secretary ang dami pa sana nating puwedeng pag-usapan, bumalik ka na lamang at sana ay huwag mo kaming pahirapan sa susunod naming pag-imbita sa iyo.

SEC. ANDANAR:                            Hindi naman.

CHERYL:                                             Iyong iba hindi   mahihirapan, kami hirap na hirap sa iyo. Thank you for joining us.

SEC. ANDANAR:                            Anytime. Thank you so much. Mabuhay po kayo.

##

Resource