Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Allan Allanigue (Radyo Pilipinas)

Event Radio Interview

Recording starts…

SEC. ANDANAR: …iyong KP o Kilusang Pagbabago, iba’t ibang mga grupo from the different Local Government Units, at nandiyan po iyong MRRD. So ang masasabi natin na these were all volunteer, also my office also wala naman tayong wala naman tayong kinalaman sa rally na iyan, talagang naging spontaneous lang po talaga.

Pero ang mahalaga ho dito ay nagkaroon ho ng isang malaya, isang peaceful po sa rally sa Luneta at dito sa Plaza Miranda, ibig sabihin ho nito ay buhay na buhay ang ating demokrasya, wala hong pagkitil sa karapatan sa ating mga kababayan na nagpahayag sa kanilang saloobin.

ALLAN; Okay. Sec. Andanar good morning, si Allan po.

SEC. ANDANAR: Good morning Allan.

ALLAN: Yes sir. Nitong nakaraan mga araw sinalang na diyan sa Senado natin itong hong budget, amongst other ang budget po na nakalaan para Presidential Communication Operations Office. Bigyan niyo nga po kami, Sec. Mart sir, ng mga highlights nito pong mga budget nitong PCOO, Sec.

SEC. ANDANAR: Well alam niyo po iyong budget na 1.3 billion ay kulang ho iyon sa pagpapatakbo ng 8 ahensya under PCOO at masabi ko po na kulang iyon sa pag ano…sa pag implement ho ng mga proyekto sa magpapaganda po atin Radyo Pilipinas, ng ating PTV, ng ating PNA, PIA, at sa NPO sapagka’t kailangang po ng capital outlay. Pero ganun pa man, nangako ang po Lower House at iyong mga Senado ay susuporta naman po doon sa amended budget sa hinihingi natin, supplemental budget. At tayo po ay nagpapasalamat kay Senator JV Ejercito, kay Senator Nancy Binay, Senator Migz Zubiri sa kanilang suporta po sa PCOO.

At nais ko lang po itong I-congratulate ang Philippine Broadcasting Service, Radyo Pilipinas sapagkat talagang siniguro ko na sa ilalim ng budget ng PCOO ang pinamalaking chunk ng budget ay magpunta po sa inyo, diyan sa PBS, dahil nakita ko na po iyong estado ng Radyo. So priority natin na maayos natin ang Radio Pilipinas at ating vision po ay madagdagan pa ng 50 radio stations sa mga probinsiya para makumpleto po natin iyon otsenta’y unong (81) probinsiya mayroon pong presence ang Radio Pilipinas.

ALJO: Sec., maiba tayo iyong issue po ng fake news. May mga nagtatanong kung may naparusahan po ba doon sa blunder ng Philippine News Agency and sapat na ho ba iyong around 240 million pesos na Media Literacy Program ngayon ng PCOO, Sec.?

SEC. ANDANAR: Actually let me clarify, iyong 240 million peso po na hiningi na budget supplement po sa PCOO ay this is under PCOO proper. So hindi lang po Media Literacy Program, nandiyan din po iyong iba’t ibang mga roadshow para sa mga programa ng iba’t ibang departamento ng ating gobyerno. So lahat po ng mga member of the Cabinet at iyong kanilang portfolios covered po dito sa ating roadshows kaya tayo humihingi ng dagdag. Sapagkat we really need to communicate the programs of government, sabi nga ni Senator Migz Zubiri kailangan yung mga positive news. So iyon po ang kailangan natin, iyong budget na iyon. At iyong sa Media Literacy Program ay kapirangot lang po ang magagamit doon sa 240 plus million.

Sa fake news po naman ang ating ginagawa po ngayon bumubuo tayo ng isang Media Literacy Program, na pag nagawa po natin ito iikot tayo sa buong Pilipinas. Sa kasalukuyan po mayroon training na nangyayari na ngayon dito po sa Tagaytay, kumuha po tayo ng tiglilimang representative mula sa PTV, Radyo Pilipinas, PNA, PIA at OSEC media para mag-aral ho ng Media Literacy online naman kung papaano maiwasan iyong mga fake news. So this is just a start, ang pinaka magiging madugo na trabaho iyong pag ikot po sa buong Pilipinas. And we will make sure that we do this, at hihingi nga tayo ng karagdagang pondo sa Senado at sa Kongreso para maging successful po ito at talagang magagawa po natin ito.

ALJO: Thank you so much Sec. Martin Andanar, PCOO Sec. at daghang salamat, maayong buntag, sir.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat. Mabuhay ka Aljo, Allan mabuhay ka rin. Radio Pilipinas just keep on moving forward at level up po tayo. Good morning po.

ALLAN: Good morning, sir.

Resource