Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Angelo Palmones & Henry Uri – ACS Balita, DZRH

Q: Presidential Communication Secretary Martin Andanar. Sec., maayong buntag, Sec.

SEC. ANDANAR: Maayong buntag, Congressman. Maayong buntag, Henry. Good morning.

Q: Yes, sir. Magandang umaga po. Bagama’t mataas ano, 9… almost 9 out of every 10 Filipinos – based on the Pulse Asia survey – pabor doon sa war on drugs, although ang sinasabi nila, naniniwala silang may EJK ha. How do you reconcile the two issues, Secretary?

SEC. ANDANAR: Well, number one, tayo ay nagpapasalamat sa publiko sa patuloy na suporta nila sa war on drugs, naniniwala sila na ito talaga ang dapat gawin ng ating Pangulo. Pangalawa, iyong sa naniniwala doon sa EJK, we need to understand kung number one, ano ang definition ng Pulse Asia din sa EJK. Number two, I’m not saying na dapat hindi matakot, eh siyempre kahit sino naman matatakot ‘di ba? Sino bang gustong mamatay at gustong mapatay. So iyong dalawa iyon dapat tignan natin. Number one, kung ano depinisyon ng Pulse Asia sa EJK. I have it somewhere here…hindi ko lang mahanap.

Q: Pero hindi kaya iyon ay patunay na talagang ang mga Filipino over the years naging desperado na sa paglala ng illegal drugs, ng pagkalat ang iligal na droga? And that’s the reason they approved the campaign against illegal drugs and kahit na siguro may mga extrajudicial measure in some instances, eh sinasang-ayunan nila ito?

SEC. ANDANAR: Well of course, tama ka, Congressman. Talaga namang sawang-sawa na ang publiko dito sa problema sa droga. Eh ‘di ba iyon nga iyong sinabi ni—like what Mr. David said doon sa kaniyang column sa Philippine Daily Inquirer, bakit si Presidente napakalakas; sapagka’t napakadaming mga problema noong nakaraang administrasyon ang hindi na-solve, iyon eh. At ang nakita nila si Presidente Duterte lamang ang kayang gawin lahat ng hindi nagawa ng mga nakaraang administrasyon and he is the answer to the frustration.

Q: This is a campaign promise na tinutupad lang?

SEC. ANDANAR: Oo. Ito ay campaign promise na tinutupad ng ating mahal na Pangulo. At diyan ngayon papasok na kapag iyong paglipat sa PDEA ay bumalik iyong droga sa mga lansangan. So huwag nating sisisihin si Presidente dahil iyon naman ang gusto ng mga kritiko, na ayaw na ‘di ba? So ngayon kapag tumaas muli aba’y diyan tayo magkakahetot-hetot at—sabi nga ni Presidente ‘don’t look at me.’ So iyon ang—

Q: Look at the bleeding hearts.

SEC. ANDANAR: Oo.

Q: Secretary, 92—ang sabi ng PDEA noong 2015, I think that was August 2015, 92 percent ng buong Metro Manila ay naging infested ng drugs. That’s according to PDEA, 2015, 92 percent at 40 percent… 40 percent ng buong barangays sa Metro Mani—sa buong Pilipinas ay infested ng drugs, that was 2015. So ano ho iyon kaya it’s because of the seriousness and the sincerity of the President to the job kaya malaki pa rin ang kumpiyansa ng tao doon sa kaniyang anti-illegal drug campaign?

SEC. ANDANAR: Siyempre nandiyan iyan na talagang—eh kung ikaw naman talaga iyong naglalakad araw-araw at umuuwi sa iyong barangay, iyong community na hindi naman gated, ‘di ba? Eh iyon naman ang pangamba ng bawat Filipino, iyong bigla ka na lang ma-tsugi dahil ang dami ng mga drug-related crimes.

Pero ito na…ito iyong definition ng Pulse Asia on EJK – EJK is killing by police authorities in violation of the law. So this would explain, Congressman, na 73 percent believes that EJKs are happening kasi ‘in violation of the law.’ So anything, anything that is being violated.

Q: Oo. And that has been—and that has been the issue being raised by the human rights groups, ‘di ba?

SEC. ANDANAR: Yes, yes, yes. So killing by police authorities in violation of the law; so lahat ng klaseng violation sa batas. Napatay ng pulis whether it’s drugs, whether it’s murder, dahil nagnakaw ka, etcetera. Iyon ang definition nitong sa Pulse Asia.

Q: Okay, another point, Sec. Bakit all of a sudden bigla nating pinostpone ang pasok ngayong araw na ito kung hindi naman ganoon katindi pala ang impact noong transport strike?

SEC. ANDANAR: Well, iyong—I want to tell you na noong unang pina-announce sa akin ni ES na tuloy na iyong pasok ‘di ba, sinabi niya sa akin, Henry. O tapos mga bandang alas diyes ng gabi ay tumawag ang Office of the President at sinabi na magbibigay sa iyo si ES ng instruction na kailangan i-announce mo na wala ng pasok sapagka’t iyon nga. It’s as simple as the transport strike, Congressman Angelo, pati iyong lakas ng ulan kagabi. Depende kung nasaan ka eh, pero nasa Mindanao ako eh ang lakas ng ulan eh. So baka iyong mga estudyante, mga kawani ng gobyerno ay hindi makasakay, mabasa ng ulan magkasakit. So public safety, public health, it was simple as those three.

Q: (overlapping voices) Dahil pala matindi talaga si Paolo?

Q: At saka, Secretary, mukhang umiral iyong ‘pagka-Lolo ng Presidente na nag-alala sa mga apong mababasa at magkakasakit. Tama ba iyon? Parang ganoon ang nakita natin, Sec.?

SEC. ANDANAR: Oo, ganoon eh. Kasi iyong—di ba, iyong statement na may English tapos may Tagalog, Henry?

Q: Oo.

SEC. ANDANAR: Iyong Tagalog na iyon, iyon mismo galing sa Presidente iyon eh.

Q: Ah, so wala tayong internal info na nagsasabing nandoon pa rin… dahil nga na-frustrate iyong ano, iyong mga nagbalak manggulo noong Day 1. Eh itutuloy nila sa Day 2?

Q: Ito iyong Tagalog eh, ‘May transport strike, ulan, bagyo at walang masakyan. Baka magkasakit mga kawani ng gobyerno at mga estudyante kung maulanan at walang masakyan.’ Galing pala mismo ito sa Presidente?

SEC. ANDANAR: Iyon ang message na natanggap ko eh. So nung sinabi ni ES na ito…tapos ito naman. So isinama ko iyon sa ES English, tapos ibinigay ko sa baba iyong Tagalog.

Q: Ah okay.

Q: Last point. Ano ang sabi ni Presidente sa pagkamatay ni Isnilon at saka ni Omar Maute?

SEC. ANDANAR: Well, hindi pa kami nagkakausap ni Presidente, Congressman, at mamaya eh posibleng magkita kami. Pero I’m sure that’s—the President will give the Armed Forces of the Philippines ‘a job well done’ comment. Pero again, I don’t want to preempt the President. Ang buong sambayanan actually nag-ano eh…masaya naman. But we are not here to celebrate the victory.

Q: Hindi naman tayo barbaro, hindi naman tayo barbaric. Pero noong lumabas iyong mga picture ng kung paano napatay si Omar at saka si Isnilon, eh makita mo iyong tao pumapalakpak eh. Sabi nila, ‘Sa wakas nadali na rin iyang dalawang buwiset.

SEC. ANDANAR: Oo grabe, oo grabe. Labi na diri sa Mindanao, sa Cebu, talagang palakpakan sila dito. But then again, sabi ni Presidente ‘di ba the last time na ‘pag nanalo na tayo there will be no banter, there will be no victory. Just buckle to down to work for Bangon Marawi, para ibangon natin ang Marawi.’

Q: Okay, sige. Anyway, Sec., maraming salamat. We’ll be in touch. Thank you very much.

SEC. ANDANAR: Daghang salamat, Congressman. Maraming salamat, Henry.

Q: Thank you, sir. Maraming salamat po.

###

 

Resource