Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Angelo Palmones and Milky Rigonan (DZRH – Damdaming Bayan)

ANGELO: Secretary, magandang umaga po.

SEC. ANDANAR: Good morning, Congressman. Good morning po sa lahat ng nakikinig sa inyong programa.

ANGELO: Oo, number one, Secretary. Ang sabi ng Pangulo, one year ang extension ng martial law sa Mindanao. Ano ho ang naging basis for a yearlong request for martial law in Mindanao?

SEC. ANDANAR: Alam mo based doon sa press briefing nitong nakaraang Friday kasama si General Padilla at iyong mga past conversations namin ay number one patuloy iyong recruitment ng Daulah Islamiyah doon sa Mindanao and there have been intelligence reports that magre-retaliate itong grupo na ito at meron silang posibleng isang siyudad na lulusubin, hindi natin alam kung ano iyong siyudad na iyon.

Number two, nagkaroon po ng iyong failed peace talks natin with the CPP-NPA-NDF and once—that’s why dineklare natin na isang terrorist group ito ay in-expect natin na talagang magkakaroon ng mga skirmishes sa Mindanao.

Number three, iyong pong Bangon Marawi – iyong rehabilitasyon ng Marawi – hindi po natin mare-rehabilitate ang Marawi kung tuloy-tuloy po iyong banta at tuloy-tuloy po iyong gulo. Sayang iyong efforts na ibibigay talaga ng gobyerno at sa mga private sector, walang papasok na kontratista na gagawa kung hindi safe iyong Marawi.

Number four, kailangan po ay ipaparte rin natin iyong continuous flow of goods and the continuous with dynamism of our economy and markets diyan sa Mindanao, para tuloy-tuloy po iyong pag-unlad.

ANGELO: Sec, isama n’yo na rin iyong pagsisimula ng project ng Mindanao Rail.

SEC. ANDANAR: Iyon, iyon, oo.

ANGELO: Di ba, oo, isama na natin sa justification para makumbinse iyong mga kongresista natin.

SEC. ANDANAR: Hindi tama ka naman, bibigyan mo sila ng riles, tapos papasabugin lang. Sayang.

ANGELO: Para kasi, di ba next year mag-uumpisa iyon.

SEC. ANDANAR: Oo, next year magsisimula itong Mindanao Rail. And then of course, tuloy-tuloy pa rin ng pagbabanta ng mga lawless element diyan sa lugar ng Jolo, Basilan, Tawi-Tawi.

ANGELO: Okay, pero itong tinutukoy na grupo according to reports eh, as early as 2013 yata ay nagkakaroon na ng recruitment. Meron ba tayong report on their massive recruitment activities?

SEC. ANDANAR: Opo. Iyon po iyong ni-report sa atin ni Congressman, ni Assemblyman Zia Alonzo, noong tayo ay nagkaroon ng Bangon Marawi two weeks ago. And then ito naman ay sinugundahan din ng Armed Forces of the Philippines sa aming press briefing noong Friday. And of course napag-uusapan ito eh, pinag-uusapan ito sa… in private function na kasama natin ang Presidente. So talagang hindi po natin dapat pabayaan ang ating mga kababayan sa Mindanao. And of course, you can ask our fellow Mindanaoan, I will tell you that majority would love to extend this martial law. Kasi gusto nilang mamuhay ng matiwasay.

ANGELO: Hindi, saka kung ang gagamitin nga nating justification talaga ay para makumpleto iyong Mindanao rail, baka hindi lang isang taon, di ba sana hanggang sa matapos at maging operational.

SEC. ANDANAR: Oo at marami akong kausap sa Cagayan De Oro, Iligan, sa Cotabato o Marawi iyon na iyong sinasabi nila eh, iba na ngayon, pati sa Zamboanga iyong mga kausap kong mga kaibigan natin doon eh.

ANGELO: Hindi, saka that way really spell a lot in terms of peace and order. Nakita naman natin habang may—nagtataka nga ako, Manang Milky, ang mga nagrereklamo ng martial law—

MIKLY: Maingay iyong mga taga-Metro Manila.

ANGELO: Iyong MILF nga at saka MNLF mas nauna dapat na maging concern kung may iiral na martial law. Hindi nga nagrereklamo.

MILKY: Halos lahat ng mga taga-Mindanao. Good morning, Secretary. Advanced Merry Christmas.

Ito pong panukala, actually ito iyong desisyon ng Pangulo to extend another year iyong martial law. Kailangan pa ito ng konsultasyon sa dalawang kapulungan ng Kongreso?

SEC. ANDANAR: Opo. Kailangan po itong pumasa sa Lower House at pagbobotohan nila ito, just like the same events that they asked last July, after na mag-lapse iyong martial law doon sa Mindanao tapos ine-extend ng ating mga Congressman hanggang katapusan ng taong ito. So that’s why just the same request that the executive will asking po.

MIKLY: So automatic po na hihiling, hihirit ang Malacañang ng special session.

ANGELO: Hindi na siguro.

MILKY: Hindi na kailangan.

ANGELO: Oo, sabi ni Speaker, basta’t maisumite sa kanila, within the week. Meron naman hanggang—mabilis lang naman iyong—

MILKY: Oo, kasi ang gusto naman ho ng ilang mga senador, Sec. Martin, ay magkaroon din daw ng briefing ang AFP, PNP sa mga senador para at least makumbinse sila na kailangan nila talaga ang extension for another year.

ANGELO: Teka muna, hayaan mo muna iyong Senado. Eh iyong senador na nagrereklamo, hindi naman mga taga-Mindanao iyan, hindi ba. Mas marunong pa ba sila sa sintemyento ng mga—hindi, partner ito ha. Kunyari hindi nakikinig is Secretary Martin, mag-ikot ka ng Mindanao, tanungin mo kung pabor sila o hindi sa martial law.

MILKY: Kuya Angel, wag ka nang lumayo. Iyong mga text messages na lang natin, mula sa Mindanao. Gusto nila for extension.

ANGELO: Lalo na nga kapag ang pinag-usapan natin partner ay iyong paglalatag nga ng Mindanao rail. Oh, tanggalin mo iyong martial law, tingnan mo kung walang manggulo diyan.

MILKY: Wag na lang iyon, iyong panibagong banta ng grupo na sinasabi ng Malacañang.

ANGELO: Iyong Daulah Islamiyah.

MILKY: Oo, Daulah Islamiyah.

ANGELO: Oo, doon na lang. Anyway, so kailan masa-submit sa…mata-transmit sa Congress, Sec?

SEC. ANDANAR: Iyong inaabangan natin this week. Tanungin ko si Executive Secretary Bingbong Medialdea.

ANGELO: But definitely, within the week, within the day siguro, kasi hanggang Wednesday na lang iyong session ng Congress eh.

SEC. ANDANAR: Opo, kailangan this week para bakante iyong ano.

MILKY: Bilisan mo, Sec. Martin, kasi maraming hearing.

SEC. ANDANAR: Hindi saka sabi ni Speaker mahirap daw bumuo ng special session kasi nga Christmas break eh.

MILKY: Oo, totoo iyan. Iyong iba nga nasa abroad na iyong ibang mambabatas natin eh.

ANGELO: Hindi, dadating.

MILKY: May isa bang inaabangan kung may mga—may tanong is Kuya Angel. Ano ba itong komisyon na bubuwagin daw ng Pangulo?

SEC. ANDANAR: Ay, iyon ang abangan natin this week…this week din iyon sabay-sabay lahat.

ANGELO: Pero, ano ba—

SEC. ANDANAR: Hindi ko pa natatanong ang mahal na Pangulo kung anong komisyon ito, pero I am sure that he will announce it soon.

MILKY: ERC ba ito, ERC?

ANGELO: Palagay ko ERC, kasi iyong—hindi, pero constitutional, batas pa rin ang kinakailangang ano, lahat naman iyan binuo ng batas. So kailangan may ano eh.

MILKY: Eh tulad din ng ERC. Hindi ba hindi natin mapatalsik iyong Commissioner kasi merong fixed term, di ba Secretary Andanar?

SEC. ANDANAR: Oo.

ANGELO: Pero bago na ngayon iyong chairman ng ERC. Bago na.

MILKY: Sige abangan na lang namin. Wala bang clue?

SEC. ANDANAR: Wala. Siguro merong letra, iyon yun.

MILKY: Lahat may letra, ang labo naman nung clue.

ANGELO: Sige antayin namin. Sec. daghang salamat, Maayong buntag.

MILKY: Magandang umaga, Secretary.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat Angelo. Maraming salamat Milky, Mabuhay kayong dalawa.

# # # #

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)

Resource