Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Angelo Palmones and Henry Uri (DZRH – ACS Balita)

Q: Sec., on a serious note na 18% ang ibinaba ng satisfaction rating ng pinakahuling survey ng SWS; from the Palace, ano po ang inyo munang statement or reaction dito?

SEC. ANDANAR: Alam mo naman ang honeymoon period ng ating Pangulo ay usually one year sa isang opisina at ito nama’y expected, the fact na tapos na iyong one year, pero despite of this ay nasa good pa rin ang kanyang satisfaction at iyong public trust ay nasa very good.

At alam naman natin na iyong survey din ay ginawa mga two days after nung National Day of Protest noong September 21. So iyong survey ginawa ng September 23 hanggang 27 at of course, iyong mga nagprotesta, iyong grievances sa gobyerno ay inaasahan na lalabas din sa protesta. Pero ito po ay magsisilbing gabay pa rin sa administrasyon na talagang tumutok sa trabaho, sa reporma at pagbabago para maibsan ang kahirapan ng ating mga kababayan and of course to be able to also use this as a barometer para sa mga susunod na hakbang ng ating administrasyon.

Q: Secretary, ang Pangulo ho ba ay naapektuhan sa pagpapairal ng mga patakaran at polisiya at iyong kanyang mga intensyong ayusin ang bansa ng mga ganitong survey?

SEC. ANDANAR: Henry, hindi naman. Again ito ay isang parang lighthouse, Henry, parang lighthouse ito; so nagsisilbi itong gabay para sa ating lahat sa gobyerno.

We also encourage constructive criticism, because it is the only way for us in government to focus on our job and para mapaalala din – kami sa gobyerno – na kung ano iyong mga dapat naming gawin para mas lalo kaming maging in tune with the sentiment of the people.

Q: And siguro na din, may mga issues na hindi pa rin maysadong nag-i-internalize sa mga tao. Like for example, ang taas ng koleksyon ngayon, this is the only government na nakakolekta ng 30 billion plus saka iyong 6 billion sa PAL na hindi nangyari. Tapos pagka-recover sa Mile Long.

Alam mo kanina rin, Secretary pala, iyong BJMP spokesperson na-interview namin, 2010 to 2016 nabigyan lamang ang BJMP ng 30 to 40 million budget a year. Ngayon under the administration, 1.7 billion ang budget sa 2017 and 1.5 billion naman sa 2018 para daw sa pagsasa-ayos ng mga pasilidad ng mga bilangguan. Napakalaking ano rin iyan, partner, biyaya din iyon.

SEC. ANDANAR: Maraming mga positibong balita, mga hakbang ng ating Pangulo, kasama na iyong sa BJMP, kasama na iyong libreng edukasyon sa mga State Universities and Colleges. Marami talaga, iyong pagbayad ng grupo ni Lucio Tan ng 6 billion, Mighty Corporation ng 30 billion, yung Mile Long. So itong mga balitang positive na ito ay for the next few weeks, month ay mare-realize din ito ng ating mga kababayan.

At the same time also, kailangan din natin talagang tingnan ang isang survey constructively. Para—kasi hindi naman ito porke’t nasa gobyerno ka, bumaba lang ang rating konti, sabihin mo, ‘ay hindi, mali iyan.’ We really accept all of these ratings, mga criticism constructively at iyon naman talaga ang gusto ng ating Pangulong Duterte. Kaya nga sabi niya, di ba noong National Day of Protest, sabi niya, “Sige-sige, magkaroon tayo ng National Day of Protest para lumabas lahat, para malaman natin ang pulso ng bayan.”

Q: At saka kasama siya sa mga nagprotesta, kasi mababa daw ang suweldo.

SEC. ANDANAR: (laughs)

Q: Anyway—pero tama din naman na the government is not there to please everyone. Hindi talaga puwedeng maging complacent na lang, Secretary ano?

SEC. ANDANAR: At the same time kailangan din alalahanin ng taumbayan na during those times na nangyari iyong survey ay napakainit din talaga ng pulitikahan, iyong batuhan ng putik, oposisyon sa amin sa administrasyon.

Q: At saka kakamatay pa lang ni Kian nung mangyari ito.

SEC. ANDANAR: Kakamatay lang ni Kian, so iyong mga isyu mainit talaga. And of course we also consider the fact na honeymoon period is over. So, let this be a guide to every member of the administration to focus on his job, his mandate, at iyong tiwala na ibinigay ng Pangulo para nga maipatupad iyong mga pagbabago o iyong mga polisiya na gusto ng ating Pangulo na ipatupad na.

Q: Sec, daghang salamat.

 

##

Resource