Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Alex Tinsay, Aksyon Solusyon, Aksyon TV

TINSAY: Secretary Martin Andanar ng PCOO, Presidential Communications. Good morning, Secretary Andanar.

SEC. ANDANAR: Hello, good morning. Kuya Alex, good morning po sa lahat ng nakikinig ng programa mo.

TINSAY: Yes. Secretary, ang sinasabi po noong mga jeepney drivers ay—ng Piston in particular, hindi raw po nila kakayanin, mahal daw po itong modernization; pero hindi naman sila tutol sa modernization.

SEC. ANDANAR: Yes, that’s good, that’s good na hindi tutol ang ating mga tsuper. Kasi mindset ‘yan eh, the modernization is really about leveling up the jeepneys that we have. Actually Alex ganito iyon eh, the mindset of the jeepney o iyong nakaugalian ding jeepney, that’s really good, it is good for our culture, tradition na mayroon tayong ginawang innovation during the Second World War. So if more than anything, it’s about the innovation that our drivers or the innovation that Sarao did din during those times na iyong ang simbolo ng jeepney eh.

But it need to level up, iyong mga makina kailangan ay mas maging efficient na, na hindi iyong pollutant. Mayroong mga e-jeepneys diyan na if you ask me, gusto ko iyong e-jeepney pero sana iyong design ‘no, iyong lumang jeepney pa rin na mayroong mga kabayo sa harapan, because that really speaks a lot about—

TINSAY: Saka Pinoy ‘yun eh ‘no…

SEC. ANDANAR: Oo, ‘di ba…

TINSAY: Oo, Pinoy na Pinoy ang dating.

SEC. ANDANAR: Iyong Sarao, Francisco Motors, etcetera… Ah alam ko na, of course may problema iyong mga tsuper natin dito kasi gagastos ka eh. But from what I understand sa DOTr ay mayroon naman silang assistance na ibibigay, may mga loan package naman ibibigay para sa mga tsuper natin para sila ay maka-afford na bumili nitong mga e-jeepneys na ito na—alam mo pati iyong mga kababayan natin, I’m sure if you ask our ano, mga motorista natin, iyong mga commuters natin, I’m sure if you hold a survey right now, papayag sila, mas gugustuhin nila ng isang jeepney na air conditioned, isang jeepney na mas efficient pagdating sa energy consumption, at isang jeepney na hindi bumubuga ng pollution.

TINSAY: Aba eh ‘pag nakita nila itong bagong… itong jeepney, baka nga hindi na sila mag-Uber saka mag-Grab eh hindi ba. Ang problema, wala silang nakikita Secretary eh. Kailan ninyo ba ipapasada iyong mga model?

SEC. ANDANAR: Actually marami nang modelo, may lumabas na nga diyan sa… dito sa Mandaluyong mayroon, may e-jeepney, may e-tricycle, dito sa Makati… Marami nang mga modelong lumabas. I think iyong RAMCAR ba iyon, iyong … isang gumagawa ng mga sasakyan, I think RAMCAR kung hindi ako nagkakamali, at mayroon pa iyong, dati kay ex-Mayor Tinga, mayroon din silang mga modelo na ganiyan eh. But then again, siyempre mahaba-habang usapan ito, and we must always bear in mind the interest really of the public.

TINSAY: Oo, siyempre iyong serbisyo hindi ba.

SEC. ANDANAR: Oo, tradition and at the same time we have to balance it with fuel efficiency, we have to balance it with the vehicle, a commuter vehicle na komportable iyong mananakay natin, at the same time kailangan affordable din para sa mga jeepney drivers. We understand na siyempre kung ikaw naman iyong driver, you have to consider also kung paano—how can you afford to buy a leveled up jeepney.

TINSAY: Pero Secretary ‘no, tutal ah… ito naman ay pinag-uusapan lang natin, kasi sinasabi nga nila baka hindi nila makayanan. Sabi naman ng mga FEJODAP, iyong grupo nila ‘pag talagang hindi makayanan tutulungan nila. But mayroon pa bang mga posibilidad na magkaroon ng negosasyon na mapababa pa doon sa 18,000 a month iyong amortization just ano lang, for the sake of this conversation?

SEC. ANDANAR: Well, I think they will really have to bring this up to the President. It’s only the President who can solve economic issues, na kung papaano—if really… bigyan ng loan or subsidize, etc. But maliwanag naman para sa lahat, everybody wants a comfortable jeepney, a leveled up jeepney, air-conditioned jeepney… Ah siyempre tayo Alex ‘di ba, nasanay tayo sa, iyong mga jeep Sarao, Armak, iyong mga sinasakyan natin noong mga kabataan natin.

TINSAY: Totoo ‘yan.

SEC. ANDANAR: Pero alam mo, 20 years ago Alex hindi naman ganoon kainit ‘di ba, iyong panahon?

TINSAY: Oo…

SEC. ANDANAR: O ‘di ba? 20 years ago hindi—

TINSAY: Saka siyempre naano na iyon, iyon bang mga makina nila naluma na iyon eh, ‘di ba…

SEC. ANDANAR: Naluma… at saka you must remember ako, during my time, nagdyi-jeepney ako mula sa… dito sa may Marcos Highway papuntang JASM sa Quezon City para pumasok, araw-araw ‘yan. Tapos naalala ko, hindi naman ganoon ka-traffic kumpara ngayon ‘di ba?

TINSAY: Totoo… At saka ano eh, kahit sumakay ka sa jeep, iyong buhok mo hindi naman naaano… (laughs)

SEC. ANDANAR: (Laughs) Oo ‘di ba. So, of course may global warming tayo, dumadami sasakyan sa Metro Manila, mas lalong traffic, pagdating mo sa opisina amoy usok na tayo. Iyong mga mananakay, iyong mga kawani ng gobyerno, mga trabahador, iba ng nagtatrabaho sa… the usual working class, I am pretty sure that they want a more comfortable jeepney na air-conditioned. Pagdating sa opisina/eskuwelahan ay fresh na fresh pa rin ang kanilang mga itsura.

TINSAY: So sa inyo, as far as you are concerned ‘no… sa stand ng gobyerno, itong jeepney modernization long overdue, hindi na ito mapipigilan. Kasi noong nakaraang mga administrasyon, iyong mga strike nila, iyon ang nakakapigil eh ‘di ba? So ngayon, talagang ang gobyerno is bent on pursuing this modernization dahil kailangan na rin ng mga mananakay eh hindi ba?

SEC. ANDANAR: Oo, si Secretary Art Tugade, grabe ang political will niyan. But at the end of this all, it should be for the common good, o kung sino bang majority na mabibiyayaan ng isang mas komportableng sasakyan; it’s really for the common good. But government must also help these jeepney drivers purchase an upgraded jeepney para naman hindi rin sila mahirapan. We understand the call, the sentiments of the rallyists, the protesters.

TINSAY: So siguro ay… open din ang gobyerno para, halimbawa, pag-usapan pa iyon. Gusto kasi nila, parang kung puwede pang mapababa. Sa tingin ko ha, kasi ang sinasabi nila masyadong mabigat iyong 18,000 a month.

SEC. ANDANAR: Oo naman, oo naman. Sigurado naman na open ang gobyerno diyan. So we listen to—kaya nga walang pasok ngayon eh, walang pasok kahapon sapagka’t ito ay bilang respeto ng ating Pangulong Duterte sa mga raliyista, sa mga nagpoprotesta, para mapakinggan ang kanilang mga hinaing.

TINSAY: Secretary, so much for that ‘no. Ano naman ang masasabi ninyo na itong tagumpay ng laban ng gobyerno sa Marawi siege, na ito’y parang talagang nagwakas na ito ‘no, maliban for all the shouting and whatever. Ano nang masasabi mo, kasi may mga nagsasabi naman, baka daw mayroong gaganti rin iyong mga ano… ano pong ano po ninyo diyan?

SEC. ANDANAR: Kailangan natin lahat maging aware, maging alisto, kailangan nating lahat maging mapagmatyag, na hindi tayo dapat maging kampante, maging confident dahil napatay na itong dalawang lider ng Maute/ISIS at napatay na iyong lider ng caliphate ng Southeast Asia na ISIS na si Isnilon Hapilon eh alam mo, mayroon talagang susulpot diyan na papalit diyan eh, mayroong ganiyan eh.

Pero as for now, of course we congratulate the Armed Forces of the Philippines para sa kanilang patriotism and for their indefatigable effort para matapos na itong sigalot dito sa Marawi City. Nandito ako ngayon sa Marawi City, Alex—

TINSAY: Oo, nakita kita sa ano… ito, pinanonood kita sa internet. Nandito ka, kasama mo si Secretary Lorenzana…

SEC. ANDANAR: Oo…

TINSAY: So talagang sila nga ‘yan, iyong sila Isnilon nga iyong bangkay Secretary? Sila po ba?

SEC. ANDANAR: Oo, sila nga. Si Omar Maute, pati si Isnilon Hapilon, tapos mayroon pang pitong bangkay sa labas niyan, mga kasamahan din nila. Mayroon pang mga 18 hostages doon sa battle ground mismo na naiwan, pero kahapon ay—Alam mo, kasama ko si General Año, nasa harapan ko. Gusto mo kausapin din?

TINSAY: Oo, kausapin natin. pagkakataon na po natin ‘yan.

###

 

Resource